webnovel

Thread XV

Gamit ang nakakuom naming kamao, ikinatok namin ito laban sa concreted na dingding. Ngunit tanging sakit lamang sa kamay ang naidudulot at naibibigay nito. Mamula-mula na rin ang kamao ko.

Hinati namin ang gawain upang mas maging mapabilis ang #OplanKatok. Ako sa salas, si Khen sa kusina, at si Sheryl naman sa natitirang bahagi ng kuwarto. Inabot na rin kami ng hating-gabi. Mabuti na lang at wala kaming klase kinabukasan. Ngunit naalala kong required na sumimba ang Catholics.

"Wala talaga!" naiirita nang sambit ni Sheryl. May tapal na siya ngayong beauty and facial mask. Kailangan daw ng skin niya, uso rin pati.

"Sa akin din, e," wika ni Khen. Halata na sa kaniya ang pagod. Maitim na sa ilalim ng kaniyang mga mata.

"Ipagpabukas na lang natin?" tanong ko sa dalawa. Nagtinginan muna sila bago sumagot.

"Sige, hindi naman mawawala iyon kung narito lang talaga sa dingding mo, e," sagot ni Khen. Kinunutan ko siya ng ilong at hinayaang labasan ng isang buntong-hininga. Napagod ako sa kakakatok.

Sila ay nagsisimula nang humiga sa dala-dala nilang higaan nang magtanong ako, "Paano kung wala na iyong diary dito? Ang ibig kong sabihin ay paano kung hindi na ito ang mismong gusali na pinagtaguan ng may-ari ng diary?"

Ipinatong ni Sheryl ang kaniyang kaliwang braso sa kanan. Sinubukan niyang itago ang hakay habang sumasagot. "Minsan talaga, iniisip ko na hindi ka rin anak ng director. I mean, alam naman ng lahat na hindi nagbabago o nagkakaroon ng renewal ang buildings sa Stanford. What standing right now, is the same standing twenty years ago," paliwanag niya.

"Don't be too hopeless, Logan. We'll get through this. We have to see its end," sabi ni Khen. Nakaupo siya sa kaniyang higaan.

Nginitian ko silang dalawa at nagwika, "Thanks for this." Mahina man ang boses ko ay naging malinaw ito para sa kanila.

"Woah!" reaksiyon ni Sheryl, "this is the first time I ever heard you saying your gratitude!"

"Shut-up," sagitsit ko sa kaniya. Tinawanan ako ni Sheryl.

Sumagot si Khen, "Anytime, bud. Mabuti na lang at may mga kaibigan kang tulad namin. W-wait, bakit nga ba natin ito ginagawa?"

Hindi ako ang nakasagot dahil sa naunahan ako ni Sheryl. Inaalis niya ang kaniyang puyod sa ulo. Doon ko lang din nakita ang kaniyang malago at mahabang buhok. "We are doing this to know the truth. We won't turn around against it when the clue has been given. Naniniwala talaga akong may baho rin ang school na ito, e. Something is up," sabi niya, "but want to know the biggest question mark?"

Tiningnan kami ni Sheryl parehas. Tumango ako.

"Ito ay kung KAIBIGAN ba ako ni Logan," pagpapatuloy niya nang nakangiti.

"Why? Hindi ba kayo friends?" tanong ni Khen. Ibinaling niya ang kaniyang atensyon sa akin. Ako naman ay nagpapalit ng bedsheet at pillowcase.

"Huy, hindi kayo friends?" pangungulit ni Khen.

Ilang sandali pa at may ibinato siyang unan laban sa akin. Natamaan ang kaliwang balikat ko. Sumagot na lang ako dahil wala na akong lakas para makipagkulitan pa sa kanila. "Oo na. She's my friend. Will you please stop messing the pillow around? Kawawa naman iyong unan!" sabi ko. Tumawa silang dalawa bilang tugon.

