webnovel

Chapter 8

Chapter 8 - Creg Gradner

ZIRO

DUMAAN ang mga araw at naging normal na rin ang lahat, naging first rense na rin ako o mas kilala ring level 20. Kahit hindi naman kami pumupunta sa Dungeon ay may nakakasalubong pa rin kaming mga halimaw na agresibo na mukhang hindi nakatira sa dungeon.

Naging kakaiba ang mga halimaw nitong mga araw, hindi kagaya noon na lahat ay galing sa dungeon at may boss kuno na sinusunod ngunit ngayon ay mukhang wala na. Buhay pa naman ang demon lord pero hindi na rin ito nagpapakita simula no'ng mangyari ang kaguluhan sa loob ng dungeon.

Ngunit hindi pa rin talaga nagbabalik ang kapangyarihan ni Sora, nakakapagpagamot pa siya ng mga tao pero siya naman ang manghihina, pero kahit ganoon ay hindi pa rin nababawasan ang pagiging amazona niya pero natitiklop naman kapag nasa paligid lang si Sandro.

Sa totoo lang ay mukhang may gusto si Sora kay Sandro dahil kung magtagpo man ang mata nila ay agad siyang namumula at napapaiwas. Hindi naman siya ganoon sa akin dahil nanghahampas naman siya at nanakit kapag naiinis pero kapag siya ang naiinis kay Sandro ay hindi man lang siya makapagsalita.

Binaba ko ang baso ng tubig at sinulyapan si Sora na natutulog sa kama ko. Ang sabi niya ay dito na daw muna siya matutulog dahil may butas sa kisame niya. Ayaw niya daw mabasa kahit wala naman talagang ulan.

Tumabi ako sa kaniya at tumingin sa kisame. Masayang masaya ako no'ng sinabi ng mga Arc knight na tutulong sila samin ni Sora sa paghahanap sa ama ko. Natutuwa ako na ewan dahil sa wakas makikita ko na rin ang ama ko kahit walang kasiguraduhan.

"Gising ka pa?" Busangot na tanong sa akin ni Sora. Kinusot niya ang mata niya at yumakap sa akin. "Matulog ka na."

"Hindi ako makatulog diyosa," sinipat niya ang mukha ko at ngumiti. "Naiisip mo ang ama mo?" Hindi na rin ako nagulat nang malaman niya ang naiisip ko. Isa siyang dyosa at kayang-kaya niyang basahin ang isip ng tao. "Masaya lang ako diyosa, ang akala ko ay wala ng tutulong sa akin, miss ko na si ama."

"Siguradong miss ka na rin ng ama mo." Mahigpit niya akong niyakap. "Kapag makikita mo na ang ama mo, 'wag na 'wag mo akong kakalimutan ha?"

Kunot noo ko naman siyang sinulyapan. Hindi ko naman makita ang mukha niya kasi nakasuksok ang mukha niya sa dibdib ko. "Ha? Bakit naman kita kakalimutan? Mababagok ba ang ulo ko niyan? Nakikita mo ang hinaharap?"

Sinuntok niya ako sa dibdib ngunit mahina naman. "Tangek hindi 'yon!"

"Eh bakit naman kasi kita kakalimutan? Sabihin mo aalis ka rin 'no? Para kang si Freya, hindi 'yon nagpaalam na aalis siya, bigla na lang siyang nawala." Ang akala ko ay sasabat siya pero tahimik na lang siyang nakayakap sa akin.

Naalala ko pa ang sinabi ni Miya, no'ng bigla daw kinuha ni Dalhina si Sandro ay kasabay naman no'n ang pagkawala rin ni Freya. Hindi nila ito nakita pa pagkatapos no'n. Parang bula na lang daw na nawala. Napabuntong hininga ako at napayakap na lang pabalik kay Sora na parang bata. Parang kapatid kona ang babaeng to kaya ayokong pati siya ay mawala saakin.

KINABUKASAN ay huli akong nagising. Lalamya-lamya akong lumabas sa kwarto at hinanap si Sora. Nakita ko naman siyang nakaupo sa kahoy na upuan habang nakatingin sa estatwa. Umupo ako sa tabi niya.

"Magandang umaga." Papikit-pikit ko pang bati. Sinulyapan niya ako at ngumisi.

"Maganda ang tulog mo diba? Katabi mo kasi ako." Pagmamalaki nito na ikinatawa ko ng bahagya.

"Asa ka pa, ang baho ng hininga mo." Sinapak niya ang braso ko at naiinis na naman akong sinabunutan. "Aray naman!" daing ko

"Hindi mabaho ang hiniga ko! Naamoy mo naamoy mo ha?" Gigil na gigil niyang sabi sa akin.

