webnovel

Change 27: Your choice

Umuwi si Aron after we ate dinner. Hindi sumabay si Kuya samin dahil alam kong galit pa yun. Our dine is so damn awkwardly quiet. Tanging ang kalansing lang ng nga kutsara at kubyertos ang dinig. Maging ang pagnguya ko sa gulay ng chopsuy ay dinig ko na. Ganun katahimik ang lahat.

Bago pa sya tuluyang umalis. Muli nya akong pinaalalahanan. "Matulog ka ng maaga, okay?. Bukas. Sasamahan ka namin after my work."

"Thanks.."

"And. Don't try to escape us. Magtatampo talaga ako sa'yo kapag ginawa mo yun.." tinapik nya ng isang beses ang likod ko bago sumakay ng kotse nya.

Paano naman ako makakatulog kung ang isip ko ay walang katapusan kung maglakbay?.

Ang ginawa ko. Hinanap ko ang headset sa may maleta ko saka isinaksak sa tainga ko. I played an random song to it.

And it works.

"Kuya, wake up!." I heard my sister's voice echoing from nowhere. Sabay nito ang maingay nyang pagkatok sa pinto. Naalimpungatan ako't di agad nakabangon. "Faster!. Or else I'll forcedly open this."

"Too early lil sis. What's your problem?." di sya tumugon kaya bagot at nakasimangot na akong bumangon. "What now?." nakahalukipkip na nyang postura ang nadatnan ko.

"Malapit nang umuwi si Aron. Be ready.." Iyon lang ginising na nya ako?. No! May iba pa. I know her.

"Iyon lang ang sasabihin mo?." para dun lang?. Kung kumatok kasi sya, daig nya pa may emergency na nangyayari sa baba.

"Honestly no." my brow arched. "I've texted Winly. May alam sya kung saan pwedeng hanapin si Joyce.."

Bahagya akong natigilan. Not yet fully awake to take all of what she's saying. "And?."

"Anong and?. Are you gonna check her if she's there or not anymore?."

I yawn. Scratching my back.

"Tanging sa Sta Ana lang ang pwede nyang paglagian. None other than.." sambit ko habang humihikab pa.

"What if?. what if it's not?." wari nya. Bagay na naging dahilan ng pagtaas ng kilay ko.

"What do you mean?."

"Cebu.. iyon ang alam ni Winly." Nagtaka ako bat direkta na nya itong binanggit. No more other words. I greeted my teeth knowing how far she moved out just to be apart from me?. Grabe! I hate to admit it but my anger is growing so fast. Ganun ba nya kagustong layuan ako?. Takbuhan ako?. Taguan ako?. Fucking why?! I wanna hear her damn excuses.

Binitawan ko ang hawak na pintuan saka frustrated na tinalikuran sya't hinagod ang buhok. Namaywang ang kaliwa kong kamay at sa noo naman dumapo ang kanan. "Ganun nya ba ako kagustong layuan?." my heart turn into pieces while I'm saying this.

Di nya ako sinagot. Naglakad ako sa may bintana at binuksan ang mga blinds duon para pumasok ang sinag ng araw. Masyado nang tirik ang araw mula sa labas. I feel like it's already noon time. "Hindi ko na sya maintindihan. Naguguluhan na ako. Gulong-gulo na ang isip ko." still. She didn't bother to say a word. Nagpaalam nalang sya basta ng tumunog ang phone nya.

I let again a heavy sigh. What else can I do then?.

Naligo at nag-ayos na muna ako bago bumaba. Tama nga ako. Past one na in the afternoon. Kung ganun, mahaba-haba ang itinulog ko?.

"Hello people!." finally. Here he is.

"Ready?." hinayaan ko lang ang sarili kong maupo. I have no idea if he knew now where she is. But I guess not dahil excited ito masyado. He has all the energy, that I haven't.

"She's in Cebu." umpisa ko. Bamby is busy cleaning all the mess stuff of his son while Jaden's presence is out of nowhere. Where did he go?.

"Wait! What!?." nanlaki ang medyo pagod nyang mga mata.

"Sabihin mo nga sakin. Hahabol pa ba ako o sumuko nalang?." tiningala ko sya. Nakatayo pa kasi ito. Kakarating lang nya kasi.

"I don't know. Ano bang nararamdaman mo?. To give up or to choose not to?." dito lamang sya umupo.