Nang handa na kami sa pagtulog, may kumatok sa aming pintuan. Ilang sandali kaming nagkatitigang tatlo. Posible kasing Campus Police iyan na nagche-check sa bawat silid. Baka may nakatunog na nagkakaroon kami ng sleep-over dito, literal na bawal iyon kaya bigla kaming kinabahan.

Mabilis na iniligpit nang dalawa ang kanilang higaan at sabay na tumungo sa kusina para magtago. Bumangon ako at ibinuhay ang ilaw. Dahan-dahan kong inilapit ang aking kamay sa busol. Matagal itong tumambay doon. Hanggang sa napagdesisyunan ko nang ikutin ito at salubungin ang kung sino mang nasa labas.

"Hey," sabi ng lalaki.

Ako ay tila natagkalan ng isang malaking tinik nang makita na hindi isang Campus Police ang nasa harap ko. Ngunit sa kabila noon, ang kamay ko ay napahilamos sa aking mukha.

Lumingon ako sa gawi ng mga kaibigan. Nakita ko silang nakasilip. Tinawag ko sila at sinabihang ayos na.

Muli namang nabaling ang atensyon ko sa lalaki. "Hating-gabi na! Why are you knocking on our door?" walang pag-asa kong sinabi. Nais ko lang matulog, pero ang daming bagay ang umuudlot sa akin para magkaroon ng mahimbing na pahinga.

Wala sigurong silid para sa mga taong tulad ko, na gustong matulog at mahiga buong maghapon.

"I heard knocking on my walls. I thought some Pennywise in disguise were around. I kind of got scared," sabi ni Jay. Pinilit kong pakalmahin ang sarili upang mapigilan ang pagsuntok. Nawawala na talaga ang pasensya ko. Sa palagay ko ay hindi na ito magtatagal. Sumisigaw ang kamao ko nang pagsuntok.

"Oh, anong gagawin ko?" tanong ko. Malinaw na sa amin nanggagaling ang katok na narinig niya. Malaki lang pala ang katawan ni Jay, duwag naman.

"I'm wondering if I can…" Malikot na umikot ang kaniyang mata sa palibot. "…can join you guys here?"

"WHAT? No!" agaran kong sabi. Naramadaman ko naman ang paglapit ng aking kasama sa loob.

"What's the matter?" tanong ni Sheryl sa akin, "uy, hi! Ikaw pala iyan."

Tinanguhan ni Jay ang babae. Muli ay nabaling ang kaniyang tingin sa akin. "So… can I?" naiilang niyang tanong.

Nagbilang ako ng tatlong segundo at hinayaan ang sarili na makahigop ng hangin. Nag-isip ako nang magagandang bagay. Napapikit na lang ako dahil sa pagtitimpi.

"Okay, fuck. Help yourself," sabi ko. Tinalikuran ko na siya bago pa makapasok sa loob habang dala-dala ang puting unan at kumot na galing sa kanyang kuwarto. Hindi ako makapaniwala! Naniniwala siya sa mga multo? Wala namang ganoon! Matakot kayo sa buhay! Pilipino nga naman.

Binati ni Khen ang bagong pasok. Ako naman ay humiga na sa kama at nagkulubong sa ilalim ng kumot. Inilabas ko nang bahagya ang kanan kong binti para maramdaman ko ang pagdampi ng hangin na nagmumula sa aircon.

Patulog na ako. Malapit na ako. Naroon na ako, e! Hindi hanggang sa naramdaman ko ang paggalaw ng aking kutson. Animo'y ito ay lumubog. Pinakiramdaman ko nang maayos ang nangyayari. Hindi nagtagal at umalis ako sa pagkakatalukbong at nilingon ang bahaging lumubog.

"What the heck?" tanging tanong ko sa nakahigang si Jay, "bakit kita kasiping?"

"Uh… wala kasi akong dalang bed. Mind sharing it?" sabi niya.

