webnovel

Chapter 10: Journey

4 pa lang ng madaling araw ay nag-ayos na ko dahil mamayang 5 ang alis namin. Suot ang white fur cloak, kinuha ko ang dalawang bag at lumabas na ng room.

Pagkalabas ko ng room ay sakto rin ang paglabas ni Tober, nakasuot rin siya ng fur cloak pero kulay itim ang kanya, isang bag lang ang dinala niya dahil yun lang naman ang nakita kong hawak niya. Naglakad na ko sa hallway at nakasunod naman siya sakin.

Tahimik lang kaming naglalakad nang bigla niyang kunin ang isang bag ko. "Hey, give me my bag." I demanded. "You're welcome." he said and walked ahead of me.

Wala na kong nagawa kaya hinayaan ko na lang siyang buhatin ang bag ko at sumunod sakanya.

Kaming dalawa pa lang ang nasa labas kaya umupo muna ako sa may harap ng fountain at naghintay. Maya maya lang ay dumating na rin si Richard kasama si Mardy.

"Ang aga niyo namang dalawa hindi niyo man lang ako hinintay." sabi ni Mardy.

"You're so noisy." reklamo ni Tober.

"Grabe ka naman sakin pre, buti hindi nakasama si Layne. Baka makawawa lang ako sainyong dalawa." sagot niya.

"Hi Josephine! You're early." masiglang bati sakin ni Richard.

"Hindi lang talaga ako nakatulog."

"Why? Are you worried about what will happen in our mission?"

"Sort of."

"Don't worry Josephine I'm here_" he patted my shoulder. "I will protect you no matter what." he said seriously and I smiled at him.

Dumating na rin ang tatlo naming mga kasama kaya nagsimula na kaming naglakad palabas ng Winterhold.

***

Apat na oras na ang nakalipas nang magsimula kaming maglakad pero nandito parin kami sa gubat. Ngayon lang ako naglakad ng ganito kalayo sa buong buhay ko, mahirap pero masaya dahil sa kakulitan ni Mardy, may silbi rin pala yung mga kakulitan niya pag dating sa ganitong bagay dahil nalilibang ka habang naglalakad.

"I'm so tired, masakit na ang mga paa ko." reklamo ng kasama naming babae na galing sa Manticore House.

She has this red hair, seductive face and body. Na sa unang tingin mo pa lang ay talagang maakit kana.

"Gusto mo buhatin kita?" pagprisinta ng kasama naming lalaki na galing naman sa Pegasus House.

Hindi niya pinansin ito at lumapit kay Tober.

"Hi! I'm Juvia, you're Tober right? Can you please carry me?" maarte niyang sabi at hinawakan ito sa pisngi.

Ang akala ko ay gagawin niya ang sinabi ni Juvia pero hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Hey." pagkuha ng atensyon sakin ni Richard. "Do you want me to carry your bag?" tumigil siya sa paglalakad at humarap sakin.

"No, thanks. I can handle it." I said.

"No you're not. Look, I know you're already tired of walking. Please let me carry your bag just for now." he insisted and took my bag.

Wala na kong nagawa kaya hinayaan ko na lang siya.

After three hours:

"I'm hungry." reklamo nanaman ni Juvia.

Grrrruuuuu....

Bigla akong nakaramdam ng gutom dahil sa sinabi niya. Kanina pa pala kami hindi kumakain.

Nakakita ako ng maliit na prutas sa isang tabi kaya agad ko itong pinitas, isusubo ko na sana ito ng pigilan ako ni Mardy.

"Josephine don't eat that." kinuha niya ito sa kamay ko at itinapon.

"Why?" Prutas naman yun ah.

"That's Daffo berry and it's poisonous, mamamatay ka agad kapag kinain mo yun." napatingin ang lahat sa amin dahil sa sinabi ni Mardy.

"Oh thank you." buti na lang pala at pinigilan niya ko.

"Here eat this." he said and gave me a fruit.

Kinuha ko ito at kinain. "Where did you get this?"

"Josephine, nakalimutan mo na ba? I'm a plant manipulator, I can grow different kinds of plants whenever I want." he said confidently.

Yeah right.

