webnovel

LOST: CHAPTER 12

"Red…" tawag nito sa kaniya.

"Bakit, Cy?"

"Nagugutom na ako." Malungkot nitong wika. Ang kaliwang kamay nito ay nakahawak sa sanga habang ang isa ay sa kaniyang tiyan.

Walang maisagot si Red dahil maging siya ay nagugutom na din. Wala namang punong kahoy na pwedeng pagkunan ng pagkain. Mahirap ding makahuli nang isda lalo pa't hindi nila matukoy ang lalim ng karagatan.

"Maging ako, Cy. Pero indahin lang muna natin sa ngayon." Tanging naisagot niya dito. Bukod sa gutom at uhaw ay nilalaban din nila ang unti-unting pagbabago ng panahon.

Lumalamig na rin ang paligid at palubog na ang araw. May isang metro nang pagbabago sa lebel ng tubig. At tiyak nilang bukas ay aabot na ito sa patag na parte ng punong kinalalagyan nila.

"Sa tingin mo uulan ngayon?" tanong nito sa kaniya.

Napatingin si Red sa blankong kalangitan. Wala siyang maaninag na ulap o mga bituin man lang. Tanging bilog na buwang ang makikita sa kalangitan. "Sa tingin ko, hindi. Pero 'wag tayong magpapakasiguro."

"Napapagod na ako sa ganitong ayos, Red." Reklamo nito.

"Naiintindihan ko. Pero kapit lang. Bukas paggising natin makakabalik na tayo sa patag na parte." Wika niya dito. "Sa ngayon, Cy, magpahinga ka muna, Babantayan kita."

"Paano ka?"

"Sige lang. Wag mo akong alalahanin." Tugon niya dito.

Habang nagpapahinga si Cyan. Inilibot niya ang paningin sa buong paligid. Kalmado ang tubig. Pababa nang pababa ang temperatura. Wala siyang maaninag na ilaw na mula sa kahit anong barko o eroplano. Nagtataka tuloy siya kung naasan nga ba silang parte nang mundo.

Nang ilang sandali naging kulay bughaw ang tubig dagat na tila may mga ilaw na lumulutang dito. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita. Namangha siya sa ganda nito pero hindi niya matukoy kung ano ito.

"Cyan…" tawag niya dito gusto niyang makita din nito ang kaniyang nakikita. Hindi ito sumagot sa kaniya, malamang ay tulog pa rin ito.

Sumalok siya nang tubig gamit ang kaniyang kamay at isinablig kay Cyan. Nagising ito sa kaniyang ginawa.

"Ano—" hindi na nito naipagpatuloy ang sasabihin nang masaksihan niya ang kung anong bagay na umiilaw sa karagatan.

"Ang ganda nilang tignan…" tanging naiwika ni Red.

"Red, kailan lang ito sumlpot?" may bakas ng pagtataka ang mukha nito.

"Bago lang. Kaya ginising kita para makita mo." Pahayag niya.

Lumangoy si Cyan sa tubig na ikinagulat niya. Nagsilayuan ang kung anumang bagay na lumalangoy kay Cyan.

"Anong ginagawa mo?" tanong niya dito. Hindi ito sumagot. Lumangoy lang ito at tila sinusuri ang mga umiilaw na bagay sa tubig dagat. Ilang sandali pa ay umahon ito at bumalik sa sanga.

"Tama nga ang hinala ko!" nakangiting wika nito.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan niyang tanong dito.

"These deep electric blue, bioluminescent floating in the ocean are firefly squid!"

"Alam mo ang mga iyan?"

"Actually, I'm not that sure. Pero noong unang punta namin Japan noong bata pa ako, nakapunta kami ng lolo ko sa Toyama Bay, at sikat ang mga firefly squid doon. Ganitong ganito sila kung umilaw sa dagat." Kwento nito. Bakas ang saya sa mukha ni Cyan sa pagki-kwento sa bagay na iyon.

"Bakit umiilaw ang mga iyan?"

"I don't really know, pero ang mga organisms na may bioluminescence ay ginagamit nila iyan para sa pang-lure sa mga predators, o di kaya signal nila sa kanilang mga kasama." Wika nitong nakatitig sa mga tubig dagat na lumiliwanag.

"Nakakamangha naman silang tignan!"

"Oo nga! Pero sa pagkakaalam ko, sa Toyoma lang sila nagpapakita. Ang ibig sabihin ba nito ay nasa Toyoma din tayo? Kung ganoon, dapat may nakahanap na sana sa atin!"

"Aba malay ko!" tanging na-ikomento niya.