Umawang ang aking bibig at hindi nakapagsalita. Gusto kong magalit at sigawan siya ngunit wala na akong lakas.

May sama akong loob na pumasok sa ilalim ng aking kumot, pilit na inaalis sa isip na may kasiping akong lalaki— na may history ng pakikipagtalik—o make-over sa sarili niyang salita.

***

Sipa.

Mayroong sipa ang tumama sa aking likuran. Napamulat ako nang walang kusa. Pakiramdam ko ay may mutang naghaharang dito kaya nahihirapan akong makaaninag. Bukas na ang ilaw at maingay na ang paligid. Ito ang nagsasabing umaga na.

"Bakit ba sa tuwing ginigising mo ako ay gumagamit ka ng dahas? You don't have to kick me every time you need to wake me up!" irita kong sabi kay Khen.

May naamoy naman akong lutong itlog. Siguro ay si Sheryl ang may gawa noon. Pagkatapos kong gamitin ang kakayahan ng paningin at pang-amoy, ginamit ko naman ang pandinig.

May humihilik sa aking katabi. Mabigat ang pakiramdam ko, ito ay malaking pasasalamat sa binti at brasong nakapalibot sa aking katawan.

Si Jay ang nakayakap sa akin. Walang ano-ano pa man ay itinulak ko ito pababa. Napahawak ako sa palibot ng aking katawab at madepensang nagtanong sa bagong gising na binata, "Ginalaw mo ba ako?"

Nakadapa siya ngayon sa sahig dahil sa aking pagkakatulak. Hinintay ko siyang makatayo. Nakita ko naman ang magulo niyang buhok at inaantok na mukha.

"Ginalaw? Like devirginized you?" paghingi niya ng pagklaro. Napapihit ang ulo ko pahalang. Ang bastos talaga ng mga termino nito!

Nagpatuloy siya, "You won't even let me talk to you. How am I supposed to do that?" Kinukusot ang nakapikit na mga mata.

"That's enough, guys. I'm done preparing breakfast. Let's all eat, may simba pa," sabi ni Sheryl. Naging tunog nanay siya. "Ah, ye. Catholic ka rin ba, Jay?" Nabaling ang kaniyang atensyon sa lalaki.

Umiling ito at nagsalita, "I'm an atheist."

Tumango si Sheryl.

Ilang sandali pa at nasa iisang hapag-kainan na kami.

"Umaga na," madiin kong sabi kay Jay.

"And?" Kumunot nang bahagya ang kaniyang noo.

"Umaga na. Ibig sabihin, puwede ka nang bumalik sa kuwarto mo. Dito ka talaga makikikain, ha? Ang lapit-lapit lang ng puwesto mo, e!" nagmamaktol ko na sinabi.

"Hey, Logan. It's good. Okay lang, Jay. Dito ka na," pangungumbinsi ni Khen. Malawak namang ngumiti ang mokong. Inirapan ko silang lahat at sinimulan na ang pagkain.

"TSK. Anong oras na ba?" tanong ko na lang.

Si Sheryl ang sumagot, "Almost six o'clock."

Bumagsak ang panga ko. "Who the hell wake up at five?"

Sino ang may kayang gumising nang ganoon? Hindi ba nila naiisip na tulog pa ang mundo kaya dapat tulog pa rin sila? Ngunit ako ay walang natanggap na sagot mula sa kanila.

Nag-uusap sila. Kumakain ako. Wala akong pake sa pinagku-kuwentuhan nila kaya agad din naman akong natapos. Pagkatapos noon ay ihinanda ko ang sarili para sa pagsimba. Nagsuot ako ng karaniwan kong puting T-Shirt na may tatak na Gucci, pinapatungan ito nang isang maong na blazer. Sa ibabang bahagi ay ang hapit na hapit na pantalongg itim. Ang suot ko namang sapatos ay kulay puting high-cut na nagmula sa World Balance.

"Hindi mo na ba kami hihintayin?" tanong ni Khen, maliligo pa lang.