"Magpahinga muna tayo saglit. Medyo malayo pa tayo sa labas ng gubat." sabi ng kasama naming lalaki at umupo sa ilalim ng puno.

Sumunod naman kami at umupo muna sa nakatumbang trunk ng puno.

"Here Tober oh, share tayo." umupo si Juvia sa tabi niya at inoffer ang prutas. Pero hindi parin siya nito pinapansin.

"What can you say about Juvia?" tanong sakin ni Richard.

"Ahm, she's beautiful and sexy." sagot ko.

"But you're 10x more beautiful and sexier than her_no, maybe 20? 30? Argh never mind." sabi niya habang kinakamot ang kanyang batok. "Kanina pa dikit ng dikit yan kay Tober." pag iiba niya sa usapan, sinulyapan ko ang dalawa at kitang kita talaga na dikit ng dikit si Juvia kay Tober.

"I'm thirsty." sabi ni Mardy habang hawak hawak ang kanyang lalamunan. "Isang oras pa ang lalakarin natin bago tayo makarating sa ilog." sabi niya habang tinitignan ang mapa na binigay sakanya kahapon.

Pumitas ako ng isang malaking dahon sa gilid, ginamit ko ang kapangyarihan ko at nilagyan ito ng tubig.

"Here drink this." binigay ko sakanya ang dahon na may lamang tubig.

"Thank you, muntik ko ng makalimutan na may water ability ka pala." inabot niya ang dahon at ininom ang laman nito. "Guys inom muna kayo ng tubig." sabi niya sa mga kasama namin.

Pumitas ako ng ilan pang malalaking dahon at nilagyan ito ng tubig. Tinulungan ako ni Richard na iabot ang mga ito sa mga kasama namin.

"Here." binigay ko kay Tober ang dahon at kinuha naman niya ito.

"Thanks." he said.

Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad nang bumalik ang lakas namin. Inabot nanaman kami ng isang oras sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa ilog.

"Pano yan, malakas ang agos ng ilog." reklamo ni Juvia.

"Nakalimutan mo na bang may water ability si Josephine." sagot sakanya ni Mardy.

Pumunta ako sa harap ng ilog at unti unti itong nahati sa dalawa para makagawa ng daan. Agad naman silang sumunod at tumawid pagkatapos ng ginawa ko.

Nang makatawid na kami ay ibinalik ko sa dati ang ilog at sumunod na sakanila.

"Base dito sa mapa nandito na tayo sa Archaic forest." Mardy said while looking at the map.

Inobserbahan ko ang paligid, ibang uri ng mga puno ang nandito, maski ang atmosphere na nandito kakaiba rin. Sobrang laki ng mga halaman na halos kasing laki ko lang.

"This place is so creepy." narinig kong sabi ni Juvia habang nakakapit sa braso ni Tober.

Totoo ngang creepy ang lugar na to, lalo pang nagpadagdag ang katahimikan dito na para bang walang buhay dito.

Napunta ang atensyon naming lahat kay Juvia nang bigla siyang sumigaw.

Nagulat kami ng makitang may nakapulupot na ugat sa katawan niya na galing sa malaking bulaklak na may mga tinik sa dulo.

"Mardy can you control that plant?" tanong sakanya ni Richard.

"Yun na nga ang problema eh, hindi ko kontrolado ang mga halaman dito." sagot niya.

"H-help." unti unting sinasakal ng halaman si Juvia dahilan kaya lalo kaming nataranta.

Napakamot na lang sa ulo si Richard dahil sa inis at akmang susugod na sana nang pigilan siya ng kasama namin.

"Don't." pagpigil nito, napalingon kaming lahat sakanya at nagtaka.

"Ano ka ba, kung di na natin mapipigilan yan baka mapatay niya ang kasamahan natin!" sigaw sakanya ni Mardy.

"Just don't, all the creatures here are cursed. They have full counter ability." pagpapaliwanag niya.

Napatigil kaming lahat dahil sa sinabi niya.

"What are we going to do now?!" natatarantang tanong ni Mardy. Lahat kami dito ay natataranta na maliban na lang kay Tober na tahimik sa isang tabi habang nakatingin kay Juvia.

