webnovel

Capítulo dezesseis

Paglabas ko ng kwarto, inilibot ko ang tingin sa tahimik na mansyon. There were dim lights around so definitely, they are all taking a rest. Hinintay ko talaga ang pagpatak ng alas-dose at hindi rin ako natulog.

I have to know where it came from dahil hindi rin ako matatahimik. Hindi ako mapakali buong oras, ni hindi ko nga nagalaw ang hapunan na inihatid ni Blue. Nakakapagtaka rin kung bakit napakatahimik niya ngayon. She isn't as lively as before.

Wala na ring mga bantay at sarado na ang mga pintuan at bintana. Tanging yapak ko na lang ang nakakagawa ng bahagyang ingay. Nagmadali akong lumapit sa kwarto ni Erin na nasa kabilang banda at halos katapat lang ng kwarto ko.

Tinignan ko ang buong mansyon at nagbuntong-hininga bago kumatok ng mahina sa pintuan.

But isn't it better kung pumunta ako ng mas maaga? Baka naman wala siya o nagpapahinga na siya? Bakit ba hindi ko agad naisip 'yon?

Kanina pa ako pasilip-silip dito sa kwarto niya at hindi ko pa nakikita ang asawa niya kaya siguradong hindi sila ngayon magkasama dito sa loob kung nandito man si Erin. Sa pangalawang pagkakataon ay muli akong kumatok ng mahina sapat na upang marinig niya.

Ibinaba ko naman ang kamay ko nang bumukas ang pintuan at bumungad ang inaasahan ko. Nakapantulog na din siya at mapupungay ang mata.

"Pasensya na kung naabala kita," mahina kong saad dito.

"What are you doing here?" pagtataka naman niya na tumingin sa likuran ko.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"About what?" pinagtaasan niya ako ng kilay at nagkibit-balikat.

"Let's talk about it privately," mahinang saad ko na bahagyang lumapit sa kanya.

"Hindi ba pwedeng bukas na lang? I'm already tired," pagsusungit nito.

"I won't come here this time kung hindi 'to mahalaga, Erin," pagpupumilit ko.

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago nagbuntong-hininga. Sinenyasan niya ako na pumasok sa loob at tinalikuran ako, "K-kung pwede sana, tayong dalawa lang. B-baka kasi biglang dumating ang asawa mo," dagdag ko pa dahilan para harapan niya ako.

Napansin niya na tinitignan ko ang buong kwarto dahil baka nandito na ang asawa niya at hindi ko lang napansin na nakauwi na pala. He can't find out about this thing. Tinignan din niya ang kwarto at ngumiti ng masama, "That's the reason why I am still awake though I'm already sleepy," umupo naman siya sa kama.

"He's not yet home," saad niya hanggang sa tumunog ang cellphone nito na hawak-hawak niya.

Iniharap naman niya 'yon sa akin kaya napatingin ako dito, "See, kanina pa ako naghihintay dito and yet, ngayon lang niya naisipang sabihin sa akin na hindi siya makakauwi ng maaga," saad niya na ibinaba ang kamay nito sa pagkadismaya.

That was already a hint for me to close and locked the door.

"Make it quick. Gaano ba kahalaga 'yan at nang-iistorbo ka ng ganitong oras?" she crossed her leg over the other habang taas-noong nakatingin sa akin kaya humakbang ako papalapit sa kanya.

"You also received something, right?" tinignan ko ang kwarto para hanapin ang rosas na hawak niya kanina habang kausap si Xenia.

"I've always been receiving something. Which of that were you pertaining to?" natatawang tanong nito but there was still that sarcastic tone of her na halatang mainit pa rin ang dugo sa akin.

"Black roses," diretso kong sagot. Nanlaki naman ang mata nito at halatang natigilan sa itinuran ko.

Her expression gave me the clue that something is really wrong.

"Tama ba ako?"

"And what about it?" bigla naman siyang umiwas ng tingin.

