webnovel

The Pyromaniac

Dollar's POV

I LOVE WARMTH. AND I LOVE BURNING THINGS. I START FIRE. AND I LOVE IT. YES. I'M A PYROMANIAC.

"Dollar Mariella Viscos!"

Minulat ko ang mga mata ko at tiningnan ang pumasok sa elevator. Tsk. Tsk. Tsk.

Kapag minamalas ka nga naman, si Stacy pa ang makakasabay mo sa elevator.

"Ugh! You call yourself a student sa ganyang ayos! My Gosh!" at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Ewan ko sa taong 'to kung ginagawa lang niya ang tungkulin niya bilang SSC officer o matindi lang talaga ang insecurity niya sa 'kin.

"Where is your vest?" singhal niya sa 'kin.

"Nasa locker."

"At ang locker mo ang magsusuot ng vest mo?!"

"Ganoon na nga." Sagot ko at pumikit.

Sakit kasi ng ulo ko. Parang may pumipitik sa sentido ko.

"At bakit mo ginagawang ponytail ang necktie mo?"

"Wala lang. Style."

Ang totoo, init na init na 'ko at feeling ko sinasakal ako ng necktie ko. Hay... Masama talaga ang pakiramdam ko.

"You're a walking trash! At naturingan kang estudyante ng University na 'to? And look at your skirt! One inch above the knee ang nasa rule pero ginawa mong miniskirt!"

"Stacy, dear, one inch above my knee yan pero tumangkad yata ako kaya umikli. And what's wrong about showing off my legs? Gumaya ka kung gusto mo." Pagtataray ko sa kanya.

Sumosobra na talaga 'to ah. Walking trash niya mukha niya. Ang walking trash na 'to ang binibigyan ng second look ng mga lalake. Not that I'm glad about that. Wala akong pakelam sa kanila. But this is the style I want.

"Hindi ikaw ang babaeng gagayahin ko! Remember this, Viscos, madadala din kita sa Discipline office!" at nagmartsa siya palabas ng elevator.

"Whatever you say."

Good. Walang habulang nangyari. Sumandal ako sa wall ng elevator at pumikit.

*Tiiiiiiing! Napamulat lang ako nang bumukas ang elevator.

Teka! Nasaan na 'ko? 6th floor? Eeeng! Haist! Sa sobrang inis ko kay Stacy ay hindi ko na naalala na dapat sumabay na 'ko sa kanya palabas kanina.

Pero sige na nga, mag-a-ala Dora the explorer muna ako dito sa 6th floor. Malapit dito ang SSC office, baka makita ko si Unsmiling prince at mawala ang sakit ng ulo ko.

And indeed!

Nakita ko nga siya! Nakita ko siya nang lumiko ako sa dulo ng hallway... With a girl.... Nakasandal si Rion sa pader, with his hands tucked in his pockets. And the girl is biting gently his neck while murmuring something. She gave him a smack on the side of his lips. Que horror!

"Call me." Narinig kong sabi nong babae.

At binigyan pa si Rion ng seductive smile bago umalis.

Lalong sumakit ang ulo ko ah! Ugh! Anong sinabi ng skirt ko sa micro-mini-skirt ng babaeng yun! Iyon dapat ang hinuhuli ni Stacy.

Napabalik tuloy ako sa pinanggalingan ko kanina. Sakto naman may mga lumabas na estudyante sa elevator. Pumasok ako at pinipindot ko ang button ng ground floor nang may pumigil sa pagsara ng elevator.

And Rion walked in.

Great! Kaming dalawa lang dito sa elevator. Tamang oras para magpa-cute. Pero dahil lalong sumakit ang ulo ko sa nakita ko kanina ay manigas muna siya!

"What are you doing here?" tanong niya sa 'kin, diretso ang tingin niya and with no emotion.

"Wala. Naligaw lang." sagot ko at saka pumikit.

Kung kanina parang pinipitik-pitik lang ang sentido ko, ngayon parang binu-bulldozer na. Kayamot!

I feel cheated!

Bakit may humalik sa kanya?! At bakit hindi niya pinigilan?! Ugh! And it hurts even more when I realized na wala akong karapatang magselos! Pero pwede naman di 'ba? Wala lang akong karapatang mag-reklamo! Linsyak na tanghali na 'to!

"What happened a while ago was an act of lasciviousness. Pwede mo kong i-report sa Discipline office." he suggested.

Napatingala ako sa kanya. Yeah. Lasciviousness nga ang ginawa nila kanina. So alam niyang nakita ko sila kanina?

"Hindi na." ingos ko at pumikit ulit.