Umiling ako. "No, mauuna na ako sa church."

"But Stanford owns a church," sabi ni Sheryl.

"I don't care. I'll still be going. Pagbalik ko mula sa pangilin, gusto ko malinis na sa kuwarto ko," ma-awtoridad kong sinabi.

"Hindi kami katulong, Logan," tutol ni Khen.

"Hindi rin naman ako sleep-over place, Khen. Bye," walang gana kong sagot.

Habang pababa sa hagdan ay isinusuot ko ang itim na shades para itago ang inaantok na mga mata.

Nasa kotse na ako at patungo na sa mismong simbahan ng Stanford— nasa unang palapag iyon. Kailangan naming sumimba dahil sa Religion Class na mayroon kami.

Mabilis na dapat ang pagpapatakbo ko nang madaanan ko ulit ang building ng dorm ni Shion. Nakita ko ulit si Oliver na papaalis na sakay ang kaniyang motorsiklo. Imposible namang dito siya nagdo-dorm, para lang sa mga babae ito.

Sinundan ko ang kaniyang motorsiklo. Binusinahan ko ito. Ilang sandali pa at nagdahan-dahan siya sa pagpapatakbo hanggang sa maging sabay na ang aming sasakyan, ayos na para makapag-usap.

Utay-utay kong ibinababa ang binatana. "Ssup!" sabi ko kay Oliver. Binagalan namin ang pagpapatakbo.

Tinanguhan niya lang ako dahil sa hirap siyang makapagsalita, mayroon siyang suot na helmet.

"Attending mass?" tanong ko. Muli siyang tumango bilang tugon.

"Ah… see you then."

***

"Sumainyo ang kapayapaan," ani ng pari. Maingay sa bulwagan dahil sa tunog ng choir at chismisan ng estudyante ng Stanford.

Sumagot kami, "At sumainyo rin."

Nasa bandang dulo ako dahil hindi naman ako bida-bida na uupo sa bandang gitna o hindi kaya ay sa unahan. Kaya ang mga katabi ko ay hindi lubos na kilala. Pansin ko na mga Junior High-Level itong mga kasama ko. Maliliit at makukulit sila, walang galang sa misa.

Nang matapos ang misa, napagpasiyahan ko na kumuha ng ilang libro sa library. Ito ay dahil sa biglaang text ni Sir Lopez tungkol sa kaniyang "unannounced project." Napakabida-bida talaga ng isang iyon!

Kaya naman pumunta ako sa library— labag man sa kalooban ko, at kumuha ng kailangang libro para sa nasabi niyang proyekto.

"Logan, do we have something to talk about?" tanong ni Oliver. Kakalabas ko lang ng lib. Mukhang hinintay niya ako.

Siningkitan ko siya nang mata habang nag-iisip.

"Wala naman ata. Why did you ask?" tugon ko.

"I see. Kinausap mo ako kanina habang nagmamaneho ako. Akala ko ay may importante kang sasabihin," sabi niya sa akin.

Tumango ako nang dalawang beses. Nagpaalam ako sa kaniya at tutuloy na dahil sa may aasikasuhin pa ako. Ngunit napigilan ang aking mga paa nang muli siyang nagsalita, "You did a great job covering Angela and Nicole, huh. That'd earn you a lot of points to become an EIC."

Muli akong napalingon sa kaniyang gawi. Paano niya iyon nalaman? May kumalat ba? Pero sinigurado ko naman na walang lalabas na tungkol doon.

"Uh, how did you know about that?" sabi ko sa kaniya habang hawak-hawak pa rin ang libro.

"You know, issues spread like shit," kaniyang tugon, "but no worries. I knew that you were a busy person. I took the liberty to create the news. No offense, it was all credited to you. Any moment by now, posted na ito. You'll love the news!" Maganda ang pagkakamulat ng kaniyang mata habang nagsasalita.