"I want to know kung kanino nanggaling 'yon."

"At sa akin mo pa talaga itatanong?" hindi makapaniwalang saad nito, "If I knew, I wouldn't have to be anxious earlier while asking Xenia about it. Wala rin daw siyang alam at ayaw ko ng ipaalam pa kahit na kanino except you who had been eavesdropping," tila gusto niya ring magalit pero hindi ito ang pinunta ko dito.

"Hindi ako pumunta dito para makipag-away sa'yo. Nandito ako para malaman kung kanino nanggaling 'yon? Why do we have to receive those things both at the same time?" ibinalik niya ang tingin sa akin nang magkibit-balikat ako at pagtaasan din siya ng kilay.

I don't like this kind of attitude pero hindi ko na papansinin dahil may mas mahalaga pa bukod dito, "Well, I guess we had the same feeling the moment we received it... kaya ka nagpunta dito," pagbubuntong-hininga niya.

"Alam mo ba kung sinong pwedeng gumawa nito?"

"An enemy," sagot niya na ikinakunot ng noo ko, "Nakapasok dito sa mansyon?"

"No, walang nakapasok na kalaban because the enemy is already inside the mansion," sandali akong natigilan sa sinabi niya.

"Paano ka naman nakakasiguro?"

"The security is well-upgraded. Noon pa lang, alam ko ng walang makakapasok na kalaban pero paano nangyari 'to?"

"How could you say na alam mo ng walang makakapasok noon pa lang?" diretsong tanong ko.

Tinignan niya muna ako bago nagsalita, "It's already predicted na maraming gustong pasukin ang mansyon at lusubin ang Alzini. They want to wipe out this whole mafia."

"El Nostra?"

"How did you know?" tumayo siya at humakbang papalapit sa akin.

She can't find out. Hindi niya pwedeng malaman ang nangyari kanina lalo na't nangako ako kay Senyora.

"I heard that my father is hunting both Alzini and El Nostra which are mortal enemies. When I found out that I am within Alzini mafia's cage, alam ko na rin kung sino ang kalaban ninyo. Wala namang iba kundi sila dba?" good point. Good to know that I am quite impressive when I lie.

"Fine," sagot nito.

"Do you have a suspect?" tanong ko.

"That's our problem. We can't just accuse someone being a traitor dahil wala naman tayong ebidensya," sagot ni Erin.

Bigla na lang pumasok sa isip ko si Senyora. Simula pa lang ng makausap namin ang Liam na 'yon na tagapagmana ng El Nostra, tila nag-iba na ang kilos ni Senyora.

"May iba pa bang nakakaalam nito?" tanong ni Erin kaya umiling ako, "Good. What about you? Do you have someone in mind?" napaisip naman ako.

I can't say that it's Senyora dahil imposibleng pagtaksilan niya ang asawa niya. I just saw how much they care with each other hanggang sa maalala ko ang sinabi ni Terrence.

'First, speak to spill the truth or shut up to alter the situation?'

This is supposed to be the right time na dapat niyang sabihin sa asawa niya ang totoo dahil nandyan na ang kalaban nila bukod sa mag-aalala ang asawa niya, hindi ba dapat ang kalaban ang mas pagtuunan niya ng pansin?

Secondly, kumatok siya sa kwarto at tila may hinahanap then she thought I'd be happy for what? Masyadong mababa ang rason para sa simpleng dahilan na dahil lang lumabas kami. She didn't even want me to tell anyone about what truly happened.

Does it have to do with her agreement with Liam Ardizzone? Kunwari lang ba talaga 'yon?

"Hey, I'm asking you," napansin ko na lang na tulala na pala ako kakaisip nang tawagin ako ni Erin.

"Uhmmm, d-do you think it's... Senyora?" hindi siguradong tanong ko na ikinatawa niya at umiling.

