webnovel

Thread IV

Ang Stanford ay mayroong Campus Police and Patrol Students (CPPS), ang nangangasiwa ng kapayapaan. Lahat ng lalaking estudyante ay maaaring maging miyembro. Sa katunayan, maraming nagnanais na mapabilang sa CPPS, dahil malaki ang naibibigay na prebelehiyo nito. Ngunit mahirap ang pagdadaanan, kung kaya— maraming sumusuko.

Pagtapak ng mga lalaki sa ninth grade, sila'y mandatoriyang ipinapasok sa organisasyong ito, na may layuning magkaroon ng kaalaman sa buhay ng isang militar. Tinatawag itong Stanford Advance Military Training - Level I. Tinuruan kami ng mga basic commands and proper discipline during formation.

Pagsapit ng tenth grade, malaya na kaming pumipili kung nais pang magpatuloy. Pero ako, mas minabuti kong umayaw, hindi lang para sa'kin ang pagmimilitar. Kung tutuusin, sa bawat sampong lalaki, pito ang hindi tumutuloy. Inaasahan naming magiging mahirap ang Stanford Advance Military Training - Level II.

Samantala, kapag nagawa mong makatapos ng Level II, malaki na ang tiyansang mapabilang sa CPPS— magagawa mo nang isuot ang espesyal na necktie na kulay puti at itim.

"Mabuti na lang at mabilis na rumisponde si Student Staff Sergeant, Guarin. Dahil kung hindi, baka napaglaruan na iyang kasama mo," wika ni Student Lieutenant, Tominez, ang may pinakamataas na ranggo sa CPPS, ang namamahala sa hukbong militar ng mga mag-aaral sa Stanford.

"Sa susunod, mas magiging mabuti kung hindi muna siya maglalakad mag-isa. Bantayan niyo muna," kaniyang dugtong. Tumango ako. Nagpaalam na siya pagkatapos i-report ang nangyari kay Angela. Kasabay nito ang pagpasok ni Nurse Kim.

"Ang sabi ni Doc., kailangan niya ng tamang pahinga. Do'n sa ipinasang report kasi, nakalagay dito ang sleep deprivation, over fatigue, at mental stress," anang nurse, "may problema ba iyan? I suggest na mag-consult din siya sa psychologist, baka kailangan niya ng kausap. Meron tayo dito." Nginitian niya ako.

Hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan ni Angela. Kahapon lang kami nagkita, hindi pa kami ganoon ka-close.

"Sige, pumunta lang ako dito para i-check ang pasyente. Mamaya, si Doc. na mismo ang bibisita. Iwan ko muna kayo, ha?" sabi niya sa'kin.

Naupo ako sa upuan. Pinagmamasdan ko si Angela habang tulog, ang namumutla niyang labi, at ang pagod na pagod niyang mga mata. Nang hawakan ko ang kaniyang noo, ramdam ko agad ang kaniyang mainit na pakiramdam. Kumuha ako ng bimpo at agad itong isinawsaw sa mainit na tubig. Ipinampunas ko ito sa kaniyang braso, kamay, at mukha. Pagkatapos ay ipinatong sa kaniyang noo.

Maghihintay na lang siguro ako hanggang sa magising siya.

***

Hindi ko namalayan, nakatulog na ako. Nagising lang ako nang maramdaman ang pagsuklay sa'king buhok. "Gising ka na pala. May pinadala ako kay Khen na lugaw. May prutas din. What do you want?" wika ko, nanlalabo pa ang paningin.

"Wala pa akong ganang kumain, salamat pala sa pagbabantay."

Nagkibit-balikat ako. "You need to eat to regain energy." Tumayo ako at kinuha ang lugaw na nakalagay sa cup. Ayaw niyang kumain, pero nagawa ko siyang pilitin.

"Wanna talk about what happened?" tanong ko.

"Uh, mahabang kuwento. Pero, okay. We fought, that's it," sabi niya. "Hindi ko lang napigilan ang galit ko kasi sobra na siya, kaya siguro nawalan ako ng malay."

