webnovel

LOST: CHAPTER 5

"Hindi ka pwedeng mamatay," saad ni Red. Hinawakan siya nito sa kamay at dinala papasok sa madilim na kagubatan. Walang lumalabas na kahit anong salita mula sa dila niya. Matapos siya nitong halikan ay maraming katanungan ang tumatakbo sa kaniyang isipan.

Bakit ginawa iyun ni Red? Bakit nagustuhan niya ang pakiramdam na inaangkin siya nito? Bakit nang maglapat ang kanilang mga labi ay parang may mga kabayong nagtatakbuhan sa kaniyang puso? At bakit hindi siya pumalag?

Tameme siya habang naglalakad sa dilim. Hawak parin ni Red ang kamay niya at ginigiya patungo sa kastilyo nila. Tiyak ni Cyan na pulang-pula ang buong mukha niya. Kinapa niya ang puso niya at hanggang ngayon ay malakas parin ang kabog niyon.

Nang marating nila ang puno. Binitawan ni Red mula sa pagkakahawak ang kamay niya. Tinitigan siya sa mukha na tila sinusuri. Nginitian siya nito. The first in 4 days.

"Umakyat ka na," mahinahon na wika nito na hindi nawawala ang ngiti sa mga labi.

Wala sa sariling umakyat si Cyan sa itaas. Kakaiba ang pag-akyat niya ngayon. Magaan ang pakiramdam niya na tila di na niya kailangan ng suporta. Nang makarating siya sa patag na parte ng puno kung saan nakahimlay ang tree house na gawa ni Red napansin niyang nasa baba parin ito. Tila binabantayan siya nitong safe na makaakyat, pero bigla itong umalis.

Naghintay muna siya ng ilang minuto pero hindi parin ito bumabalik. Agad na tumigil ang pagikot ng mundo ni Cyan. Ang kastilyong kinalalagyan niya ay tila gumuho. Sumakit ang dibdib niya sa ginawa ni Red.

Putangina! Gago siya. Paasa. Ano yun, hahalik-halikan niya ako, tapos hahawakan sa kamay, ngingitian, tapos agad kinalimutan? Bwesit. Eh parang nadouble dead lang ako nito. Tangina. Bumuhos ang emosyon ni Cyan. Sa ikalawang pagkakataon ay parang nadurog ang puso niya. Anong karapatan nitong pigilan siya sa pagpapakamatay tapos sasabihang: Hindi ka pwedeng mamatay. Pero unti-unti namang ginagawa iyun?

Sino ba naman ako? Wait. Ano ba kami? 'Bat may pahalik-pahalik pa siyang nalalaman? Ano yun, ayaw niya akong mamatay dahil siya mismo ang papatay sa'akin? Gago siya. Biglang tumulo ang mga luha ni Cyan. A roller coaster feeling. Malungkot. Biglang sumaya. Tapos bumalik ulit sa kalungkutan, inis at pagkadismaya.

Baliw ka din, Cyan. Hinalikan ka lang kung ano nang pinagiisip mo. Isa ka pa, nag-assume ka agad. Ikaw ang dapat sisihin. Ikaw!

Humiga si Cyan sa sahig. Patuloy sa pag agos ang mga luha niya. Bakit ba siya nagkakaganyan? May nararamdaman ba siya dito? Bakit siya nasasaktan sa ginawa nito? May dapat nga ba siyang asahan? May sinabi ba ito?

Wala.

Nakapikit na si Cyan pero patuloy parin ang pag agos ng luha niya. Tinatanong niya ang sarili kung deserve niya ba ang masaktan ng ganito, kung bakit tintrato siya ng mga tao sa ganitong paraan. Tanging mga bituin ang saksi sa mga pighating dinaranas niya ngayon. Parang pinatay na rin siya sa ginawa ni Red sa kaniya.

Biglang may kung anong tumabi sa kaniya. Si Red. Nakiramdam lang siya at nag-pretend na nakatulog na. Walang anu-ano'y niyakap siya nito. Magkadikit ang kanilang mga katawan. Nakayakap si Red sa kaniya. Biglang lumakas ang kabog ng puso niya. Sa likuran niya, nararamdaman niya ang tibok ng puso nito. Hindi parin gumalaw si Cyan at patuloy na nakiramdam.

"I...I'm sorry for making you cry...love." Napadilat ang mga mata ni Cyan sa narinig. Hindi niya batid kung guniguni niya lang ba iyun o talagang sinabi nito iyun. Wala siyang sinabi. Naghintay siya kung may sasabihin pa ito. Pero wala na, nakatulugan nalang niya ang isiping iyun.

Maagang nagising si Cyan. Nakayakap parin ang mga braso ni Red sa kaniya. Hindi muna siya gumalaw. Parang gusto niya ang pakiramdam sa ilalim ng mga braso nito. Sa mga braso niya'y tila ligtas siya. Sa tabi niya tila secured siya.

Pero paano kung saktan uli siya nito? Tinawag niya akong 'Love' kagabi...

Hindi mawari ni Cyan kung ano ang paniniwalaan. Sa mga sinabi nito kagabi o sa mga ginawa nitong pasakit sa kaniya.

Biglang gumalaw si Red. Mas dinikit nito ang katawan sa kaniya at mas hinigpitan ang yakap. Nandilat ang mga mata ni Cyan sa kung anong matigas na dumikit sa may pwetan niya. Napalunok siya sa mga naughty thoughts na naglalaro sa isip niya. Hindi tuloy siya makagalaw ng maayos.

