webnovel

1

DISCLAIMER: This is a work of fiction. The setting is currently set in the covid19 pandemic but Any names, characters, places, events, do not reflect or represent actual persons, events, and incidents.

Hingal na hingal kaming dumating sa loob ng condo. Makikita mo sa labas ang mga taong nagtatakbuhan dahil sa panic na dulot ng malaking pagsabog.

"Ano yon?! May mga terorista ba?! I really need to call the police," pasigaw na sabi ng isang babae na may unit sa condo. "Bakit walang signal?! Anong nangyayari?!," dagdag pa niya.

Agad-agad siyang nilapitan ng mga nagtatrabaho sa condo para pakalmahin dahil sa lalong nagpanic ang mga tao dahil sa mga sinabi niya.

Ibinaling ko ang tingin ko kay Ria. Tulala pa rin siya at takot na takot. Niyakap ko siya at hinawakan ang ulo sabay sabing, "Ssshhh. Okay lang tayo. Ligtas ka kaya wag ka nang matakot."

It took her a moment para marealize ang mga pangyayari. "Thankyou so much Nikko. Hindi ko alam ang gagawin ko doon kung wala ka,��� mangiyak-ngiyak na sabi niya.

Niyaya ko na siyang umakyat sa unit namin at saktong nag-aabang ang ate ko. She looks so worried since sa wala ngang signal and hindi niya kami macontact pagkatapos ng pagsabog.

"Okay lang ba kayo?! May sugat ba kayo, nasaktan ba kayo or what?!," tanong niya sa aming dalawa while inspecting every part of our body.

My sister's really cares for me. Sobrang close kasi namin like open talaga kami sa isa't isa. Love, personal issues, school issues, you name it, alam naming dalawa yan. Kaya ganon na lang ang pag-aalala niya sa akin.

"Okay lang naman kami ate. Buti talaga kasama ko si Nikko kanina. Nagpanic attack ako kanina e," nakangiting sabi ni Ria.

*Blush*

Napatingin sa akin si ate sabay tawa ng malakas. Ramdam na ramdam ko yung pang-aasar niya sa akin kaya naman agad akong sumingit sa usapan.

"Ate dito pala muna sa Ria ha? Baka kasi delikado sa may labas. Baka mapahamak pa tong babaeng to kung pauuwiin ko na," pang-aasar kong sabi.

"Oo naman. Wala na namang bago parang kapatid ko na rin yan. Lagi naman pati yang nandito pag wala ka. Binabackstab ka namin," sabay apir nilang dalawa at tumawa nang malakas.

Tumingin ako kay Ria pero dinilaan niya lang ako sabay diretso higa sa kama ko.

"We really need to inform our parents. Baka nagwoworry na sila sa atin. Malamang nasa balita na agad yung pagsabog na yun. Let me try to contact them," sabay check ko ng phone ko pero wala pa rin talagang signal.

"Baka naman bukas pa maaayos ang signal. Hayaan mo na muna. Nagluto ako ng adobo baka nagugutom kayong dalawa. Buti na lang talaga marami pa tayong stocks ng food dito sa cabinet at ref kaya di natin kailangan masyado lumabas," sabi ni ate.

*knock knock*

"Hoy Nikko Rui Aureliano! Si Juno to buksan mo tong pinto may kwento ako!," sigaw ni Juno sa labas.

"Teka lang! Kaingay-ingay mo na naman dyan!," pasigaw kong sabi sa kaniya sabay bukas ng pinto.

Si Juno Leo Garcia, ang aking best friend since elementary. Famous siya actually and matalino at the same time. Gwapo rin at habulin ng chicks di tulad ko. Minsan talaga napapaisip ako kung pinaplastic ako nito e. Ewan ko ba dito mukhang sinusundan talaga ako. Same school kami noong elementary at high school tapos hanggang college ba naman? Same course pa ha! Tapos kumuha din sila ng unit dito sa condo. Minsan napapaisip ako kung bakla ba to o ano. Pero alam ko namang kaya nasunod sa akin to e dahil may gusto siya sa ate ko.

Napasilip si Juno sa likod ko at natanaw niya si Ria sa likod pati ang ate ko na hawak ang kaniyang cellphone.

"Uy Ria ano ginagawa mo rito?," tanong ni Juno sabay baling ng tingin sa ate ko. "Hi Krissy. Gusto mong chocolate? May dala ako dito para sayo," malanding sambit pa niya.