"Ang sabi ng nurse, may sleep deprivation ka raw. Hindi ka ba nakakatulog nang tama?" tanong ko. Natahimik siya, pilit nag-iwas ng tingin. "Kung ano man iyang pinagdadaanan mo, yaka mo 'yan. At saka andito lang kami... ako. Hindi ka nag-iisa." Hinawakan ko ang kaniyang balikat.

Bigla kong naalala ang dapat na lakad namin. "Iyong tungkol pala sa cellphone, sorry, na-late ako ng gising. Hindi kita nasamahang bumalik sa resto."

"No, it's fine. Hindi rin ako bumalik,"

"What do you mean? Hinayaan mo na lang?"

Umiling siya. "Although, it's odd, nakita ko siya sa loob ng kuwarto," sabi niya habang naniningkit ang mata.

"Huh? Akala ko, dala mo nung kumain tayo? Paanong napunta sa loob?"

"I really did. Dinala ko talaga," sagot niya habang ibinababa ang cup ng lugaw.

"I guess, it's good to hear." Itinapon ko ang cup sa basurahan.

"Hindi rin, my phone is broken. Basag-basag na, hindi pa gumagana."

"What? Someone must have done that!" wika ko. "May CCTV ang dorm, check natin kung sino...ah, no. You better have some rest. Ako na lang pala."

Dali-dali akong tumayo. Aktong lalabas nang hawakan niya ako sa pulsuhan. "No, you don't have to. Kilala ko na siguro kung sino ang may gawa."

May kumatok sa pintuan. "Logan, Angela!" Nagmamadali si Shion na pumasok sa loob. Lumapit siya sa aming posisyon. "First of all, it's good to know you're fine." Nakatingin kay Angela. Ibinaling niya ang atensyon sa'kin. "Logan," mahina niyang boses, "have you seen Angela's post?" Sa pagkakataong ito ay kaming dalawa lang ang nakakarinig sa pinag-uusapan.

"What? Anong post? Hindi siya humahawak ng cellphone pa. She's with me the whole time,"

"I know, right? It's weird, pero check this out." Inilabas niya ang cellphone, pumunta sa Facebook at may ipinakitang post.

Facebook Post

Stanford Closed Group

Angela Sibulo * Posted An Hour Ago

Nicole!

671 Likes, 194 Comments.

"Oh?" tanong ko.

"That could mean like Angela's scaring or threatening Nicole, right?" wika niya habang hinahawi ang blondeng buhok. "Pero katulad ng iniisip mo, imposible."

Tumango ako. "Of course, tulog si Angela the whole time. Paano niya magagawang i-post iyan?" Mahina pa rin ang mga boses namin.

Matagal kaming nagkatitigan habang nag-iisip ng posibleng senaryo. "Aha!" sabi ko. "Puwede ba sa Facebook mag-set ng oras ng pag-post? Nawala ni Angela ang cellphone kagabi. Sabi niya sa'kin ngayon, nahanap niya na. Kaso sira na ito. I am thinking that Nicole must have been part of it." Tumango siya habang kinakagat-kagat ang hintuturong daliri.

"Wala akong narinig tungkol sa pag-set ng schedule sa pag-post. Pero may isa pang posibilidad, ang bawat submitted posts ng mga estudyante ay naka-pending sa pag-post publicly. Maipo-post lang ito kung i-a-approve ng admin."

Napahawak ako sa'king nawawalang bigote. "Let's ask Angela first if she was the one to post it. But I doubt that she did."

"Angela," panimula ni Shion. Lumabas na ako. Iniwan ko silang dalawa upang makapag-usap. Masama raw ang pakikinig sa usapan ng dalawang babae. May mga bagay kasing sila lang ang may alam.

"Kumusta, siya ba?" tanong ko sa kalalabas na babae. Isinara niya ang pinto at dahan-dahang umiling.

"Okay, I'll ask Nicole then," sabi ko."

"She won't admit it even if she was the one behind this. Kilala mo si Nicole, Logan. Kaya natatakot ako para kay Angela. You know, she's kind. Pero sa post niya, baka madaming mag-init. Magaling mag-play victim iyong bruhang Nicole na iyon."