"No, it couldn't be Senyora. Magkasama kayo at kakarating niyo lang. She wouldn't have enough time to do that, especially para mag-iwan ng bulaklak sa dalawang kwarto ng ganon kabilis."

"Baka naman may inutusan siya?"

"Kung ganon sino? I am here the whole day waiting for my husband. I went down the kitchen to get my food at pagbalik ko, that thing was already here."

"Then, this was planned bago pa man kami umalis?"

Then it is also one of the factor na si Senyora nga ang gumawa nito kaya nagpumilit siyang lumabas kami kahit ayaw ng asawa niya. Siguradong may inutusan siya.

"Who could be that person?" wala sa sariling tanong ko habang nag-iisip ng malalim.

"Someone na nakakalabas-pasok dito sa mansyon," diretsong sagot nito.

"Hindi ba ika— "

"Shhhhh!" natahimik ako nang senyasan niya ako. Napatingin naman ako sa pintuan katulad ni Erin nang makarinig kami ng kaluskus mula sa labas. Nagkatinginan kaming dalawa at dahan-dahan akong lumapit doon.

Ganon na rin ang ginawa niya at dinikitan namin ang pintuan para malaman kung anong nangyayari sa labas. Sunud-sunod na yapak ang naririnig namin.

"Child, I thought you were gone," nabosesan ko naman ang asawa ni Senyora nang magsalita ito.

"No, Don Stefano. I was just roaming around the mansion," boses naman ni Terrence ang narinig namin kaya nagkatinginan kami ni Erin.

"Because I haven't seen your car for a while since my wife came back, that's why I thought you had to do something urgent for leaving at a time like this. Did something happen?"

"No, nothing. Actually Godfather, I left the mansion to get my car fixed. Since I don't feel sleepy at all when I came back, napagdesisyunan kong mag-ikot muna dito sa mansyon."

"What happened to your car?"

"Don't worry about it, Godfather. Just a little damage."

"Did something happen while my wife was using your car?" nag-iba na rin ang tono ng pananalita nito.

"No, it had already been damaged just before your wife used it. She even complained dahil hindi siya nakapagdrive ng maayos. I highly apologized for the inconvenienced that my car caused to your wife, Godfather," pahayag nito.

Base sa tono ng pananalita niya, hindi mo iisiping nagsisinungaling siya. A liar with respect?

"Good to know about that. What about the security of the mansion?"

"I had it checked, Godfather."

"And?"

Napalunok naman ako nang matagalan si Terrence sa pagsagot, "They are all clear. So please, rest assured," magalang na sagot nito.

Muli naman kaming nakarinig ng mga yapak papalayo sa kwarto, "Can't we just tell Godfather about this?" tanong ko kay Erin.

"No, you can't."

"Kung may nangyayari na, na hindi natin alam— could we just tell them para hindi na tayo mahirapan?" nagbubulungan pa rin kami para walang makarinig.

Hinawakan naman niya ng mahigpit ang braso ko, "Are you stupid? This is one hell of a warning. One word at pwede nating ikamatay."

"What do you mean?" binitawan niya ako at nagbuntong-hininga.

"Everyone knows that there's something wrong pero bakit walang nagsasalita? Panigurado akong hindi magtatagal at malalaman rin ng lahat but for the mean time, we have to keep this as a secret. It's because for the safety of everyone lalo na't hindi natin alam kung sino ang traydor. It could be Terrence, some of the maids, me... or perhaps you," nagsalubong naman ang kilay ko nang banggitin niya ako.

"Ako pa talaga ang pagbibintangan mo?" but she diverted her response.

"This is the other organizations technique of sending a warning."

"Paano?"

"They will send you anything secretly and you should not at least speak not until you find out kung sino ang nagbigay. Those things usually contain bombs and that person who gave those roses, siya ang mata nila dito sa loob ng mansyon at isang salita mo lang sa mga tao dito, pwede nating ikamatay lahat. One word and the bomb will explode kaya magandang manahimik muna tayo. That's why wala kang pwedeng pagsabihan nito. Naiintindihan mo ba?"