Napatingin ako kay Juvia at sa halaman ng may bigla akong naalala at naisip na paraan.

Inobserbahan ko ng maigi ang halaman upang makumpirma ang nasa isip ko. A smile escaped from my lips when I confirmed that I'm right.

"Kuneho." pag tawag ko kay Tober pero hindi man lang siya lumingon sakin.

"Tober." pag tawag ko ulit sakanya and this time tumingin na siya sakin pero may halong pagtataka.

"Can you use your lightning?" sabi ko at lumapit sakanya.

"And why would I do that?" nagtatakang tanong niya.

"Ah basta, mamaya ko na ipapaliwanag."

Hindi na siya umimik at sinunod ang sinabi ko. Itinaas niya ang kamay niya at tumingin siya sa kalangitan. Unti unting dumilim ang paligid at nagsimula ng kumidlat. Dahil sa sobrang lakas ng tunog nito ay agad natanggal ang ugat na nakapulupot sa katawan ni Juvia na agad ring lumiit.

Lumapit kami kay Juvia na nawalan ng malay dahil sa higpit ng pagkakasakal sakanya ng ugat kanina.

"Hey, pano mo nagawa yun?" tanong sakin ng kasamahan namin. "By the way I'm Blake." pagpapakilala niya.

"I observed the appearance of the plant and it looks like a liptorse based on its roots and its flower with torns."

"What are liptorse?" Richard asked.

"Based on what I've read, liptorse are flesh eating Archaic plants and cannot be killed because of their full counter ability, but they are afraid of thunder." I explained.

The three of them clapped their hands except for Tober. "You really are a genius." nakangiting sabi ni Blake at ginantihan ko rin ng ngiti.

"You know what, you should always smile." bulong sakin ni Richard na agad namang nagpainit sa pisngi ko.

"Hey you're blushing." asar sakin ni Mardy na agad nakakuha ng atensyon ng dalawa.

"I think we should go, it's dangerous in here." pagsasawalang bahala ko sa sinabi niya.

Pumayag naman sila kaya binuhat na ni Blake si Juvia at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Napatigil ako sa pag lalakad ng may naramdaman akong nagmamasid sa amin.

"What's wrong?" tanong sakin ni Richard. Tumingin silang lahat sa akin habang hinihintay ang sagot ko.

I turned to the bush when I heard a sound coming from it.

Naglakad ako palapit doon para makita kung ano ang naroon. Pinigilan pa ko ng mga kasama ko pero hindi ako nagpatinag at lumapit parin.

Napatigil ako nang may nakita akong kulay green na mga mata.

"R-run!" sigaw ko dahil sa halimaw na naroon.

Tumakbo kami ng tumakbo at doon ko lang nakita na isang Tigrus ang humahabol samin.

Natigilan ako ng bigla akong nadapa at bumagsak sa lupa. Nasapo ko ang paa ko at nakitang dumudugo ito.

Ang tanga mo talaga Sephine, bakit ngayon pa?

Napatulala na lang ako nang makitang nasa harapan ko na ang Tigrus.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko dahil sa takot na baka ito na ang magiging katapusan ko.

"Josephine no!" rinig kong sigaw ng mga kasama ko.

Napadilat ako ng mata ko nang may basang humaplos sa mukha ko. Tinignan ko ang Tigrus sa harapan ko at nakadapa itong nakatingin sakin habang kinikiskis ang mukha niya sa mukha ko.

Muntik na yun ah, akala ko talaga katapusan ko na.

"Josephine are you alright?" tanong ng mga kasama ko na nasa tabi ko na ngayon.

"Yes, I think this creature is meek." I said while patting the head of the tigrus.

Tumayo ako pero agad ring bumagsak sa lupa. "Ouch!" tinignan ko ang paa kong kanina pa pala dumudugo dahil sa pagkadapa kanina.

"Your foot is bleeding." sabi ni Tober at binuhat ako.

"Ibaba mo nga ko, ok lang ako."

"Shut up or I'll burn you." pagbabanta niya kaya nanahimik na lang ako. Pakiramdam ko parang naulit nanaman to.

Nilingon ko ang tigrus sa likod ko at nakaupo lang ito habang nakatingin sa amin.

