Nakapasok na't lahat si Karen sa kanilang bahay ngunit heto pa rin kami sa tapat ng kanilang malaking gate. Nakatingala ako doon. Kanina ay bukas pa ang ilaw no'n subalit makalipas lamang ng ilang minuto ay namatay na rin. Hating gabi na rin kasi at halatang hinintay lamang syang makauwi bago sila matulog lahat.
Nakaramdam na naman ako ng inggit saking puso. Mabuti pa sya. May inuuwiang pamilya. Buo at hindi magulo. Gusto ko rin nang ganun. Gusto kong magkaroon ng pamilyang ganun subalit paano?. Ngayong nakauwi ako ng bahay. Sya namang nalaman ni Denise na ampon sya ni mama. Na di pala kami tunay na kambal. At hindi magkadugo. Hindi alam ni papa ang ginawang iyon ni mama kaya medyo tagilid ang relasyon nila ngayon. Hindi ko nga alam kung umuwi ba si papa sa bahay ngayon o hinde.
Kung sakali mang magkakaroon at darating ang araw na bubuo ako ng sarili kong pamilya. Gusto ko yung buo. Maayos at walang sikreto. Tipong lahat ay totoo.
"Umuwi na tayo.." mahinang alok sakin ni Lance. Nagbaba lamang ako ng tingin sa kanya saka sinipat ang mukha nya. Gabi na pero wala pa ring pinagbago iyon. Gwapo pa rin at fresh. Parang galing banyo.
Sya kaya ang magiging ama ng mga anak ko?. Tanong ko saking isip. Ngumisi ako na parang ewan. Bahagyang tumaas ang kanyang kilay. Nagtataka sa iniasta ko. "What?." he asked nang di na malaman kung anong dahilan ng pagkakangisi ko. Inilingan ko lang sya't hinawakan sa baba. Tumitig ako sa mata nyang kayganda. Kumikinang na para bang ako ang nag-iisang babaeng pinakamaganda sa mundo, "Wala.. uwi na tayo.." Sabi ko. Na ang totoong nasa isip ko ay, sana ikaw na ang future ko.. di ko yun masambit dahil baka hindi mangyari ang bagay na yun. O baka maunahan ng salita ko ang lahat.
Nagtagal muna ng ilang minuto bago sya tumango. Inalalayan nya akong sumakay bago kami bumalik ng kanilang bahay.
"Lance, wrong turn.." turo ko sa nilikuan nyang daan. Taliwas iyon papunta sa kanila.
"I know baby.." he smirked. Dumiretso pa ang tinahak nyang daan bago sya huminto sa isang bangin. Natameme ako. Natakot sa kung anong pwede nyang gawin.
Hininto nya ang makina ng sasakyan eksaktong ilang dipa mula sa natatanaw ko nang bangin. Dumagundong ang kaba saking dibdib.
"Let's go.." anyaya nya bigla. Kinakalas na ang lock ng kanyang seatbelt.
Awtomatiko akong natigilan. Wala syang binanggit na lugar kung saan kami pupunta, kundi sa bahay na nila dahil gabi na. What the hell this place now?.
"Come on.. saglit lang tayo rito.." he said. Reassuring me na di sya gagawa ng ikakapahamak naming dalawa.
Kumurap muna ako bago nagpasyang magpatianod sa kanyang kamay.
Pagkababa. Agad umihip ang malamig na hangin. Agad kong sinikop ang mahaba ko nang buhok saka nilagay sa bandang leeg, patagilid. Pagkatapos kong ayusin ang buhok ay niyakap ko ang mga braso saking sarili dahil malamig nga ang hangin. Dala siguro ng nasa tuktok kami syudad o dala ng oras. Sinilip ko ang suot na orasan. Ala una y kinse na pala.
"Nagustuhan mo ba dito?.." he asked while sitting beside me.