Bakit ko gagawin iyon? Mamaya ako pa ang mabweltahan dahil mas madami akong nagawang kalokohan. Hindi ko bibigyan ng kasiyahan si Stacy na makaapak ako sa Discipline Office.

Minulat ko ang mata ko at tiningnan si Rion na prenteng nakasandal din sa wall ng elevator sa harap ko. Pipikit na sana ako nang mapansin kong titig na titig siya sakin.

Hmp! Pumikit ako. At mumulat. Nakatingin pa din siya. Pikit ulit. Mulat. Nakatitig pa din. Anong problema niya ? Pikit ulit. Mulat. Still staring at me huh?

Tae! Kapag ganyan ng ganyan ay baka makalimutan ko na kung ano ang nakita ko kanina. Pumikit ulit ako. 4...3...2...1... Ok!

Handa na akong makipagtitigan sa kanya nang biglang-- *Tiiiiiing!

Hay! Wrong timing pa!

Bumukas na ang elevator at nauna na siyang lumabas. Pero huminto siya at tumingin ulit sa 'kin.

"Go to the clinic kung masama na ang pakiramdam mo." At naglakad na siya palayo.

How did he know?

^^^^^^^^

Hapon na ulit. Sunset na.

Inabutan na ako ng hapon sa Chem Lab para sa paghahanda ko para sa wet analysis namin bukas. At dito agad ako dumiretso sa Sanctuary ko. Ilang araw na kasi akong hindi nakakapunta dito. I miss the cold breeze of the sea... And the calmness of the place...

Inipon ko ang mga dahon sa baldeng gawa sa lata at nilabas ko ang golden lighter ko sa bulsa ko. Mabilis na kumalat ang apoy dahil tuyo na ang mga dahon. And again, I was caught in a trance. Parang ayaw kong ma-break ang contact ko sa apoy.

"So it's true, you're a pyromaniac."

Nilingon ko ang nagsalita. Si Unsmiling Prince.

"What are you doing here?" tanong ko sa kanya.

He shrugged his shoulders. "Naligaw."

Hmp! Linya ko yun kanina ah!

"Yes I am." amin ko sa kanya. Tiningnan ko ang reaction niya pero wala akong makita. "Nakaka-turn off ba?" tanong ko pa.

Hindi siya umimik pero tumayo siya malapit sa kinauupuan ko.

"Bakit nandito ka pa?"

"Naglilinis pa ko."

"Tss! Nong araw na sinabi kong linisin mo 'to, 'yon lang dapat nong araw na 'yon."

"Wala ka naman sinabi, kaya lagi ko ng nililinis 'to at saka araw-araw naman akong lumalabag sa rules ng school, hehehe!"

He sighed.

Then there was a long silence.

'No nga palang nakain ng lalakeng 'to at siya ang unang um-approach sakin? Too bad. Dahil wala ako sa mood na na magpa-cute sa kanya. Matapos kong makitang may humalik sa kanya?!

"Do you always do that?" tanong niya mayamaya.

"Ang paglabag sa rules?"

"Not that. I'm asking if you always start fire."

"Ahmn, hindi ko alam kung gaano kadalas." Bulong ko habang nakatitig pa din sa apoy.

Lumakad siya palapit sakin at niyuko ako. Dark eyes met hazel eyes.

"You can start fire easily, and you can manipulate it too but it may turn to you soon. Stop this Dollar, before it harms you."

Kanina pa siya nakaalis pero napatulala pa din ako sa sinabi niya.

His words kicked me big time. And he said it in the most sincere way that I wanna cry. Ang dami ko ng narinig na paalala mula kina Moi at Zilv simula pa lang ng mga bata pa kami. They even confiscate my lighter every time. Pati si Uncle, pinatingnan na din niya ko sa psychologist. At ang sabi nito ay may impulse-control disorder daw ako at iyon nga ay ang pagiging pyromaniac (firesetter).

Pero wala pa ding nagawa ang mga therapies hanggang sa ipatigil ko lahat 'yon. Pero paanong tinablan ako sa mga sinabi ni Rion? Is it in the way he said it? Or is it in the man himself who said it?

Tumayo ako at tinapak-tapakan ang mga abo na may konti pang usok. Lumapit ako sa matarik na bahagi ng dalampasigan at tumuntong sa malalaking bato doon. I threw the lighter and watch it sink in the water... Yeah. It's another wonderful sunset.

"Stop this Dollar, before it harms you."

Pipilitin kong magbago kahit mahirap.

At iyan ang mga salitang tatandaan ko.

No,I will remember the person himself who said those words whenever I feel the urge to start fire.I smile.

Naalala kong tinawag niya ko sa pangalan ko.

And that's a first time...

Bab berikutnya