"Oo na hindi na mabaho hininga mo! Sadista ka talaga diyosa. Ang sakit."

"Kasalanan mo--"

"Ehem." Pareho kaming napalingon ng marinig ang tikhim ng lalaki. 'Agad namang napatayo si Sora at yumuko para batiin si Sandro. Sinasabi ko na nga ba, may gusto nga talaga siya kay Sandro. Sobrang halata niya. Napanguso ako at kamot-kamot ang ulo na lumapit kay Sandro.

"Nasaan ang iba?" Malamig niya akong tiningnan at nilampasan. Naningkit ang mata ko at lumingon sa kaniya. Lumapit siya kay Sora na hindi pa rin malaman ang gagawin, nakatitig siya kay Sandro at bahagya pang gumalaw ang kaniyang lalamunan.

"magandang umaga" Hindi na nagawi pa sa akin ang tingin ni Sora dahil sa abala siya sa pagtitig sa malamig na emosyon ni Sandro. "Gusto mo bang uminom ng tsaa?"

"Ayaw ko." Napapahiyang yumuko si Sora. Umupo naman ako sa gilid niya kaya't nakuha ko ulit ang kaniyang atensyon. Maya-maya lang ay dumating na ang ibang mga myembro ng Arc Knight, kasama din nila si Felisha na masayang lumapit sa akin. Halata naman sa ngiti at nakatuwid niyang mga tenga.

Umupo sa harap namin ang iba, nakangiti naman akong binati nina Frey at Miya. Ang akala ko ay babatiin rin ako ni Riku pero tahimik lang siyang naupo at kunot na kunot ang noo na nakatitig sa akin.

Nahihiya naman akong napakamot ng ulo. Bakit parang ang iinit ng mga ulo nila? Noong isang araw lang ay masaya pa silang inanunsiyo sa amin na tutulungan nila kami sa paghahanap pero ngayon ay parang bumalik na naman sila sa dati nilang mga sarili.

"Ah, anong gagawin natin?" Ako na ang bumasag ng katahimikan. Tumuwid naman ng upo si Sora at pati si Felisha ay binitawan na ang braso ko. Habang sila Miya at Frey ay parehong wala ng emosyon ang mukha ganoon rin sina Riku at Sandro.

"Ngayong araw natin gaganapin ang paglalakbay," saad ni Riku. "May binanggit ang hari tungkol sa isang lugar na kung saan ay ang tirahan ng mga espirito." Sumulyap siya sa akin ay may nilabas na isang mapa.

Tinuro niya ang isang pulang bilog. "Ito ang lugar natin," sinundan niya ang linya doon hanggang sa maituro niya ang berdeng bilog. "Ito naman ang abandonadong lugar. Apat na taon narin no'ng naging abandonado ito dahil sa isang insidente na siyang gumambala sa lahat ng tao, lahat sila ay lumikas papunta sa lugar natin."

"At ang huli ay ang pinakamalayong lugar sa atin, ang Life City." Kunot noo kong tinitigan ang itim na bilog. Ngayon ko lang ata nalaman na may ibang lugar pa na hindi namin napupuntahan kahit mga adventurer kami.

"Anong meron doon maliban sa may mga espirito?" Tanong ko. Napakibit-balikat siya. "Wala ng nakakaalam, kaunti lamang ang alam ng hari dahil hindi naman siya nag-gawi doon no'ng adventurer pa siya "

"Paano nagkaroon ng life city? Walang kahit sinong nagbanggit niyan maliban ngayon." Nagtatakang tanong ni Felisha. Ang kaniyang tenga ay mas nagdikit pa. "Sa totoo lang ay, pinagbabawal talagang ibanggit iyon pero dahil nag-aalala na ang hari at gusto niya ding mahanap ang kaibigan niya ay sinabi niya sa amin ang lugar na 'to." Paliwanag ni Frey.

"Nagbabaka-sakali siyang baka nandoon si Ginoong Zeron." Dagdag ni Miya. "Pero may sinabi pa ang hari, ang mga espirito doon ay pwedeng mabuhay muli ngunit pili lang. Pwedeng isang diyosa at tao pero bago nila makamtan iyon ay dapat may sapat silang rason kung bakit nila hinihiling--"

"Ayos ka lang?" Natigil si Miya sa pagsasalita dahil sa pagtatanong ko kay Sora. Napaangat ng tingin sa akin si Sora at ngumiti ng pilit. "Ayos lang, sumakit lang bigla ang ulo ko. Sige magpatuloy ka na Miya."

"Kung mabubuhay nga ang isang tao ay posible daw na makakalimutan niya ang kaniyang nakaraan"  patuloy ni Miya.