Agad kong binatukan si Juno at tawang-tawa naman yung dalawang babae dun sa likod.

"Ano ba talaga? May ikekwento ka o pumunta ka dito para lumandi?"

"Ito naman hindi na mabiro," patawa-tawang sabi niya. "Uy adobo! Si Krissy ba nagluto nito? Patikim ako ah," dagdag pa niya.

Habang kumukuha siya ng kanin at ulam sa may kusina, tinitigan ko siya nang masama. Siguro narealize niyang papatayin ko na siya maya-maya kaya nagseryoso na siya.

"Hindi ano kasi, don't you find it weird?," sabi ni Juno.

Napatigil kaming lahat sa ginagawa namin. Sabay baling ng atensyon kay Juno. Mukhang may scoop na naman to e.

"Weird ang alin?", sabi ni Ria.

"Yung mga pangyayari sa paligid natin. Yung mga events lately," sagot ni Juno.

"Paano namang weird? Nababaliw ka na naman siguro," sabi ko sa kaniya.

"Imagine niyo ah. Una, nag-issue ng total lockdown sa Metro Manila. Puro armadong sundalo yung nasa border. Hindi rin sila nagpapapasok at nagpapalabas. Sobrang strikto. Tapos nawalan ng signal lahat ng telecommunications. Kahit tv walang signal. Idagdag mo pa yung pagsabog kanina. Don't you guys find it weird?", tanong niya.

Napaisip kaming tatlo sa mga sinabi niya. I actually find it weird too kahit na ako medyo confused na rin sa mga pangyayari sa paligid. Ayaw ko lang sabihin kasi baka ako yung masabihan nag weirdo.

"Ano ka ba? Malamang bawal pumasok at lumabas ng Metro Manila. May pandemic nga diba? Syempre ginagawa nila yun para macontain yung mga infected sa loob," sabi ni ate.

Siguro nga sabi ko sa sarili ko. Pero something's not right talaga. My gut's telling me something's wrong, na may mga nangyayari na hindi namin alam.

"Kumain na lang kayo diyan at magpakabusog. Dito ka na rin muna matulog Juno kung gusto mo para may kausap itong si Nikko," dagdag ni ate.

"Oh yesss sureee! HA! Narinig mo yun Nikko? Dito daw muna ako sabi ng ate mo. Wala kang magagawa HA HA HA," paasar na sabi niya sa akin habang punong-puno yung bibig niya ng pagkain.

"Whatever."

Gabi na noon at nagkekwentuhan si Ria at si Ate habang kaming dalawa ni Juno naglalaro ng Ps4. Trashtalkan pa kaming dalawa dahil kailanman talaga hindi nanalo sa akin si Juno sa kahit anong laro simula noong bata pa kami. Sa paramihan siguro ng chicks talo ako, pero dito hindi.

"SSHHH! Wag nga kayong maingay! Hindi kami magkaintindihan dito e," sabi ni Ria sa amin at agad naman kaming tumahimik.

*tires screeching*

*booooom!*

"Ano yon?!," agad akong napatayo at dumungaw sa may bintana. Btw nasa 47th floor yung unit namin kaya malawak yung view.

Dumungaw rin silang tatlo sa may bintana at nagulat kaming apat sa nakita namin.

Puro apoy ang nakikita namin sa malayo. Tumingin kami sa baba at nakita ang isang napakalaking aksidente. Magkakadikit ang mga sasakyan at nagbabanggaan. I can't believe what I'm seeing. Ang daming tao sa baba na nagtatakbuhan at takot na takot na para bang may humahabol sa kanila. Kahit na nasa 47th floor kami, rinig na rinig mo ang sigawan ng mga tao. Anong meron? Bakit sila tumatakbo at mula san?

"I think we should probably stay here inside for now. We'll check what's happening tomorrow morning," sabi ni ate.

May announcement rin kami na narinig sa labas ng unit namin mula sa admin.

"Please stay at your own unit and do not leave the premises to ensure your safety. We're expecting your 100% cooperation.���

"We should probably sleep. It's getting late na rin. Ligtas naman siguro tayo dito since may guard naman sa baba," sabi ko.

We all agreed and went to bed kahit na magulo pa rin ang utak naming lahat mula sa mga pangyayari.

Bab berikutnya