webnovel

The Stripper (Strip 31)

Kakauwi lang nina Brave,Killian at Edge galing sa trabaho,si Killian kasi ang pumalit sa naiwang trabaho ni Haven. At kami ni Lemon ay nandito sa sala at nag uusap,kakauwi lang din nya galing sa trabaho,pinasok ko sya sa kumpanya namin bilang messenger din. At ngayon nga kinekwento ko sa kanya ang mga sinabi sa akin ni Lourd nung nakaraan.

Direderetso si Edge sa kwarto,ni hindi ako pinansin. Ang hirap at ang sakit lang,parang pinipiga ang puso ko. Pero kailangan ko ng masanay. Maluha luha akong napatingin kay Lemon na natahimik din.

"Just give him time,Keeyo. Hindi biro ang pinagdadaanan nya." ani Edge.

"Bakit? Si Keeyo ba hindi nahihirapan at nasasaktan? Dalawang mahal nya magkapatid pala? Tas may Kristy pa syang pinoproblema?!" ang biglang sagot ni Lemon,hinawakan ko ang kamay nya para tumigil sya.

"I know. Kaya sana walang bibitaw sa atin. Tulungan natin sila. Hindi ko din naman gustong harap harapan kong nakikita na nasasaktan at nahihirapan si Keeyo." ang madiin ngunit mahinang sabi ni Edge.

"Huwag nga kayong ganyan. Malalampasan ko ito." ang sabi ko para matahimik sila. "Hindi ko gusto ang nangyayari pero kailangan kong magdesisyon hindi dahil dapat,pero iyon ang hinihingi ng pagkakataon at sitwasyon. Nakapag desisyon na ako at sana ay suportahan nyo na lamang ako."

Makahulugan ang tingin nila sa akin. Pero hindi ko sasabihin ang plano ko. Kung gustong makapag isip ni Brave,hahayaan ko muna sya habang inaayos ko ang problema ko kay Kaze at Kristy.

"Bakit kasi hindi na lamang kayo magharap harap. Mag usap si pareng Brave at Keeyo. Tapos pumili ka. I know its stupid pero kailangang may panindigan ka kahit pa isa sa kanila ang masaktan. That's life. At pag ayos na,saka natin harapin si Kristy." ang pagsingit ni Killian.

"I don't know,Killian. But Ive made up my mind. Uuwi muna ako sa amin. Gusto ko makasama ang pamilya ko. Gusto kong makausap si Papa at gusto kong maprotektahan sila,lalo pa at hindi pa tapos si Kristy sa mga paghihiganti nya." sabi ko. Tumayo ako at nginitian sila saka ako nagtungo sa kwarto.

Nakahiga si Brave,natatakpan ng braso nya ang mga mata nya. Huminga ako ng malalim dahil parang nagbabara na ang lalamunan ko. Hindi ko akalain na mangyayari ito,nagkakasakitan kami dahil sa sitwasyon. Uunahan ko na sya sa maaari nyang maging desisyon,mahal ko sya,mahal ko pa din si Kaze,at tulad ng sabi ko ay nakapag desisyon na ako.

Lumapit ako at naupo sa kama. Agad akong tiningnan ni Brave,kitang kita sa magaganda nyang mga mata ang paghihirap at pagkalito.

"Brave." panimula ko. "Kung gusto mo,mag usap kayo ni Kaze,para matapos na ito. Kung totoong magkapatid kayo kailangan nyong makapag usap ng masinsinan."

"Hindi ko alam Keeyo. Ikaw? Paano ka? Paano tayo?" aniya at bumangon. Ngumiti ako,pinipigilan kong umiyak. Kasalanan ang magmahal ng dalawang tao,at mas kasalanan kasi magkapatid ang minahal ko.

"Kailangan nyong mag usap. Para makumpleto na ang pagkatao mo. Para malaman nyo kung anong nangyari sa pamilya nyo. Maaaring dala ng matinding trauma kaya hindi mo maalala,pero sayo na nanggaling na pamilyar si Kaze sayo. Tinawag ka nyang kuya at kinompirma ito ni Nay Neth. Ako? Huwag mo akong intindihin,I'll be fine. At tayo? Bibigyan kita ng space at panahon para makapag isip." ang mahaba kong sabi. Nararamdaman kong any moment ay papatak na ang mga luha ko kaya tumayo na ako at tumalikod.

