webnovel

Chapter 39: Lost

All my life. Kontento na ako sa kung anong meron ako. May nanay at tatay. Kahit mag-isa akong anak nila. Masaya pa rin ako sa piling nila. Walang reklamo at sinabi ko pang napakaswerte ko sa kanila.

Pero ang mga araw na dumaan. Hindi ko alam na darating pala. Hindi ako aware at lalong hindi ako handa. Sino namang tao ang nakakaalam ng future nila Joyce? Magtigil ka nga!. Oo nga. Hindi natin alam ang ating future pero siguro naman, may future pa tayo diba?. Magandang future kasama ng mga mahal natin sa buhay. Naisip ko. Para sa ibang tao lang din siguro ang mga ganun. Kasi sakin. Di naman sa nagrereklamo at kinukumpara ko ang sarili sa iba, sadyang magulo ang takbo ng buhay ko ngayon. Nakakalito na mismong sarili ko ay di ko na maintindihan masyado.

Simula kay Mommy at daddy na biglang naghiwalay. Tapos kay Bamby. Sa huli, eto na naman ako. Naghihintay ng paliwanag nilang lahat. Ayoko mang gawin ito pero kailangan siguro. Kailangan para maliwanagan ako sa problema ni Denise. May pakiramdam ako sa kinikilos nya subalit ayokong maging bulag sa katotohanang dapat kong malaman. Tama nga sya. Tanga ako! Dahil di ko nahulaan ang mga kilos nila.

E ano nga bang malay ko diba?.

Ilang minuto pa akong nakatayo sa labas ng bahay nila. Gusto ng pumasok ng puso ko ngunit pinipigilan pa rin ito ng aking isipan. Ang dami nitong tanong na mismo ako ay hindi ko aakalain na matatanong ko. Kaninong anak ba ako?. SI mommy ba o si tita?. Ang daddy ko kung ganun?. Pareho lang ba o hindi rin?. Kapatid nya raw ako sigaw nya kanina. Paano naman nangyari iyon?. Nalilito ako. Nanginginig sa hikbi.

"Hija please.. let me explain.." di ko talaga malaman kung kaninong boses na iyon. Bangag ang pandinig ko. Na ang tibok lamang ng aking puso ang syang naririnig.

Umiling ako sa pagkakaupo sa sementong daan. Paniguradong may sugat na maging mga tuhod ko.

Anong ieexplain ba nila?. Kung meron man, dapat diretsuhin nalang nila.

"Anak..." doon ko lamang nalaman na si mommy iyon. "Tara na muna sa loob.. sobrang pawis mo na.." nag-aalalang anya.

Pinalis ko lang ang kamay nyang humawak sa braso ko. Maski ang makinig sa ibang tao ngayon. Wala akong maintindihan. Kaya anong saysay ba kung ngayon sila magsasalita?.

Para maliwanagan ka.

Talaga?. Bakit ngayon pa?. Bakit di nila agad sinabi?.

"Joyce, tara.." ngayon naman. SI kuya Rozen ang humawak sakin. Gaya ni mommy. Pinalis ko iyon. Di matigil ang luha ko. Nasira na naman siguro yung tubo.

"Bakit--?.." di ko matuloy ang gustong sabihin dahil sa hikbi. Suminghap ako't humugot ng malalim na hininga. "A-anong i-ibig n-nyang sa--bihin?.." sumisinok ako kaya't paptol putol ko iyong binigkas.

"Anak.. sa loob na natin yan pag-usapan--.."

"Gusto ko nang malaman!.." isang malamig na sigaw ang kumawala sakin. Damn!. Kung kailan naging masaya ako sa taong gustong gusto ko. Ngayon, naman nangyari ito. "Dito!.." matigas kong dagdag. Hindi inalintana kung sinu-sino ang may-ari ng mga pares ng paa sa palibot ko.

"Anak.." lalong nag-init ang ulo ko. Pinilit tumayo kahit nanghihina. Tinignan ko sila isa isa. Pareho lang naman ang emosyong nababasa ko sa kanila. Mga namomroblema.

"Mommy ba talaga kita?.." dumaan sa lalamunan ko ang sakit ng pilitin kong bigkasin ang linyang kanina pa ako pinapahina. Fuck!

