webnovel

THE HEART OF AMNESIA

Penulis: CHROME
Realistis
Sedang berlangsung · 113.6K Dilihat
  • 41 Bab
    Konten
  • peringkat
  • NO.200+
    DUKUNG
Ringkasan

Isa akong hamak na lalaki, na ang hanap ko ay isang babaeng mamahalin ako ng buo at tatanggapin ako. Ngunit sa hindi ko malamang dahilan, may isa pala akong katauhan sa nakaraan na nalimot ng isang trahedya/aksidente. BAKLA AKO!!! JOKE HAHA!

tagar
2 tagar
Chapter 1" THE HEART OF AMNESIA " ( PART 1 )

Ako si Chander, 16 years old, matangkad. Maraming nagsasabing may itsura daw ako, oo alam ko naman! Pero para kasi sa akin ay normal lang kung anong meron ako, pero masasabi ko talagang GWAPO ako!!. Simula noong naging independent ako, pinagsikapan ko na talaga ang aking sarili na mamuhay nang mag-isa. Malayo man sa pamilya ngunit suportado pa rin naman nila. Dito ko masusukat kung paano ba maging isang matatag na tao.

Nangungupahan ako sa isang boarding house na di kalayuan lang sa aming eskwelahan, mas tipid dahil walking distance lang ay nasa eskwelahan ka na. Ako pala yung tipo ng taong palakaibigan, palabiro, at gala. Mas masaya kasi kapag maraming kang kaibigan dahil nakakatulong din sila sa paglawak ng iyong pang unawa at pag iisip, at kapag kasama mo sila ay marami ka ring matututunan.

Nasa room na ako non, unang linggo ng pasok. Bagamat halos naman ng lahat ng mga kaklase ko ngayon ay kaklase ko noong 3rd year kaya wala nang hiya hiya sa loob ng room, daldal dito daldal doon. Sa gilid ko ay ang daming nagdadaldalan, yung iba ay nagpapacute pa sa akin syempre susuklian ko rin ito dahil nga friendly akong tao. Nakaupo lang ako sa aking upuan habang kausap ang isa kong kaklase, si Renz.

-----

Natahimik ang lahat nang may biglang pumasok na lalaki sa loob ng aming silid. Hindi ko pa sya nakikita kahit saan. Yung ibang babae biglang tumili.

" OMG!!!!". Narinig ko pa ang isang babae na sinabi iyon.

Oo nga naman? Hindi na maipagkakaila na may itsura din at matangkad sya na halos kasing taas ko lang. Pero di pa rin ako papatalo sa kanya kahit na mas lamang pa sya ng tatlong buhos sa paligo.

Napansin ko rin na sa akin sya nakatingin, nakipagtinginan din ako at sinundan pa ng aking mata kung saan ang tungo nya. Ngunit nagulat na lang ako nang umupo sya sa kabilang upuan katabi ko, hindi ko na tuloy nakausap si Renz.

" Hi babe?". Ang pagbungad ng lalaki sa akin.

Nagulat ako, nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi.

" A-ano daw? B-bbabe??". Bulong ko sa sarili.

" Aahhhhhh!!".

" OMG!!".

" Shhheeeet!".

" A-aang GWAAPOOO!".

" Kuyaaa dito ka tumabi sa akiinnn!!".

Ang mga naririnig kong sigawan ng mga kababaihan na nakatingin sa amin. Halos nafreeze ang utak ko, nagtataka kung ako ba yung tinawag nyang babe pero sa akin naman sya nakatingin.

" A-A-K-O??". Pagkakaemphasize ko pa sa aking nasabi.

Tumango ang lalaki sa akin at kumpirmado na ako nga ang kanyang sinabihan.

" A-no? Ako talaga? A-ahh na-nagkamali ka yata ng pinasukang room tol?!". Tanong ko.

Pinagtitinginan na rin kami ng iba ko pang mga kaklase. Lumapit sa amin si Kyla.