"Naguguluhan ako. Mahal na mahal kita,pero kapatid ko ang karibal ko sayo at mahal na mahal ka din nya. Hindi ko na alam ang gagawin,Keeyo." naramdaman kong tumayo sya. At kasunod nun ay naramdaman kong niyakap nya ako mula sa likuran,napasinghap at napapikit ako.

"Mahal din kita." ani ko at kinagat ang labi para hindi ako humagulhol dahil nagsimula ng umagos ang mga luha ko.

"Mahal ka din ni Kaze,mahal mo pa din sya. Tang ina,sana hindi kami magkapatid." aniya,nabasag ang boses nya,alam kong nagpipigil syang umiyak.

"Pero kailangan nating gawin ang hinihingi ng sitwasyon at pagkakataon. Mag usap kayo ni Kaze,sasamahan kita kung kailan mo gusto. At the same time aayusin ko din ang problema ko." huminga ako ng malalim at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ko palang ng kwarto ay humagulhol na ako. For the second time in my life,naramdaman ko na naman ito,una ay kay Kaze. Ngayon ay kay Brave. Hindi ko alam kung bakit sa akin ibinibigay ang mga ganitong pagsubok. Para ng sasabog ang puso ko.

"Keeyo!" agad akong niyakap ni Edge. Sa kanya ako umiyak ng umiyak. Napansin kong pumasok sina Killian at Lemon sa kwarto namin ni Brave. "It will be over soon,Keeyo."

"Edge. Para na akong mababaliw. Para ng sasabog ang dibdib ko." ang humahagulhol kong sabi at sinubsob ko pa ang mukha ko sa dibdib nya.

"Hindi ganyan ang Keeyo na nakilala ko sa Strip Club. Please,magpakatatag ka." ramdam na ramdam ko ang simpatya ni Edge para sa akin. He's been a true friend,at naisip ko tuloy na puro ako na lang ang iniintindi nya at ng tropa. Dapat nga hindi na nila iniisip ang problema ko,dapat nga hindi na sila nadadamay.

"Napapagod na ako Edge. Gusto ko ng matahimik. Gusto ko ng bumalik sa dati kong buhay." ang sabi ko pa habang magkayakap pa din kami.

"Kung pagod ka na,magpahinga ka muna. Nandito lang kami para sayo. You don't deserve this kind of life,Keeyo."

"Keeyo? Pwede mo ba akong samahan kay Kaze? Gusto kong ngayon na siya makausap." ang sabi ni Brave kaya kumalas na kami ni Edge sa yakapan.

"Sige,magbibihis lang ako. Pero daan muna tayo sa pamilya ko,may importante akong sasabihin sa kanila." pinunasan ko ang mga luha ko at ngumiti.

"Saan nyo naman sya kakausapin?" ani Lemon.

"Tuwing lunch ay sa Mall sila kumakain,sa may foodcourt." ani Edge. Tumango ako at pumasok na sa kwarto.

Kumukuha na ako ng damit ng maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran. Ipinatong nya ang ulo nya sa balikat ko.

"Kung ano man ang mangyari,Keeyo. Tandaan mong mahal na mahal kita. Alam kong mahal mo din ako,pero mahal mo din si Kaze. Gusto ko lang malaman mo na handa ako,inihanda ko na ang sarili ko." pabulong nyang sabi. And again,gusto ko na namang umiyak.

"Brave,hindi madali sa akin ang lahat. Ang malamang magkapatid pala ang mga minamahal ko. Pasensya ka na at dalawa kayong mahal ko,akala ko imposible ang ganito. Pero ganon talaga. Gusto ko ding malaman mo na totoong mahal kita,at sana balang araw,maintindihan mo ang gagawin ko." ani ko,humarap sa kanya at hinalikan sya sa labi,ayoko ng magtanong pa sya.

Pagdating namin sa bahay saktong nandun ang lahat,pati si Bently (boyfriend ni Keesha) at si Ate Kris. Agad akong tumakbo kay Ate Kris at niyakap sya ng mahigpit.

