webnovel

Chapter 34: Time

Umihip ang malamig na hangin kaya bahagya akong nakaramdam ng lamig saking balat. Kung di pa dahil sa alak na dumaan saking lalamunan, ay baka kanina pa ako nanginig rito.

"So, what's the score then?." Jaden asked. Ngayon lamang ito nagsalita simula ng dumating kami rito. "Is it back to square one?." habol nya. Dinig kong may dumaang kamay sa string ng gitara kaya gumawa ito ng kaunting ingay. Ingay na nagbigay ng buhay sa biglang natahimik na grupo. "Or not?." hinabol nya pa.

"Shh.. Jaden." Bamby called out her husband. She motioned it that he needs to be quiet.

"It's okay Bamblebie. Wala naman nang dapat itago. Tutal alam naman na ng lahat ang tungkol dito. But about your question boy Jaden. I'm not sure yet. If you're asking why?. I guess. I am not the who you should ask about. It's her." nguso nya sa akin. Di ko mabigyan ng pangalan ang kung paano sya kagwapo kahit pa nakanguso. Kingwa! Bakit kaya kahit ang dami nang nangyari, heto pa rin ang puso ko't sya pa rin ang tinitibok nito?.

Ganun yata kapag mahal mo noh?. Pinapatawad, nagpapatawad, umiintindi, malawak ang pang-unawa, patuloy na minamahal kahit anong pait pa ang itapon ng tadhana sa aming dalawa.

"Hay.. wag naman nang magturuan pogi. Kayo ang dapat mag-ayos nito. Kayong dalawa at hindi lang sya." si Winly ang nagpaliwanag niyan. "Kairita. Alam nyo bang pagod na akong maging third wheel sa inyong dalawa ha?. Kaya kung gusto nyong makita pa ang mukhang to, magpakasal na kayo.."

"Ahahahaha.. bakit, ano rin bang meron sa mukha mo?." ani Poro. Natatawa. Halatang inaasar sya. Umikot ang mata ni Winly sa kanya saka umirap sa kawalan.

"Ang feeling. Akala mo kung sinong gwapo.." ngumuso sya't kunwaring sinipa sya. Natatawang tumayo si Poro at tumakbo palayo. Humabol naman yung bakla at pumulot ng bato at ibinato sa kanya. He even cursed his name na binalewala lang naman nung isa.

"Yung dalawang yan. Sila na ba?." tanong maya maya ni Lance kay Kian. Nilingon lamang ni Kian ang dalawang naghahabulan sa may dalampasigan saka walang reaksyon ibinalik ang tingin kay Lance. "Wag mo na silang problemahin. Ang ayusin mo ay ang bumuo na ng sariling pamilya dahil pare, nahuhuli ka na. hahaha.." Natatawa din si Kian. Sinuntok pa nya ito. Tumawa din si Bamby at Jaden na dinagdagan pa ang pang-aasar sa kanya.

"Kaya nga e. Nakadalawang home base na kami eh, boplaks ka pa rin. Hahaha." si Jaden.

"Maswerte ka lang talaga. Kung ako lang e, bangasan ko yang mukha mo. Binuntis mo ng di mo alam?. Tanga lang.."

"Bwahahhahaha!.." sabay na humagalpak sina Karen, Kian at Bamby. Nakisama rin ako, syempre.

"Psh. Wag ako umpisahan mo pare. Andyan si Joyce oh. Naghihintay lang sa'yo. Ahahahaha." ngayon. Sya lang ang natawa sa kanyang sinabi. Si Jaden to. Talaga nga namang ako ang puntirya ng lahat. Anong ibig nilang sabihin?. Di pa siguro nila alam ang lahat.

"Kung alam nyo lang." preskong pagmamayabang naman ni Lance. Tumungga sya ng alak saka doon na dumikit ang mata nya sa mukha ko. Kahit pilit kong hindi sinasalubong iyon, hinahanap nya pa rin ang aking mata. "Ano ba Lance!?." biglang iritado kong pigil sa ginagawa nya. Tinakpan ko pa gamit ng dalawang kamay ang buong mukha ko para di na nya makita subalit mas lalo lang syang natawa.

"Baby, sabihin mo nga sa kanila ang kwento ng nakaraan. Educate them please." hindi seryoso. Hindi din biro pero tunog pagpapakatotoo nya itong binanggit.

