webnovel

Dead 24 (Part 2)

Chapter ²⁴

Mia POV

Halos hinalughog namin ang buong lugar ngunit hindi parin namin siya mahanap.

"Ano nahanap niyo?" Pagtatanong ko sa paparating na si Vans.

"Hindi eh, naghahanap na din sina Christine at hindi ko mahagilap si Kyler, ewan ko kung saan iyon nagsusuot!"

Nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga.

"May kinalaman ba 'to sa pinagawa natin sa kanila?" Tanong ko.

"Ewan ko, wala namang binaggit ang dalawang bata tungkol sa misyon 'kuno' nila eh."

"Potek! Ano ba 'tong nangyayari saatin!" Daing ni Vans.

"Siguro tama nga si Christine na kasalanan lahat 'to ni Kie--"

"Vans!" Sigaw ko sa kanya.

"Walang may kasalanan okay? Hindi kasalan ni Kiera kung bakit nangyayari saatin to!" Hindi ko maiwasang  hindi magtaas ng boses sa puntong ito.

"Kinakampihan mo ba ang babaeng iyon Kiera? Nagtitiwala ka ba sa kanya? Ni hindi niya nga pinapakita 'yung mukha niya saatin simula 'nung tumapak siya dito sa safezone eh!"

"Hindi ko siya kinakampihan!"

"Paano kong kasabwat pala niya 'yung mga taong iyon?! Huh? Paano kung siya yung may kasalanan kung bakit namatay si Ace?! Paano kung siya 'yung dahilan kung bakit nakapasok dito yung mga masasamang taong iyon at kinuha sina Lee at Abe?!"

"Puro ka paano Vans!" Naiirita kong sabi.

May part saakin na unti-unti ng naniniwala pero meron ding tumututol.

"Oo, sabihin nalang natin na hindi niya kasabwat yung mga taong 'yun pero Mia hindi mo ba natatandaan na siya yung pakay nila? Kung hindi lang sana tayo nakiaalam ay buhay pa sana si Ace hanggang ngayon!"

"Alam mo Vans tumigil ka na, walang magagawa ang paninisi mo na 'yan." Nagtitimping sabi ko.

"I'm sorry to say this Mia pero hindi ako matatahimik hanggang andito pa 'yang Kiera na yan sa loob ng Zone, sana pinabayaan nalang natin siyang umalis." Sabi nito at naglakad palayo.

Napabuntong hininga ako. Kasalanan ko ba ito? Naging maayos ba ang lahat kung hindi ko na pinigilan si Kiera na umalis? Naging maayos ba ang lahat kung hindi kami nangialam sa kanya noon?

Siya ba talaga ang may kasalanan o ako?

Masamang tao ka ba Kiera?

Nararamdaman ko rin kasing wala kang tiwala saamin.

Pero mapagkakatiwalaan ka ba?

Oo meron saaking, nagtitiwala kay Kiera pero hindi ko alam kung saan nanggagaling.

Unang kita ko palang sa kanya noon ay iba na 'yung naramdaman  ko. Nakaramdam ako ng kakaiba na hindi ko maipaliwanag, para bang pakiramdam na nakita mo ang iyong nawawalang kaibigan?

Kaya siguro ganun nalang ang reaksiyon ko o nararamdaman ko para kay Kiera dahil nakikita ko sa kanya si Aira.

Hindi ko maiwasang malungkot at mangulila parin kay Aira at hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na wala na siya.

Napagpasyahan kong pumunta kung saan nanatili sina DenDen at pupuntahan din namin si Kuya Aries.

Napansin ko ang papalabas na si Kiera sa Gusali.

Muli ko uling natandaaan ang sulat na iyon.

Please protect tha't girl name Kiera at all cost.

Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko nakilala ang lalaking iyon ngunit hindi ko rin alam kung anong meron sa Kiera na ito at kailangan naming protektahan.

"Kiera!" Tawag ko at mukhang hindi niya ako narinig. Dere deretso lang ito sa paglalakad kung kaya hinawakan ko ito sa braso at iniharap saakin

Bakas din sa kanyang kilos ang pagkagulat.

"Ano? Nakita mo na ba si DenDen?"

Umiling lang ito.

"Natanong mo na ba si Kuya Aries?" Pagtatanong ko uli.