Kahit nanlalabo. Tumitig pa rin ako sa kanya. At sa puntong iyon. Unti unti na namang nadudurog ang puso ko sa mga luhang namumuo sa gilid ng kanyang mga mata. Damn Joyce!! Bakit ka ganyan?

"I'm sorry, anak.." humikbi sya't tinakpan nalang ang mukha. Doon sa nanginginig na palad binuhos ang luha.

Pumikit ako bago tiningala ang madilim na kalangitan. Kaunting minuto nalang. Babagsak na ang ulan.

"Joyce hija.. please.. let me explain this.." sumamo ngayon ni tita.

"Just say it.." kinalma ko muna ng ilang ulit ang sarili bago nagsalita. Ayoko ng makakita pa ng mga taong umiiyak nang dahil sakin. Ako ang nasasaktan para sa kanila.

"Tama si Denise.." Doon pa lamang sa kumpirmasyon na sinabi nya. Nalunod na ako sa luha. Hindi ko magawang ibaba ang tingin sa kanila dahil baka malunod lamang sila sa mga luha kong umaagos na. "Kapatid ka nya.." nanginig sya. Humikbi ng humikbi bago nagpatuloy. "At anak kita.."

Nagdugo na yata ang ibabang labi ko. Bahagya itong mahapdi. Binalewala ko iyon matapos marinig ang huli nyang sinabi. Para akong binuhusan ng mainit at malamig na tubig ng magkasabay. Nakakabaliw! Nakakapaso!

Lahat ng emosyon. Kinain ako. Galit. Lungkot. Saya. Dismayado. At panghihinayang. Lahat iyon naramdaman ko ng isang iglap lang. I didn't expect it will happened!

My day turn into up side down. I don't know where to go. Kung sa kanan ba o sa kaliwa. Papasok ba ng bahay o lalayas. Damn! I'm damn getting crazy!

Kahit pilitin kong lumunok. Hindi ako makalunok. Para bang may bumara sa lalamunan ko pero wala naman. Hindi ko maintindihan. Lahat lahat malabo.

"Anak, ka namin Joyce.." Ani tita.. Pertaining to mommy.. siguro. I don't know o baka guni guni ko lang yun.

Nang dumilat ako. Eksaktong pumapatak na ang malalaking tubig ulan.

Bakit ngayon nyo lang sinabi?. Gusto ko sanang isatinig iyon subalit nanginig ang dila't labi ko kaya itinikom ko na lamang ang aking bibig saka parang baliw na tumango ng dahan dahan. Hindi makatingin sa mata nila. Natatakot ako kahit wala namang dapat katakutan. Wala nga ba?.

"My, sa loob na tayo. Umuulan na.." ang marahang boses na iyon ni kuya Ryle ang nagpakabog lalo saking dibdib. Hindi sa mismong boses nya ako kinabahan, duon sa sinabi nya lang. Pumasok sa kanilang bahay?, ang di ko yata kaya pa sa ngayon. Natatakot talaga ako! Natatakot ako!

May humila sa palapulsuhan ko pero tinanggal ko iyon ng marahan. "Joyce.." gumaralgal ang tinig ni kuya Rozen. Di ko alam bakit.

"Pabayaan nyo nalang ako.." nanghihina kong bulong. Sa sahig nakatitig. Umaagos na roon ang tubig ulan.

Sa bawat patak ng ulan, pakiramdam ko, mga letra iyon na di ko kayang buhatin pa sa ngayon. Kaybigat at di ko pa kayang pasan.

"Please..." isa sa kanila.

Umiling muli ako. "Please..." pagsusumamo ko naman ngayon. "I need to be alone. I want to be alone.."

Matagal bago ko naisipan na talikuran sila. Umiiyak ako. Kaming lahat. Tinatawag ang pangalan ko sa ilalim ng ulan subalit binalewala ko iyon.

Gusto kong mag-isip. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong intindihin ang lahat ng mag-isa. Gusto kong ipaintindi sa sarili ko ang lahat bago sila kausapin. Nawala ko ang sarili ko ngayon. At iyon ang hahanapin ko ngayon.

Bab berikutnya