webnovel

CHAPTER 11

NANATILI lang sa bahay si Nana matapos nitong magtalo ni Jacob. Mayamaya ay tumunog ang cell phone nito.

Na, samahan mo kaming mag-bar ni Bea. Malungkot siya. Sa dating tambayan tayo. Iyon ang text ng kaibigan nitong si Girly.

Okay. I'm on my way, reply ni Nana. Nagmamadali itong nagbihis nang biglang may bumulong dito.

"Bantayan mo ang mga kaibigan mo, Nana..."

Kinilabutan si Nana sa boses. Hindi nga ito nag-iilusyon lang, gustong maghiganti ni Tina. May ideya na si Nana kung sino ang isusunod nito. Tim.

"Kailangan ko siyang balaan," sambit ni Nana sa sarili.

ILANG sandali lang ay dumating na si Nana sa bar na madalas nitong tambayan at ng mga kaibigan. As usual, the bar was full of party people, liquor, colorful lightings and flirtings.

Umakyat si Nana sa VIP area. Pagdating doon ay naabutan nitong lasing na si Bea at umiiyak. Naaawa si Nana sa kaibigan, talagang naapektuhan ito nang mawala si Kristoff.

Agad itong nilapitan ni Nana. "I-comfort mo," Girly mouthed to Nana.

"Bea, life must go on. Paniguradong hindi magiging masaya si Kris sa pinaggagagawa mo ngayon. Kaya tahan na, magkakasakit ka na niyan sa kakaiya," sambit ni Nana.

Bea hiccuped. "Eh... kasi naman, Nana, sino ba ang kayang gumawa noon? Mahal na mahal ko siya Nana. Hindi ko pa kaya, parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Hi-hindi ko na alam, Nana," nauutal na sabi ni Bea sa lasing na tono, napahikbi.

"Bea, hindi kami titigil hangga't hindi nahuhuli ang gumawa nito kay Kris. Nasaktan din kami, Bea, sa pagkawala niya. Pero hindi siya magiging masaya kapag nakita ka niyang malungkot, baka multuhin kami noon, akalain niya pinapaiyak ka namin," pagpapagaan loob ni Tim kay Bea.

Dahil sa sinabi ni Tim ay naalala ni Nana si Tina. "Tim, 'wag kang aalis na mag-isa ka lang, ha? Kung pwede, isama mo si Girly kung saan ka man magpunta."

Naguguluhang tumingin si Tim kay Nana pati na rin kay Girly. "Bakit, Nana? May gusto bang pumatay sa 'kin?" pabirong tanong ni Tim.

"Seryoso ako, Tim. Basta 'wag ka lang magpapaiwan mag-isa sa kahit saan, kahit anong oras man. Trust me on this, Tim," seryosong sabi ni Nana.

"O-okay," naguguluhan pa ring sabi ni Tim, sumang-ayon na lang.

Ilang oras na ang lumipas, lango na sa alak sina Tim, Girly at Bea. Hindi uminom si Nana dahil sa may mga kailangan itong protektahan at bantayan.

"Sino kaya ang pumatay sa mga kaibigan natin? Parang may galit, eh. Baka tayo na isusunod? Parang sa movie lang," biro ni Girly, tumawa pa.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Nana.

"Patawa ka, girl. Sino namang gustong gumawa noon sa atin? Sa pagkakalam ko wala naman tayong nagawang krimen," natatawang sambit ni Bea.

Si Tim naman na kahit lasing ay napaisip sa sinabi ni Bea. Tina. "Guys, may nagawa tayo," sabi ni Tim sa seryosong boses.

Tumawa si Girly. "Babe, ano ba? Nagbibiro ka ba? Lasing na si babe," sambit naman nito.

"Hindi ako nagbibiro. Nakalimutan niyo na ba ang nagawa natin kay Tina?" tanong ni Tim.

Parang biglang nawala ang epekto ng alkohol kina Bea at Girly. Si Nana naman ay nakikinig lang. Nandoon din sina Bea at Girly noong araw na nawala si Tina. Pero katulad ni Nana, wala ring ginawa ang mga ito at hinayaan sina Paulo na saktan si Tina. Katulad ni Nana ay nagpanggap din ang mga ito na walang alam sa nangyari. Hindi rin ng mga ito alam kung ano ang kinahinatnan ni Tina pero inisip na patay na ito.

Tumawa si Bea. "Imposible naman 'yan, Tim. Kilala mo naman si Tina, ni hindi siya makakabasag ng pinggan. Mukhang hindi niya nga kayang pumatay ng lamok," biro ni Bea. Pero kinakabahan na ito nang maalala ang araw na pilit kinalimutan.

"Pero paano kung bumalik siya?" tanong ni Girly, naguguluhan.

Pumailanlang ang mahabang katahimikan.

"Huwag niyo na ngang isipin 'yon. Patay na si Tina, sinigurado namin 'yon. Kaya hindi na siya makakabalik pa," walang emosyong sambit ni Tim.

Natigilan ang mga babae doon dahil sa pag-amin ni Tim, lalo na si Nana. Ngayon may kompirmasyon nang patay na nga si Tina.