"Wala sila doon sa taas, tinanong ko rin siya ngunit hindi niya rin alam kung nasaan."

Halos mapunit na ang anit ko sa kakamot dahil sa frustration.

"Haist! Saan ba 'yun nagsusuoot?"

"Mukhang diyan lang 'yun sa tabi tabi, a-ang sabi pala sakin ni Tyler s-siya na daw ang hahanap kay DenDen."

Sabi nito.

Kiera's acting weird, oo weird talaga siya pero mas lalo siyang naging weird ngayon.

"Mia, I need to talk to you." Seryosong saad nito, napatingin naman ako sa kanya.

"Ano yun?"

"I think I don't belong here."

Bahagya pa akong nagulat sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

Takang tanong ko, kahit paulit ulit na niyang sinasabi ang mga katagang ito.

"Christine's right, simula 'nung sumama ako sa inyo ay palaging may nangyayaring masama lalo na sa kaibigan niyo."

"No, it was just an accident, hindi mo kasalanan iyon."

Umiling lang ito.

"I'm so sorry, nakapagpasya na ako, pakisabi kina Christine that I'm sorry, mamaya babalik na ako kung saan ako nararapat."

"What?"

"Yes, aalis na ako mamaya at sana huwag mo na akong pigilan. I promise na tutulong ako sa paghananap kina Lee at Abegail, iiwan ko dito si T-tyler."

Wait! Wala akong maintindihan.

"Mia may pabor sana ako sa iyo."

"A-ano yun?" Tanong ko kahit hindi ko talaga maintindihan ang kanyang sinasabi.

"After 30 minutes pwede mo bang puntahan sina DenDen at Tyler sa opisina ng Kuya Aries mo?"

"Ha? Ano-." Hindi na natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita uli siya.

"Please, after 30 minutes." Sabi nito at tumango lang ako.

Tumayo ito at naglakad.

"Why are you doing this?" Hindi ko alam kung saan nanggaling ang sinabi ko ngunit nanatili parin akong nag-aabang sa sagot niya.

"I want to protect all of you." Mahinang sambit nito.

"Protect from what?"

"From me."

What? Hindi ko na alam, bago ko uli magsalita ay wala na siya sa paningin ko.

Protect us from where?

From her?

Tama ba yung sinasabi nina Christine at Vans?

Pero para saan ang sulat na iyon?

Aligaga akong naglakad pabalik sa mga kasama ko.

It is just me or wala talagang mga tao dito? Ang tahimik ng buong paligid. Ni kahit isa ay wala akong makitang tao.

May nangyayari ba na hindi ko alam?

"Mia!" Tawag ng kung sino.

Nakita ko si Vans na humahangos na papalapit saakin.

"Kanina pa kita hinahanap!"

Bungad nito.

"Bakit anong nangyayari?!"

Kailangan na nating umalis!

"Ano?! Teka lang!" Saad ko ng maalala yung bilin saakin ni Kiera. May narinig akong tunog ng helicopter sa rooftop ng gusali ngunit pinagsawalang bahala ko na iyon at tumungo sa opisina ni Kuya Aries.

Pagkarating ko doon ay nagulat ako ng tumambad saakin sina DenDen at Tyler na nakagapos.

Nagdali-dali akong lumapit sa kanila at kinalagan.

"Mia!" Halos magulat din si Vans sa nasaksihan kaya tinulungan niya ako sa mga bata.

"Shit! Bilisan mo Mia!"

"Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko pero hindi niya ako pinansin.

Nang makalagan na sila ay mabilis namin silang iginaya sa labas ng building at halos malaglag ang aking panga sa aking nasaksihan.

"Kuya Aries?! Ace?!"

Gulat na gulat na tanong ko.

"Where's my sister?!" Histerekal na tanong nito na mas nagpagulat pa lalo saakin. Napatingala siya sa papalayong chopper at napamura.

"Sino?!"Gulantang na  tanong ko.

"Si Kiera!" Sigaw nito at halos manlambot ang aking tuhod sa aking narinig.

"She's my f*cking sister!" Galit na sigaw nito na nagbigay saamin ng takot.

H-hindi pwede.

Imposible

"Let's go! We are running out of time!"

Done

Bab berikutnya