"Pero hindi eh, hindi pa nga tayo nakakarating sa Japan nang sumabog ang barko. Isa pa, malayo ang Toyoma, imposibleng doon tayo napapadpad. Pero sigurado ako, nasa Japan coast tayo ng Pacific Ocean!"

Sa tulong ng mga firefly squid ay nakikita niya ang liwanag ng mukha ni Cyan. Tuwang tuwa itong nagkwekwento tungkol sa kaniyang mga adventures kasama ang kaniyang lolo.

"Alam mo bang pwede natin iyang kainin ng hilaw?"

"Ano? Paano ka nakakasigurong nakakain iyan?" tanong niya dito. Nagagandahan siya sa mga ito at hindi niya naisip na kainin ang mga ito.

"Ano ka ba, sa Japan, kinakain talaga ang mga firefly squid. Hindi ko talaga gusto ang lasa kung kakaining nang hilaw pero pwede naman na. Mas masarap kung inihaw ito. Pero may magagawa pa ba tayo?"

Napaurong ang dila niya sa sinabi nito. May punto ito pero hindi niya talaga naisip na kainin ang mga ito.

Hinubad ni Cyan ang suot na tshirt, tumambad kay Red ang payak nitong katawan na naiilawan ng asul mula sa mga firefly squid. Inihagis nito ang kaniyang damit sa dagat nakahuli ng iilang pusit.

Nakangiti itong ipinakita sa kaniya ang nahuli nito. Tinaggal nito ang mata niyon at nilinasan, at nang akmang isusubo na nito ang pusit bigla niya itong pinatigil.

"Teka! Paano kung may lason iyan?" nagaalala niyang tanong.

"Walang lason ang mga firefly squid." Balewalang tugon nito.

"Paano ka nakakasigurong firefly squid nga yan?"

Tinitigan siya nito ng masama. "Unang una, pusit naman talaga ang mga ito. Pangalawa, umiilaw kaya firefly squid ang mga ito. Pangatlo, papunta tayo ng Japan kaya malaki ang posibilidad na nasa Japan nga tayo ngayon—kung saan makikita ang mga firefly squid. Isa pa, buwan nang Mayo ngayon. At base sa naalala ko, mula March to June nagpapakita ang mga firefly squid sa Tomoya." Hindi na siya nakasagot sa mga sinabi nito. Maalam nga talaga si Cyan sa bagay na iyon.

"Now can you let me eat? Kung gusto mo, kumuha ka rin." Agad nitong isinubo ang isang pusit at nginuya. Napapikit si Red sa ginawa ni Cyan. Naawa siya sa mga pusit na nagbibigay liwanag sa kanila sa madilim na gabi pero natutuwa siyang panooring kumakain ang kasintahan.

"Just like how I remembered the taste!" wika nito habang nakatingin sa buwan at ninanamnam ang kinakain.

"Anong lasa?"

"Pusit parin naman. Wag mo na lang intindihin ang kulay nila. Actually noong first time kong kumain nito, takot din ako. Kasi natatakot ako baka magkakulay ang balat ko. Pero dahil kay lolo, napakain niya ako ng mga ito. Mas masarap talaga ito kung inihaw."

"Sige lang panonoorin lang kitang kumain," naalangan talaga siyang subukan ang bagay na iyon. Nakalimang pusit na si Cyan at patuloy paring nanghuhuli habang siya ay kumakalam na ang sikmura.

"Ano ka ba, Red. You'll never know until you try."

Napangiti siya sa sinabi nito. "Okay lang talaga ako, Cy. Natutuwa lang akong panooring ligtas ka at ngumingiti. Sa ganiyang tanawin, busog na ako."

"Sus! Korny neto. Eh kung ma-stock tayo nang ganito nang isang linggo? Tapos ngayon lang magpapakita ang mga ito, anong kakainin mo? Habang ngayon may makakain tayo, i-grab mo na!" pangaral nito sa kaniya.

Napaisip siya sa sinabi nito, may punto nga naman ito. Napatingin siya sa markang ginawa niya sa sanga niya at nakita niyang nasa isang metro pa lang ang itinaas ng isla. At kung maghihintay nga siyang bumaba ang tubig, baka abutan nga sila nang isang linggo.

Hinubad na nga niya ang suot niyang sando at ginaya ang ginawa ni Cyan. Sa tatlong subok niya nakakuha siya ng dalawang pusit.

"Go, Red! Kaya mo 'yan!" Cyan cheered.

Nagdalawang isip si Red na isubo ang pusit pero naririnig niya ang suporta mula kay Cyan. Nang makapasok na nga ito sa kaniyang bibig, dahan dahan niya itong nginuya. Hindi niya gusto ang texture nito sa kaniyang dila pero masarap naman ang lasa.