Noon ko lamang nasulyapan ang ibaba. Puno iyon ng nagkikislapang iba't ibang klase ng ilaw. Patay ang ilaw ng mga bahay ngunit hindi man lang nabawasan ang ganda no'n mula rito sa kinauupuan ko. "Ang ganda dito.." sambit ko. Hindi sinasagot ang kanyang tanong.
"Hmm..." anya at umusog papalapit sakin. "Sana ganito tayo kalapit kanina.." he continued. Tukoy ang ilang metrong pagitan namin noong nasa kanila pa kami.
"Alam mo naman Lance.."
"I know... but, di ba pwedeng pagbigyan mo naman ako kahit minsan lang?.."
Napaisip ako. Hindi nga ba Joyce?.. Nakamot ko ang sentido sa kawalan ng mga salitang pwedeng isagot.
"Gusto kitang ipangalandakan sa lahat.. ipagsigawan, na akin ka..na ako lang sa'yo.." huminto sya't humiga sa aking balikat. "Pero natatakot ako na baka, magalit ka.." I looked away. Naguilty sa sinabi nya. Sa katotohanang ayokong harapin o sabihin. "Ayokong maging dahilan iyon para iwan mo ako.. ayoko.." he said slowly. Nagpapaintindi. Pinapaintindi na ako lang talaga.
"Lance.. mahal kita.." di ko alam. Iyon lang ang nakikita kong paraan para maibsan ang bigat na dinadala nya. Hindi naman sa ayokong ipangalandakan sa lahat na kami na nga. na akin sya't ako'y sa kanya.. sadyang umiiwas lang ako sa mga issue. Sa gulo. Iniiwasan ko ito sapagkat magulo na ang buhay ko. At katahimikan ang hanap ko. At alam nya iyon. "Mahal kita.." hinawakan ko ang kamay nyang hawak ang kaliwang kamay ko. Hinaplos ko iyon bago nagpatuloy. "Gusto kong.. ikaw lang ang makaalam nang bagay na yun... wala nang iba.." Ganun naman dapat diba?. Bakit kailangan pang ipagsigawan sa mundo kung kayong dalawa lang naman ang nasa isang relasyon?. Kung natatakot ka na baka maagaw sya sa'yo nang dahil lang sa di mo pinagkalat sa lahat.. Pwes, isa lang ang nakikita kong dahilan para mag-isip ka ng ganun. Wala kang tiwala sa kanya... maging sa'yong sarili. Iyon ang paniniwala ko.
"Kahit sa pamilya ko lang.." Sabi nya sabay bangon sa pagkakahinga saking balikat. Tumingin sya sakin. Nagsusumamo.
"Lance.."
"O kay Bamby nalang.." hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha nya. Malungkot. Hinihiling na tuparin ko ang kanyang hiling.
"Nahihiya pa ako sa kanya Lance.." doon na sya natahimik.
Pinagdikit ko ang mga labi sa katahimikang namutawi. Tahimik man pero ramdam ko ang sigaw ng kanyang damdamin. Nakakahingi na para bang ang dami nyang sinasabi.
Di nagtagal. Sa kailaliman ng gabi at sa katahimikang nakakakaba. Nag-aya nalang sya bigla na umuwi na. Tulala ako sa kanyang aksyon. Kailangan pa nyang ulitin ang pangalan ko para lang sumunod ako't sumakay na sa sasakyan nyang nakaandar nya. Hindi nya ako ngayon inalalayan gaya ng ginagawa nya. Basta hinintay nya lang akong makasakay bago kami bumalik sa kanilang bahay.
Mali ba ang desisyon ko?. May parte sakin na nagsasabing oo at may parte rin na hinde. Ngunit sa dalawang iyon. Naniniwala pa rin ako sa opinyon ko. Nga lang. Ang tanging bumabagabag sa akin ay ang pinapakita ni Lance. Nakakatakot.
Takot akong mawala sya.
Ano ngayon ang gagawin ko?.