Kahit ganun ang sinabi ko sa kanya. He still manage to visit my parents. Magkaibigan nga ang mga tatay namin at hindi ko ngayon alam kung paano humarap sa kanya.
"Bakit di ka lumabas kanina nak?. Hindi mo ba narinig na nandyan si Kian?." tanong ni Papa nang pumasok sya saking silid. I heard him calling me about his presence pero mas pinili ko lang talagang wag nang magpakita pa. Anong mukha ang ihaharap ko sa kanya?. Ang kapal naman na ng mukha kong ngitian sya sa harap ng mga magulang namin tapos kapag sa school o kaming dalawa lang, hindi na?. Hindi ko yata kaya ang ganun. Hindi ako plastik. At lalong ayokong lokohin o magpanggap sa iba na ayos lang ang lahat sa amin.
"Ding po." and I'm tired of lying. Lalo na kay Papa. Umupo sya sa upuang katabi ng bintana. Tinanaw ko lang sya habang nakahinga. Hapon na at dining ko ring kakaalis lang din ng kanilang sasakyan sa harapan ng bahay.
"Di ba kayo okay?." he said. Tinanaw nya rin ang malayong banda bago sya humarap sakin. "Anak, intindihin mo nalang sya."
Intindihin?. Paano naman ako?. Yung feelings ko?. Ganun nalang ba yun?. Babalewalain ko nalang ba?.
Itikom ko ang aking labi imbes na magsalita at ipagtanggol ang sarili. "Wala tayong magawa anak kundi ang sumabay nalang sa agos. Kung sasalisi kasi tayo sa kanilang gusto. Tayo ang dehado." anya. Tinanguan ko na lamang sya. Duon din sya nagpaalam. Binigyan ako ng halik sa noo bago lumabas.
Ang mali ko lang. Hindi ko pinansin ang bagay na sinabi nya kagabi. Nagulat nalang ako kila Mama at ate na nasa inaresto si Papa ng mga kasamahan. Inayos ko lang ang buhok ko nung bumaba. Kahit ang isuot ang aking bra ay nawala na sa isip ko.
"Anong nangyari Ate Kio?." singit ko gitna ng paikot ikot nya sa sala. She stopped then stares at me. "Nasaan si Papa?. Ate Ken?." sa panganay naman namin ako bumaling. Pero hindi nya ako pinansin. Abala ito sa kakapindot sa kanyang cellphone. Di ko malaman kung tinatawagan nya.
"Mama?." hinanap ko si Mama sa kusina ngunit wala sya.
"Alagaan mo nalang muna si Kim Kaka. Kami nang bahala dito. Tara na Kio." iniabot sakin ni Ate Ken si Kim na parang isang manikin. Mabuti nalang at di umiyak ito. Nagkatinginan sila ni Ate Kio at diretso nang lumabas ng bahay ng walang kahit isang paliwanag sa kung anong nagaganap.
Kingwa! Itong kabog ng dibdib ko. Nakakatakot!. Ano kayang ibig sabihin ni Papa kagabi?. Bakit kasi di ka nagtanong babae ka?. E sa wala ako sa tamang huwisyo na kumibo kagabi. Anong magagawa ko?. Natapos na ang kahapon. Ang ngayon ang dapat kong alamin. Paano ako papasok ng school ngayon?.
Kinakabahan man. Pinili kong asikasuhin na muna ang hunso namin dahil mas kawawa ito kapag napabayaan.
Hours later. Nagtext ang Bamby sakin. Tinatanong kung bakit di ako pumasok. I replied lang na walang magbabantay kay Kim.. Di na sya nagtanong muli.
Tanghaling tapat na. Wala pa rin sila. Tulog at nakakain na't lahat si Kim. Wala pa akong balita tungkol kay Papa. Gabi na ng ala sais umuwi si Ate Ken. "Sila Mama Ate?." I asked without knowing kung anong nangyari. Paano ko naman malalaman diba kung di nila sinasabi?.