Tama si Shion. Hindi rin siya aamin kahit na ano pa ang gawin ko. "Sinong admin ng Group? At bakit ba hindi ako member niyan?" tanong ko.

"Si sir Willie. Sa pangalawa mong tanong, member ka. Bihira ka lang mag-Facebook," sagot niya. "Why? Do you find sir Willie as responsible for this?"

Tumango ako. "He could have thought better. That post could start a feud between Angela and Nicole. But still, I can't blame him. Ano bang alam niya tungkol sa buhay nung dalawa?" Bumuntong-hininga ako.

"What are we going to do? Nicole is a Celebrity Student, siguradong mai-e-ere ito." Tanong ni Shion.

"I have to go to the Theater Club. Be right back." Nagmamadali akong umalis.

Kung hindi ko kayang mapatay ang apoy, pipigilan ko na lang ito sa paglawak.

***

Nang makarating ako sa Leon Building, nadatnan ko si Oliver sa harap ng Theater Club. "Hey," usisa niya, "kumusta si Angela.? I heard she was gotten into the infirmary." Mapanukso ang kaniyang boses, animo'y natutuwa sa nangyari.

"Buzz off." Bangga-bangga ang kanang balikat.

Inilibot ko ang mata. Hinahanap ang pakay. Samantala, hindi pa nagtatagal, napukaw ang aking atensyon sa inaasahang makita. "Diplomatic News Station," sambit ko nang makita ang kanilang Press I.D.

Kung ang newspaper ng Stanford ay tinatawag na "Diplomatic Urges" Ang estasyon nito ay kilala bilang "Diplomatic News Station" (D-N-S)

Mag-iisang taon na itong nakatayo. Sa tulong ng mga IT student ng Stanford, nagawa naming makabuo ng sariling frequency. Ito ay ginagamit sa pag-ere ng mga shows, live performances, at press conferences. Sa tulong din ng frequency na ito, nagkakaroon ng live and virtual interactions and connections ang apat na branches ng Stanford. Tanging Stanford Main lang ang standalone.

Balik sa usapan— D-N-S, itinuturing naming kaaway. Dahil mula nang itayo sila, bumaba ang rating ng Diplomatic Urges. Mas marami ang tumatangkilik sa kanila, palibhasa nasa "Modern and Technology Geek Generation" na tayo.

Nilapitan ko ang isa sa kanilang journalist. "D-N-S Jasmine," wika ko sa kaniyang likuran, humarap siya sa'king gawi. Tinaasan niya ako ng kilay at nagwika, "Yes? How can I help you... Mister...?"

"Logan. Mr. Logan Stanford of News and Report Club, Diplomatic Urges." Inihain ko ang kanang kamay. Unang pagtatagpo ng dalawang journalist na mula sa magkaibang medium at platform.

"Oh... I see. Are you also here to cover a "Celebrity Student News"?"

Ibinaba ang kamay. Hindi niya ito pinansin. "We don't have that kind of segment in our newspaper. And, I am not here to cover any petty news. You are my intention. I'm here to stop you."

Ngumisi siya habang pinagku-krus ang dalawang braso. Masyado ata akong nagiging mabilis. "Petty news? Did you just insult our capabilities?" sabi niya. "And, did I hear it right, stop me? If it's petty, why are you here to block my way? Madami na akong nakilalang journalist na katulad mo. Papatigilin kami sa pag-cover ng balita, tapos sila ang gagamit." Bahagya siyang tumawa.

"I am not one of them. And to answer your first question, I'm here to stop you from covering that bullshit because it's petty. Simple as that, it's petty and not worth exposing for. It only will create a social stigma of anathema. And we both don't want that to happen, do we? Isa pa, justify the press freedom by delivering meritorious information."

Tiningnan niya ako, inayos niya ang nakagusumot kong kuwelyo. "Your thinking is so unimaginable. But I know where you are coming from, students of Stanford love drama. But you have no right to cause hindrance of speech, you can't hold me back," sagot niya. "If you really are a journalist, you know that this will be worth exposing for. So, if you don't mind, mauuna na ako. Kailangan ko pang maka-usap si Nicole. Have a nice day."

