webnovel

Hindi Nakayanan Ni Jaime

"Teka Mr. Dante, pakiulit mo nga ang sinabi mo! Nakakalito eh!"

Sabi ng isang senador

"Sino ba ang tinutukoy mo na nagsabi sa'yo na si Gen. Santiago ang huling kasama ng anak mong si Angela?"

Si Gen. Jaime Santiago po ang nagsabi sa akin."

"Ano raw?"

"Ewan ko, naguguluhan na rin ako?"

Pare pareho ang reaksyon ng mga nakarinig sa sinabi ni Dante.

Naguguluhan.

Ngunit iba ang reaksyon ni Sen. Reyes at Gen. Pasahuay. Hindi sila naguguluhan, nagulat nung una at pagkatapos ay naiinis.

At muli, nagkatinginan na naman sila pero ngayon mas matagal na parang naguusap ang mga mata.

'Ibig bang sabihin nito, nauna ng nakalapit si Santiago kay Dante?'

Kinabahan ang dalawa.

'Kailangan maialis si Dante sa witness bago ito may masabi pa!'

'Pero paano?'

Nagisip ng maidadahilan si Sen. Reyes.

Muling napangisi si Sen. Bathan.

'Wow! Kanina pasulyap sulyap lang ngayon naguusap na ang mga tingin nila!'

Nararamdaman ni Sen. Bathan na may planong humingi ng recess si Sen. Reyes kaya hinarap na nya ang witness.

"Okey linawin natin ito Mr. Dante medyo magulo. At hindi tayo mag rerecess hangga't hindi nalilinawan ang sinabi ni Mr. Dante."

Napatigil si Sen. Reyes sa pagtaas ng kamay.

Magsasalita na sana ito pero biglang sinabi iyon ni Sen. Bathan.

Pinigilan nya ang sarili at baka may magduda sa kanya.

"Ngayon Mr. Dante, paki paliwanag nga, bakit mo nasabi na si Santiago ang huling kasama ng anak mong si Angela?"

"May apat na buwan na po ang nakalipas ng puntahan ako ni Gen.Santiago at ng asawa nya para personal na himingi ng tawad. Pero hindi ko magawa dahil galit na galit ako sa kanya sa ginawa nya sa anak ko at takot na takot din ako at the same time dahil nagaalala ako na baka kung ano ang gawin nya sa akin at sa anak ko pero ...."

Napabuntung hininga si Dante.

".... iba po ang reaksyon ni Angela kay Gen. Santiago. Kalmado po ito.

Pag po kasi may lumalapit na lalaki kay Angela nanginginig na ito sa takot pero hindi sya ganun kay Gen. Santiago kaya tinanong ko napaisip ako at tinanong ko sya."

"Ano yung tinanong mo?"

Gigil na tanong ng isang senador na parang nabibitin sa kwento ni Dante.

"Tinanong ko po kung sya ba ang nagiwan ng mesahe sa akin at nagmiss call ng araw na iyon."

"Nung araw na iyon?"

"Nung araw po na makita namin si Angela, may nag miss call po sa akin tapos ay nagiwan ng message kung nasaan ang anak ko, kaya po namin sya nakita."

"At...?

"Tumango po si Gen. Santiago."

"Ang ibig mong sabihin ...."

Napatingin ang lahat kay Jaime.

"Opo, si Gen. Santiago po ang gumawa ng paraan para makatakas sa mga sindikato ang anak ko."

Natahimik ang lahat.

Hindi na makapagpigil sa sarili si Gen. Pasahuay, napatayo ito at nagsalita.

"Teka, bakit mo sinasabi ang mga ito? Tinakot ka ba ni Santiago?"

Singhal nya kay Dante.

Pinaghirapan nyang hanapin ito at suyuin para makarating dito sa Senate hearing at mag witness tapos ....

Napatingin ang lahat kay Gen. Pasahuay.

"Excuse me Gen. Pasahuay pero anong ginagawa mo? Who gave you the right to question the witness?"

Nagtatakang tanong ni Sen. Bathan. Pati ibang senador ay naiinis sa ginawa nya.

Hindi naman sya kasama dito bakit sya narito in the first place?

