webnovel

Kabanata 17 - Exchange Blows

Marco Silva is invited to the M.G.C.C. Graphics Monster Company anniversary. The CEO and its board members were happy to announce their reign since Mr. Silva entered the company. "It was the most precious time," said the CEO. "I don't know if he even knows me up until now. But all I could say is that I knew him. Without him, I will not be able to stand where I am standing right now. He is such a blessing - not only to me but to everyone else's. And to some other point, I don't believe that he is a criminal. For me, he never was," He added.

For the first time in history, the CEO spoke to the media about Marco Silva - the only one who did for the past few years. Marco was known to be the youngest criminal in the world. And the CEO did not hesitate to invite Mr. Silva and his colleagues to his company's anniversary. The event will take place in the Romano Arena in Manila, the Philippines on the 18th day of February.

It was from that day, he killed Yella Mariachi. Up until now, he could still remember the scene and smell the blood on his hands. The people around him were gossiping about him and the girl that was lying on the floor. His friends and his rivals were there. But he cannot seek some help from them nor told them that it was an accident.

February 18.

Ang araw kung kailan nagbago ang lahat hindi lamang para sa kanya ngunit pati na rin sa kanyang mga kasamahan. Napakasakit para sa kanya ang nangyaring iyon at kung maaari lang ay ayaw niya nang balikan pa iyon. Pero sa kasamaang palad ay tila ba sinasadya ang bawat pagkakataon.

Naging problema para sa kanilang lahat ng kanyang mga kasamahan ang nabasa nilang headline tatlong oras na ang nakakalipas. At ngayon ay muli na naman silang humaharap sa isang sitwasyon na kahit minsan ay hindi nila pinangarap na mangyari.

"We are all invited to that event. That's nice!" Maya-maya'y sarkastikong anas ni Orlando at pagkuwan ay napangisi. "I can't imagine that all of my life, I am trying to stay away from you. And now, I was link to your names for the second time? This is ridiculous!" Dagdag pa nito at pagak na natawa.

Si Aleman ang nagsalita. "Pwede bang tumigil ka sa kaka-Ingles? Hindi ka ba marunong gumamit ng salita ng bansang kinatatayuan mo ngayon? O sadyang napakalaki lang ng ulo mo?" Iritable nitong anas.

"What-"

"At para sa kaalaman mo, mas sikat sa'yo ang CEO ng kompanyang pinagtatrabahuan namin," sambit nitong muli na hindi hinayaang maipagpatuloy ni Orlando ang sasabihin nito. "Isa ka lang Film Director. Kung hindi dahil sa tatay mo ay wala ka ngayon sa kinalulugaran mo,"

Sa sinabing iyon ng binata ay hindi na muling sumagot pa si Orlando lalo na nang mabaling ang tingin nito kay Marco na kunot-noong nakatitig sa kanilang dalawa ni Aleman. Ngunit imbes na muling kagalitan ang dalawang binata dahil sa kanilang inasta ay muling itinuon ni Marco ang kanyang atensyon sa nabasa nilang article mula sa kanyang email.

It wasn't that suspicious but there was something in it that he couldn't explain. Lalong-lalo na sa sinabi ng CEO tungkol sa kanya at sa nalalaman nito sa kanya. Mula sa statement nito, pakiramdam niya ay matagal niya nang kilala ang may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuan nila. Pero kailan niya nakilala iyon?

Sino ang CEO na iyon at bakit sa lahat ng tao ay kakaiba ang trato nito sa kanya?

"Pwede bang magsitigil kayo?" ani Roja. "May mas kailangan pa tayong asikasuhin kaysa sa pag-aaway niyo. At 'yun ay ang balitang 'to na hindi natin alam kung bakit nangyayari ngayon," Dagdag pa nito at muli ay nabaling ang tingin sa computer screen kung saan ay nakatutok pa rin ang mga mata ni Marco. "I have no idea who that CEO was but he's on to something,"

Napatango si Elton. "Tama si Roja. Pero sa tingin ko ay walang binabalak na masama ang CEO ng kompanya," anito na agad nilang ikinatitig sa kanya.

"How do you think so?" tanong ni Orion. "At paano tayo makakasigurado na hindi tayo binabaliktad ng lalaking 'yan? Paano pala kung ginagawa niya 'yan dahil may nag-utos sa kanya?" Napailing ito. "Sa pagkakaalam ko ay hindi lamang si Silva ang pinupunterya ng mga tao. Pati tayo ay walang ligtas sa ginawa niyang katarantaduhan. Paano pala kung nagpasya ang karamihan na imbitahan tayo sa event na 'yan at..."

Nahinto ito. At kasabay niyon ay agad na pagpukol nilang lahat ng tingin sa binata. Bahagya silang napaisip sa mga sandaling iyon lalo na si Marco na tila ba sang-ayon sa sinabi ni Orion. Bagamat lubos ang galit niya rito ay hindi niya magawang maalis sa kanyang isip na baka tama ito.

It might be bait for him and for all of them.

Maraming galit sa kanila at alam niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimutan ng karamihan ang nangyari noon. Hindi imposible na tama nga ang kanyang iniisip sa ngayon.

"Wag niyong sabihing naniniwala kayo sa lalaking 'to?" Basag ng katahimikan ni Mikaela. "For all I know, tinatakot lang niya tayo. At sigurado naman ako na walang masamang hangarin ang CEO na 'yun. Maybe, he's just being nice and nice is good, right?"

Sumagot si Klesha. "Of course," tango nito. "Saka businessman ang lalaking 'yan, alangan namang sirain niya ang sarili niyang pangalan para lang mabigyan tayo ng leksyon sa nangyari noon?"