"Pero paano kung nagmumulto siya?" mayamaya ay tanong ni Bea.

"Huwag kang patawa, Bea. Hindi totoo ang mga multo," natatawang sambit ni Tim, umiiling. Simula't sapol ay hindi naniniwala si Tim sa mga multo. "Magbabanyo lang muna ako," dugtong ni Tim.

"Girly, samahan mo si Tim," sabi ni Nana pero nakitang nakatulog na si Girly.

"Nana, okay lang ako. Dito ka na lang, bantayan mo sila," ani Tim at lumabas na.

Hindi mapanatag ang loob ni Nana, nararamdaman nitong nasa panganib si Tim. Si Tim ang isusunod ni Tina dahil isa ito sa mga pumatay dito.

"Bea, punta lang ako sa CR, ha? Babalik ako," sabi ni Nana kay Bea na umiinom pa rin hanggang ngayon.

Tumango lang si Bea. Lumabas na si Nana at nagpunta sa comfort room. Hinintay niya sa labas si Tim. Ilang sandali lang naman ay lumabas na ito.

"Nana, sabi ko naman sa 'yo okay lang ako," sabi ni Tim.

"It's better to be safe than sorry, Tim. Tara na, bumalik na tayo sa taas," ani Nana.

Umakyat na sila sa ikalimang palapag ng bar pero hindi pa nakakapasok sa VIP room nang marinig ang malakas na pagsigaw ni Bea. Nagmamadaling lumapit si Tim sa pintuan pero hindi iyon bumukas.

"Bea, ano'ng nangyayari diyan?!" sigaw ni Tim sabay kalampag sa pintuan.

LUMABAS lang si Bea sa terrace ng VIP room para makapagpahangin sandali. Biglang humangin ng malakas at tinangay ang ilang hibla ng buhok ni Bea, humarang sa mukha nito. Nang mahawi nito ang buhok ay nagulantang sa bumungad dito—isang duguang mukha na inaagnas, wala pa itong mata!

Malakas na napasigaw si Bea. Narinig nito ang kalampag sa pintuan at ang pagsigaw ni Tim. Gusto nitong humingi ng tulong pero para itong napipi at hindi makapagsalita.

"Kumusta, Bea? Hindi ba gusto mong makita si Kristoff? Sumama ka sa 'kin at makikita mo na siya."

May parte ni Bea ang gustong sumama pero agad nitong pinagana ang isipan. "Hindi ako sasama sa 'yo. Hindi ko na makikita pa si Kris dahil patay na siya," lakas loob nitong sigaw.

Tiningnan ni Bea ang nanlilisik na mga mata ng babae. Bigla na lang itong nagkaroon ng mga mata pero purong puti lamang.

"Hindi mo ba ako naaalala, Bea?" tanong ng nilalang.

"Hindi kita kilala," sagot ni Bea.

Sa isang iglap ay nasa harapan na ni Bea ang babae. Nararamdaman ni Bea ang poot at galit ng babae. Naaamoy nito ang nakakasukang amoy nito. Kinilabutan si Bea nang lumapit pa ang naaagnas na mukha ng babae.

"Sasama ka sa 'kin. Wala ka nang takas, Bea. Sasama ka na sa 'kin sa impyerno!" sigaw ng nilalang at hinila si Bea pahulog sa terrace.

Pero nakahawak pa si Bea sa railings. Sakto namang nakapasok sina Tim sa loob. Nanlaki ang mga mata ni Tina nang makita ang babaeng humihila kay Tina sa terrace. Iba ang itsura niyon. Nasaan si Tina? tanong ni Nana sa isipan.

Agad na tinakbo ng mga ito ang sliding door sa pagitan ng kuwarto at ng terrace. Sinubukan iyong buksan ni Tim pero hindi mabuksan.

Patuloy pa rin ang paghila ng nilalang kay Bea at unti-unti nang lumuluwang ang kapit ni Bea sa railings. Walang kamuwang-muwang si Tim sa nangyayari. Si Nana lamang ang nakakakita sa nilalang.

"Bea!" sigaw ni Tim.

Sinubukan ng mga itong basagin ang sliding door gamit ang fire extinguisher. Pero huli na ang lahat nang tuluyan nang nahila si Bea at bumulusok ang katawan nito pababa. Nalagmok ang katawan nito at umagos ang napakaraming dugo sa nabiyak nitong ulo.

Nagmamadaling tumakbo si Tim pababa habang si Nana naman ay naiwang nakatulala dahil hindi niya nagawang protektahan ang mga kaibigan. Nagkamali ito. Napaluha na lang si Nana sa nangyayari.

"You failed, Nana..." sambit ng isang boses sa tainga ni Nana. Wala na itong lakas pa para lingunin iyon at nag-iiyak na lang.

Sino ka ba talaga? Iyon ang tanong na nanatili sa isipan ni Nana.

Don't forget to drop a power stone! Thank you! (^.^)

Jennyoniichancreators' thoughts
Bab berikutnya