webnovel

tree

3

Jay Marco Natividad's POV

That small guy is quite irritating and disturbing. Nakakainis. Istorbo. Ang lag na nga ng network, katok pa siya ng katok kaya nakakainis. Defeat tuloy.

Ayoko pa naman sa lahat ay 'yung makukulit. Hindi dahil sa makulit sila, kundi dahil hindi ako makapag-concentrate sa kung ano mang ginagawa ko kung meron. At isa pa, I prefer being alone. I prefer silence.

"Jay, sabihin mo lang sa amin kung may problema ka. Hindi 'yung nakasimangot ka diyan." Biglang sabi ni Tita Isabela kaya naman napaangat ang tingin ko sa kanila.

"Oo nga kuya. Badtrip ka na naman ba? Lagi na lang?" Sabi naman ni Nico, my 2-year younger brother. He's 17 while I'm 19.

"Ah. I'm sorry. Ano po ulit?" Tanong ko sa kanila.

Naguusap-usap kasi kami tungkol sa pagtira namin dito sa probinsya. Kakalipat lang namin, actually.

And I'm sort of liking this place. May internet connection pa rin naman, hanggang 4G rin kaso hindi katulad sa Maynila na ang bilis. Medyo ma-lag sa game pero pag facebook hindi naman sobrang bagal. Isa pa, napaka-payapang lugar nito. Mula sa sariwang hangin hanggang sa peaceful na huni ng mga ibon. Hindi crowded, wala masyadong tao, hindi dikit-dikit ang mga bahay at maraming puno.

"Wag kayong mailang sa amin ni Tita Isabela mo, dahil simula ngayon ay anak na rin namin kayo. Kung sana nalaman namin agad noon pa na ganoon kayo tratuhin ng putang inang 'yon."

Sabi naman ni tito Tako. At kilala ko kung sino ang tinutukoy niya.

Simula noong mamatay ang mga magulang namin ni Nico ay naging miserable na ang buhay namin. Buhay ko.

Kay Tita Era kami noon nakatira -- ang nag-iisang kapatid ni mama na sobra kung pagmalupitan ako. Kami kasi ang sinisisi niya sa pagkamatay nina mama't papa.

I was 9 while Nico's 7 that time. Nakipaglaro ako kay Nico ng lutu-lutuan. Sabi nya pa sa akin, ayaw daw niya sa apoy dahil baka daw masunog kami. Ako naman, bilang mas matanda, eh ako pa talaga ang nag-insist na gumamit ng totoong apoy para mas realistic ang paglalaro namin. Naalala ko pa na sinabi ko sa kanya na magtiwala lang siya sa akin.

And...the rest is history.

Dalawang linggo kaming umiiyak ni Nico. Naalala ko noon, karga ako ni Dad palabas ng bahay na nasusunog. Halos mablangko ang utak ko noon. Hindi ako makaimik at makapagsalita ng maayos dahil puro luha ang inaatupag ko.

Iniwan ako ni dad sa labas ng mga nasusunog na bahay at sinabi niya sa akin na ililigtas nila kami ni Nico. Si mom ay kasalukuyang nandoon sa nasusunog naming bahay para kunin si Nico at sumunod si dad.

Tuwang tuwa ako nang makita ko si Nico na ligtas. Ngunit halos manlumo ako nang nakita ko na hindi na si mom o dad ang may karga sa kanya. Kundi isang taong hindi ko kilala. Sinabi nito na binigay ni dad sa kanya si Nico dahil nawawala na si mom. At...ayun.

In short, iniligtas kami nina mom at dad sa nasusunog na bahay na ako ang may kasalanan. Kaya sila namatay. Dahil sa akin.

Dumating noon si tita Era na galit na galit upang sunduin kami. Sumakay kami sa kanyang kotse then she aggressively drove. May nasagasaan pa kami ngunit hindi niya ito inintindi. Inihatid nya kami sa bahay nila at doon, sandamakmak na sampal ang inabot ko mula sa kanya.

Mula noon ay kina Tita Era na nga kami tumira. At naging utusan kami ni Nico sa loob ng sampung taon. Nung una, medyo tanggap ko pa na ganun ang pakikitungo sa amin ni Tita dahil na rin siguro sa pagsisisi ko, at dahil alam kong ako ang may kasalanan. Ngunit habang tumatagal ay lalo lamang lumalala ang sitwasyon -- lalong lalo na ako dahil halos makaranas pa ako ng pambubugbog mula sa kanya.

Sampung taon. Sampung taon na ganoon ang sitwasyon namin ni Nico.

Kaya noong magkaroon ako ng kakayahang magdesisyon para sa sarili ko, inisip ko na makakatakas rin kami sa lugar na 'to.

Hanggang sa ito. Nag search ako ng mga contacts sa social media na mga kamag-anak namin sa ama, hanggang sa makita ko ang isa sa mga pinsan namin sa probinsya then I contacted tito Tako, na kapatid ni papa. Sinabi ko na dito na kami titira simula. At masaya ako dahil tinanggap nila kami ng buong puso.

"Tingnan mo, nakatulala ka na naman." Pambasag trip ni Nico.

"Oo nga Jay, masyado kang maraming iniisip. Kalimutan nyo na 'yung bruhang yon. Basta simula ngayon ay kabaliktaran na ang mararanasan nyo. Dahil dito, hindi namin kayo pahihirapan. Ngunit kailangan makapagtrabaho kayo sa bukid paminsan-minsan ngayong bakasyon para madagdagan ang kita natin. Ayos lang ba sa inyo yon?" Tanong ni Tita Isabela.

"Oo naman po, ayos na ayos." Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Oo nga pala, tapos na ba kayong magsipasok sa eskwelahan?"

Sasagot na sana ako nang biglang sumingit si Nico, "Si kuya po, kakagraduate lang ng grade 12. Ako po mag-grade 12 pa lang. Ewan ko lang po kay kuya kung may balak pang mag-college. May malapit na school naman po dito, diba? 'Yung...San..."

"San Mateo Senior High School ba? Oo, malapit lang 'yun dito. Ikaw Jay, kung may balak kang mag-college, sabihin mo lang sa amin. Susuportahan ka

Bab berikutnya