webnovel

Chapter 17: Kuya Mark

Their vacation is freaking fast. Parang kindat na pag di ka tumitig sa isang mata. Hindi mo talaga makikita. Ayun. Isang kisapmata. Wala na sila sa tinitirahan ko.

The adaption is on process na rin. I talked to my parents and hers about this and both side decided that we should pursue it as fast as we can para raw hindi mabagot o kung anupaman ang asawa ko.

"You sure about this?." Kuya Mark ask. This is new of him. Sa nagdaang mga araw kasi. Bihira kung tumawag ito samin. Specifically, sakin. Di ko alam kung bakit. Ano kayang dahilan nya para iwasan ako o kami ng pamilya namin?. Sana. Kung anuman iyon. Nawa'y hindi ikasama nilang mag-asawa.

"Bakit naman hindi Kuya?." I am sure sounded like sarcastic here. Hindi ko lang din kasi maiwasan. Alam mo yung kailangan mo sya sa mga oras na wala kang maisip na lapitan kundi sya lang tapos bigla syang MIA (Missing In Action)? Ganun?. Nakakabanas. Na kung kailan ayaw mo syang kausapin. Eto naman sya't ilang ulit nangungulit. Buti pa nga free time ko ngayon. Pasalamat sya't may oras pa ako para sagutin ang tawag nya. Kundi, MIA din ako. Tignan lang natin kung di sya mainis.

"I mean.. don't get me wrong dude.. my point here is that, if you two wants to adopt.. dapat you both know too the responsibilities that you have to the baby.. it's not that easy bro.."

"Teka nga.. may problema ka ba?." imbes sagutin ang sinabi nya. I'm so curious about his changing behavior. It's like, he's carying something heavy. Halata masyado sa mukha nya.

Hinawakan nito ang buhok nya't hinagod iyon patalikod. Frustrated huh. Why?. "Wala.."

"Para ka namang babae e. Ang wala sa kanila ibig sabihin nun, meron nga. Ano na?. Gusto mo, tawagan ko si Bamby para sya nalang kumausap sa'yo?."

Mabilis syang umiling. "No! Don't do that. Malalagot ako lalo e."

"Ano ba kasing iniisip mo?. Tsk.. Akala ko pa naman gagaan na loob ko pagkatapos neto. Mukhang hindi pa ata.. Lalala pa nga..". kinausap ko na sarili ko para maintindihan nya ako. O para palabasin ko na rin na sya ay parang ako.

"I'm texting Catherine.." Suddenly. He confesses. Napahawak ako sa labi ko ng marinig ito. Hmmm..

Yung kilay ko pa nga. Nakamot ko na kahit di naman ito makati.

"Anong mali dun?." hindi ito ang gusto kong sambitin subalit iba ang lumabas sa bibig ko.

"Am I cheating on my wife?." dito na ako nagulat. Saka mabilis syang kinontra.

"Ang babaw ng dahilan mo Kuya para tawagin kang nanloloko ng asawa mo. Who made you think about that?."

"My wife.."

Nako!. Mukhang huli in action ang naganap.

"At ngayon?. Nag-away kayo ganun?." tanong ko.

"Apparently.."

"Yun lang pala. E di suyuin mo. Explain to her na wala namang namamagitan sa inyong dalawa ni Catherine.. Easy dude.."

"Anong easy ka dyan?.. ikaw kaya palayasin ng silid ng asawa mo.. tignan ko lang yang yabang mo.."

"Baliw.. ikaw na nga pinapagaan loob mo.. tsk.. bahala ka nga.. mabuti pa nga sa'yo maaari pang ayusin. Paano naman kami ng asawa ko?. Alam mo ba kung anong nangyayari samin?. I'm just trying to act tough para di manghina ang asawa ko. Sobra syang nasasaktan Kuya.. mawalan ka ba naman ng dalawang anak.."

Sumagi sa isip ko kung ilang gabi ba sya umiyak tungkol dito. Kung ilang linggo o umabot ba ng buwan ang bigat ng dibdib nya sa pagkawala ng mga pangarap nya. If only I can do magical things. Kahit ano na sigurong kapalit gagawin ko just to save her from drowning. Kaso, wala e. Wala akong ganun. Paano na ngayon?. Adaption?. Yeah. A perfect idea for me. But for her? Maybe. Maybe not too. Magkaroon man siguro kami ng anak. Siguru iba pa rin yung feeling para sa kanya na sa kanya pa rin galing ang anak nya. I don't know. I feel like I don't know anything kapag ang asawa ko na ang sentro ng usapan.