Sasagot pa dapat ako, kaso nauna na siyang umalis. Wala akong nagawa para pigilin siya. Bumuntong-hininga ako. Alam kong madadawit si Angela dahil sa kung anumang sasabihin ni Nicole.

Papabalik na ako nang biglang harangin ni Oliver ang daan. "Not today. I'm not in the mood."

"You gonna let them go away? Easy as that?" Nakangisi siya. Hinawakan niya ang frame ng kaniyang salamin. "Behind you," dugtong niya.

Nakita ko si Nicole, kasama ang D-N-S. Pakiramdam ko'y pupunta na sila sa headquarters ng kabila.

"Hi, Oliver." Mapanglait ang boses ni Nicole nang mapadaan sa amin. "Buhay pa ako." Humagikhik siya.

Nakalagpas na sila pero maramdaman ko ang pagngisi ni Oliver. "Why Nicole? Natapos na ba ang araw na 'to?"

Napatigil siya sa paglakad at lumingon. Tumitig siya sa lalaki habang nakangisi. "You wish," sabi niya. "I won't die." Sinundan niya ito nang malakas na pagtawa. Utay-utay ay nawala na siya sa'king paningin.

"What's wrong with your joke, Oliver? Death is a serious matter."

"It comes naturally. Makakahanap din 'yan ng katapat niya."

"Fuck? Psycho ka ba?"

Marahang lumitaw ang kaniyang ngisi, "I'm Oliver. An ordinary student who's trying to drag you down."

"Hindi ka pa rin pala tapos sa issue ko. How many times do you have to insist that it was planned? When will you get over me?"

Mabuti na lamang at iilan na lang ang tao sa loob ng Theater. "I won't," sagot niya, "not unless you get killed." Nagpatuloy na siya sa paglakad. Kumuyom ang parehas kong kamao.

Hindi ko talaga alam ang mga naiisip ni Oliver. Dapat talaga akong mag-ingat.

Lumabas ako ng bulwagan, sakto nito ay ang pagkakatagpo namin ng Student Board.

Napatigil ang lalaking may manipis na gupit ng buhok, mahabang pilik, at matangos na ilong. Nakasuot ng itim at puting kurbada. Mayroon siyang dalawang school pin. Ang una'y mula sa Tiger's House, ang pangalawa'y mula sa Student Board. Sa likod ng lalaki ay ang kaniyang mga alipores.

"Logan," nagagalak niyang bati.

"Mateo." Kabaligtaran ng kaniyang tono, malamig ang aking boses.

"How are you? Tagal nating 'di nagkita...mula nang—"

"You don't have to finish your sentence. I'm going ahead. Until next time." Nagpaalam na ako, pinapakitang walang oras sa pakikipag-usap sa kaniya.

Mateo Ilagan, ang itinuturing katunggali. Numero uno sa leaderboard na mayroong 200 points. Isa sa mga iniisip kong may pakana ng aking aksidente. Pilit ko siyang idinadawit sa'king kaso, pero wala akong matinong pruweba na tutulong sa'king akusasyon.

Mabuti ang pakikitungo ni Mateo sa'kin, ako lang ang hindi. Matagal na kaming magkakilala, kilala na rin siya ni mama mula nung maging kaklase ko siya sa junior high. Magaling kasi, matalino, masipag, ganoon ang mga gusto ni mama. Lagi niya akong kinukumpara sa lalaking iyan, animo'y napakaperpektong bata. E, sino ba ako? Ano ba ako? Anak lang ako ni mama, tamad pang mag-aral.

Siya rin iyong kalaban ko sa pagka-Head Student. Alam kong gustung-gusto niyang manalo katulad ng pagnanais ko. Kaya alam ko rin na gagawin niya ang lahat para matalo ako. Kaya niyang gawin iyon, mayaman sila, anak ng mayor, marami siyang pera at kaibigan. Kaya hindi makapagtataka kung mapapatunayan ko na siya ang may pakana para ma-aksidente ako.

Kaya bukod kay Oliver at Enrico, andito si Head Student, Mateo, na dapat kong iwasan.

"Hey, Logan," tawag niya. Hindi ako lumingon. "I'm really happy that you survived."

(More)

Bab berikutnya