"Then what shall we do?"

"We have to confront that person who's still a nobody to us."

"May paraan ba para malaman natin kung sino?"

"Don't you have any clue kung kanino nanggaling? Mga taong kahina-hinala bago at pagpasok mo sa kwarto mo?" napaisip naman ako sa sinabi niya.

"Buong umaga sina Xenia at Senyora lang ang kasama ko. Pagbalik namin, after a few minutes nakita ko na kayo ni Xenia na may pinag-uusapan. But before that nagkausap pa kami ni Detective. Hindi rin nagtagal kasi umalis din siya agad— "

Wait!

Just a second...

'Don't you love black roses?'

"Terrence?" wala sa sariling sambit ko. Nilapitan ako ni Erin at seryoso din siya, "What?" tanong nito.

"He asked me if I do love black roses... " tila matutulala na rin ako habang inaalala yung pag-uusap namin.

"Then?"

"C-could it be him?" hindi makapaniwalang tanong ko.

It's impossible that he asked me coincidentally. Detective wouldn't talk nonsense.

"Yes," napatingin naman ako kay Erin na malalim na rin ang iniisip.

"He actually has the control in security room," tinignan naman niya ako, "Bakit alam niya agad na halos mag-away na kami ni Xenia kanina? Not unless he already knew that I'd act like that because of what I received. And he even told us that the security had been deactivated kahit wala namang nagtatanong?"

She exactly has the point.

"He's a detective. If he was really the one... surely, he knew that I'd be requesting for a copy to find out who invaded our room. But with having control, he deactivated it the time he entered my room para walang makakita sa ginawa niya. This was the only time that the security had been deactivated at sa oras pa na siya ang nagbabantay," seryosong saad nito.

So it's him now at hindi si Senyora?

"He even told Godfather that there was nothing wrong with the security when he should have told he had it deactivated. It only means that he has been hiding what he did. Therefore, we can conclude na siya nga ang gumawa ng lahat ng 'to."

Kung si Terrence nga talaga ang may pakana nito, "Anong rason niya para gawin 'to?"

"Hindi ko rin alam."

"Then we have to talk to him."

"No, you can't."

"And why?"

"Ako na ang kakausap sa kanya."

"Sasamahan kita," pagpupumilit ko.

Tinignan niya muna ako na parang nag-iisip hanggang sa talikuran niya ako. Lumapit siya sa lamesa na nasa tabi ng kama nito at nagsalita. Napahawak ang dalawang kamay nito sa lamesa at nagbuntong-hininga, "Can you confront him?"

Tanong nito na ipinagtaka ko naman, "What do you mean?"

"Just answer me," hinarapan niya ako at sumandal doon. Muli naman itong nagkibit-balikat.

Napalunok naman ako at tumango, "I can do that."

"Then do it."

"Paano ka? Hindi mo 'ko sasamahan?"

Halos kulitin ko siya kanina para lang isama ako tapos ngayon bigla na lang siyang aayaw?

What's with this woman?

"Ikaw muna ang kumausap sa kanya. If he's going to tell you the truth, I'll think of a plan just because obviously, he'll threaten both of us. Pero kung magmamalinis pa rin siya, I'll confront him too hanggang sa magsalita siya. Wala munang pwedeng maakalam nito, Gale. Naiintindihan mo ba?" tumango naman ako sa sinabi niya.

"Now go."

"Do you think this is the right time?" tanong ko na nagdadalawang-isip.

"There's no other time. Paniguradong umalis sina Don Stefano kasama ang mga tauhan niya kanina pagkatapos ng usapan nila ni Terrence. You can confront him now or never."

"What about the security?"

I should think of all the factors that might put me in danger before I plan to do something.

"I'm sure he still had it deactivated until now. He might also be expecting that we're going to confront him about this matter kaya tinanong niya sa'yo ang tungkol sa bagay na 'yon," nagbuntong-hininga naman ako at tumango.

