webnovel

Chapter 11: Confession

Pangalawang araw na ng mission namin kaya madaling araw pa lang ay nagpatuloy na kami sa paglalakbay. Gising na rin si Juvia pagkatapos ng mahaba habang tulog at syempre dumikit dikit nanaman siya kay Tober.

Inilagay namin ang mga bag namin sa likod ni Tophin upang hindi kami mahirapan sa paglalakad.

"Wala bang malapit na falls dito? Nangangati na ko, gusto ko ng maligo." reklamo ni Juvia.

"Meron naman, aabutin siguro tayo ng sampung minuto bago marating yon." sagot ni Mardy habang nakatingin sa mapa.

"Ano pang hinihintay natin? Bilisan niyo nang maglakad." masayang sabi niya at nauna ng naglakad kasama si Tober habang hila hila ito sa braso.

Lakad takbo ang ginawa namin hanggang sa makarating kami sa falls. Gulat na gulat kami dahil sa walang pasabing paghubad ni Juvia sa harap namin hanggang sa walang natirang saplot sa katawan niya at agad na naligo.

Nang matauhan ako ay agad kong pinagsitulakan ang mga kasama kong lalaki. "Hey! All of you!" turo ko sakanila. "Turn around and don't look! Give some respect please."

Tumalikod na sila at umupo, binantayan ko sila habang hinihintay na matapos sa pag ligo si Juvia, mas ok ng makasiguro baka mamaya bigla na lang sila sumilip, mga lalaki parin sila kahit papano.

Hindi rin nagtagal ay natapos na sa pagligo si Juvia at sumunod naman ang apat.

Tinignan ako ni Juvia mula ulo hanggang paa. "Don't you want to take a bath and clean yourself?" maarteng tanong niya sakin. "Oh nevermind, I don't care either."

Hindi ko na lang siya pinansin at umupo na lang sa tabi ni Tophin.

"Hey there." bati ko sakanya at ni-rub ang ulo niya na agad naman niyang nagustuhan. Maya maya lang ay bumaligtad siya na para bang sinasabi niya sakin na yung tiyan naman niya ang isunod ko kaya ginawa ko naman, tuwang tuwa siya sa ginagawa ko hanggang sa itinigil ko na dahil tapos na ang mga kasama ko.

"Josephine, ayaw mo bang maligo?" tanong sakin ni Mardy.

"Mamaya siguro." sagot ko.

"You look dirty Josephine, go and clean yourself." utos sakin ni Richard.

"Mamaya na lang."

"Ok then, if that's what you want." pagsuko niya.

"Dito ka muna Josephine, hahanap lang kami ng makakain, ayaw kasi gumana ng ability ni Mardy dito sa gubat." paalam ni Blake.

"Sama ako!" sabi ni Juvia at kumapit pa sa braso ni Tober saka sila umalis.

Kaming dalawa na lang ni Tophin ang naiwan kaya naisipan kong magpulot ng mga magagandang bato upang malibang.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpupulot ng bigla akong nabasa dahil sa paghampas ni Tophin sa tubig malapit sa kinaroroonan ko. Akala ko noong una ay hindi niya ito sinasadya pero muli niyang inulit ang pag hampas kaya lalo akong nabasa.

"Ano ba Tophin itigil mo nga yan." suway ko sakanya pero hindi siya nakinig at hinila pa ko papunta sa tubig gamit ang buntot niya.

"Oo na, maliligo na ko." tumingin muna ako sa paligid bago hubarin ang mga kasuotan ko upang masiguro na walang ibang naririto kundi kami lang.

Nang matanggal ko na ang lahat ng nakabalot sakin ay tumalon na ko sa tubig at lumangoy.

Ang sarap talaga sa pakiramdam ng tubig.

Ipinikit ko muna ang mga mata ko habang dinaramdam ang lamig ng tubig sa aking balat.

THIRD PERSON'S POV:

Sa gitna ng kagubatan ay naglalakad sila Tober upang maghanap ng makakain sa kanilang paglalakbay.

Napatigil ang lahat sa paglalakad ng magsalita si Tober. "I forgot something, just go ahead." sabi niya at tumigil sa paglalakad.

"What is it?" nagtatakang tanong ni Richard.

"My amulet." sagot niya.

"Is that really important?" tanong niya pero hindi siya sinagot nito.

"Well to answer your question, that's a yes. He needs to wear it in order for him to control his ability." pagsagot sakanya ni Mardy. "Oh sige, bilisan mo lang." sabi niya kay Tober.