Hindi ko naiintindihan si Oliver. Bakit parang iba na naman siya?

"You did what?" reaksiyon ko.

"I covered it. I made it a news. Credited ito sa iyo. Don't worry. I won't earn any points from it," sabi niya.

Tumigil nang bahagya ang dibdib ko sa pagtakbo.

Nginitian ako ni Oliver at saka kumaway. Ilang sandali pa at hindi ko na siya nakita sa aking harapan. Wala na siya. Naiwan ako at ang librong hawak.

Makalipas ang ilang minuto ay may natanggap akong notification.

"Shit," tanging sambit ko nang makita ang bagong balita na pinost sa page ng Diplomatic Urges.

Pinindot ko ito at pinasadahan ng basa.

TINGNAN: Angela Catapis at Nicole Surara, Napag-alamang Sangkot Sa Kaso Ni Enrico Morato!

"Huwebes ng Agosto nang magulantang ang bahay ng mga lobo dahil sa pagtatangkang pagpapakamatay ni EJ Morato, matapos di umano ito na makakain ng putaheng may halong Chemical Mercury. Napagalaman din na ito ay isinagawa sa ilalim ng mga kamay ni Angela Catapis. Ayon naman sa nangyaring interrogation, ito ay dahil sa personal na galit kay Nicole Surara.

Basahin ang buong kuwento.

Logan Stanford, Diplomatic Urges."

Kumabog nang mabilis ang aking puso dahil sa pagkagulat. Hindi ito posibleng mangyari! Nangako ako kay Angela na hindi ito lalabas. Sinabihan ko siyang huwag nang mag-alala dahil naayos ko na ito. Ngunit bumaliktad ang mundo at hinayaan akong malunod nang patiwarik.

Nasa kamay ko pa ang cellphone nang tumunog ito nang panibago. May natanggap akong notification. Sa pagkakataong ito, nanginginig na akong pumindot.

Just In: Blackmailing: Isang Guro, Umamin Na Siya Ay Biktima!

Hindi ko binasa ang natanggap na balita. Hindi ko nagawa. Ang tanging nakita ko na lang ay nakapangalan ito kay Oliver. Bakit niya ako biglang pinagtataksilan?

Ilang sandali, tumunog na naman ang aking cellphone. Mas lalo na akong kinabahan nang ito ay makitang mensahe ni Angela.

Angela: You gave me reasons to respect you. But you also gave me reasons to loathe on you.

Angela: I don't want to see you, Logan. Please stop. You disappointed me.

Napaupo ako sa sahig habang kinukolekta ang sarili. Nakasandal ako sa pader habang nagta-type sa cellphone ko. Mahaba ang naging paliwanag ko, dumating sa puntong nanulo na ang aking pawis mula sa noo. Sinabi ko rito na si Oliver ang may gawa ng balita. Maiintindihan naman niya siguro ako, hindi ba? Kung maririnig niya siguro ang panig ko ay babawiin niya ang kaniyang ibinigkas.

Puro na lang ako siguro! Nakakasawa na.

Pinindot ko na ang send button, ngunit ako ay nabigo ng makita ko ang: "Send Failed! This person must have been muted you from messaging them. Try again later."

Iyon ang naging hudyat upang tumulo ang luha ko. Naging magaan man ang tubig na ito sa aking mukha, ito ay nagbibigay ng isang kakaibang sakit at init. Mabigat. Hindi ko kaya.

Bakit kinailangang maging ganito ang aking Linggo?

May narinig akong yapak na patungo sa aking puwesto. Dahil sa nakaupo ako sa sahig ay tanging pink doll shoes niya lamang ang nakikita ko. Napatigil ito sa aking harapan. Utay-utay kong itinaas ang aking mukha para lang makita si Shion na nag-aalalang nakatingin sa akin.

Agaran akong tumayo at siya ay niyakap, nagpatuloy sa pagbuhos ng luha.

(More)

Bab berikutnya