Erin is quite impressive. Matalino siya.

"Fine, I'll do it now."

"Talk to me after," muli naman akong tumango at tinalikuran siya para dahan-dahang buksan ang pintuan.

Sumilip ako sa labas at kagaya kanina, walang katao-tao. Muli ko namang hinarapan si Erin, "Don't ever think na sumusunod ako sa gusto mo. We just have the point that there's no other time kaya ko 'to gagawin ngayon, Erin," mahina kong saad sapat na para marinig niya.

"Third floor. Turn right and it lies at the end," nakuha ko naman agad ang sinabi nito.

Ngumiti siya ng masama kaya lumabas na ako sa kwarto dahil baka may makakita pa sa amin. Kagaya ng sinabi niya, minasdan ko pa ang buong mansyon na nananatili pa ring tahimik kaya maingat akong naglakad paakyat sa third floor. Tinanggal ko na rin ang suot kong tsinelas para hindi na makagawa pa ng ingay kaya bitbit ko ito habang nililibot ang ikatlong palapag ng mansyon.

Sinunod ko ang sinabi ni Erin at kung tutuusin, ngayon lang ako nakaakyat dito dahil wala namang dahilan para pumunta dito bukod sa ngayon. Lumapit ako sa pinakadulo at katulad ng iba ay kulay itim na pintuan ang bumungad sa akin.

Dahan-dahan ko itong nilapitan. Hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa 'to ni Terrence. I won't know the truth not until he gives me the real answer to all of my questions.

Itinaas ko ang kamay ko para kumatok hanggang sa makaramdam ako ng kaba nang kusang bumukas ang pintuan. Nakita ko pa ang pigura ng isang lalaki na binuksan ang pintuan hanggang sa makilala ko siya.

"If you really want to do something, never hesitate 'til you find the right answer, Gale," mahinang saad nito na ipinagtaka ko, "What?"

"Come in," nakaramdam ako ng kaba nang talikuran niya ako. Napatingin pa ako sa paligid bago sumunod sa kanya hanggang sa kusang magsara ang pintuan.

Narinig ko pa ang kusang pagkakasara ng lock nito kaya sinubukan kong buksan ngunit hindi na gumana. Paulit-ulit kong ginawa 'yon pero walang nangyari.

This d*mn door is already locked. Pati ba 'to, pinlano niya?

"I wasn't expecting na ikaw ang papupuntahin niya dito," napatingin ako kay Terrence na umupo sa gitna habang nakapalibot sa buong kwarto ang napakaraming computer screen kung saan nakakonekta ang mga camera.

But I couldn't even see any part of the mansion. I am exactly seeing glitches in every computer. Is it because he deactivated it?

"Sino bang expect mo na pupunta dito?" kinakabahan kong tanong. He was actually the first guy I met. Ganitong-ganito siya noon. Seryoso.

"Erin," diretsong sagot nito na tinignan ako. Tanging liwanag sa mga computer ang nagsisilbi naming ilaw para makita ang isa't isa.

Natawa na lang ako sa sagot nito, "So it's really you?" nagkibit-balikat ako at sumandal sa lamesa na malapit sa akin habang nakaharap sa kanya. Nakaupo siya sa pinakagitna na halatang binabantayan ang bawat screen kahit wala naman talaga siyang binabantayan.

"You think it was me?"

"Yes. Hence, you wouldn't have to lie to your Godfather."

Umayos ito ng postura at iniikot paharap sa akin ang inuupuan niyang swivel chair kaya nagkaharapan kami. Nakasandal siya doon habang nakadekwatro.

"Do you even have enough proofs para pagbintangan ako?" he even had that vicious smirked of him. Who exactly is this person apart from being a detective and a mafia member?

"I don't have physical proofs. But I have enough to say," sagot ko sa kanya.