" Shockkkss! Chander, is that your boyfriend? Ang gwapo grabe!!". Ani ni Kyla at nakakagat labi pa ang bruha.

" H-ha?? Nagkakamali ka Kyla! H-hindi ko yan boyfriend, hindi ako bakla! A-at saka h-hindi ko yan kilala!!". Maikling paliwanag ko na may halong lito.

" A-ah, p-pasensya na kayo, naexcite kasi akong makita itong baby ko kaya di ko na napigilan ang sarili ko". Pagsabat nung lalaking hindi ko kilala tapos nakangiti pa. Kumindat pa sa akin. Pa cute lang?.

Muli na namang nagtilian ang mga babaeng nakakabadtrip! Tinitigan ko ng masama ang lalaki, parang gusto kong sapakin ang pagmumukha nito pero mas naawa ako sa mga babae baka kamuhian nila ako kapag ginawa ko iyon.

" Hoy ikaw? Duro ko sa pagmumukha nya. Sabihin mo nga! Adik ka ba?? Kilala ba kita????". Bulyaw ko sa lalaki.

" Babe.. w..". Hindi na nya naitinuloy dahil sumabat agad ako sa sasabihin nya.

" Wag mo nga akong tinatawag na babe!!!!!". Medyo napalakas ang aking sigaw dahilan para matahimik at magtinginan ang lahat ng kaklase ko sa amin, pati mga nagchichismisan sa gilid ay natigil din dahil sa pagsigaw ko. Sakto naman ang pagpasok ng guro naming si Mrs. Wilson at naabutan kami na tahimik lahat.

" Ow? May dumaan bang anghel class?". Ang biro ng aming guro.

Napansin narin ni Mrs. Wilson ang lalaki sa aking tabi.

" Andito ka na pala.. ( umupo sa kanyang silya ) Ok class? Ipinakikilala ko nga pala sa inyo ang bagong transferee. Pwede ka bang tumayo dito sa harapan hijo at magpakilala?". Baling ni Mrs. Wilson sa lalaking katabi ko.

Tumango naman ang lalaki, tumayo at tumungo sa harapan.

" Ah ako nga pala si Steve Mondragon, 16 years old!". Ngumiti at kinindatan pa ako?

" Tangina nang-aasar ba ito o ano?". Sa isip isip ko. Nakatingin ako ng matulis sa kanya.

" Aaaaahhh!! Ang gwapo!!!". Sigaw ng isang babae sa likuran.

Tawanan naman lahat.

" Quiet!! Ok thank you Steve, you may take your seat!". Ang utos ni Mrs. Wilson.

Umupo naman agad si Steve sa aking tabi, nakangisi lang sya sa akin na akala mo talaga ay kilala ako.

----

Nang tumunog ang bell hudyat na breaktime na, dali dali akong lumabas. Pumunta ako sa canteen at bumili ng pagkain, pagkatapos ay tumungo ako sa likod ng T.H.E building para doon kumain. Mag-isa lang ako doon, mas relax kasi kumain doon lalo na't sariwa ang malalanghap na hangin at tanaw pa ang bulubundukin sa di kalayuan.

Yung time na iyon ang sarap ng kain ko, ninanamnam ko pa ang bawat pagkagat sa hawak kong burger. Ngunit nagulat nalang ako ng biglang sumulpot sa aking harapan si Steve.

" Whaaaaat?!!". Gulat kong reaksyon sa kanya.

" S-sorry babe e-eh nagtanong tanong ako sa mga kaklase natin sabi lagi ka daw dito.. edi nagpunta na 'ko..". Sambit nya.

" Wow tol, kapal? U-una sa lahat.. Oo friendly akong tao, pero wala yata akong natatandaang nakilala kita sa kung saan. Then, bakit mo ako tinatawag na babe sino ka ba??". Mariing tanong ko sa kanya. Nakangiti lang sya sa akin, at tumawa pa.

