webnovel

Chapter 19: In the house

Pinagbuksan pa nya ako ng kotse. O ha! Ang haba ng buhok Karen noh?. Tara dito. Gupitan kita.

Lihim kong pinagalitan ang sarili. Kung anu-ano na naman ang tumatakbo saking isip. E ihahatid lang naman ako dahil una, wala akong masakyan pauwi. Pangalawa, wala akong dalang payong. Kung kila Bamby pa kasi ako makikisabay, isasadya talaga nilang dumaan sa ibang way, taliwas sa kanilang bahay ang daan para lang sa akin. At iyon ang ayaw ko. Nahiya ako bigla sa kuya nya. I understand na they're willing to send me back home, really grateful to that pero sadyang hindi na muna sa ngayon. And about Kian. I respect him for doing this just so I have to get back home safely. Kahit sukdulan na ng tukso ang nakuha nya ay binalewala nya lamang iyon na parang walang narinig.

"Saan part?." he asked nang nasa loob na kami ng subdivision.

"Always on the left turn then left side. Dulo na. Pinaka-last na bahay." I explain. Kagat labi syang tumango.

Kanina bago kami lumabas ng gym. Maingay sya at palatawa. Ngayong, kaming dalawa nalang sa sasakyan. Bigla akong nabingi sa katahimikan. Kung hindi ko pa pinindot ang music sa phone ko ay napaka-awkward na.

Di ko alam kung bat bigla syang walang masabi. Or I misjudged him?. Baka kabaligtaran ang wala syang masabi dahil ang totoo, sa dami ng gusto nyang itanong, wala syang mapili. Wala ako sa posisyon para husgahan nalang basta ang isang tao batay sa mga bagong ikinikilos nya. Oo nga. Di kami gaanong close. Pulos, di sinasadya ang aming pagkikita at di ko rin naman sya kaklase. Kaya heto ako't nangangapa sa kanya.

"Duon ba?." bigla ay nagsalita sya. Di ko tuloy mapigilan ang kagatin ang ibabang labi sa katotohanang walang nangyari sa byaheng inakala ko.

Hay! Kapag naniwala nga naman tayo sa mga akala. Akala na humahantong sa paasa. Hindi sa tao kundi sating mga sarili mismo.

Maulan pa at gumagabi na rin. Huminto sya sa harapan ng aming gate kasabay ng pagpapakawala nya ng isang tahimik na buntong hininga. "We're here." deklara nya matapos patayin ang makina ng sasakyan nya.

"Salamat." mabagal bago ko nasambit ang salitang ito. Ang awkward kasi ng atmosphere kaya ang hirap magbitaw ng salita. Ramdam din kaya nya?. O baka ako lang to?. Asa!

Nagkatinginan kami. Mga ilang minuto din iyon ng walang lumalabas na salita sa aming mga labi. The deafening silence made me realize one thing. Yung sinabi ko kanina na wala syang masabi dahil sa katahimikan?. Tama ako. Tama ako sa hula ko mismo na marami syang gustong sambitin pero hindi nya lang alam kung paano sabihin. I understand him by that but his reason behind it, is I don't. Ang pakiramdam nya ay parang pakiramdam ko rin. Marami akong gustong sabihin ngunit di alam kung paano sambitin.

"Salamat sa paghatid. Nalibre ako. hehe." to lighten up the mood. Kailangan ko pang magpanggap na natatawa. Kingwa! Why so awkward!?. Hindi ganito ang inasahan ko. Grr!

"Walang anuman. Basta ikaw ba naman." anya at duon lamang sya ngumiti ng pagkaganda. Lumabas ang kumikinang nitong mga ngipin kaya lalo itong nagbigay sa kanya ng taglay na karisma.

"Talaga?. Bat di ka halos makapagsalita? hahaha." now I'm on it. Di ako mapapakali kung di ko ito maitatanong.

"I'm just." tumigil sya. Tahimik na nagpakawala ng malalim na hininga saka tumingin sa labas. Malakas pa rin ang buhos ng ulan at madilim na. "Para kasing hindi ako makapaniwala na kasama kita."

Naging hugis bilog ang labi ko. "Eh?." pilosopo kong tugon. Ano nga ulit yun?

"Wala lang naman ako ah?. Bat ganyan ka magsalita?. hahaha.. wag mong sabihin na nagagandahan ka sakin?.." sutil ko. Ginawa kong biro ang totoong nararamdaman ko. Mahirap kasing magsabi ng totoong gusto natin. Lalo na kapag ganitong seryoso ang hangin sa paligid. Nakakakaba!

I saw how his damn red lips pouted. Kingwa! Bat ngumuso pa sya eh! Anong meron boy?