"That's possible," Maya-maya'y sabat ni Claire. "Maybe, we're just being paranoid at this moment because of this news. Baka nag-iisip lang tayo ng kung ano-ano sa mga bagay na walang katuturan," Nakangiti nitong sambit na ikinatango ng iba sa kanilang kasamahan. "And if there's a possibility that this guy wanted us dead, then he should have done it a long time ago,"

Exactly.

Napakaraming kuro-kuro ang siyang naiisip ng mga kasamahan ni Marco sa mga sandaling iyon. Habang siya naman ay lutang at tila ba napunta na sa kabilang mundo ang kanyang utak.

Hindi niya na alam kung ano ang iisipin niya at kung ano ang dapat niyang gawin. Hindi niya alam kung sasang-ayon ba siya kay Orion o mas paninindigan niya ang opinyon ng mga kababaihan.

For him, this situation is harder than what he had experienced in the past.

Hanggang sa hindi naglaon ay nakita na lamang niya ang kanyang sariling tulalang nagsasalita sa harap ng kanyang mga kasamahan.

"Paano kung tama siya?" aniya habang tulalang nakatitig sa harap ng computer screen. "Paano kung ginagamit lang pala ang CEO ng M.G.C.C. o ang event na 'yun para mahulog tayo sa kumunoy? Paano kung sa pangalawang pagkakataon ay tuluyan na nga tayong mapunta sa alanganin? At paano kung mas higit pa pala ang gagawin nila sa 'tin kaysa sa ginawa nila noon?" Sunod-sunod niyang tanong. "Wag niyong sabihin na kahit katiting ay hindi rumehistro sa isip niyo na baka tama si Orion?"

Roja spoked. "Wag tayong basta nalang mag-isip ng ganyang klaseng bagay. Yes, it might be possible but-"

"What?" Putol niya sabay baling sa binata na agad na nahinto. "What do you think? Ano pa bang ibang rason ang naiisip niyo kung bakit nangyayari ang mga bagay na 'to?" tanong niya sabay tayo sa kanyang kinauupuan. "Iisa lang naman, diba? Sino ba sa mga taong nakakasalamuha natin ang binigyan tayo ng pagkakataon na mabuhay ng malaya? Meron ba?"

Si Orlando ang sumagot. "I don't know about you. But people were so nice to me and I couldn't ask for more," Nakangisi nitong anas.

Ngunit agad din namang naglaho ang ngiting iyon sa mga labi ni Orlando nang marinig nito ang mga sumunod na sinabi niya.

"Yes, they were nice to you," He said without even cutting off his gaze at Orlando. "Pero paano ka nakakasigurado na totoo nga ang pinapakita nila sa'yo? Sigurado ka ba na pagtalikod mo ay ganon pa rin ang trato nila sa'yo? O baka naman napipilitan lang sila na makisalamuha sa'yo dahil kailangan nila ang galing mo sa industriyang napili mo?"

Pagak na natawa ang huli. "At sino ka para pagsabihan ako ng ganyan?" Tiim-bagang nitong anas at pagkuwan ay humakbang papalapit kay Marco. "Naiinggit lang kayo dahil mula noon hanggang ngayon ay sirang-sira pa rin ang buhay niyo. Mahirap bang tanggapin na 'yung inaakala niyong walang mapupuntahan na tulad ko ay mas successful kaysa sa inyo?"

Sumagot si Miguel. "Ang tanong, may inisip ba kaming ganyan? Alam mo ba kung ano ang nasa utak namin habang inis na inis kaming nakikita ang pagmumukha mo?" Napailing ito. "Pwede bang wag kang assuming, Orlando? At kung pwede lang ay wag kang umabuso,"

Matapos sabihin iyon ay muli na namang nagsunod-sunod ang gulo sa loob ng kwartong iyon. Habang ang iba ay pinipilit na kumalma ang bawat isa, sina Miguel at Orlando naman ay walang ibang ginawa kundi ang magsagutan sa mga sandaling iyon. Hanggang sa hindi naglaon ay hindi lamang silang dalawa ngunit pati na rin ang halos lahat sa kanila ay nagsimula nang umpisahan ang gulong natigil din ng ilang taon sa pagitan ng bawat isa.

Ngunit sa kalagitnaan ng rambulan na iyon ay mataman lamang na nakatayo si Marco sa kanilang likuran. Nakapamulsa siyang pinagmamasdan ang lahat sa ginagawa nilang iyon. Sa katunayan ay hindi niya alam kung bakit ganon siya kung umasta sa harapan nila gayong ayaw na ayaw niya ang ganoong klaseng eksena.

He's just standing there without even trying to shut them up. He know he could do it in a matter of seconds but he didn't. Actually, he couldn't. Dahil sa mga oras na iyon ay wala siyang ibang iniisip kundi ang mga sitwasyon na kinasasangkutan nila ngayon.

Orlando and Orion was right.

Kaya naman sa mga sandaling iyon ay agad siyang nagpasya na lisanin ang lugar na iyon. Walang isang salita siyang lumabas mula sa kanyang kwarto at pagkuwan ay dahan-dahang isinarado ang pinto. Hanggang sa maya-maya ay may narinig siyang nag-uusap mula sa kusina. Mula roon ay natanaw niya sina Fernando at TJ na tila ba abalang nagkakape habang masayang nakukwentuhan.

Bagay na lubos niyang ikinatuwa dahil sa pagkakataong iyon, sa wakas ay matatakasan niya na rin sila.

Bab berikutnya