webnovel

Chapter 21- Fire

Hema's Pov

dalawang araw ang nakalipas na hindi ako nagpakita kay hera. Kaya't hindi kami nakapag-ensayo. hindi ko siya nilalayuan. Wala akong rasun para layuan siya. natatakot lang akong magtanong siya ulit tungkol sa nakaraan niya.

Pinatibay ko nalang ang loob ko na magpakita ngayon sa kanya. malapit na ako sa training room na kagaad na lumabas si fatima. Nagulat pa siya nang makita ako.

"Saan ka nagpunta at ngayon kalang?" Makahulugang tanong niya. Ang alam nila ay may ginawa akong importante sa isang bayan. Umiling ako at ngumiti.

"Wala naman. tapos ka nang magensayo kay hera?" Tanong ko para hindi na mabalik ang pinaguusapan namin kanina. Umiling din siya at uminom ng tubig.

"Break muna. nakakapagod mag ensayo kay hera. dalawang araw palang parang si clarissa na ang kanyang mga galawan. Malaki ang pinagbago niya sa loob lamang ng dalawang araw. Kaya't okay na siguro ang isang linggong ensayo sa kanya? Pero sayo, siguro dagdagan natin ng dalawang araw pa. Mahirap ang gagawin mo eh. Sarili niya ang mapapahamak dito kung hindi niya kayang—" naputol ang sasabihin ni fatima nang lumabas si hera na blanko ang mukha.

Ang laki nga ng pinagbago niya. Dalawang araw palang pero hanggang bewang na ang kulay brown na buhok niya. At ang katawan niya ay may nagbago na din. ang mga mata niya ay kung titignan mo ito ay parang hinihigop ka. sa dalawang araw na nagdaan bakit ang bilis ng pinagbago niya?

"Bakit ngayon kalang?" Nanindig ang balahibo ko nang magsalita siya sa malamig na tono. Pero nakatuon ang pansin niya kay fatima. at tumingin sa akin. Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa ako walang buhay.

"M-may ginawa lang ako." Nauutal na sabi ko. Ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako. Paano nalang kung kaming dalawa nalang ang nasa loob ng training room? Paano kung hindi ko kakayanin ang kanyang emosyon?

Tumango naman siya at pumasok na sa loob. narinig ko namang bumuntong hininga si fatima at napahawak sa dibdib niya.

"Sabi sayo eh. Noong unang araw na nagensayo kami okay pa siya pero dumaan ang ikalawang araw . Para siyang si clarissa noong una. ewan ko ba kung ano nangyari jan. Tapos ang bilis na din niyang matuto sa tatlong elemento na tinuturo ko. Maayos niyang nagagawa lahat." Kwento ni fatima na nagtataka ang mukha.

"Diba apat na elemento ang kapangyarihan niya?" Tanong ko. napaisip naman siya.

"Oo, apat nga. Pero yung isa, ewan ko parang hindi niya kinaya kanina. Kaya nga nag break nalang kami baka wala na siyang lakas kaya hindi niya nagawa " Seryosong sabi niya.

"Ano ba na elemento ang hindi niya makaya?" Takang tanong ko.

Sa pamilyang Estacolino ay dapat malaman ang lahat na kapangyarihan. dapat alam mong kontrolin at pag gamit dito. Kaya nagtataka ako na siya ang nakakuha ng apat na elemento pero nakaya ng katawan niya pero hindi niya kayang kontrolin.

Magsasalita na sana si fatima nang mag ring ang kanyang maliit na alarm clock sa kamay hudyat na tapos na ang oras ng pahinga.

"Pumasok ka nalang at tignan mo kung pano gawin ni hera ang tatlong kapangyarihan niya at ipapagawa ko ulit sa kanya ang ikaapat na kapangyarihan niya." Sabi niya sa akin kaya tumango ako at sumunod sa kanya papasok sa training room.

Nadatnan namin si hera na natutulog sa mesa na may apat na librong malalaki. siguro yun ang ginagamit ni fatima sa pagtuturo. Sunod na nakita ko ay ang mga sandata para sa pakikipag-away katulad ng mga katana, blades, swords at marami pang iba.

sa gitna naman ay merong malaking space para sa pageensayo. Ngayon lang ako nakapasok sa training room na ito kaya nakakamangha ang kalakihan ng loob. kulay kahel ang pintura sa loob kaya parang nasa langit kalang. napatingin ako sa paanan ko at ganun nalang ang pagkamangha nang napagtanto kong design lang ang mga isdang parang naglalangoy pero hindi naman.

"Umupo ka muna dito hema. Magsisimula na kami ngayon." Sabi ni fatima sa akin na nagsusuot na ng gloves. nagtataka naman akong tumingin sa kanya. Naparang nagtatanong kung para saan ang gloves na iyan. napatawa naman siya. "Trip ko lang para naman mas maangas tignan." Sabi niya at pumunta na kay hera na nababagot na siguro kakahintay sa kanya.