Tahimik sya. Para itong nag-iisip o napapaisip. "That's hard bro.. yeah right.. siguro tama ka.."

"See?." singit ko.

"Patapusin mo kaya ako?. Kaya ayaw kitang tawagan eh.."

"Oo na.. para ka talagang babae.." angil ko dito.

"I'll talk to my wife later and tell her everything about me and Catherine.. tinext ko lang naman sya because I saw her Instagram story. Scary bro. It's like suicidal. Di ko alam kung nakita iyon ni Jaden o hinde. But I guess. Not dahil busy masyado yung isa. That's why.. and she said na suko na raw sya sa partner nya. Para kasi daw syang sinasakal and she's too depressed para ihandle ang lahat sa ngayon.."

"You comforted her?." dito na ako sumingit. Di pala affair eh. Parang usapang kaibigan lang. Para sakin. Walang isyu sapagkat dati kasi silang magkaibigan. Naging lovers lang dahil pareho silang nahulog sa isa't isa. So. I don't doubt them.

"Parang ganun na nga. kaso.. my wife saw me talking to her.. without asking me.. nagalit na sya.."

"Kung ganun.. you don't have anything to do but to wait to cool down her anger Kuya.. kasi kapag mas lalo mo syang nilapitan sa ngayon.. she might get explode.."

"Iyon nga iniisip ko e.."

"Alam mo naman mga babae.. paiba iba sila ng mood.. just do what you usually do to her.. wag dapat magbago iyon nang dahil lang sa may nagbago sa kanya.. ipakita mong wala dapat syang ipangamba para di na sya magalit pa.."

"Hay.. thanks bro.."

"Welcome.. but take note.. my therapy is not free dude.. hahaha.."

"Bastard.. mukhang pera.." anya na natatawa rin.. "Buti nalang ikaw tinawagan ko dahil kung yung isa pa. Naku! Baka rants nya palang ang narinig ko ngayon at hindi ang payo na gusto ko.. so uuwi ka for the adaption?."

"Nag-isip pa ako.. marami akong kailangan habulin na lessons dito.. iniisip ko nga.. pag di naman ako uuwi.. might gonna miss the chance na makita ang mag-ina ko.."

"Hmmm.. just update me if what is your final decision.. baka sumabay rin ako sa'yo pauwi.. I want to chill muna.."

"Gusto ko yang idea mo Kuya.. isama na kaya natin si Bamby?."

"Naku.. may pasok yun panigirado.. paano ang trabaho nya?. Si Jaden?."

"Tsk.. isa pa yun.. she likes low-key profile dude.. tapos ngayon.. hirap syang magpakilala kung sino sya sa loob ng office nila.. hays... I don't get her minsan.."

"That little brat.. kung anu-anong tumatakbo sa isip.. tuloy sya rin nahihirapan.. ah basta.. pag nakapagdecide ka na.. just let me know para I'll tell Bamby kung sasama sya o hinde.. gusto kong umuwi.. magpahinga.."

Ngumisi ako. Pahinga ba talaga ha?. Tanong na sa isip ko lang din nasabi. "Ano yang ngisi mo ha?. ulul.."

"E kasi.. pahinga ba talaga gusto mo o baka may dahilan ka para umuwi?." naging masama ang timpla ng mukha nya. Di talaga nagustuhan ang biro ko.

"Hay! ewan sa'yo.. mas malala ka pa pala sa asawa ko.. bye na.." tinawanan ko lang sya bago nya biglang pinatay ang linya nya.

Hay... buhay.. Nagmature lang pala kaming magkakapatid. Wala pa rin kaming ibang makakapitan sa ibang kalokohan kundi kami kami lang. Kuya Mark.. Hay... Mas lalo ka naman Bamby.. Tsk! Tsk! Tsk!..

Nababawasan tuloy kagwapuhan ko dahil sa kanila. Whoa!

Hello po.. Sorry po sa mabagal at matagal na update.. busy lang po kasi sa life. sorry... at ngayon.. magpapasalamat din po ako for all the supporters who loves to read my stories and willing to wait kahit matagal..sana di kayo manawa at patuloy na sumoporta for me to have motivation..Hope you guys are safe and happy. God bless all!

Chixemocreators' thoughts
Bab berikutnya