webnovel

Dead 10 (Part 2)

Chapter ¹∅

Kyler POV

Shit! Where are they!

I feel the panic inside me. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mapahamak ang mga kaibigan ko.

Ayokong may mapahamak maski isa sa kanila.

No, not again.

Hindi ko kakayanin.

"Kyler! Mukhang nakawala na ang mga zombie!" Tarantang sambit ni Lee.

"Kailangan nating puntahan ang sinasabing tent ng dalawang lalaki!"

Saad ko at nagmadaling pumunta sa ibang direksiyon.

Ang masama kong kutob ay mas lalog nadagdagan pa dahil sa nangyari ngayon.

Nagmadali kami ni Lee sa pagtahak sa isang direksiyon at nagbabasakali kaming matagpuan ang mga kaibigan namin. Iwas takbo ang ginagawa ning dalawa para hindi mabangga ng mga taong nagsisitakbo din dahil sa kaguluhan. Salungat ang daan na tinatahak namin sa mga tao dito.

"Kyler! Lee!"

Napahinto sila ng makita si Vans na tumatakbo patungo sa direksiyon nila.

"Vans! Asan si Christine?!" Sigaw ko ng makita na hindi niya kasama ito.

Napahawak siya sa magkabilang tuhod bago muling nagsalita.

"Hin-hindi ko alam, akala ko nakasunod siya sa li-likod ko tapos paglingon ko wala na siya."

"Ano?!" Biglang sigaw ni Lee.

"San mo siya huling nakasama?" kalmadong tanong ko.

"Doon!" Turo niya at nagmadali naman kami sa pagtahak sa lugar na iyon.

Bigla kaming naalarma nang may makasalubong kaming mga zombie sa daan. Agad kong kinuha ang isang matulis na kahoy 'di kalayuan saakin atsaka sinaksak ang ulo ng zombie na papalapit saakin. Ganun din ang ginawa ng dalawa. Hindi na kami nagpaligoy ligoy pa sa pag-atake at pinuntirya kaagad ang ulo nito.

"Tara!"

Mabilis ang aming pagtakbo. Walang zombie sa dinaanan namin kung kaya't malaya kami sa pagkilos. 

Maya-maya pa ay nakasalubong namin ang isa sa mga bantay ng lugar, agad ko siyang sinunggaban ng suntok dahilan para matumba siya.

"Saan niyo dinala ang mga kaibigan namin?!" Sigaw ko at saka sinuntok ko siya sa mukha.

"Sumagot ka!" Akma ko sana siyang tadyakan ng magsalita ito.

"D-doon sa may m-malaking puno! Sa malaking tent!" Mabilis na sambit nito at agad ko naman siyang binitawan. Agad naming tinahak ang sinabi ng lalaki kanina at hindi nga siya nagsisinungaling, may isang tent nga sa di kalayuan.

Mabilis akong tumakbo doon at nadatnan nga namin ang mga kaibigan namin na nakagapos.

Hirap na hirap sila sa pagpupumiglas kaya agad namin silang kinalagan.

Binuhat naman ni Vans si Christine na ngayon ay walang malay.

"Thanks God Kyler!!!" Sigaw ni Mia.

"A-akala namin, katapusan na namin!!" Umiiyak na sabi ni Abegail.

"Let's go we are running out of time."

"Wait! Kailangan natin ng  Armas!" Suhestiyon ni Lee.

Agad kaming naghalungkat sa tent.

"Guys, dito!" Tawag saamin ni Mia na nakatayo sa harap ng isang kahoy na kahon. Bumungad saamin ang mga baril at naghahabaang mga espada.

"Kunin niyo ang mga kailangan natin at umalis na tayo sa lugar na 'to."

Nagmadali kami sa paglabas ng tent at nagulat kami nang tinutupok na pala ng apoy ang kakahuyan.

Kailangan naming makalabas sa lalong madaling panahon.

Buti nalang at wala kaming nakasalubong na mga zombie kung kaya't nakalabas kaagad kami sa lugar na iyon.

"Ano nang plano natin guys? Malayo ang safe zone mula rito kung lalakarin lang natin." Saad ni Lee.

"We have no choice kung hindi maglakad. Wala tayong mapapala kung mananatili lang tayo dito." Saad ko sa kanila.

"Oo, subukan nating maglakad baka may makita naman tayong sasakyan eh." Segunda ni Abegail.

"So now, it settle. We have to move." -Mia.

Nagsimula na kaming maglakad bit-bit  ang mga gamit namin.

Tahimik lang kaming naglalakad at nag mamasid sa paligid.