Napailing naman akong umupo at tumingin sa gitna na kung saan seryosong naguusap si hera at fatima. Tumawa ng malakas si fatima pero blanko padin ang mukha ni hera. Parang wala pakialam sa sarili. parang hindi siya si hera.

Maya-maya ay bumalik si fatima sa tabi ko at may kinuhang libro. Tumingin siya kay hera. "Ipapakita mo lang naman ang mga nagawa mo ngayon sa amin ni hema at gagawa ako ng ilusyon para naman ay mas exciting." Natatawang sabi ni fatima. Ewan ko ba dito kanina halos hindi na makahinga ng lumabas si hera sa training room ngayon ay parang normal lang ang kalagayan ni hera para matawa pa siya sa harapan nito. Ginamitan niya ng barrier ang malaking espasyo para kay hera at nagsimulang mag labas ng kapangyarihan si hera.

Hera's Pov

Nang maramdaman kong may barrier na sa paligid ko ay naglabas ako ng kapangyarihan. Inuna kong nilabas ay ang unang elemento na ay Hangin.

"Air blades!" Sigaw ko at naramdaman ko naman agad ang napakalakas na hangin na pinalibutan ako. tinaas ko ang kamay ko at nakita ko naman ang matulis na bagay papunta sa barrier na sinisira ito . Napangisi naman ako.

"Hera! Wag mong sirain ang Barier. Yari kami dito!" Dinig kong sigaw ni fatima sa labas kaya binalik ko ang kapangyarihan sa akin kamay. "Ang ikalawa naman ang gawin mo!" Sigaw ulit ni fatima. Napapikit ako sa lakas ng boses ni fatima. Nakakarindi.

"Giant Rock!" Sigaw ko at biglang naglindol ang buong training room. May gumuho sa harapan ko at lumabas ang napakalaking higante na nakatingin sa akin na naghihintay kung ano ang susunod na gawin ko. Walang salita-salita ay agad kong binalik ang higante sa kanyang pinanggalingan.

Sisigaw na sana si fatima nang sumigaw ako ng water sword.

Biglang lumabas ang water sword sa kamay ko at iwinaksi ko ito paharap kay fatima na parang lilipad ito papunta sa kanya. Namutla naman siya sa ginawa ko. napangisi naman ako at tumalikod para mapunasan ang aking noo na kanina pa nababasa ng aking pawis. nauuhaw na ako pero hindi ko inantala ang aking nararamdaman.

Biglang nawala ang barrier sa paligid ko at binigyan ako ng tubig ng kaibigan ko. kahit kailan talaga napaka swerte ko sa mga kaibigan ko.

"Salamat fa—"magpapasalamat na sana ako kay fatima nang hindi pala si fatima ang nagbigay ng tubig ko. Bigla naman nawala ang ngiti ko nang makaharap ko siya. Si hema. Tumango ako sa kanya. kinuha ko ang tubig at umupo sa mesang tinulugan ko kanina.

Sumunod naman si hema sa akin na ikinapagtataka ko. nakangiti pa din siya sa akin. Napairap naman ako at nagkunwaring tumitingin sa mga libro. Naramdaman ko naman na tumabi siya sa akin.

"Handa kana ba mamaya?" Tanong niya . tumingin naman ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Para saan?" Malamig na tanong ko sa kanya. Ewan ko ba kung bakit naiirita ako kung may kumakausap sa akin at may sumisigaw sa paligid parang gusto ko na ng tahimik na buhay.

"Para sa ilusyon na gagawin mamaya ni fatima. Kaya mo na ba na mag-isa kana lang pumunta sa isang masukal na gubat at kalabanin ang dapat kalabanin?" tanong ni hema sa akin. napaisip naman ako.

Kakayanin ko ba? Noon, kasama ko ang dalawa kong kaibigan kung sakali na may ipapagawa si daddy sa akin. Nasanay akong may kasama. At palagi din ako ang dahilan kung paano kami napapahamak na tatlo.

"Kaya ko. Kakayanin ko." Sabi ko na wala sa sarili. Ngumiti naman si hema sa sinabi ko.

"Kung ganun, nagbago kana talaga. Ano nga pala ang hindi mo nagawang ilabas na kapangyarihan?" Tanong niya ulit. Pumikit naman ako ng mariin. Bakit pakiramdam ko makukit ngayon si hema?!

Tumingin ako sa kanya seryoso pero nakangiti pa din siya. Pasimple naman akonb umirap.

"Ang ikaapat na elemento... Fire elemental." Seryosong sabi ko at uminom ulit sa tubig. Hindi na din nagsalita si hema kalaunan. Tsk.

Bab berikutnya