Cedric's POV
Pagkatapos ng aking klase sa last period ay agad akong dumiretso sa'ming dormitoryo. Muli ay nagulat na naman akong makitang andito na si Andrew sa kanyang higaan at abala sa pagtingin sa kanyang laptop. Nang maramdaman niya ang aking presensya ay agad nalipat ang kanyang tingin sa'kin.
"Bro! Andyan ka na pala! So, kamusta ang unang araw sa Alpha Section?" pambungad niyang tanong sa'kin. Sabi ko na nga ba at magtatanong siya sa'kin.
"Ayos lang naman , I guess." kibit-balikat kong sabi bago tinungo ang kinaroroonan ng aking higaan.
"So ano na bang pinag-aaralan niyo so far?" muli nitong tanong na siyang dahilan para matigilan ako sa paglalakad.
Biglang sumagi ulit sa utak ko 'yung rule #3 ni Mr. Cruz. Bawal ipagsabi sa kahit kanino ang lahat ng mga matututunan ko sa klase sa kahit na kanino and that means pati na rin sa bestfriend ko. Ngunit hindi naman siguro masamang ibahagi ko sa kanya ang nabuo kong teorya about sa Alpha Section, 'di ba?
"Wala pa kaming nadi-discuss so far sa totoo lang. Pero..." Bahagya akong napatigil sa pagsasalita ng ilagay ko na ang aking bag sa'king higaan.
"Pero?" curious niya namang tanong.
Matapos kong mailagay ang aking bag ay naupo muna ako sa sahig katapat niya in a criss-cross manner tsaka ako muling magsalita.
"Pero malakas ang kutob kong nag-aaral sila about psychic powers, something like that." seryoso kong pagkakabigkas, pero tinawanan lang ako ng aking kausap.
"Psychic powers? Seryoso ka ba diyan?" natatawa niya pa ring tugon. Sabi na eh hindi rin siya maniniwala sa mga pinag-iisip ko rito.
"Kalimutan mo na nga. Kahit ako nga eh hindi ko rin maintindihan ang mga pinag-iisip ko rito." naiiling kong sabi sabay kamot sa'king batok.
"Bro sa mga movies lang 'yun nangyayari okay? Gaya nitong pinapanuod ko ngayon." sabi niya sabay pakita sa'kin ng kanyang laptop screen.
Natigilan ako at napatitig sa kanyang laptop screen ng makita kong nanunuod pala siya ng pelikulang Darkest Minds ngayon. Ito 'yung isa sa mga paborito kong pelikula.
Pero what if... what if mangyari talaga ito sa totoong buhay at may isang grupo rin ng mga taong may ganitong mga kakayahan kagaya ng mga tauhan sa pelikula?
Muli akong nailing at pinilit na kalimutan ang mga pinag-iisip ko rito.
"Siguro nga tama ka bro." pagsang-ayon ko na lang at napatingin sa kawalan.
Hay naku... ano na ba itong mga pinag-iisip ko ?
***
Kinabukasan ay agad na akong nagpunta sa room 409 para sa special training class namin with Mr. Cruz. Ngayon ko lang ito napagtanto pero ang weird ng pangalan ng aming klase. Special training class namin 'to, pero para saan exactly?
"Good morning Cedric."
As usual eh sinalubong na naman ako ng isang masiglang bati mula kay Kylie kaya bumati rin ako sa kanya. Pagkatingin ko naman sa'king kanan ay as usual ding nadatnan kong tulog sa kanyang silya itong si Mitch.
"So may nabuo ka nang teorya tungkol do'n sa tanong ni Mr. Cruz?" tanong sa'kin ni Kylie. Inayos ko muna 'yung rim ng aking glasses bago nagsalita.
"Wala pa rin eh." tugon ko, still denying the fact na may kabaliwan na akong naiisip kasalukuyan.
"'Wag kang kabahan. Sigurado akong pati 'yung iba nating mga kaklase ay wala ring sagot tulad natin." pagre-reassure ko na lang sa kanya.
Isa-isa ko namang tiningnan ang iba ko pang mga kaklase pero mukhang abala sila sa kani-kanilang mga gawain sa kanilang mga silya na para bang mga walang pakialam sa binigay sa kanilang takdang aralin.
Maya-maya pa ay napagawi ang aming tingin sa may pinto ng aming classroom ng bigla itong bumukas at iniluwa nito ang aming class adviser sabay bati sa'min sa kanyang masiglang boses as he walks to his desk. Napaayos naman ng upo ang iba kong mga kaklase pagkakita kay Mr. Cruz habang ginising ko naman itong seatmate kong si Mitch.