"Edi sasama na lang ako sayo." sabi sakanya ni Juvia at kumapit sa braso niya.

Sana pumayag siya, sumama lang naman ako para makasama siya.

"I don't need a companion." walang emosyong sabi nito at naglakad na paalis.

Labag man sa kalooban ni Juvia ay sumunod na lang siya kila Mardy.

Naglakad pabalik si Tober upang balikan ang naiwan niyang amulet sa gilid ng falls samantalang si Josephine naman ay kasalukuyang nakikipaglaro kay Tophin.

Nang makarating si Tober sa falls ay nakita niya si Tophin at sa likod naman niya ay si Josephine na hinahagod ang likod nito.

Lingid sa kaalaman ni Tober ay walang suot na damit si Josephine dahil sa natatakpan ni Tophin ang katawan niya.

Napatigil siya sa paglalakad dahil sa biglaang pag alis ni Tophin sa pwesto nito kaya kitang kita ang malaporselanang kutis at magandang pangangatawan ni Josephine.

What the!

Agad siyang tumalikod nang mapagtanto kung ano ang nakita. Maglalakad na sana siya paalis ng may matapakan siyang maliit na sanga ng kahoy na naging dahilan ng malakas na tunog kaya napabaling sakanya ang atensyon ni Josephine.

Sh*t! What have you done! You didn't see anything right? Calm down, just calm down.

"Tober?" lalo siyang nakaramdam ng kaba ng magsalita si Josephine.

Bakit siya nandito? Nakita niya kaya itong_wag naman sana!

"What are you doing here? I thought you're with them?" tanong nito sakanya.

Remember Tober just calm down. "N-nothing, I-i just forgot something." nauutal nitong sabi.

Now you're stuttering! This is embarrassing, maybe she's thinking right now that I'm a pervert bastard.

"Is that so?" she asked. "Did you saw_"

"Nothing! I saw nothing!" Tober defended.

Bastard! You are really puting yourself in danger.

"Ok then, can you please don't look back for a while?" sabi niya at agad na kinuha ang mga damit niya saka sinuot ang mga ito. Buti na lang, akala ko talaga nakita niya. "You can look now."

Remember what I told you Tober, just calm down and act normal. Don't let her manifest that you are nervous.

Huminga muna ng malalim si Tober bago humarap kay Josephine.

"I'll just get my amulet." sabi niya ng walang emosyon.

That's right Tober, just pretend that you didn't see anything.

"Your amulet? Does it look like a red stone with a dragon around it?" she asked and he just nod as answer.

"I put it in my bag a while ago when I saw it, wait." she went under the tree beside the falls and took the amulet in the bag. "Here_you know what, I like your amulet. It's beautiful." she giggled and handed the amulet to Tober, he took it and put it on his neck.

"Next time, check your surroundings before you strip." he said without looking at her.

Ikaw nga tong bigla biglang susulpot diyan. "Yeah, I know."

JOSEPHINE'S POV:

Hindi na umalis si Tober at nanatili na lang siya dito kasama ko. Ang dahilan niya ay tinatamad na daw siyang maglakad.

Minabuti na lang muna naming umupo at maghintay.

Tahimik lang kaming nakaupo ni Tober habang hinihintay sina Richard pero bigla akong napatawa kaya napatingin siya sakin at nagtaka.

"What's the matter?" tanong niya, itinuro ko si Tophin na nakaupo sa harap namin at nakatilt ang ulo na para bang inoobserbahan kaming dalawa.

"Cute right?" I giggled.

Lumapit si Tophin kay Tober at nirub ang ulo niya sa hita nito na para bang nagpapalambing. Napangiti na lang ako bigla nang sinuklay ni Tober ang likod niya at niyakap ito.

Ang cute nila tignan, parang biglang nawala yung coldness ni Tober sa ginawa niya.

"Your smile is really precious." he said seriously while looking at me straight in the eyes.

What?

Umiwas ako ng tingin sakanya dahil sa sinabi niya.

"What are you talking about? I'm not smiling. Baka mali lang yung nakita mo." pagsisinungaling ko.

Bigla akong napaatras dahil sa paglapit niya sakin.

"Why are you so cold towards me?" lumapit pa siya lalo sakin samantalang ako naman ay patuloy sa pag aatras. "You are so unfair, am I that bad?" seryosong tanong niya and this time tuluyan na siyang nakalapit sakin at wala na kong maatrasan pa.