"Oh diba, kaya mo naman pala!" Maging siya ay hindi makapaniwalang magugustuhan niya ang pagkaing iyon.

Napahinga siya nang malalim habang tawang tawa naman si Cyan sa kaniya.

***

Nagising si Red nang tinutusok siya ng sikat nang araw. Nagulat siya nang makitang nasa taas siya ng sanga at si Cyan ay limang metrong nasa baba niya—lumalangoy.

"Gising ka na pala. Kanina pa kita ginigising, pero sarap na sarap ka sa tulog mo." Bungad nito sa kaniya.

"Mataas na din pala ang ipinagbago ng lebel ng tubig."

"Oo nga eh. Actually, sinisid ko kanina para tignan kung gaano pa kalayo bago bababa ang tubig sa patag na parte ng puno, nasa mga anim o pitong metro pa."

"Kung ganoon, mamayang gabi, baka makatayo na tayo doon."

Tumango ito. "Bumaba ka na dito."

Tumalon si Red mula sa sangang kinalalagyan niya. Agad siyang lumangoy patungo sa kasintahan. Magkaharap silang dalawa at nakangiti sa isa't isa.

"Ano, nabusog ka ba kagabi?" natatawang tanong nito sa kaniya.

"Ugh, wag mo nang ipaalala!" reklamo niya dito.

"Dapat nga magpasalamat ka, kasi alam kong pwede iyong makain. Hindi kasi lahat ng organisms na may bioluminescence ay safe kainin. Gaya nang kung may red tide, minsan may mga bioluminescent planktons 'yun at pag ganoon, hindi mo pwedeng kainin ang mga lamang dagat sa paligid." Kwento pa nito.

Namangha siya ipinamalas nitong katalinuhan. "Ang talino naman ng baby ko," puri niya dito sabay halik sa pisngi nito.

"Ew! Kadiri yung baby!" reklamo nito.

"O sige love na lang…" bawi naman niya. Hinawakan niya ang mukha ni Cyan habang ang mga paa ang gumagalaw para makalutang siya. Hinalikan niya ito sa labi, gumalaw naman ang mga labi nito.

Dinala ni Red si Cyan sa ilalim ng dagat at doon nila pinagsaluhan ang matamis na halik. Nang umahon na sila. Nagtawanan silang dalawa dahil nakainom sila ng tubig dagat.

"Red, paano 'yan, hindi pa tayo nakakainom ng tubig."

"Hahanap tayo nang paraan," wika niya dito.

Naalala nga ni Red ang huling inom niya nang tubig ay noong matapos silang maghapunan nang gabi bago bumagsak ang isla.

"Nag-isip narin ako ng paraan paano makakakuha ng maiinom pero wala talaga. Unless kung uulan. Pero ang mas madaling paraan, hihintayin nalang nating bumaba ang tubig hanggang sa patag na parte. Tapos maghanap tayo ng puno ng niyog, pwede nating languyin iyon. At least nakikita na natin nasaan sila banda." Anito.

"Magandang ideya iyan. Pero paano kung bukas pa ito huhupa?" Napatingin ulit siya sa kanilang kalagayan. Tumaas nga ang isla ng ilang metro. Pero matatagalan pa bago tuluyang makabalik sa dati ang isla.

"Naisip ko rin iyan pero sigurado akong hindi magatatagala ang isla sa paglubog kasi kung ganoon, paanong may mga nabubuhay na mga punong kahoy dito? Sabihin na nating lumulubog nga ang isla, walang mabubuhay na puno o mga halaman dito kung matagal itong nakalubog sa tubig."

"Ano sa tingin mo ang dalas ng paglubog ng isla?"

"Hindi ko alam. Pero kung iisipin mong mabuti, paano walang taong nakatira sa islang ito? Paanong walang nakakaalam sa lugar na ito? Siguro dahil nawawala ang isla, lumulubog."

"May punto ka." Pagsangayon niya dito.

"Pwede nating sabihin na baka dalawang beses sa isang buwan lumulubog ang isla, pero wag naman sana. Okay na ako sa isang beses!" nagaalalang wika nito.

"Ang mahalaga magkasama tayo." Hinawakan niya ang kamay ng kasintahan at dinala iyun sa kaniyang pisngi.

"Hindi ko ma-iimagine ang sarili ko kung ako lang ang magisa dito sa isla."

"Kahit ako, Cy." Hinalikan niya ang kamay nito.

Sa pagkakataong iyun—sa gitna nang malawak na karagatan, tiyak ni Red na kontento siyang kasama ito sa isla. Nahihirapan man sila pero batid niyang haharapin niya iyun makasama lamang ang taong minamahal.

Bab berikutnya