Nabigla si Gen. Pasahuay, hindi nya napigilan ang sarili nya sa sobrang inis.

Kinuha nya para mag witness si Dante laban kay Jaime hindi laban sa kanila kaya bakit ganito ang nangyayari? Sya pa naman ang inaasahan nilang alas na sisira sa reputasyon ni Jaime.

Sinulyapan nya si Sen. Reyes na naiinis din sa bigla nitong pagtatanong.

"Pasensya na ho your honor, nabigla lang po. Hindi na po mauulit!"

"Siguraduhin mo lang na hindi na ito mauulit kung hindi palalabasin kita Gen. Pasahuay!"

Inis ang tono ni Sen. Bathan pero deep inside natutuwa ito dahil unti unti ng lumilinaw sa kanya na malaki ang involvement ni Gen. Pasahuay at Sen. Reyes sa kaso.

"Bueno, ipagpatuloy na natin ang hearing."

"Chairman can I say something?"

Biglang taas ng kamay ni Sen. Reyes. Inasahan na ito ni Sen. Bathan. Alam nyang mag rereact ito.

"Yes Sen. Reyes?"

"Chairman andito po tayo ngayon para sa kaso ni Gen. Santiago na sya ang pinuno ng sindikato kaya pwede bang duon na muna tayo magfocus. Pwede bang iexcuse muna natin ang witness na si Mr. Dante para maka proceed tayo?"

"Yan din ang ipinagtataka ko, kung bakit nga ba naimbitahan dito si Mr. Dante, para ano? Para sirain ang reputasyon ni Gen. Santiago?

Well ganunpaman marami din tayong natutunan sa araw na ito, I agree na iexcuse na si Mr. Dante tutal alam na natin ang buong nangyari at sa ginawang pagligtas ni Gen. Santiago sa anak nyang si Angela sa kamay ng sindikato."

"Pero Chairman, maaring iniligtas ni Gen. Santiago si Angela pero paano nya magagawa iyon kung wala syang kinalalaman sa sindikato?"

Tanong ni Sen. Reyes.

Hindi sya makakapayag na muling bumaligtad ang sitwasyon at maging pabor na naman kay Jaime gaya ng nangyari kahapon.

Nabuhay na naman ang mga bulungan.

"Well may point ka dun."

Nangiti si Sen. Reyes.

"Gen. Santiago anong masasabi mo sa spekulasyon ni Sen. Reyes na may kinalalaman ka sa mga sindikato kaya nagawa mong mailigtas si Angela?"

Magsasalita na sana si Jaime pero may dumating.

Si Gen. Malvar.

"Pasensya na po kung mangiistorbo kami! Narito po kami para iserve ang warrant kina Gen. Pasahuay at Sen. Reyes!"

"Anong warrant?"

"Bakit kami may warrant? Para saan ito?"

Ibinigay nila ang kopya ng warrant para sa dalawa.

"Since nakakaistorbo nga kayo, pwede mo bang sabihin kung para saan ang warrant?"

"Sen. Bathan, ipinadala po ni Dr. Katherine Marie Santiago ang ebidensya na magpapatunay na si Sen. Reyes ang tunay na utak ng sindikato at piniframe up lang nya si Gen. Santiago!

Ipinadala nya po ito mismo kay President Guran kaya may utos galing sa presidente ang agarang pag aresto sa dalawa! At pinasasabi din nya na kung pwede daw na pansamantala nyo po munang itigil ang ginagawa nyong Senate hearing para sa kasong ito."

"Naintindihan ko!"

"Men, take them!"

Walang nagawa ang dalawa kahit na magpumiglas sila binitbit pa rin sila.

At dun natatapos ang Senate hearing at ang kaso ni Jaime.

Pero mabigat ang pakiramdam ni Jaime paguwi ng bahay.

Ang mga nakalap na ebidensya ni Eunice ay may video, kung saan ipinakita kung paano sya binaril at bumagsak sa bangin pati ang dugo ay kay Kate.

Lahat ng ebidensya ay nagsasabing totoong patay na si Kate.

Hindi ito nakayanan ni Jaime, bumagsak sya.

Bab berikutnya