Now I'm trapped.

"I just want to see you smile. That precious smile of yours that makes my heart beats so fast_" he lean closer to me, I can already smell his manly scent

"W-what are you trying to say?"

"Why are you doing this to me?" he asked in a deep whisper. "Why are you making my heart so violent?." nagtitimping singhal niya.

"I_I don't know what this feeling means_this is all I want to say." he said and reach for my hand then kiss it.

What is happening? Naguguluhan ako ah.

Isang katahimikan ang namayani sa aming dalawa hanggang sa dumating na ang mga kasama namin.

Lumapit agad si Juvia kay Tober bg makita niya ito. "Tober bakit hindi kana bumalik? Naboring tuloy ako." sabi niya ng nakapout. "Kinuhanan na pala kita ng mga prutas oh. Kainin mo tong isa, say ahhh...." akmang isusubo na sana niya ang prutas kay Tober nang bigla itong umalis at tumabi sa akin. Tinignan ako ng masama ni Juvia dahil sa ginawa niya.

Ano bang ginagawa nitong lalaking to?

Napabaling ang atensyon ko kay Richard ng kalabitin niya ako. "Hey beautiful, I got you some fruits so that you won't get hungry." ibinigay niya sakin ang mga prutas na nakabalot ng tela.

"You don't have to_but thanks anyway." inabot ko ang mga prutas at inilagay sa bag.

Hindi na kami nagsayang pa ng oras at nagpatuloy nanaman sa paglalakbay. Kailangan na naming makarating agad dun para matapos ang misyon namin.

Mahigit tatlong oras ang nilakad namin ng makarating kami sa Marden village, ang pinakamaliit na lugar ng mga mundanes o ang mga normal na tao. Maliit man ang lugar nila pero nangunguna sila sa mga makina, malalaki man o maliliit. Sakanila rin nanggaling ang mga cellphone na ginagamit namin, pero hindi pa ganun kaayos kasi message at tawag lang kaya nitong gawin.

Kung idedescribe ko ang Marden, isa itong tahimik na lugar hindi katulad sa Atlanta na laging live ang atmosphere. Nakasara ang mga pintuan maging ang mga bintana, kakaunti rin ang mga mundanes na nasa labas. Tila ba parang may kinakatakutan sila dito sa labas, nagtanung tanong kami upang makahanap ng pansamantalang matutuluyan pero ni isa sakanila hindi man lang kami pinansin. Hanggang sa may mapang tanungan akong isang ale na medyo may katandaan na.

"Ahm hello po, pwede po bang magtanong?" tanong ko, nagaalangan pa siya kung kakausapin ba niya ako o hindi pero sa huli nagsalita rin ito.

"Ano iyon?" pabulong niyang tanong sakin.

"Galing po kami sa Atlanta, naghahanap po kasi kami ng mga kasama ko ng matutuluyan. May alam po ba kayong pwedeng pagtuluyan dito?" tanong ko, pero nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang braso ko.

"Umalis na kayo dito! Papatayin nila kayo pag nakita nila kayo!" pagalit na sabi niya sakin. Tinanggal ko ang kamay niya sa braso kong mahigpit ang pagkakahawak.

"Hindi po kami aalis dito, nandito kami para tumulong kaya kung gusto nila kaming patayin lalaban kami." pagmamatigas ko.

Nagulat siya sa sinabi ko at umiling iling. "Makulit ka ring bata ka, huwag mo sasabihin sakin na hindi kita binalaan." she sighed. "May alam akong pwede niyong matutuluyan, may pinapaupahan ang pamangkin ko na bahay malapit dito, tawagin mo na ang mga kasama mo para makapunta na tayo kaagad dun, baka mahuli pa tayo kapag pabagal bagal kayo." sabi niya.

Agad kong tinawag ang mga kasama ko at si Tophin saka kami sumunod sa ale at totoo nga ang sinabi niyang malapit lang dito ang bahay na pinapaupahan ng pamangkin niya, umalis na siya kaagad pagkahatid niya sa amin dahil may aasikasuhin pa raw siya.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng bahay, hindi ito ganun kalaki at medyo luma na rin ang mga gamit pero ok lang mukhang kasya naman kaming lahat dito.

"Pasensya na kayo, hindi pa namin nalilinisan itong bahay, ngayon lang kasi may uupa dito eh. Ako nga pala si Mona pamangkin ako ni Tita Ern." pagpapakilala niya sa amin, mukhang bata pa siya siguro kasing edad lang namin.