"Kasi, I-- beep beeeeepppp!." di ko nadinig ang karugtong ng kanyang sinabi ng biglang umalingawngaw ang businang iyon. Duon ako natauhan!

Oo nga pala! Wala ako sa Koreanovela! Gabi na at malakas pa ang ulan. Kailangan ko ng pumasok ng bahay at si Kian?. Uuwi pa sa kanila. Naku Karen! Ano ba kasi yarn?.

Lumabas ako ng di nag-iisip. Tuloy, mabilis ding lumabas si Kian at pinayungan ako. Never did I thought na si Papa yung nasa likod. Yung kotseng bumusina!.

Naku po! Huli na ako!

Paano ba yan?. May kaso ka ba Karen?. Wala naman ah! Wag fake news gurl!

He signaled us na tumuloy sa may terasa para hindi tuluyang mabasa saka gumilid sya't tinabi ang sasakyan sa kotse ni Kian. Ginawa nya nalang payong ang dalawa nyang kamay.

"Papa?." bati ko sa kanya. Kabado. Dumaan lang ang tingin nya sakin bago napunta sa katabi ko.

"Ay Pa, si Kian po." pakilala ko. Di malaman kung dudugtungan ko pa ba ang pangungusap na iyon o wag na. At isa pa, anong idadagdag ko?. Kaibigan, kaklase o ka-ibigan?.

Hay.... Here you go again Karen!

Go to sleep! I'll wake you up when september ends.. Lol.

"Good evening po." bumati si Kian sa kanya. Magalang naman. Nakangiti pa nga eh. Si Papa naman, ang seryoso. Parang gusto nang manuntok! Wag po!

"Anong meron sa inyo?." walang nang paliko-liko pa. Diretso na nya itong tinanong na para bang wala ako sa paligid nila.

Gosh! Kinabahan ako ng sobra! Papa naman! Baka umatras yan bigla! Paano ang future ko?. Hak!

"Ahm sir." pumiyok pa di umano. Nakamot nito ang ulo bago nagpatuloy. "Umuulan po kasi at wala po syang dalang payong kaya hinatid ko na po."

"Hinatid?. Hmm. Salamat. Pero bakit kailangang ihatid mo sya?. May I know why?." imbestigador! Hay! Trabaho nga pala nya iyon! Lagot na Kian. Help him Karen. Don't just stare and listen.

"Concern lang po ako sir." duon ako nagitla.

Concern daw sya sakin?. Tay naman! Sige! Magtanong ka pa!?. Baliw ka na yata Karen? Tumino ka nga! Batukan kita eh!.

Matagal bago tumango si Papa sa kanya tapos dahan dahan din syang tumingin sakin. Tinaasan ko lang sya ng kilay. "Malapit lang ba ang uuwian mo?." di ko na naman inasahan ang pagtatanong ni Papa. Akala ko, tapos na. Paalisin na nya sya. Pero hinde. Mukhang magkakaroon kami ngayon ng biglaang bisita.

Iniisip ko palang. Gulo na. Andyan pa naman yung dalawang amazona.

"Just block away po sir." kumpyansang sagot ni Kian. Why so confident man?. Mas lalo lang gumwapo! Wa!

"Pumasok ka na muna at humigop ng kape. I'll take you home later." alok sa kanya ni Papa. Hindi ko na alam ang sumunod na gagawin. Papa entered the house without saying anything to me. Hinalikan nya lang ako sa buhok. Tapos, tapus na.

"Ah sir.." aangal pa sana sya.

"Shhhh.. wag mong tanggihan baka magalit sa'yo. Bahala ka." pananakot ko. Nakikita sa mukha na nya ang pag-aalala. "Don't worry. We're not gangsters. Hahaha.." tawa ko pa.

"Don't laugh at me please. Kabado na nga ako. Pinagtatawanan mo pa ako. So weird."

"Of course. Bihira pa sa bihira kung magpapasok si Papa ng bisita. Kaya maswerte ka dahil ikaw ang unang napili nya. You know. haha."

"Tsk. Kinakabahan talaga ako." bulong nya ng akma na akong papasok sa bahay.

"Normal lang yan pag nanliligaw." bulong ko din. Humaba ang nguso nya't bumulong muli. "In your wet dreams." Pinalo ko sya sa dibdib kaya natawa ito.

"Tignan lang natin mamaya." banta ko. Hinila ko sya papasok. At sa sala palang. Andun na ang lahat.

What the hell!?.

Ganun ba sila ka-obvious sa kagustuhang magkaroon ako ng jowa?. Papa naman! Wag ganyan. Lumalaki ulo ko eh. Joke lang po.

Bab berikutnya