"Paano nasabi ng hari iyan?" Ngumiti sa akin si Miya. "'Yan daw po ang teorya ng ama mo kuya Ziro."

"Teorya?" Nagtatakang tanong ko. Wala namang kahit anong sinabi sa akin si ama na bukod sa naghahanap siya ng mga lugar na hindi pa napupuntahan ng iba ay may ginagawa rin pala siyang mga teorya. "'Yan daw po ang sinabi ni Ginoong Zeron sa hari."

"Ang kwento niya din sa amin na bata pa lang daw sila ay mahilig na daw silang gumala kaya no'ng naligaw sila ay gumawa ng paraan si Ginoong Zeron para makaalis sila at makabalik sa kanilang tinitirhan. Pero bago daw po sila nakaalis ay nagkaroon sila ng kaibigan sa isang kweba at 'yon ay ang demon lord ngayon." Nagulat naman kami nina Felisha at Sora dahil sa narinig.

"Ibig sabihin? Kaibigan..."

"Hindi man kapani-paniwala pero iyon ang totoo, ang sabi ng hari ay gusto daw ni Esther na maging makapangyarihan. Kaya tumira siya sa kweba na walang kahit anong kasama, upang magsanay. Pero no'ng si Haring Alvan ang nahalal bilang hari ay parang bula na lang itong nawala. At nitong nakaraan niya lang nalaman na ang demon lord sa dungeon at si Esther ay iisa." Sabat naman ni Frey.

Hindi naman kami nakareact agad. Pero maya-maya lang ay tumayo na silang lahat. "Maghanda na kayo." Tumango naman kaming tatlo. Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ang maliit kong bag.  Inilagay ko doon ang mga damit at mga importanteng gamit upang magamit sa paglalakbay.

Agad namang napunta sa kamay ko ang aking dagger. Minsan talaga ay natatakot ako sa sandata ko na 'to. Hindi ko naman kinukuha pero kusang napupunta sa kamay ko.

Nang makalabas ako dala-dala ang bag ay 'agad naman silang tumango sa akin na pinagtaka ko. "Anong meron?" Wala namang pumansin sa akin. Seryosong-seryoso na ang mukha nila. Naitikom ko na ang bibig ko. Nakakatakot naman ata sila.

Si Sora na lang ang hinihintay namin. Nang marinig ang pagbukas no'n ay unang lumabas si Sora. Ganon parin ang suot niya at parang walang balak na magpalit ng damit.

Si Felisha naman ang huling lumabas, nakahanda na ang bag niya pero nag-iba naman ang kaniyang suot.   Nakasuot siya ng dress na gawa sa mga dahon. Nag-upgrade pala kaming lahat. Lumapit naman kami sa mga Arc Knight.

"Ngayong handa na tayong lahat aalis na tayo." Ani Riku. Sandali siyang sumulyap sa akin. Ayan na naman ang seryoso niyang mukha na nakapagpakaba sa akin.

Nang makalabas na kami sa simbahan ay bumungad na naman sa amin ang ibang mga adventurers. Hindi mawala-wala sa amin ang mga mata nila. Sabagay, kasama namin ang mga Arc Knight kaya ganiyan na lang ang tingin nila sa amin. Nakikita ko pa sa mga level nila. Ang iba sa kanila ay First rense na 'tulad ko, may level 30 na rin. Siguradong takang taka sila kung bakit namin kasama ang mga Arc knight sa kabila ng level naming wala pa sa kalingkingan nila.

Tuluyan na kaming nakalabas sa village. Patuloy naman ang pagsunod namin kay Riku na nangunguna sa paglalakad. Ngunit lahat kami ay napahinto at napaatras ng biglang may biglang tumalon mula sa taas.

"Hello po!" Naningkit ang mata ko nang makita ang batang lalaki. Pamilyar ang mukha niya. "Sino ka?" Tanong ni Miya. Nagulat pa ako dahil napakalamig ng boses niya. Grabe ganito ba talaga sila kapag seryoso. Nakakatakot.

"H-hindi mo ba ako naalala?"

Napahawak sa labi si Mia. "Ikaw yung tangang lalaki diba?" Napahampas nalang ako sa noo ko dahil sa sinabi ni Miya.

"Ano?" takang tanong nung bata.

"Sino ka ba bata? Mas mabuting umalis ka na lang!" ani Sandro na kanina pa naiinis. Atat talaga ang lalaki ito at hindi marunong magsalita ng mahinahon

"Ayaw ko po!" Iling nito at nagkrus pa ang braso na parang si Sandro lang kung umasta.