Napatingin kaming lahat kay Juvia nang mag reklamo siya. "This place is dirty, yuck! I don't wa_" hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil biglang sumingit si Blake.

"_don't mind her, this place is ok, kasya naman kami dito. By the way I'm Blake, and these are my colleagues. This guy beside me is Mardy, that lady with red hair is Juvia, and that lady over there with white hair_" pagturo niya sakin. "_is Josephine, those two guys beside her is Richard and Tober." pagpapakilala niya samin. "Magkano pala ang babayaran namin?" tanong niya.

"Dalawang pilak lang tutal maliit lang itong bahay." sagot ni Mona. "Tigrus? T-teka, alaga niyo ba yang halimaw na yan?" gulat na tanong niya samin.

"Oh that? Yes, his name is Tophin, Josephine's pet. Don't worry his gentle." paliwanag ni Richard. "How many rooms does this house have?" tanong niya.

"Isang kwarto lang ang meron at dalawang kama." sagot niya.

"Sa kama na lang yung dalawang babae tapos sa papag tayo, mga lalaki naman tayo eh." sabi ni Mardy.

"Right, we can endure it and it's just for 4 nights only." pagsang ayon ni Richard kay Mardy.

"Oh sige maiwan ko na kayo marami pa akong aasikasuhin sa bahay, kayo na ang bahala dito ah." pagpapaalam niya sa amin.

Pagkaalis niya ay tinignan kami ng masama ni Juvia.

"I can't stay here! Look, this house is really dirty! What if I get sick because of these dirts!" reklamo niya pero nakayakap naman kay Tober.

"Lilinisan naman natin to eh, and besides wala na tayong choice. Nandito tayo para tapusin ang misyon natin kaya imbis na magreklamo ka diyan, mag umpisa ka ng maglinis." inis na sabi sakanya ni Mardy pero tinignan lang siya ng masama nito.

"What if we used our abilities to make our work easier?" I suggested.

"That's a brilliant idea! Well I can manipulate the sands as well as the dirts, and you can use your water ability." tuwang sabi ni Blake. "Mardy's ability can grow plants here inside of the house to make it look good, but I don't think Tober's ability can help clean this house."

"Ireserve na lang niya yun mamayang gabi para may magamit tayong apoy pang luto mamaya, atyaka para may pang ilaw rin tayo." sagot ni Mardy.

"And how about these two? Richard and Juvia?" biglang tanong ni Tober, bihira lang siyang magsalita kaya nakakagulat na nagsalita siya ngayon.

"Ay oo nga, kayong dalawa hindi pa namin alam kung anong ability niyo." sabi ni Mardy.

Kaya nga, ano kayang ability ng dalawang to? Matagal ko ng nakakasama si Richard pero hanggang ngayon hindi ko parin alam ang ability niya.

"Kahit malaman niyo ang ability ko hindi parin ako tutulong maglinis no." maarteng sabi Juvia samantalang si Richard naman ay tahimik sa gilid.

May tinatago ba siya samin?

"Gusto lang namin malaman, ang arte mo talaga." inis na sabi ni Mardy.

"Hindi ako maarte no!"

"Sabihin mo na lang kasi kung ano yang ability mo! Dami pang arte eh!"

"Oo na, physical mutation ang ability ko. Ayan oh!" naasar na sabi ni Juvia at ipinakita ang kamay niyang naghugis ahas.

"Sasabihin mo rin pala, ang dami pa kasing arte!" patuloy na nagbabangayan parin ang dalawa hanggang sa may tumamang apoy sa gitna nilang dalawa kaya napatigil sila.

"You're noisy." walang ganang sabi ni Tober.

"Now it's your turn Richard, what's your ability?" Blake asked.

"It's not that important, let's just start cleaning this house." he said changing the topic.

"We just want to know what's your ability." I said, naku-curious kasi talaga ako kung anong ability niya.

Huminga muna siya ng malalim bago ipinosisyon ang mga kamay niya, may unti unting lumalabas na itim na usok sa mga palad niya at kumakalat sa paligid. Nalanta ang mga halaman ni Mardy ng madaanan ito ng usok ni Richard.

"Wait, is that_" gulat akong napatingin sakanya, well actually lahat kami.

"Yes it is_dark smoke is my ability." he deeply whispered and look down. "I am the son of Ragnar Tross."

"So it means you're a_" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sinagot na niya agad ang tanong ko.

"Yes, I am one of them."

Bab berikutnya