webnovel

CHAPTER 14

PINUNTAHAN ngayong araw ni Nana si Aya para tanungin ito tungkol kay Tina. Nais malaman ni Nana ang katotohanan sa lahat ng ito. Oo, may naiisip ito na posibleng nangyayari pero gusto nitong makasigurado.

Mag-isa lamang na nagpunta si Nana sa bahay ni Aya, ayaw nitong isangkot pa si Jacob dahil baka mas lalo lamang itong malagay sa panganib.

Kumatok si Nana sa pintuan ng bahay ni Aya. Hindi nito alam kung dito din naninirahan ang kakambal, pero mas mabuti kung wala ito doon.

Ilang sandali lang ay bumukas na ang pinto. Walang pagkagulat sa mukha ni Aya, para bang alam na nito na pupunta si Nana.

"Ano'ng kailangan mo, Nana?" tanong ni Aya, may mapaglarong tono.

"May mga gusto lang akong itanong. Alam kong ikaw ang makakasagot. Puwede ba?" tanong ni Nana.

Tumango lamang si Aya, pinapasok si Nana sa loob. Pagpasok ni Nana ay nagsitindigan agad ang balahibo nito, napayakap ito sa sarili. Nakakakilabot ang presensiya ng bahay. Pinaupo muna ni Aya si Nana bago ito nagpunta sa kusina para kumuha ng maiinom.

Sapat na iyon kay Nana para mapagmasdan ang buong bahay. Hindi ito kalakihan. Purong itim ang dingding na mas lalong nagbigay ng nakakakilabot na imahe sa bahay.

Maraming mga palamuting nakakakilabot sa bawat sulok. Pero may isang bagay na nakakuha sa atensiyon ni Nana—isang garapon na umiilaw ang loob. Parang may naghihingalo doon na makalabas kaya nilapitan iyon ni Nana at pinagmasdan.

"Tulong..."

Nagulat si Nana sa narinig. Totoo bang galing sa garapon iyon? tanong nito sa isipan. Bago pa maabot ni Nana ang garapon ay nahawakan na iyon ni Aya at inilayo kay Nana.

"Kung ang ipinunta mo lamang dito ay ang magsiyasat ng kagamitan ko, maaari ka nang lumabas sa pamamahay ko," matigas na sabi ni Aya.

"Pasensiya na, pero hindi 'yan ang ipinunta ko dito. Puwede pa ba akong magtanong?" tanong ni Nana.

Tumango si Aya at nagpunta na uli ang mga ito sa sala, naupo. "Ano 'yon?" tanong ni Aya, ayaw nitong magtagal pa sa pamamahay nito si Aya. Yakap-yakap nito ang garapon.

"Buhay ba talaga si Tina?" Iyon ang tanong na nagpapagulo sa isipan ni Nana.

"Anong klaseng tanong naman iyan? Nakita mo namang buhay na buhay ang tao. Hindi pa ba sapat na nakita mong naglalakad at nakausap ko siya?" pabalang na sagot ni Aya.

"Pero bakit parang nag-iba siya? Parang hindi niya kami kilala?" tanong ni Nana.

Ngumisi si Aya. "Sino ba namang tao ang masisiyahang makita ang mga taong nagtangkang patayin siya? Nakalimutan niyo na ba ang ginawa niyo sa kanya? Malaki ang naging epekto noon sa kanya kaya hindi niyo siya masisising hindi na niya kayo kilalanin pa," mapanuyang sagot ni Aya.

Napaisip si Nana. "Pero paano mo siya natulungan?Ang sabi nina Paulo ay siniguradong pa-patay na siya bago nila iniwan." Napakahirap kay Nana na ungkatin iyon pero kailangan.

"Bago pa man mangyari iyon alam ko nang magaganap 'yon. Kaya sinundan ko si Tina nang gabing iyon. 'Nong itinapon na siya nina Paulo ay kinuha ko siya kaagad, pinilit siyang buhayin at nag—"

"Tulong."

Naputol ang sinasabi ni Aya nang marinig na naman ni Nana ang tinig na iyon. Parang nagmamakaawa iyon na mailabas sa kulungan.

"Kailangan mo nang umalis, Nana." Tumayo si Aya at itinulak na palabas si Nana.

"Sandali. Kaninong boses iyon? Sigurado akong narinig mo rin 'yon," sabi ni Nana.

"Nagkakamali ka lang, Nana. Kailangan mo nang umalis ngayon din. Nasa panganib ang kaibigan mo ngayon." Pagkatapos ay isinara na ni Aya ang pintuan.

Natigilan si Nana sa narinig. Jacob, Tim, Girly. Sino sa inyo?! tanong ni Nana sa isipan. Pero nagtaka ito nang maisip kung paano nalaman ni Aya.

"Aya, bakit mo alam ang mga ito? May alam ka ba sa nangyayari?" Kinalampag ni Nana ang pintuan. Natigil ito nang makaramdam ng nakakakilabot na presensiya.

"Ano'ng kaguluhan ito?" tanong ng malamig na boses sa likuran ni Nana.

Lumingon ito at nakita ang walang kabuhay-buhay na mukha ni Tina. "Tina..." mahinang sambit ni Nana habang nakatingin sa walang emosyong mga mata ni Tina.

"Puwede ka nang umalis dito, kung sino ka man," malamig na sabi ni Tina.

"Tina, hi-hindi mo ba talaga kami naaalala?" naluluhang tanong ni Nana.

"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo. Kaya puwede bang umalis ka na sa daraanan ko?" Tiningna muna ng masama ni Tina si Nana bago pumasok sa loob.

Wala namang nagawa si Nana at umalis na lang. Gusto pa itong kausapin ni Nana pero naalala ang mga kaibigan. Itinatanong nito sa isipan kung sino naman ang nasa panganib. Tinawagan na lamang ni Nana ang mga ito.

Una nitong tinawagan si Girly. Unang ring pa lang ay sinagot na iyon ni Girly.

"Bakit, Nana?" tanong nito.

"Nasaan ka ngayon?" tanong ni Nana.

"Nandito lang sa bahay, bakit?"

"Diyan ka lang sa loob ng bahay. Huwag na huwag kang lalabas. At lagi kang magpapasama sa kahit saan ka magpunta, naiintidihan mo ba ako? Kung ayaw mong matulad kina Paulo ay susundin mo ako," sabi ni Nana. Um-oo naman ito.

Sunod na tinawagan ni Nana si Tim. Hindi na ito nag-aalala kay Jacob dahil alam naman nito ang nangyayari.

Tatlong beses nang tinatawagan ni Nana si Tim pero hindi pa rin sinasagot ng huli. Kinabahan na si Nana. Pero agad din iyong napawi nang mag-video call si Tim dito.

Agad naman iyong sinagot ni Nana pero nagimbal sa nakita. Nakasabit si Tim sa kisame! Nakalabas na ang dila nito habang dumudugo ang mga mata nito na parang lalabas na. Muntik nang mabitawan ni Nana ang cell phone. Ilang sandali lang ay nakarinig na naman ito ng boses.

"You failed again, Nana." At natapos na ang video call.

Nagmamadaling tinawagan ni Jacob si Nana para ibalita ang nakita.

Nagkamali na naman ako. Pero sino ba talaga ito? Kaharap ko lang kanina sina Tina at Aya, imposibleng ang mga ito ang may gawa ng mga ito. Mas lalong nadagdagan ang kaguluhan sa isipan ni Nana. Ano nga ba ang nangyayari?

Bigyan niyo naman po ng review ang story na ito. Kahit ano po nasa isip niyo about this story. (^.^)

Jennyoniichancreators' thoughts
Bab berikutnya