webnovel

Chapter 52: Mamili

"Galit ka ba sakin?." he asked nung nasa kalagitnaan na kami ng byahe. Tahimik na natutulog ang dalawa sa likod. Nakagat ko ang sariling labi.

"Sino naman ako para magalit?. Wala akong nakikitang dahilan." iyon ang naisagot ko sapagkat iyon naman ang totoo. Naiinis lang ako sa ginagawa nya pero hindi mismo sa kanya. Alam mo yun?. Ganun po yun.

"Kung ganun. Bakit pakiramdam ko, iniiwasan mo ako?."

Unti unti kong nakikilala ang kaba sa dibdib ko. Habang tumatagal. Lumalakas ito.

"Pakiramdam mo lang yan." tanging naging sagot ko. Sa labas pa rin nakatingin. I heard he turn on the music. Mahina lamang iyon. Tama lang para sa mga taong tulog. Pero sa mga taong gising, tulad namin na may pagitan pa rin sa gitna?. Patama na ito. Tungkol kasi sa lihim na pagtingin ang lyrics ng kanta. Lalo tuloy naging mahirap sa akin ang lumunok at huminga ng normal.

"Hinde. Tignan mo ngayon. Ni hindi ka nga makatingin sakin."

"Maganda kasi ang view sa labas." dahilan ko.

He snort. Tanaw ko iyon sa gilid ng mata ko. "Talaga?." anya na parang di naniniwala.

Duon ko sya tinapunan ng tingin. Nakatingin pala sya sakin. Saka lang bumalik sa daan ang mata nya ng sya naman ang titigan ko.

"Bat parang di ka naniniwala?."

"Hmmm.." direkta nyang sagot. I saw how his damn lips twisted and smirk. "Ang sabi ng labi mo, di mo ako iniiwasan pero mas makahulugan naman ang mga kilos at galaw mo."

Hindi ako makatanggi. Iyon na ang nakikita nya kaya mahirap ng bigyan pa ng dahilan iyon.

"Bakit?. Dahil ba ikakasal na ako?."

Mabilis akong umayos ng upo. Sa nag-aagaw dilim at liwanag ng daan itinuon ko ang aking atensyon.

"Paano kung sabihin kong, oo?." di ko matandaan kung saang lupalop ako nakakuha ng lakas ng loob ng ngayon na sabihin ito sa kanya. Sa kabila pa ng may mga taong natutulog sa likod. Ah Basta. Bahala na.

Sya naman ngayon ang natahimik.

"Ikakasal ka na Kian at ayokong gumawa pa ng ingay na makakasira pa sa pangalan mo."

"Kahit pa nasasaktan ka na?." mahina nya itong itinanong. Bakas ang sakit sa garalgal ng boses nya.

"Kahit na masaktan pa ako." kahit na umiyak pa ako. Ayos lang. Kung anuman ang piliin mo, basta masaya ka. Susuportahan kita.

"Paano kung ayoko ring nakikita kang nasasaktan ng ganito?."

Napatingin ako sa gawi nya. Dinig ko ang busina nya ngunit mas malakas pa rin ang pintig ng puso ko. "That's inevitable Kian. Kahit anong gawin mo. May masasaktan pa rin. Kahit anong piliin mo, may iiyak pa rin sa desisyon mo."

"Wala akong pakialam sa ibang tao. Sa'yo ako nag-aalala Kaka. Kung sasabihn ko ba sa'yong di pa rin ako payag sa kasal na to?. Magiging masaya ka ba?."

"Sa totoo lang. Hindi ko alam Kian. Paano ako magiging masaya kung may nasasaktan akong iba?."

"Hindi ba pwedeng ako at tayo nalang ang isipin mo Kaka?. Tama na ang iba. Hayaan mo na sila. Diba sinabi mong di maiwasan ang may masaktan?. Bakit ngayon?. Bakit kailangan mo pang mag-alala para sa kanila?."

"Hindi ko maiwasan Kian."

Hanggang duon nalang ang naging takbo ng aming usapan. Bigla kasing tumunog ang phone ni Winly kaya ito nagising. Sinagot nya iyon. Si Bamby ang nasa kabilang linya. Tinatanong kung gusto raw naming magstop over para kumain. Winly, ask us. Tumango nalang ako. Tulog pa rin si Jaden at si Kian. Napipi na naman.

Paano ba kasi ang hindi isipin ang iba?. Hindi ko talaga maiwasan. Lalo na nung nakita ko kung paano tumingin at magalit ang Mommy nya sa kanya. Tsaka, yung sinabi pa ni Andrea na para iyon sa business ng both family nila. Ngayon. Saan ako lulugar?. Anong pipiliin ko?. Ang hirap kingwa!. Ang hirap mamili sa mga bagay na alam mong importante sa'yo.

Kumain kami sa isang karinderya sa daan. Duon pinili ng iba kaysa sa restaurant. Para daw maiba.

"Ang hard mo naman bes." ani Winly sakin nung nasa mesa na kami. Nagtaka si Bamby. Tinanong kung anong meron. Ibinulong sa kanya ng bakla ang lahat. Mukhang di nga natulog kanina. Nagpanggap lang! Hay...

"There's no other way girl." giit ko.

""Alam mo, pain is inevitable Karen. Suffering is optional. Kaya, it's up to you kung anong pipiliin mo sa dalawa." pangangaral nya. "Halata namang gusto nyo ang isa't isa. Bakit hinahayaan nyo pang ang iba ang magpaikot sa kasiyahan nyong dalawa?."

"Mahirap mamili Win."

"Hindi mahirap bes kung puso mo ang paiiralin mo." sabat ni Bamby. I look at her. "Don't ask. Stop asking dahil hindi talaga mauubos ang mga tanong na yan. Mas mahihirapan ka lang mamili kung lagi ka nalang magtatanong. Subukan mo kayang wag magtanong. Tignan mo kung anong magiging resulta?." she added.

"Oh ha. From the great Bamblebie na galing yan bes. Pakinggan mo nalang sya dahil malalim mga hugot nya yan." tawa ni Win na tinanguan naman ni Bamby. Kami lang ang nasa mesa kaya nakakapagkwentuhan kami ng ganito.

Napagtanto kong, may punto nga sila. Simula kasi ng magtanong ako, napuno ng mga isipin ang isip ko. Hindi na iyon mawala-wala hanggang ngayon. "Ayaw naman pala nya nung kasal. Why not try it Karen?. Malay mo. Malay natin diba?. Kayo pala talaga." yan ang huling sabi ng bakla sakin bago kami bumalik na ng kanya kanyang sasakyan. Huling sumakay si Jaden at parang lihim pang nakipag-usap kay Bamby.

Ang sabi nga ni Bamby. Maswerte daw ako dahil hindi lihim ang aming pagkagusto. Samantalang sya?. Palihim na nga kung magnakaw ng tingin sa taong gusto nya. Ipinagbabawal pang lapitan sya. Saan pa daw ako diba?.

Tama nga. Mas mahirap nga ang sitwasyon nya kumpara sa akin, sa amin. Kasi kay Kian. Kayang kaya nyang suwayin ang mga magulang nya. Ako, mamimili nalang ako kung sasabay ba sa ginagawa nya o tataliwas sa pupuntahan nya. It's really up to me.

Bab berikutnya