"Auh, guys mukhang naliligaw ata tayo ah. Alam niyo pa ba ang daan na dinaanan natin noon?" Biglang saad ni Lee.

"Mukhang naliligaw na ata tayo " Dugtong ko.

"Haisst. Hindi nga natin alam kung ano ang daan na tinahak natin noon diba dahil hindi natin makita ang daan? Dzuh!" Atungal naman ni Abegail.

"Wala na tayong magagawa guys, ipagpatuloy nalang natin ang paglalakad." Saad ni Xander.

"Wala na! Mamamatay na tayooo!!!" Biglang sigaw ni Lee.

"Aray! Ba't ko ko binatukan Ace?!"

"Ang OA mo kasi at huwag ka ngang maingay diyan, sa bunganga mo tayo mamatay eh! Ang ingay!"

Bumalik naman sa katahinikan ang lahat.

"Guys, pansin niyo..."

Napatingin kami kay Mia nang bigla itong magsalita. Tahimik lang kami at hinintay ang susunod niyang sasabihin.

"Parang katulad lang ng dati no?" Saad nito at lumitaw ang mapait na ngiti sa kanyang labi.

"Ganito din tayo, dalawang taon na ang nakalipas. Naglalakad tayo tapos hindi natin alam kung ano na ang gagawin natin." Dugtong nito at napabuntong hininga.

"Kaso may kulang."

"Huwag kayong mag-alala guys, sigurado naman akong binabantayan niya tayo palagi eh." Singit ni Abegail at ngumiti.

Hindi na ako nag-abala pang magsalita pa at tumingin sa kalangitan na may bilog na buwan ngunit walang mga bituin.

"Guys, pahinga naman tayo oh. Ang bigat bigat ng pinapasan ko ngayon oh." Reklamo ni Vans. Napatawa nalang kami sa kanyang naging reaksiyon. Habang pagod na pagod at pasan pasan si Christine.

Napagpasyhan naming magpahinga sa gilid ng kalsada.

"G-guys asan na tayo?"

"Hay salamat gising ka na! Ang bigat mo!" Sigaw ni Vans.

"Inaano ba kita diyan!?" Ganti naman ni Christine.

Napasinghal naman si Vans sa inasal nito.

"Sa ginawa ko sayo may gana ka pang magsungit diyan?! Ibang klase ka!"

"Ano bang ginawa mo?!"

"Binuhat lang naman kita mahal na PRINSESA habang wala kang malay!"

"Eh s-sino bang nagsabi n-na buhatin mo ko ha?!"

"Asfgjfjfk tumahik na muna kayong dalawa diyan! Di ba kayo napapagod sa pag babangayan?! Sa isa't-isa parin naman bagsak niyo eh!" Biglang singit ni Mia at yun lang pala ang nagpatigil sa dalawa tss.

Hinanap ng mata ko si Lee ng hindi ko siya mahagilap. Napatingin ako sa taas at aba ang mokong nandun pala.

Sumaludo lang ito nang makita niyang nakatingin ako sa kanya. Napailing nalang ako at pumunta sa isang bahagi ng puno at umakyat doon para mag-masid.

Napapikit ako sa dampi ng simoy ng hangin sa aking balat.

"Why I have this feeling na nandito ka parin....

Aira."

Bigla akong naalerto na may narinig na kaluskos sa di kalayuan.

Napatingin ako kay Lee na may kung anong ginagawa. Wala namang ginagawa ang nasa ibaba, pero tulog yung mga babae.

Again, narinig ko uli yung kaluskos kaya napagpasyahan kong bumababa.

"San punta?" Pagtatanong ni Lee.

"Diyan lang." Sagot ko nalang at tuluyan na akong nakaapak sa lupa.

Sinundan ko ang kaluskos na nanggaling sa kakahuyan.

Tinabig ko ang mga matataas na damo na nakaharang sa daanan ko at hinanda ang baril ko kung sakaling may panganib.

Naningkit ang mata ko nang may nakita akong bulto ng taong nagmamadali kaya agad ko itong sinundan.

Ngunit napatigil ako ng may mahagilap nanamang isa pang bulto ng tao at sa tingin ko ay hinahabol nito ang nauna.

Out of  curiousity sinundan ko parin ito.

Bigla akong napatago ng magharap ang dalawa. Isang lalaki at isang babae.

Walang ano-ano'y sinugod ng lalaki ang babae at wala namang hirap na nasangga ito ng babae.

Hindi ko maaninag ang mukha ng babae dahil sa telang nakaharang sa kanyang mukha ngunit biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng magtama ang paningin naming dalawa.

Done

Bab berikutnya