Ghie's POV
Class break na, magkasama nanaman kami ni Ley na bumili ng pagkain. Si Say kasi bising bisi sa paglago ng Club niya, kaya nawawalan na siya ng time para sa amin.
"Ley, parang ang ganda ng story ni Say noh?", tinanong ko kay Ley.
"Anong maganda doon?" masungit niyang sinabi.
"Yung sa una, si Say na deniable sa lahat ng mga gusto niyang gawin, Say na kill joy, and then Say turn into semi soft girl and wisdom giver na ngayon... And natutunan na niyang mahalin yung mga bagay na kahit minsan hindi niya pa nagagawang i-try."
"Owkayyy, medyo okay naman pero walang masyadong ganap sa buhay niya?"
"Kaya nga eh, kaya nga susubaybayan ko ng mabuti yung buhay niya, balak ko kasing gumawa ng story based on sa kanya. Tapos pagkatapos ng climax ng buhay niya syempre it is always be a happy ending at pagkatapos ko magsulat ipapakita ko sa kanya and sure ako magugustuhan niya yon."
"Paano kung unhappy ending?"
Edi isusulat ko 'Unhappy Ending'
"Hm, good luck!"
Balakajan, basta manonod nalang ako ng list ng lahat ng series ni P'Ton.
Nick's POV
Bumangon na ako galing sa tulog. Lumabas ako, nakita ko si Mama.
"Ma, bakit ako nasa bahay?"
"Nick, hindi mo ba talaga maalala? May babaeng nagsabi sakin kahapon na sunduin ka na, para ka kasing bata umiiyak sa damit niya haha."
Halla, ma, oo nga. Naalala ko na
"Pangalan niya Say, siya din yung sinasabi kong kapangalan ko na mabait at magalang"
"Maaaa huyhuuhu"
"Ano? hiya ka noh?"
"Ang sabi ko sa'yo maghanap ka ng kaibigan ng gf pero wala naman akong sinabi sa'yo na umiyak ka para sa babae."
"Hindi ma, dissapointed lang ako. Sa mga naapanood ko kasing stories, nagiging happy ending yung lalake at babaeng nagkakilala lang in a short period."
"Well, my son that's love. Yung mga bagay na madali mong makuha, mga bagay din na madaling mawala."
"Eto oh, hopia"
"Ano 'tong hopia ma? basta hopia para sa'yo, dala ng tito mo galing probinsya. Tama lang sa situation mo, 'hopia sa pag-ibig'
"Ma, diko maintindihan. By the way, ma nasaan yung cellphone ko?"
"Ah, nilagay ko sa lamesa mo doon sa kwarto."
Ayun, nakita ko na yung cellphone ko. Binuksan ko at napindot ko yung note app, nagulat ako kasi iisang note lang yung nakalagay. Naalala ko nag clear data pala ako, baka nabura yung mga notes ko. Importante yung mga notes ko na iyon huhu, nanduon yung mga importanteng links na sinave ko. Binuksan ko yung nagiisang note, nakakapagtaka lang kasi panong hindi nabura yung isa? Kaya naman binuksan ko. Mga dalawang scroll lang tapos nakita ko na yung pangalang Say. Napangiti ako sa sulat niya, behind pala sa bad mouth niya she's sweet and funny.