"I think he wants to come with us." sabi ko habang nakatingin sa tigrus.

"Are you serious Josephine? That's a tigrus remember?" hindi makapaniwalang sabi ni Mardy.

"I know, I will take the responsibility if something bad happens. So please let me take him." I pleaded.

"Let's just take that tigrus guys besides it's gentle, I think it can't hurt us." pagsang-ayon sakin ni Richard.

Wala na silang nagawa kaya pumayag na sila.

Nagpatuloy nanaman kami sa paglalakbay habang nakasunod sa likod namin ang tigrus.

"Ano namang ipapangalan mo diyan sa alaga mo?" biglang tanong sakin ni Blake.

"Hmmm..." Ano nga kaya?

"Tophin." napaangat ang tingin ko kay Tober dahil sa sinabi nito.

"What?" I asked, baka nagkamali lang ako ng dinig.

"I said Tophin." pag uulit niya.

"And where did you get that name?"

"Ano ka ba Josephine, pinagsama niya lang yung pangalan niyong dalawa. Yung To kinuha niya sa TOber tapos yung phin kinuha naman niya sa josePHINe, gets mo?" sagot ni Mardy.

Muntik na kong mabitawan ni Tober dahil sa sinabi ni Mardy.

"Nevermind, don't name him Tophin." sabi sakin ni Tober at inayos ang pagkakabuhat sakin.

"I like it."

"You like what?"

"Tophin, I will name him Tophin." I said and look at the tigrus behind us. "From now on, I will call you Tophin." lumapit ito sa akin at kiniskis ang ulo niya sa kamay ko.

Gabi na nang makalabas kami sa gubat.

Halos mga damo na lang ang makikita at wala ng mga puno.

Naisipan muna naming tumigil at magpahinga. Ibinaba na ko Tober sa damuhan at tumabi naman sa akin si Tophin, ibinaba rin ni Blake si Juvia malapit sa amin.

Nagprisinta si Richard at Mardy na kumuha ng mga kahoy para sa apoy, si Blake naman ang nagprisinta na kumuha ng mga dahon upang gawing kumot at pagtulugan namin samantalang si Tober naman ang naiwan dito upang bantayan kami kasi tinatamad na daw siyang maglakad.

"Hey." pagtawag niya sakin.

"What?"

"Does it still hurt?"

"Yeah, a little bit."

Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at lumuhod sa harap ko.

"Hey, what are you doing?" bigla niyang inangat ang paa ko at ipinating iyon sa hita niya.

Nakaramdam ako ng init banda sa paa ko ng may inilagay siya roon.

Nagulat ako nang makitang magaling na ang sugat ko, ni wala man lang bakas na nagkasugat ako.

"Thanks." I mumbled.

"What? I can't hear you."

"Thank you." medyo nilakasan ko na ang boses ko para marinig niya ng tuluyan. He gave a genuine smile as a response.

"Ano nga pala yung nilagay mo sa sugat ko?" tanong ko sakanya, nakakapagtaka lang. Parang gusto ko rin humingi pang emergency lang kumbaga.

"Aquasum." tipid na sagot niya habang minamasahe ang paa ko.

"What is that mean?"

"Healing water."

"Where did you get that?" makulit na kung makulit nacucurious lang naman ako.

"Stop asking. Here, take this." Inabot niya sakin ang bote ng aquasum. "You need this more than I do."

"No thanks, this is yours." ibinalik ko sakanya yung bote, mahirap na no baka wala siyang magamit in case of na masugatan naman siya.

"Just take this." he insisted.

Tinanggap ko na ito at inilagay sa bag ko, baka bawiin niya pa.

Maya maya lang ay dumating na rin ang tatlo dala ang mga kahoy, dahon at pagkain. Inilapag na nila ang mga ito at gumawa na rin ng apoy si Tober para mainitan kaming lahat kahit papano.

Kinuha ko ang mga dahon at inilapag ng maayos para may mahigaan kami. Inihiga na rin ni Blake si Juvia at kinumutan ng dahon.

Kumain muna kami ng kaonti bago natulog upang magkaroon ulit ng lakas para bukas.

Sana maging maayos ang paglalakbay namin bukas.

Bab berikutnya