Ano nga ba?. Thinking about giving her up is like standing on the edge of a dangerous cliff. Slowly losing breath. And ready to die. So, it's in me what to choose?. Obviously. Not giving up.

"Sasamahan mo pa rin ba ako kung maghahabol ako?."

Itinaas nya ang dalawa nyang mga kamay. Saying. "It's up to you.. not me bro.."

"What about your work?."

"I can take a leave if necessary."

"You do that?." parang ayokong maniwala na gagawin nya iyon para lang suportahan ako. He's the best guy huh. Suitable for someone who is so many excuses in life. Like my cousin, Veberly.

"Of course. It's like my vacation dude. Don't worry. Haha.."

"I can go too.." sumingit si Bamby rito. Nagtaka ako. Pati si Kuya, wala rin.

Luminga ako. Hinanap talaga sila.

"Sina Jaden at Kuya?." hanap ko sa kapatid. Humaba muna ang kanyang nguso bago sumagot.

"Bautista's Residence.." ikli ng kanyang tugon. Mukhang bad mode ang isa.

"Bakit di ka sumama?. That kid?." ngumuso ako para ituro si Knoa na Lolo's boy. Paborito ng Papa ni Jaden. Apparently. Silang lahat duon. Nagtaka ako bat di sya sinama?.

"Ask yourself.." Nagulantang ako. Seriously?. Me?. Why?. Ano naman bigla ang kasalanan ko rito?. Grabe!. Her subtle sarcasm sometimes is left me hanging in a sudden state. Maging si Aron ay natahimik.

"Nag-away ata ang mag-asawa.." I heard him whisper this. Tinanguan ko lang din sya ng maliit. Sa harap ng TV sya nakatingin kahit di naman ito naka-on. Paraan nya lang para di mahalata ni Bamby na sya ang topic namin ngayon.

I let her passed. Di ko nalang sya pinatulan. Baka lalong magalit!. Yari ako lalo. She's that kind girl and dependable. Ayokong isumbat nya sa akin ang mga iyon balang araw.

Instead of arguing with her. Napagdesisyunan nalang namin na magtungo ng Cebu. Aron booked our flight. At 5pm. "Saan tayo mag-uumpisang maghanap sa Cebu Bamby?." sya na ang nagtanong sa kapatid ko. Alam nya din kasi na kapag sarkastiko na itong sumagot sakin. Silent treatment na ang kasunod nun.

"Dunno. Yet. Winly, is coming with us. I guess. He's with Kian and Karen too."

Kita nyo?. Di nya din alam?. Gaano sila kasigurado na nandun nga sya?. Pumitik bigla ang ugat ng ulo. Sumakit lalo.

"Yuhooo!.. The troupes is coming to Cebu!. Totoo ba yan?." masiglang hiyaw ni Aron.

"Mukha ba akong nag-iimbento ng salita?."

Di na ako nagulat sa isinagot nya. Hays... Jaden! Nasaan ka na ba kasi?. Itong asawa mo?. Mukha nang tigre!

"Ahahhahahahahaha... okay," malamyang sagot nalang ng katabi ko. Awkward moment eat us. Kingwang batang to!. Paiba iba ng mode!.

Sarap kurutin sa tainga!.

Maya maya ay dumating din sina Jaden at Kuya. "Anong meron dito ha?." kasama nila pala sina Poro, Bryan, Dennis, Paul at Bryle. Mga masasaya ang mukha.

"Kamusta na pogi?." si Poro ang unang lumapit sakin at yumakap. "Ngayon ko ulit naramdaman na mas may gwapo pa sa akin dito sa mundo. Hahahaha.." he joke. Natawa din ako. Baliw!

"Sinabi mo pa pre.. buhatin na yan at ibalik ng US... hahahaha.." biro na nila hanggang sa tinotoo nilang buhatin ako't itapon sa ere. Sandali lang iyon. Pero nakakabitin.

Nagulat sila ng sinabi naming may flight kami ng ala singko. Nagkagulo sila't kulang nalang kutusan ako sa ulo dahil sa impulsive decision. "Lance the pogi Eugenio. You're now impulsive huh. Di mo man lang kami hinintay?." si Dennis ito.

"Sunod nalang kayo." lahat naman sila sumang-ayon.

And when we are at the airport. Sitting now on my designated chair. May nabasa ako sa libro na binitbit ko. "In every single thing you do, you are choosing a direction. Your life is a product of choices." A reflection of me currently finding out my direction. To where should I go or to whom may I end with.

Bab berikutnya