webnovel

Chapter 3

Nandito ako ngayon sa garden nang paaralan na ito. Walang masyadong tao dahil medyo madilim dito na parte. Sobrang tahimik kaya gusto ko tumambay dito. Sa lugar na ito ako kumakain lagi nang lunch.

Habang nilalabas ang baon ko hindi pa rin mawala sa  isipan ko ang nangyare kanina sa hallway.

------

"Ang tanga tanga mo kasi! Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!" Bulyaw sa akin nang lalaking nabangga ko. Hindi ko naman kasalanan lahat dahil maski siya ay hindi tumingin sa dinaraanan niya.

"Pasensiya, kung gusto mo bibilhan nalang kita nang bago. Pero hindi muna sa ngayon pagi-ipunan ko muna" bahagya pa akong napayuko sa sinabi ko. Hinawakan naman ni Arra ang balikat ko.

"You think mapapalitan lang ito agad? This is bought from Paris! Mahal ito at alam kong hindi mo kayang bumili nang ganito" nasaktan ako sa sinabi niya, oo mahirap ako pero hindi naman ata tama na ipagsigawan iyon sa harap nang maraming tao.

Halos maluha na ako dito sa kinatatayuan ko. Akmang magsasalita si Arra nang pangunahan siya nito.

"Alam ko na kung paano ka makakabawi. Later after dismissal meet me at the parking lot. Doon ko sasabihin sa iyo" sabi nito at iritang umalis na.

--------

Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka move on sa sinabi niya. Iniisip ko pa lang naiiyak na ako. Kinakabahan na rin ako sa kung ano man ang sasabihin niya mamaya.

Napabuntong hinginga nalang ako at nagsimula nang kumain.

"What are you doing here?" Muntikan nang mahulog ang baon ko na nakalagay sa lap ko. Alam ko ang boses na yun, nakangiti ko itong nilingon at hindi ako nagkakamali.

"JC! Kamusta ka na?" Sabi ko at tumayo ako para yakapin ko ito. "I miss you JC" isa siya sa mga kaibigan ko and madalas ko nalang siya makatagpo dito sa campus.

"I'm fine Ela, bakit dito ka kumakain pala?" Tanong niya nang nakatingin sa kung saan ako umupo kanina habang nakakunot ang noo. Bigla naman akong nahiya sa baon ko. Kaya dito ako kumakain kasi wala naman akong bibilhin sa canteen.

"Eh kasi tahimik dito tapos wala naman akong bibilhin sa canteen kung doon man ako kakain" nahihiya kong sabi at bumalik sa pagkakaupo sa may grass. Umupo rin siya katabi sa akin at bahagya akong tiningnan.

"Hmm araw-araw dito ka kumakain? Hindi ba mahirap?" Tanong pa niya at inilibot ang tingin sa paligid. "Hindi naman, tsaka nasanay na rin" pinagpatuloy ko ang pagkain ko. Inalok ko pa siya pero tapos na raw siya.

"Bat pala napunta ka dito?" Ako naman ang nagtanong at tiningnan niya ako. "Hinahanap kasi kita at sabi ni Arra dito raw kita makikita." nabigla ako sa isipin na hinahanap niya ako. Nakangiti siyang lumingon sa akin at dahil sa hiya at tumingin nalang ako doon sa may puno.

Natapos na akong kumain at ibinalik ko na sa bag ko ang baon ko. "Bat mo naman ako hinahanap JC? Papatulong ka ba sa projects?" nagtataka kong tanong habang naguumpisa nang maglakad at siya naman ay nakasunod lang sa akin. Nilingon ko ito at nahuli itong nakatitig sa akin at bahagyang ngumiti kaya ngumiti lang ako.

Hindi nagtagal sa paglalakad at magkatabi na kami papunta kami ngayon sa room ko, ihahatid niya raw ako. Naninibago talaga ako sa inaasta niya. Hindi ito pangkaraniwang ginagawa niya.

"Salamat sa paghatid JC, ang saya na nakita kita ulit. Sa ilang linggo ba naman na nabusy tayo hindi na tayo nakapag bonding." Sabi ko at ngumiti sa kaniya, hindi ko alam kung ako lang ba or titig na titig talaga siya sa pagngiti ko. Hmm baka guni-guni ko lang iyon.

"No problem Ela, I missed you too kaya hinanap kita. By the way, invite lang sana kita sa birthday ko this coming Thursday. Sana makapunta ka, formal na suot lang okay na." Sabi nito na medyo nahihiya pa. Ang cute talaga ni JC, haha.

"Oo naman! Maasahan mo ako doon. Basta ikaw, malakas ka kaya sa akin." Pinalo ko pa ang balikat niya at tumawa lang ito.

"So does that mean may chance ako?" Hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya dahil nag-ring na ang bell.

"Ano ulit yun JC? Hindi ko kasi narinig" sabi ko at natawa lang ito saka ginulo ang buhok ko. "Wala wala. Bye na. Pasok kana" at kumaway na ito habang naglalakad na papalayo.

Pumasok sa ako sa room at lumapit agad kay Arra.

"Arra baka hindi ako makasama sayo mamaya pag uwi, pupunta pa ako dun sa parking lot para doon sa sinasabi nung nabangga ko kanina" sabi ko at nangunot naman ang noo niya.

"Sasamahan kita Angela, baka ano pa gawin sayo ni Jake" sabi nito at kanina ko lang rin nalaman na Jake Fuentes ang pangalan niya at anak siya nang may-ari nang unibersidad na ito kaya kinakabahan ako para mamaya. Ayaw ko namang mawala ang scholarship ko dahil lang sa kape na iyon.

Hindi na ako nagmatigas at hinayaan si Arra na samahan ako. Papunta na kami sa parking lot ngayon sobra na akong kinakabahan. Nanginginig na ang kamay ko pati ang tuhod ko. Parang gusto ko na umayaw pero ayoko, kailangan ko ang scholarship na yun.

Papalapit na kami at tanaw ko na si Jake na nakasandal sa isang mamahaling kotse. "Arra, kinakabahan ako" napakapit ako sa braso ni Arra habang tinatanaw sila. Mas humigpit lang nung nabaling sa amin ang paningin ni Jake.

Hindi ko alam kung galit ito pero sobrang talim nang paningin niya. "Good you're here on time" sabi niya nang naka smirk.

"So para sa kabayaran sa ginawa mo sa shirt ko, I thought of something na hindi naman masyadong mahirap" kinabahan na ako lalo dahil sa sinabi niya. Bahagya pa itong umalis sa pagkakasandal sa sasakyan niya at inabot naman nang kasama niya ang isang bond paper na may nakaprint na sulat.

Inabot niya sa akin ito at hindi ko na binasa lahat. Ang nakapukaw sa akin ang katagang

This certifies that Ms. Angela Barboza, a student at Fuentes University, is willing to accept the consequence Mr. Jake Fuentes has given. To be his slave for 100 days.

"Ano!? Slave?" Hindi ko nakayanan at napasigaw ako sa kaniya. "Yes Miss Angela. My slave. For 100 days." Tsaka nag smirk ito ulit.

"Is it a yes? Or are you gonna say goodbye to your scholarship?"

Damn.

Bab berikutnya