"Then I'd be glad to hear it. Spill it out, Serenity Gale," saad nito habang nakangiti ng masama.

"You wouldn't talk nonsense, Detective. You asked me about black roses and I know that it wasn't just a coincidence. Napakaimposible naman atang alam mo na agad na halos mag-away sina Xenia at Erin not unless alam mo ng magpapanic si Erin kapag nakita niya ang bagay na 'yon. Dahil alam mong magkakagulo silang dalawa secretly at natakot sila na makita ang pag-aaway nila sa camera, you even said that the whole security had been deactivated kahit walang nagtatanong. Ibig sabihin, alam mo na may itinatago si Erin at hihingiin niya sayo ang copy ng security camera para malaman kung sino ang nanloob sa kwarto niya. You did all of that because you were already expecting na magkakagulo kaming dalawa dahil sa ginawa mo," diretso kong saad.

"Is that your proof for accusing me?"

"Am I really accusing you, detective? You already predicted things just before you executed your plans," napangiti siya na parang hindi makapaniwala.

"Quite impressive.The traitor already manipulated everything," saad nito habang natatawa at napapailing.

"I was with Don Stefano the whole day, Serenity. Even if you asked him. His men even saw me exiting through the elevator pagdating ninyo. I value my car that much kaya nang malaman kong nakabalik na kayo, I had to check it. I thought you would park in front of the mansion pero nakakapagtaka kung bakit sa likod kayo dumaan... that's why I knew that something happened. I wouldn't have time to do something like that if you think that way about me. I don't even know what kind of thing you were pertaining to."

"Then why did you ask me about roses?"

"I remembered your mom loving them. I guess you won't believe me na nagkataon lang na naitanong ko 'yon. I don't even get why roses became a big deal to you, eh nagtanong lang naman ako." Is he acting innocent o talagang wala siyang alam sa nangyari? This is really confusing yet absurd.

Well, detective knows how to act innocently.

"I won't really believe you," diretso kong sagot, "Kung gusto mong paniwalaan kita, tell me why do you even have to deactivate all these things and lie to your Godfather? And since ikaw ang nagbabantay dito, kung hindi talaga ikaw... I'm sure that you've seen the one who entered my room at sa kwarto nila Erin," tinignan ko pa ang mga screen na nakahilera sa buong kwarto.

Otherwise, kung siya nga talaga... ikakaila niya na wala siyang nakita or the clips were even deleted.

"I haven't seen anyone. I checked thoroughly," sagot niya. See?

"So I decided to keep everything secretly not until I find out who invaded the system," nagsalubong naman ang kilay ko sa isinagot niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

Lumapit siya sa mga computer at may pinagpipindot doon hanggang sa isa-isang nag-activate ang mga camera. Ibinalik naman niya ang tingin sa akin, "The traitor had the control in every security cameras that's why I had to deactivate it para hindi niya malaman kung anong nangyayari dito sa loob. There was even a deleted video clip that I haven't been able to recover."

"Are you serious?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes, fifty seconds were skipped. The traitor was able to do something sa loob ng labin-limang segundo. A complete conlusion for a rushed plan," muli siyang humarap sa mga screen at may kung anu-anong pinindot.

Dahil naman sa dami ng naririnig at gusto kong paniwalaan. Hindi ko na alam kung anong dapat gawin. Is he lying or not? I know that all of his lies are believable kaya hindi ako dapat magpakampante.

But what if hindi nga talaga siya? I still need to listen hanggang sa malaman ko kung sino talaga.

I have to make a conclusion.

"What do you mean when you said rushed plan, detective?" tanong ko sa kanya.

"It wasn't planned but successfully done."

Another factor which excludes Senyora from the scene. Kung hindi planado, malabong si Senyora ang gumawa. Kung ganon, sino?

"Whatever made you think that I am the traitor, I don't want you to believe it, but you still have your free will to decide. Wala akong alam sa ibinibintang mo and why would I do such thing?" maayos siyang tumayo at hinarapan ako.