"Teka, where is Mr. Gonzales?" kunot-noong tanong ni Mr. Cruz.
Sinundan ko naman kung saang direksyon siya nakatingin at kita ko ngang bakante ang upuan sa may harapan ng mayabang kong kaklase na si Warren.
"Kanina ko pa nga siya tinatawagan pero cannot be reached." 'Yung babaeng nakaupo katabi ng bakanteng upuan ang sumagot sa tanong ni Mr. Cruz kanina.
"Ahh I see. Well then let's just start our class. So, going back to my question yesterday, who would like to discuss here in front kung anu-ano ang mga nalikom niyong mga impormasyon kahapon sa library?" muling pagtatanong ng aming adviser.
Kita kong napataas ng kanyang kamay itong si Warren.
"Yes Warren?" pagtawag ni Mr. Cruz sa kanya. Tumayo lang siya malapit sa kanyang kinauupuan and didn't bother going in front.
"As far as we all know, most of us na nakapasok dito ay mga top notchers sa ginanap na entrance exam no'ng nag-aapply pa lang kami sa school na ito. So without really doing some research, I therefore conclude that we all got here based on our average scores sa entrance exam." Saglit siyang napahinto sa pagsasalita at kita kong napatingin ito sa'king direksyon sabay smirk.
"Well, pwera na lang sa isa diyan na mukhang pinalad lang mapabilang rito." pagtatapos niya sa kanyang paliwanag at muling naupo sa kanyang assigned seat.
Sobrang halata na ang huli niyang pahayag ay para talaga sa'kin. Hilig niya talaga akong puntiryahin noh?
"Well , thank you for trying Warren pero I'm sorry, that is not the answer I'm looking for." tugon naman ni Mr. Cruz na siya namang ikinasimangot no'ng Warren na'to. Parang sinasabi ngayon ng utak ko na 'Bleeh, buti nga sa'yo.'
"As what I have mentioned to you yesterday, Alpha Section is not just about wits. Who else would like to try?" tila nanghahamon na sabi sa'min ni Mr.Cruz as he looks in each one of us.
Napaisip ako sa kanyang sinabi. Kung hindi lang tungkol sa katalinuhan ang section na ito gaya nga ng sinabi niya sa'kin kahapon, there's really something more to this then. Baka nga tama ako. Baka nga pinag-aaralan sa section na ito ang mga bagay na imposibleng mangyari sa totoong buhay?
Tinipon ko muna ang sangkaterbang lakas ng loob na meron ako at nakapagdesisyon na ako sabihin kay Mr.Cruz at sa ibang mga naririto kung ano'ng nilalaman ng utak ko. Pero as I was about to raise my hand, nagulat naman kaming lahat sa biglaang pagbubukas ng pinto ng aming classroom. Ilang segundo pa'y pumasok mula rito ang akala kong absent naming kaklase.
"Mr. Gonzales, why are you late?" nakahalukipkip na tanong sa kanya ng aming adviser.
Pero sa halip na sagutin iyon ay sinarado niya muna ang pinto ng aming classroom tsaka lumapit kay Mr. Cruz.
"Alam ko na po kung bakit kami naririto." kampante namang pahayag ng aming kaklase which startled us.
Kumunot naman ang noo ko ng walang sabi-sabi niyang iniangat ang kanyang kanang kamay. Pero kinalauna'y ang pagtataka kong iyon ay napalitan agad ng pagkagulat na napaawang pa ang aking bibig ng makita kong kasabay ng pag-angat ng kanyang kamay ay lumutang naman paibabaw ang silya ni Mr. Cruz... na wala man lang ginagamit na kahit ano. Pati ang iba ko pang mga kaklase ay nagulat din sa kanilang nasaksihan.
"Sa wakas, may isa rin sa inyo ang nakadiskubre ng inyong tunay na kakayahan." nakangiting pahayag ni Mr. Cruz habang nakatingin sa'ming kaklase, looking satisfied.
Hindi ako makapaniwalang tama nga ako. There's really more to this section na kahit sinuman ay walang kaalam-alam, maliban lang siyempre sa'ming mga kasapi nito.
Hi guys! So ayan unti-unti na ring nalalaman ni Cedric ang misteryo ng Alpha Section. How's the story naman so far?
By the way, nakakagala na ba kayo? Ako kasi stuck pa rin sa bahay hahaha! ECQ na ulit sa Cebu eh. But i know malalampasan din nating lahat ito basta magtutulungan lang tayo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga palatuntunin ng ating gobyerno . Especially by staying at home ay nakakatulong na rin tayo in our own little way. <3
Anyway, votes and comments are highly appreciated. Have a great day :)