Binuka ko na ang aking labi upang magsalita kaso lang nabitin iyon ng may biglang maglagay ng jacket saking balikat. Pati nga ang sumbrero nito ay nilagay saking ulo. I don't know who that is pero nang may bumulong sakin ng "It's late." ay kinilabutan ako. Sa boses palang. Alam ko na kung sino.

Hindi na natuloy ang pagsasabi ko ng nakaraan sa kanila. Handa na ako eh. Inihanda ko na ito dati pa dahil ramdam kong mangyayari ang ganitong kaganapan lalo na't minsan lang nagkikita-kita ang lahat subalit masyado nang malalim ang gabi. Kailangan na naming pumasok at matulog. Marami pa kaming pupuntahan bukas. At ang iilan ay lasing na rin. Sina Karen, Kian, Bamby at Jaden ang naiwan sa may dalampasigan. Sila ang nagprisinta na ayusin ang mga kalat doon. I try to be with them. Tumulong man lang sa pagtapon ng mga wrappers sa may basurahan ngunit mariin nila akong pinagtulakan. Lance is waiting for me. Sya pa nga umalalay sakin na tumayo bago suotan ng hoodie.

"Thanks." iyon lang ang tanging lumabas saking labi. Maraming nakalinya sa isip ko pero di ko iyon masabi. Ang pinagkaiba lamang nito at nung nakaraan, ay ang laman ng aking isip ay pulos positibo. Natutuhan ko iyon sa paglipas ng panahon. Pagiging positibo ang nagturo sa akin kung bakit hanggang ngayon, di pa rin ako nagsasawang umasa sa mgagandang resulta ng pangit na nakaraan. Oo, pangit man ang naging nagdaan. Hindi pwedeng hayaan nalang na ulitin o maulit iyon sa kasalukuyan. You have the power. Nasa sa iyo na lang rin ito kung uulit ka pa ba o pupulot ng aral dito. It's on you. Everything should start within you. Sa iyo dapat magsisimula ang lahat kung gusto mong maabot ang katahimikang hinahanap mo. Don't mind if it's hard or it would pain you. Remind yourself that, it will be worthy once you've overcome what's stopping you for not knowing the real you. Tama nga ang sabi nila na, sarili muna dapat bago ang iba. It's not about selfish. It's about taking good care of you before the ones around you.

Hinatid ako ni Lance hanggang saming silid. Wala pang tao doon. Si Winly ay di ko na alam kung saang lupalop ng Batanes nagpunta. Yung taong yun, nang-iiwan! Nay!

"Magbibigay ka ba talaga ng second chance?." di ko alam kung nahihiya o natatakot ba sya ng itanong nya ito. Ang hina kasi ng boses nya't, di ko halos marinig. Nasa mismong pintuan na ako nakatayo at sya'y kaharap. Nagkakamot ng ulo habang nakayuko sa kanyang mga paa. Kunwari akong bumuntong hininga para agawin ang atensyon nya. At nangyari nga. Nag-angat sya ng tingin sakin kaya humakbang ako para malapitan sya. Huminto lamang ako ng nasa limang pulgada na lamang ang pagitan ng aming mga paa.

Buong lakas kong sinalubong ang mata nya. Taas noo. Then I let out a sweet smile with a teasing smirk. "Sino naman ako para hindi bigyan ng second chance ang taong deserve ito?." at dahil doon. Di na sya nakapagpigil at hinapit ako't hinalikan sa labi.

Noong una, marubdob iyon. Paraan na para bang pareho kaming gutom at uhaw subalit ng nagtagal, naging marahan at banayad na iyon. Kung hindi pa ako bumitaw. Baka natikman ko na naman ang lasa ng kalangitan. We both laugh after that make out. Nilagay ang noo nya sa noo ko habang kulang nalang magkadikit muli ang aming mga labi. "Second chance?." paglilinaw pa nya. Kagat labi naman akong tumango at nagsabi ng, "You deserve more than that." bago sya hinalikan sa labi ng mabilis.

Nagpaalam na ako't pumasok agad ng kwarto. Nagreklamo pa nga sya na doon na matutulog subalit nakakahiya. Saan matutulog ang iba kung ganun?. Ayoko nga! May oras din para sa gusto nya. May oras ang lahat mahal ko.

Bab berikutnya