"Xenia, Senyora and you just got home. Me and Godfather were having a conversation at code 8 the whole morning. It's impossible for the four of us to be the suspect since we have to be alone kung gagawa man tayo ng hindi maganda."

"Do you have a suspect, detective?" hindi ko na rin alam kung ano ang dapat kong paniwalaan.

"I still have to confirm," sagot nito sa akin. So he has already someone in mind? Sino naman kaya?

"Then why were you expecting for Erin to come here?" one last question.

Isang kahina-hinalang sagot ang ibigay niya would make me have trust issues towards him. I won't ever gonna trust him anymore kaya sana katanggap tanggap ang ibigay niyang sagot.

"To ask what exactly happened kung bakit sila halos na mag-away ni Xenia. I was exactly waiting for her dahil alam kong ako ang pagbibintangan niya. Sinabi ko rin na dineactivate ko ang security just because I also wanted to keep this as a secret dahil alam kong may nangyayaring hindi maganda, especially when I confirmed that someone invaded the security system. I think ang bunga ng pag-aaway nila, ang rosas na sinasabi mo and the invader are all directly related, if ever I have a clearer vision of everything that happened, it would be enough for me to find out who the traitor is."

.....

Wala sa sarili akong naglalakad pababa ng mansyon. He asked me to take a rest dahil baka may makakakita pa raw sa akin. He's even planning to keep it from their Godfather hanggat hindi pa siya nakakakuha ng sagot.

First, I thought it was Senyora.

Then Terrence.

At ngayon, sino?

If it was Senyora or Terrence, then they were good at acting. Kapani-paniwala ang mga kilos nila yet I'm starting to have doubts. I really want to know kung ano ang ibig sabihin ng mga rosas na 'yon.

Napatingin naman ako sa kung sino nang may humawak sa braso ko pagkababa ko pa lang ng hagdanan, "What did he say?" nakita ko naman si Erin na napakaseryoso na siyang ikinabigla ko.

"He's not the one," pag-iling ko.

"And you believed him?!" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Hindi ko rin alam. Masyadong magulo," saad ko, "He said that it might be a rushed plan."

"Rushed plan?" tanong pa nito na ikinatango ko.

"If it was me doing that plan, manginginig ako sa kaba especially if it wasn't really planned," dagdag pa niya na nagkibit-balikat at halatang pagod na rin kakaisip.

"Wala naman akong napansin na kakaiba kay Terrence pagkabalik namin. Therefore, he wouldn't say to me that I could even ask Godfather for confirmation na magkasama talaga sila kung may ginawa siya," bulong ko.

Nakarinig naman kami ng mga sasakyan na kakarating lang kaya nagmadali kaming bumalik sa kwarto namin.

Mabilis kong isinara ang pintuan at napagpasyahan na kailangan ko ng itulog 'to. Hindi ko na kayang mag-isip pa kaya humiga ako sa kama.

Sandali naman akong natigilan nang may maalala ako kaya napabangon ako para maupo.

Whoever that traitor is, kagaya ng sinabi ni Erin, nakakalabas-pasok ang tao na 'yon sa mansyon kaya kung sa El Nostra man nanggaling ang bulaklak, inutusan nila ang tao na 'yon para takutin kami ni Erin. Pero bakit kaming dalawa?

Hindi ba dapat siya lang because she's directly connected to this family?

Right, baka gusto rin akong takutin ni Liam so he might have contacted that person pagkalayo namin sa kanila dahil hindi nila ako nakuha... that's when I saw the rose when we got here.

Biglaan ang plano. If it is someone who was acting weird that time because of that plan that was never really planned...

Unti-unti namang bumilis ang pintig ng puso ko. I know someone who acted different that time.

Did He ask her to do that kaya ba nagkausap sila kanina? Who was really manipulating everything?

Continua...

Bab berikutnya