Ipinakilala ko sa kanilang lahat si Brave at magiliw naman nila itong tinanggap. Nung una ay nahiya pa si Brave,pero ng kalaunan na ay nakikipagtawanan na din sya na animoy walang problema. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para kausapin si Papa ng masinsinan kaya pumasok kami sa study room nya.

"Kamusta na ang kumpanya,Pa?" ang panimula ko.

"Nakakabangon na anak. It will take time,pero makakabalik tayo sa dati. Bakit mo natanong?"

"I will help,Pa. Lahat gagawin ko. Alam ko na ang puno't dulo. Pero may gusto pa akong malaman." ani ko at huminga ng malalim,nagsalubong ang mga kilay ni Papa.

"What is it,son?"

"Katulad ba kita?"

"What do you mean?" gulat na tanong ni Papa.

"Pa,huwag na tayong maglokohan. Alam ko na,alam ko ng nakipagrelasyon ka sa isang lalaki,and then you dump him dahil narealized mong mali. Oo tama ang ginawa mo,pero alam mo ba kung anong naging bunga? Si Kristy ang anak ng lalaking nakarelasyon mo,he died dahil sa depression. At gumanti na si Kristy,hindi pa sya tapos pero tatapusin ko na." emosyonal kong sabi. Nanginginig na ako sa sobrang emosyon.

"Anak ni Kristof si Kristy?" gulat na sabi ni Papa kaya tumango ako. "Kaya nya pinabagsak ang kumpanya?"

"Oo,Pa. Pero tatapusin ko na ang lahat."

"Naging mabuti kaming magkaibigan ni Kristof ng pumasok sya sa kumpanya. Gwapo sya,matalino. Maraming babae. Sobrang naging malapit kami. Ang sabi ko sa kanya,kukunin ko syang Ninong kung magkaka anak ulit kami ng Mama mo. He was a good friend,pero ng dahil sa kalasingan at curiosity,may ginawa kami na naulit ng naulit. Hanggang sa umayaw na ako. Umalis sya sa kumpanya,wala na akong balita sa kanya,until now na sinabi mong patay na sya. I didnt know na ang lalaki ay magkakagusto sa lalaki din,dahil para sa akin trip lang ang mga ginagawa namin." ang kwento ni Papa habang nakayuko.

Nakaramdam ako ng awa sa Papa ni Kristy. Parang ako,parang kami ni Kaze,parang kami ni Brave. I guess,hindi talaga para sa isa't isa ang magkaparehong kasarian,kahit pa gaano nyo kamahal ang isa't isa.

"Im going Pa. Pupuntahan pa namin ni Brave si Kaze." ani ko matapos syang yakapin.

"Please,tell Kaze that Im really sorry kahit pa wala talaga akong alam sa binibintang ni Kristy. And be careful. I don't wanna lose you again,Keeyo." ani Papa kaya tumulo na ng tuluyan ang mga luha ko.

"Thanks,Pa! I will."

Nagpaalam na kami ni Brave at tinungo ang Mall na sinasabi ni Edge. Ito din yung Mall na nag away kami ni Kristy,kaya pala nandito sila nun,dito nila ugaling kumain ng lunch.

"Anong sasabihin ko kay Kaze?" tanong ni Brave ng nasa foodcourt na kami.

"Basta,mag usap kayo. Saglit lang at mag Cr ako,hintayin mo ako sa tabi nung Waffle." ani ko. Tumango si Brave at naglakad na ako papunta sa Cr.

Walang masyadong tao,pero pumasok pa din ako sa cubicle at dun umihi. Katatapos ko lang umihi ng biglang may kumatok sa pinto ng urinal. Nagtataka man ay binuksan ko ito,at laking gulat ko kung sino.

"Kaze?!" mabilis syang nakapasok at isinara ang pinto. Kumalabog ang dibdib ko. Pesteng puso ito,hindi na natahimik.

"Balik na naman ba tayo sa dati? Ha Keeyo?!" aniya at iniupo ako sa bowl. Napanganga ako dahil sa gulat,bigla syang yumuko at naglapat ang aming mga labi.

Bab berikutnya