webnovel

Kabanata 22

NAPAKAHIRAP ng mga lumipas na araw, matapos bawian ng buhay si Dexter sa kaniyang mga kamay. 

Hanggang ngayon hindi niya malubos maisip na bakit... bakit kinailangan niyang siya pa ang dapat kumitil sa buhay ng taong mahal niya.

Itinatanong niya kung bakit kailangan na ito at si Dexter ang makaranas ng sakit ng isang bunga ng nakaraan? Bakit sila ang dapat magdusa, kung parehas at tunay naman ang pag-ibig na natagpuan nila sa isa't-isa? Iyon lagi ang itinatanong ni Carrieline sa sarili.

Sadiya yata talagang ganoon kadaya ang mundong ginagalawan nila, na maski sa mundo ng panaginip kung saan nagagawa nila ang imposible ay ipinagdamot pa sa kanila ang kakapiranggot na panahon. Upang kahit papaano sana ay maramdaman nilang malaya rin nilang maipadama ang pag-ibig na natagpuan nila sa bawat isa.

Ngunit kung anong iksi ng sandaling nagkakilala sila ay ganoon din kabilis matapos ang lahat.

Sobra siyang nasasaktan para siyang pinatay ng ilang beses dahil sa sakit na kaniyang nararamdaman, buhay nga siya pero halos 'di niya mawari kung paano nito ipagpatuloy ang buhay niya dahil sa pagkawala ni Dexter.

Pero sa paglipas ng panahon, unti-unting naghilom ang lahat ng mga alaalang kaakibat nang pagkawala ni Dexter.

Unti-unti siyang bumangon,  kahit paano nakakangiti na siya sa ilang buwan na wala ito.

Mabuti nalang at laging nariyan si Jared, hindi na pumasok sa trabaho si Carrieline. Nagstay na lamang ito sa kanilang mansyon, dahil lalong lumala ang kaniyang karamdaman.

Mahina na ang puso niya, sa isang atake na lamang maari siyang mabawian ng buhay. Kaya ingat na ingat ang Mommy at Daddy niya, hindi nila hinahayaang magdamdam siya o malungkot. Dahil bawal na bawal ito sa dalaga.

Kalimitang dumadalaw pa rin si Jared sa kaniya at kahit napakalayo ng Maynila ay parang hindi ito napapagod sa pagdalaw rito.

ISANG gabi habang umuulan, iinot-inot na bumangon si Carrieline mula sa kinahihigaan. Mabilis nitong pinasadaan ang bagong limbag na libro na isinulat lang naman ng mahal niya---- si Dexter.

Marahan niyang inilapit at hinalikan ang pabalat niyon na tila ang binata  na ang mismong ang hinalikan niya sa mga sandaling iyon.

Kabibigay lamang ni Jared iyon kaninang hapon, dinaan ng binata iyon  sa dati niyang pinagtratrabahuhan. Dahil iyon ang mahigpit niyang ibinilin, inumpisahan na niyang binuklat ang aklat. Sa bawat pahina'y pumapatak ang kaniyang mga luha, marahan niyang inililipat iyon sa dibdib na nagbibigay naman sa kaniya ng kakaibang kasiyahan.

Hanggang sa nakarating siya sa pinakahuling pahina ng libro, kung saan  nakasulat mula roon ang Epilogue na si Carrieline mismo ang nagsulat.

Napangiti siya nang mapait, dahil masyadong tragic ang sinulat na ending ni Dexter. Kaya upang magdesisyon siyang baguhin ang ending niyon.

"Sa wakas ni Dexter isinulat niya roon kung paano namatay ito sa mga kamay ng bida. Ilang buwan ang lumipas ay sumunod rin ang babaeng mahal ng bidang lalaki. Pagkatapos na maging ganap ang libro. Sumikat ang nasabing libro na pinangalanganang "Sin Mideo A La Muerte" hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling mabili ito dahil..."

Napangiti siya sa mga huling pahina, hindi na niya itinuloy ang pagbabasa. Dahan-dahan siyang tumayo matapos niyang ilapag sa lamesa ang libro. Ngunit sa kaunting galaw na kaniyang ginawi ay bigla itong nakaramdam ng matinding kirot na nagmumula sa kaniyang dibdib.

Napahawak siya mula roon, unti-unting umikot ang kaniyang paligid. Maging ang kaniyang paghinga ay kusa nang tumigil. Dahil tuluyan nang huminto sa mga sandaling iyon ang pagpintig ng kaniyang puso. Hanggang sa bumagsak ang pagal niyang katawan sa carpet ng kaniyang kuwarto.

Nanatiling nakamulat ang ang mga mata niya, isang pares ng paa ang  nakita niyang palapit sa kinaroroonan nito.

Ramdam niya ang masuyong paghipo nito sa kaniyang pisngi, dahan-dahan siyang pinatayo nito. Ramdam na ramdam ni Carrieline ang tuluyang pagkawalay ng kaniyang kaluluwa sa kaniyang katawan. Maiksi pa niyang tinapunan iyon pagkatapos.

Inalis na niya ang pansin sa kaniyang katawan, isang napakaliwanag na bagay ang nakita ni Carrieline mula sa pintuan ng magbukas iyon. Dahan-dahan siyang naglakad.

"Halika na Carrieline, naghihintay na siya sa iyo."sabi ng tagasundo sa dalaga.

Sumunod siya rito, hanggang sa sakupin na siya ng liwanag papunta sa dako pa roon...

WAKAS

Bab berikutnya