" Di mo ba ako natatandaan babe?". Tanong nya sa akin.

" Natatandaan? Teka ha!..". Sagot ko.

Tinitigan ko sya, yung titig na matulis. Pati buong katauhan nya ay tinitigan ko.

" Umupo ka!". Utos ko. Umupo naman sya. Tinitigan ko pa rin sya hanggang sa pag upo nya. Inilapit ko pa ang aking mukha sa kanyang mukha, yung tipong magdikit na ito sa sobrang lapit. Kinikilatis kong maigi iyon at inaalala kung nakita ko na ba sya dati. Nasa ganoon akong posisyon ng pagtitig sa kanya, walang pasintabing inilapit pa nya ang kanyang mukha sa akin at mabilis na hinalikan ang aking labi. Sa sobrang gulat ko, naitulak ko sya at bigla akong napaatras patayo. Pag atras ko naman ay nasagi pa ang isang paa ko sa nakausling bato, napasandal ako bigla sa pader ng building. Tumama ang ulo ko sa semento pero hindi masyadong malakas, ngunit nakaramdam pa rin ako ng matinding sakit. Napaupo ako at napahawak sa aking ulo.

" Aaaarrrghhh!". Ang mahinang daing ko.

Dali dali naman akong nilapitan ni Steve sa aking kinaroroonan.

" Uy babe, este tol!! P-pasensya na.. hindi ko sinasadya..". Ang tugon na narinig ko sa kanyang paglapit.

Inalalayan nya akong tumayo at iniupo kung saan ako nakaupo kanina. Pinainom nya rin ako ng tubig na binili ko na ipinatong ko sa lamesang nasa harapan namin.

" Aaarrgh!". Ang mahinang daing ko ulit.

" Ok ka lang ba tol? May masakit ba sayo? Nakakaalala ka na ba?". Pag aalalang tanong nya na may halong ewan?

" Ano bang pinagsasabi mo dyan? Hindi nga kita kilala!". Sigaw ko sa kanya, agad akong tumayo ulit. " Mauuna na ako..". Dugtong ko sabay agad na umalis at iniwan ko nalang syang nakaupo doon. Pero tumayo din sya at mabilis na nakasunod sa akin, nakabuntot lang.

-----

Alam nyang may galit akong naramdaman sa kanya kaya hindi nya muna ako kinulit nang nasa loob na kami ng silid, tahimik lang. Minsan sinusulyapan nya ako, ramdam ko sya kahit nakatutok ang aking mata sa pisara at kinokopya ang mga sinusulat ng aming guro.

Mga ilang oras pa ang lumipas, lumabas ng room ang aming guro para mag cr. Dating gawi sa mga girls, daldalan at tilian ulit nang mapunta na naman ang atensyon sa bagong transferee na si Steve. Ako naman ay di nagpaapekto, di naman kasi hamak na mas GWAPO ako kesa sa kanya. Pinagkakaguluhan lang sya ng mga babae dahil nga bago lang sya.

" Babe, di ka ba nagseselos?". Baling sa akin ni Steve nang mahuli nya akong nakangiti, pero hindi sa kanya. Hindi ko sya pinansin.

" Omygosshhh??". pasigaw na react ng isang babae na si Senna. " Chander, ba't di mo sinasabing may gwapo ka palang boyfriend! Aaaaaahh ang G-W-A-P-O!!?". Matining na boses ni Senna na kanyang idinugtong. Nakakabingi!.

Agad akong sumagot. " Di ko nga yan boyfriend! Tignan mo nga itong mukhang ito?. Turo ko sa GWAPO kong pagmumukha paharap kay Senna. Mukha bang papatol ito sa lalaki?!".

" H-ha? E-h? Bakit ka nya tinatawag na babe?? Ayii!". Pang aasar na tanong ni Senna.

" Eh 'di itanong mo dyan! Tanungin mo kung adik sya!!! Tapos ako pa talaga gustong biktimahin?!". Pabulyaw kong sagot.