"Sasama po ako sa inyo." Nangunot ang noo ni Miya dahil sa sinabi ng bata. "Hindi ka pwedeng sumama sa amin! Hindi ka naman namin kilala, hindi ka rin adventurer." Angal pa ni Miya na ang sama na ng tingin sa batang ka harap niya.

"Wala naman akong sinabing adventurer ako eh, gusto ko lang sumama." Pagpipilosopo pa ng bata na ikina palatak ng dila ni Miya.

Sinulyapan ko si Riku nang marinig ang buntong hininga niya. "Anong pangalan mo?" Maya-maya'y tanong niya.

"Ako po si Creg Gardner ,ako yung batang lalaki na muntik ng kainin ng Minatour." Kamot ulo niyang saad. "Nagsanay rin ako kaya marunong na akong magdefense, hindi man ako official na adventurer pero kaya ko na pong-- ah!!" Sigaw niya ng sumulpot sa likod si Riku.

"Sabi mo kaya mo? Pero hindi mo man lang ako napansin sa likod mo? 'Yan ba ang marunong mag-defense?" Lumapit si Miya kay Creg at hinampas ang mage wand nya sa ulo ni Creg

"Miya! Tigilan mo na yan!" Utos sa kaniya ni Riku. Humaba ang nguso niya at humingi ng tawad sa bata "Napakatanga mo naman!" Hirit ni Miya.

"H-hoy! Bata! Hindi ako tanga ah! Hindi lang talaga kita napansin kaya gano'n." depensa nito kay Miya. Pareho na sila ngayong nakanguso at ang cute nilang tignan.

"Talaga?" Ngumiti na lang sa kaniya si Miya at muling ipinalo ang wand niya sa mukha nito. "Aray ko!" Mangiyak ngiyak na hinawakan ng bata ang ilong niya. "Ang sakit! Babae kaba talaga?!"

Napailing na lang ako. Hindi ko alam na ganito pala si Miya. Mukha siyang mahinhin kapag kasama kami pero kapag ibang tao naman ang kaharap niya ay lumalabas ang kaniyang tinatagong ugali. Napahawak na lamang ako sa bibig para pigilan ang tawa.

Naglakad ako papunta sa kanila at hinawakan ang balikat ni Miya. "Isama na lang natin siya tutal naman ay marunong na daw siyang magdefense."

"Sige na nga," iniunat nya ang kamay para tulungan tumayo si Creg at agad naman niya itong tinanggap. "Pasalamat ka at sinabihan ako ni kuya Ziro! Kung hindi ay hindi ka talaga sasama sa amin." tinarayan niya ito at nagtago sa likod ni Sandro.

Humaba ang nguso ng bata at lalamya-lamyang tumabi kay Sora na kanina pa nakangiti. "Hi ate!" Bungad nito kay Sora

"Hello!" nginitian naman siya ni Sora.

"Kapag sa kaniya ay nakikinig ka, pero sa akin hindi?" Tanong ni Riku kay Miya. Bagaman seryoso ang kaniyang mukha ay naroon pa rin sa boses niya ang pagkainis.

"Hehehe, baka sa akin talaga siya sumusunod, Riku. 'Wag ka ng mainis." Nahihiyang sabat ko. Nagulat naman ako ng tiningnan niya ako ng masama.

"Ikaw na ba ngayon si Miya?"

"Eh? H-hindi naman sa gano'n eh, ano... uh, ano." Grabe kinakabahan talaga ako kay riku. Parang amazona din ito katulad ni Sora.

"Tsh, tara na!" Sabat ni Sandro. Nakahinga naman ako ng maluwag nang mawala na sa akin ang atensiyon ni Riku. Nakakagulat talaga siya paminsan-minsan.

Nanayo ulit ang balahibo ko ng magdikit ang balikat namin bi Riku dahil sa pagdudutdot ni Miya sa tabi ko. Tiningnan niya ulit ako at senenyas na umalis ako sa tabi niya. Nahihiya naman akong lumapit kay Felisha.

Nang nasa tabi na niya ako ay agad niyang inangkala sa akin ang kamay niya at ngumiti sa akin kaya naman ay nakikita ko ulit ang ngipin niya. Naging malikot rin ang kaniyang tenga at parang nandidilim ang buong mukha.

"Ziroo~"

Napakamot ako sa ulo ko dahil sa nakakatakot niyang mukha. "'Wag ka na ulit lumapit sa kaniya ha?" pagbabanta ni Felisha.

"B-bakit naman?" Ngumisi lang siya ulit sa akin. Bakit ba napapalibutan ako ng mga nakakatakot na mga babae? Tuloy ay naiisip ko na may dala dala akong sumpa. Lagi rin silang naiinis sa akin eh.

O baka sadiyang lapitin ako ng mga babae?

Bab berikutnya