Moment later, gumalaw ulit si Red. This time humiwalay ito sa pagyakap sa kaniya. May isang parte ng pagkatao niyang gustong kuhanin ang braso nito para pakayakapin ulit sa kaniya. Bumangon si Red at nagpanggap na natutulog si Cyan. Nakiramdam lang siya.

Agad niyang naisip na baka ayaw ipaalam ni Red na tumabi ito sa kaniya. At ngayon ay nagpepretend itong sa baba natutulog. You want a game, let's play a game. Nawala na ito. Imumulat na sana niya ang mga mata niya nang bigla siya nitong hinalikan sa pisngi. Para siyang nalantang gulay sa ginawa ni Red. Gusto niyang bumangon at ipagawa ulit dito ang paghalik sa kaniya. Pero mas nanaig sa kaniya ang magpanggap na lang at umaktong parang walang nangyari.

Naghintay pa siya ng ilang minuto para masigurong wala na nga si Red. Nang masiguro niyang wala na nga ito, marahan siyang bumangon. Wala na nga si Red. Tinignan ni Cyan sa baba at nagtaka siya kung bakit humiga ulit ito sa baba ng puno malapit sa abo nang nagdaang gabi.

Bumababa na rin si Cyan. Pagdating niya sa baba, ay bumangon naman si Red. Gusto niyang matawa sa pagdadrama nito dahil pinanindigan nitong sa baba ito natulog.

"Dito na ako na ako natulog. Kasi baka mura-murahin mo lang ako." Paliwanag nito. Inirapan niya ito pero sa loob-loob niya ay natatawa na siya sa drama nito. Ano ang gusto nitong palabasin?

"Buti naman. Ayaw ko din namang makita yang pagmumukha mo. Ayaw ko namang isakripisyo ang kabanalan ng dila ko, dahil sa tuwing nakikita kita, napapamura ako. Lalo na sa mga taong judgemental. At sa mga taong nagnanakaw ng halik." Galit na wika niya. Pero tawang-tawa naman ang isip niya.

Napayuko si Red. Parang nasaktan ito sa mga sinabi ni Cyan. You started the game, I just joined.

"Simula sa araw na ito, kaniya-kaniya na tayo." Saad ni Cyan. Napatingin naman si Red sa kaniya. Ang mga mata nito ay nagungusap. Inirapan niya ito at naglakad papalayo.

Namitas ng prutas si Cyan para sa almusal niya. Nasanay narin siya sa halos isang linggo niya dito sa isla. Feeling niya pumapayat na siya. Palaging prutas at buko ang inaalmusal niya. Pag tanghali, prutas ulit. At pag gabi, ang hapunan nila ay isdang inihaw. Naalala niya ang buhay niya sa labas ng isla.

Mayaman sila, lahat ng pagkaing gusto niya nakakain niya. Sa isang mahabang mesa na puno ng pagkain, minsan ay kunti lang kinakain niya. Madalas tinitikman niya lang. At naririto siya sa isla, nagugutom.

Nakakita siya ng puno ng Lansones. Sa loob ng isang linggo sa isla, ito pa lang ang prutas na kilala niya at hindi niya batid ang iba. Inakyat niya ang puno at pumitas ng mga bunga nito.

Dahan-dahan niyang kinain iyun. Naalala naman niya ang yaya niyang si Sally. Mula pagkabata niya ay ito na ang nag aalaga sa kaniya hanggang sa ngayon. Ito narin ang dumadalo sa mga events niya sa school, graduation o ano pang mahahalagang okasyon.

"Bawal kumain ng prutas lalo pa't hindi ka pa kumakain ng kanin," pangaral nito sa kaniya ng minsan ay nahuli siya nitong inakyat ang puno ng Lansones sa kanilang Fruit farm.

"Bakit naman bawal, Nana Sally?" Tanong niya dito. Pinababa siya nito sa puno at sinubuan ng kanin at prinitong itlog.

"Kasi, acidic ang prutas. Tsaka wala pang laman ang tiyan mo. Gusto mo ba acid lang ang laman ng tiyan mo?" Sabi nito sabay subo ng kanin at ulam.

Nginuya niya iyun at nang malunok, nagtanong pa siya nang nagtanong sa yaya niya.

"Ano naman pong mangyayari 'pag prutas lang kung kakainin ko kapag agahan?"

"Yung acid na galing sa prutas, sisirain ang sikmura mo. Gusto mo ba yun?"

"Pero bakit sabi ni Teacher, maganda sa katawan ang prutas, lalo na ang Lanzones, mayaman daw sa Vitamin C." Wika pa niya.

"Oo naman. Tama yan. Pero kailangang sumubo ka muna ng kanin bago kumain ng prutas," sabi nito sabay subo ulit sa kaniya ng kanin.

Kung naririto lang si Nana Sally, baka pagalitan siya dahil kumakain siya ng prutas na walang kanin. Pero ano bang magagawa niya?

Biglang tumulo ang luha ni Cyan sa mumunting alaala na iyun. Naalala niyang may mga tao palang nagmamahal sa kaniya. Masyado niyang inilayo ang sarili nang maghiwalay sila ng gurong si Skyrus. Nakalimutan niya ang mga taong nagmamahal sa kaniya. Si Nana Sally at ang buo niyang pamilya, lalo na ang mga anak nitong sina Lorimel at James. Sila ang mga kalaro niya noong bata pa siya.

Pero hindi niya ito nakakausap mula nang naging sila ni Skyrus. Tuwing summer na nga lang sila nagkikita dahil nasa boarding school siya pero dumederetso siya sa bahay nila Skyrus tuwing summer kaya hindi na niya nakakasama ang mga ito.

Bakit niya nagawang kalimutan ang mga taong nagmamahal sa kaniya?

Bab berikutnya