" Hahaha! It's ok Chander.. Tanggap naman namin lahat kung mag boyfriend nga kayo. Diba guys??". Si Senna na nilingon lahat ng mga kaklase.

" Oo nga pare! Walang tututol dyan..". Pagsabat ni Paco.

Wala akong imik, tahimik kong nilingon isa isa ang aking mga kaklase sa mga reaksyon nila. Feeling ko pinagkakaisahan ako ng lahat. Pero wala akong narining na tumawa.

" Oh babe! Paano ba yan? Support sa atin lahat ng mga classmates natin..". Sabat ni Steve, nakangiti pa. Tumayo sya, lumapit pa sa akin at halos idikit na naman ang mukha sa aking mukha.

" Please wag ako tol! Ang dami naman dyang iba eh! Ito?". Baling ko kay Renz sabay turo sa kanya. Nilingon din ito ni Steve.

" A-ah haha kung pwede lang eh.. Kaso ikaw ang gusto tol..". Sarkastikong sagot ni Renz

" Oh si Renz daw pwede kaya sya nalang!".

" Ang bango ng hininga mo.. ". Si Steve na nakalapit pa rin ang mukha sa aking mukha.

Muli, walang pasintabi na naman nyang inilapat ang kanyang labi sa aking labi. Hinalikan nya ako, natulala ako sa mga sandaling iyon. Hindi ako makagalaw, hindi ko magawang pumalag. May mga sampung segundo din ang itinagal nang paghalik nya sa akin at saka ko sya nagawang maitulak. Tumayo ako, pulang pulang ang aking mukha dahil sa kahihiyan. Kahit wala pang dismissal ng klase ay hinaltak ko ang aking bag at saka dali daling lumabas ng room at tinungo ang canteen. Doon ay naisipan kong kumain.

-----

" Wuyy!". Tinig ng isang lalaki na gumulantang sa pintuan ng canteen habang nasa lamesa ako at kumakain. At kilala ko kung sino ito.

Si Steve.

" Sinundan pa talaga ako tangina!". Bulong ko sarili.

Mabilis syang nakalapit sa akin, nakangiti pa ito habang ako naman ay dedma at panay subo ng kanin sa aking bibig. Hindi ko pa rin sya pinansin hanggang sa umupo sya sa isang upuan kaharap ko. Tinititigan nya ako habang kumakain. Ok lang sa akin iyon, sanay na ako at hindi ako nauumay kahit na naiinis ako sa isang taong makulit.

" Subuan kita?". Bulong nya sa akin.

Pansamantala kong itinigil ang aking pagkain, saka humagalpak pa sa tawa.

" Bilib talaga ako sa kapal ng mukha mo tol!! Hahaha!! Sumunod ka pa talaga ha? A-alam mo? Kung mahilig lang ako sa basag ulo kanina pa kita tinadtad ng suntok sa mukha!".

" Arayy.. wag naman. Sorry na tol, di na mauulit. Ikaw kasi ang harsh harsh mo sa akin". Pagmamakaawa nya, nagpapout pa putangina.

" Harsh? E-eh, h-hindi naman kita kilala.. saka tol, tigilan mo ako sa kakatawag mo ng babe! Hindi ka na ba nahiya? Alam mo? Pwede mo akong maging kaibigan, I like your attitude! Makapal mukha, matapang, hinalikan mo nga ako eh and it's kadiri!! Bakit naman tol? Ang bastos, nakakahiya!". Ang aking diskusyon ngunit mahina lang ito dahil may mga tao rin ang kumakain at baka marinig pa nila.

" Hindi ka naman nagalit diba?". Tanong nya, kumindat pa.

Nadismaya ako sa kanyang sinabi, tinitigan ko sya ng masama saka nagsalita. " F-U-C-K Y-O-U!!". Mariing tugon ko at inemphasize pa ito.

Itutuloy...

Anda Mungkin Juga Menyukai
Indeks
Jilid 1