Nang humarap sya sakin. Galit na mga mata ang tumambad sakin. Nagulat ako. "Ano ba kasing nangyari?."
"Anong nangyari?. Wala ka ba talagang alam ha Kaka!?." nagulat ako sa pagtaas bigla ng boses nya. "Si Papa. Pinakulong sya nung Mommy ni Kian."
I'm damn speechless.
Anong rason?. Bakit?. Paano?. anong kasalanan nya?.
"Paanong-?."
"Pinagbitangan lang naman syang ginugulo nya raw ang kanilang pamilya."
Kingwa!. Ano raw?.
"Ano!?." duon na tumaas ang tono ng boses ko. "Tapos kulong agad?!." ako naman ngayon ang mas galit kaysa sa kanya.
Hindi sya sumagot. Pumasok sya ng kusina at uminon yata ng tubig. Pagkalabas nya ay may dala na rin syang isang baso ng tubig. "Uminom ka. Sasabihn ko sa'yo lahat." she stated calmly. Uminom naman ako't ginawa ang utos nyang umupo.
"Naniniwala ka ba kay Papa?." una nyang sabe. Agad namna akong tumango. Aba syempre. Bakit naman hinde?. "Ako rin naman Kaka si Papa yun eh." anya. Tapos nag-isip muna sya bago nagpatuloy. "Diba alam mo nang magkaibigan ang si Papa at Daddy ni Kian?." mabilis akong tumango. "Ngayon ang Mommy naman ni Kian ay dating lover ni Papa."
Natameme ako. "Ano!?."
"Ang sabi ni Papa. First love sya nung Mommy ni Kian. Tapos nung nagloko daw yung Mommy ni Kian. Duon nakipaghiwalay si Papa sa kanya. Saka naman nakilala ni Papa si Mama."
Ang dami daming tanong na nabubuo sa utak ko. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang uunahin ko.
"Anong konek sa nangyayari ngayon Ate?. Matagal na panahon ang lumipas. Bakit kailangang balikan ang nakaraan?."
"Iyon nge eh. Dahil sa nakaraan Kaka kaya nasa kulungan si Papa."
"Ano!?."
"Hindi nagustuhan ng Mommy ni Kian ang pagbibigay ng advice ni Papa sa kanya patungkol sa inyo ni Kian. Tapos duon na naungkat ang nakaraan."
"Para iyon lang?."
"Wag mong sabihin na para iyon lang Karen dahil nasa kulungan pa rin si Papa."
"Wala naman syang sinaktan pisikal diba?."
"Hindi ko alam kung totoo ba na sinakal sya ni Papa."
Malapit na akong maubusan ng hininga dito. Nakakaloka masyado!.
Hindi ako agad nakapagsalita sa ibinunyag ni Ate. Magagawa ba iyon ni Papa?. Hindi. Hindi ako naniniwala.
"Hindi rin ako naniniwala na magagawa iyon ni Papa." iling ni Ate. Ayaw maniwala. "Baka na triggered lang sya."
Baka nga. Maaari rin.
"Siguro Ate kasi hindi ganun si Papa."
"Kaya nga Kaka. Ang mahirap ngayon ayaw syang palabasin."
"Bakit?."
"Ang sabi. 24 house daw muna sya duon request nung complainant. Baka bukas na sya makakalabas."
"Kainis! Bakit sa dami ng tao sa mundo, sila pa ang konektado sa nakaraan?." wala na rin kaming magawa kundi ang hintayin matapos ang bente kwatro oras.
Kinaumagahan na umuwi si Papa, kasama ni Mama.
I wanted to ask pero may pasok pa kasi at iyon ang utos nila na kailangan naming pumasok sa school ngayon. Kahit labag sa kalooban namin ang hindi sya samahan sa bahay ay wala rin kaming nagawa.
Ex lover sya?.
Ex lover ko?.
Ex namin pareho?.
Ang kumpliikado naman talaga ng mundo. Tsk!.