webnovel

Chapter Thirty

"Cali, wait!"

Nagbingi-bingihan si Calista sa tinig na iyon. Mabilis niyang ipinagpatuloy ang paglalakad, ni hindi siya nag-abalang lingunin si Drake na alam niyang hinabol siya.

Bastard! You have the guts to tell me you will forgive me? Ikaw pa ang magpapatawad sa akin?! She laughed to herself bitterly, kasabay ng pagpatak ng isang luha na mabilis niyang pinalis ng palad mula sa pisngi.

"Calista sandali!"

"Go away!" she yelled without looking back. She has to get away from him ASAP! Siguradong paglabas ng compound ng restaurant na iyon ay makakakuha siyang ng taxi, kung bakit ba naman kasi napilit siya ni Drake kanina na hindi magdala ng sariling sasakyan!

Mas binilisan niya ang paglakad nang maramdaman niyang malapit na ang mga yabag nito sa kanya. Sa pagmamadali ay hindi niya napansin ang isang batong nakakalat sa daan, at dahil sa naka heels siya ay mabilis siyang natapilok.

"Ah!" isang mahinang tili ang kumawala sa kanyang lalamunan kasabay ng pagbagsak niya sa sementadong driveway.

"Cali!" Drake's voice roared, sa isang kisap mata ay naroon ito sa kanyang tabi.

"Shit!" malakas na mura nito sabay abot sa kanang paa niya upang tignan.

Sa sobrang sakit na nararamdaman niya ay hindi na niya ininda ang mga kamay nitong dumantay sa kanyang balat.

"Fuck! I think you twisted your ankle! We need to go to the hospital!" Mabilis itong tumayo at akma siyang bubuhatin.

"N-no...I...I'm okay..." aniya na pinilit makatayo. Mabilis siyang napangiwi sa sakit ng bukong-bukong. Mukhang tama si Drake, nabalian nga yata siya.

Without a word, Drake scooped her up in his arms.

"D-Drake! P-put me down..."

Tila walang narinig ang binata, malalaki ang mga hakbang nito patungo sa parking lot.

"Ibaba mo na ako, kaya ko naman-"

"For heaven's sake will you just be still Cali!" tila kulog ang tinig ni Drake, he paused a little bit to look at her, "nasaktan ka na at lahat pride pa din ang pinapairal mo! Will you listen to me even just this once!"

Cali bit her lower lip, magkahalong sakit ng paa at sakit ng kalooban ang namamayani sa kanya, and to make it worse, even her pride was wounded tonight for crying out loud! She silently cursed the 5-inch stilleto heels she was wearing! Kung nag flats na lamang sana siya, hindi siguro ganito ang aabutin niyang pinsala kahit pa matapilok siya.

Drake carefully placed her in the passenger seat of his car bago ito mabilis na umikot sa driver's side.

Sa loob ng ilang minuto ay walang naging imikan ang dalawa sa loob ng sasakyan habang binabaybay nila ang daan patungong ospital.

Cali couldn't help glancing at Drake who whose eyes were focused on the road. Naka kunot ang noo nito at nakabalatay sa mukha ang pag-aalala. Kung hindi lamang niya alam ang tunay na kulay ng binata ay baka makumbinsi siya nitong sadya nga itong nag-aalala para sa kanya. But it's too late now, hindi na siya ang batang Calistang madaling mahulog sa mga hungkag na pangako at matatamis na salita. She has learnt the hard way how people you trust the most can deceive and betray you in the blink of an eye.

"Is there something wrong with my face?" Drake asked out of the blue.

Napapahiyang nagbawi ng tingin si Cali, ni hindi niya inaasahan na alam ng binata ang pagtitig niya rito.

"I am just wondering why you're doing this. Wala kang kahit na anong obligasyon sa akin, Drake."

Drake briefly glanced at her, "what do you mean? Empleyado kita, hindi ba?"

Cali didn't answer. Empleyado. Right. What was she hoping for anyway? Did she want to hear him say that she was more than just an employee? At kung magkaganoon man, mayroon bang magbabago? Mapapatawad ba niya ito sa lahat ng sakit na pinagdaanan niya?

Disimulado niyang ipinilig ang ulo, as if to wake herself up from having delusions.

"We're here," ani Drake as he pulled the car up to the parking lot of the Emergency.

Cali tried to get off the car on her own but Drake was already there and he once again scooped her up in his arms without warning.

********

"We'll have to do an X-ray on your wife, Mr. Lustre," anang doctor matapos tignan ang namamaga na niyang bukong bukong.

"Ah, hindi po niya ako asawa doc," mabilis na sagot ni Cali bago pa nakasagot si Drake.

"Oh, I'm sorry. I thought you two are a couple."

Makahulugan siyang tinapunan ng tingin ni Drake bago muling hinarap ang doctor. "Yes doc. Please do everything you need to do."

Matapos ang X-ray ay inabisuhan sila ng nurse na mag-antay ng resulta sa Emergency. Si Cali ay nakaupo sa isa sa mga kamang naroon sa emergency room habang si Drake ay nanatiling nakatayo katapat ng kanyang kinauupuan. His back was rested against the wall, his arms folded on his chest. Nakatungo man siya ay alam niyang nakatitig ang binata sa kanya.

"Should I get you something to eat while waiting? Hindi ka nakapag hapunan."

Nag-angat ng paningin si Cali at hindi siya nagkamali, Drake was staring at her. "H-hindi ako gutom. Thanks."

"Listen, I'm sorry about what I said earlier, if that upset you."

Napatingin siya sa binata. He looked sincere. She opened her mouth to say something only to shut it, dahil parang walang tamang salita ang mamumutawi sa mga labi niya. Muli siyang nagbaba ng paningin ang bit her lower lip.

Umalis si Drake mula sa pagkakasandig sa dinding at naglakad palapit sa kanya. He sat beside her, narinig niya ang buntong hiningang pinakawalan nito.

"I still don't get it, Cali."

"W-what do you mean?"

Nilingon siya ni Drake at tinitigan. Hindi maipaliwanag ni Calista kung bakit tila naroon ang sakit na nakasalamin sa mga mata nito.

"Why did you leave me?"

Calista avoided Drake's eyes, muli siyang nagbaba ng paningin upang hindi makita nito ang pamamasa ng kanyang mga mata. It's been five years and she thought her heart has gotten over it, ngunit bakit ngayong kaharap na niya ito ay parang nanghihina na namang muli ang puso niyang pinilit na niyang gawing bato sa nakalipas na mga taon?

She cleared her throat bago nagsalita. "I-it's all in the past Drake..." she looked up to meet his gaze, "can we not talk about it? Whatever we had back then...a-ayoko ng maalala."

Nakita niya ang pagtiim ng bagang ng binata. Makalipas ang ilang minuto ay tumayo ito. "I'll wait in the lobby."

Sinundan ng tingin ni Cali ang binatang naglakad palayo. A tear freely fell from her eyes.

I can't let you back in my life Drake.... I can't let you hurt me again...

Bab berikutnya