webnovel

Meeting my Nemesis

Dollar's POV

Hapon na naman at nandito pa din ako sa school. Ilang araw na din akong inaabutan ng hapon dito sa school. Isa na lang at baka makahalata na si Uncle na wala naman talaga kaming group study. Pero madali na naman magdahilan, hehe!

Nandito ako mismo sa part kung saan ako iniwan ni Rion para maglinis, as part of disciplinary action daw? Ito na ang official na tambayan ko simula noon. Tahimik kasi. Hindi kahabaan at hindi rin kataasan ang lumang bleachers na gawa sa kahoy. Nalililiman din iyon ng mga madadahong puno kaya hindi masyadong mainit kahit tanghali pa 'ko pumunta dito. Pero ang pinakamaganda ay ang view ng dagat. Sa baba kasi ng bleachers ay malalaki ng bato at pagkatapos noon ay tubig na ng dagat.

At ang isa pa, walang sisita sa'kin kung sunugin ko man ang mga inipon kong kalat na dahon.

Katulad ng ginagawa ko ngayon. Nabawi ko na ulit ang golden lighter ko kay Moi bago kami bumaba sa kotse niya noong isang gabi. Kailangan kong maintindihan bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko na magsindi ng apoy.

Iyan ang dahilan ng pagpunta ko dito noong mga nakaraang araw. Pero hindi ngayong araw na 'to.

Ang totoo... Hindi lang dahil tinetyempuhan ko si Rion para diskartehan (na mas malabo pa sa sabaw ng pusit ang resulta lalo pa't ilang araw ko na siyang hindi nakikita). At hindi rin pinakadahilan ng pagpunta ko ngayon dito para lang makita ko ang dagat na buong buhay ko ng nakikita. Hindi rin para maglinis at mag-produce ng malaking apoy. Na kung tutuusin ay pwede ko naman gawin sa bahay.

Disappearing act kasi ang drama ko ngayon.

Pagkatapos ng nangyari sa Chem laboratory ay kailangan ko munang um-eskapo. Busy pa si Miss Leneia sa pag-uutos para sa paglilinis sa ChemLab dahil sa mga nasirang gamit at malamang sa hindi ay galit pa din 'yon. Alam kong kakausapin at kakausapin niya pa din ako but not now. Hindi ngayong fresh pa ang sitwasyon. *Grin

Alam ko namang delikado ang method na ginawa ko dahil sa mga solution na ginamit ko. Pero wala na nga 'atang tatalo sa curiosity ko. I'm curious as a cat. Pero hindi katulad ng pusa, hindi curiosity ang papatay sa'kin. Masyadong mataas ang pride ko para mamatay dahil lang sa maliit na pagsabog. Buti na lang talaga at walang nasaktan sa mga kaklase ko.

Napansin kong palaki ng palaki ang apoy dahil mahangin dito. At nang lumingon ako sa kaliwa ko, bigla na lang may tumaklob sa mukha ko.

Na-kidnap ba ko? Pero hindi naman nakakahilo ang amoy ng nasa mukha ko, at hindi rin siya panyo, medyo nakakahinga pa nga ako. Hinablot ko kung ano man ang humaharang sa line of vision ko. Papel?

Ginusot ko 'yung papel at basta na lang itinapon sa apoy na nasa harap ko.

Ang daming nagkalat na basurahan sa buong University pero bakit may mga nagtatapon pa din kung saan-saan lang? Tumayo ako sa pagkaka-upo dahil may nakita pa akong ibang mga bond paper na nakakalat. Psss!

Magtatapon lang ay hindi pa ginusot. Ang hirap tuloy habulin. Marami-rami din sila ha. Pero walang nakalusot sa'kin. Shoot lahat sa apoy.

Pinapagpagan ko na ang mga kamay ko nang may makita akong babaeng estudyante rin na papalapit sa'kin. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang VP ng SSC at siya rin ang tumawag kay Rion noon kaya nalaman ko ang pangalan ni Unsmiling Prince.

Diretso ang tingin niya sa'kin. Matangkad siya. Seryoso ang feature ng mukha pero kung ngingiti lang siya nang madalas at aayusan ng konti ay pwedeng maging beauty queen. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit lilingunin siya ng kahit na sino kapag dumaan siya at iilagan ng male species. It's because of her air of authority and her confidence level. At masasabi mo agad na she's no ordinary woman at halatang matalino.

Pero bukod sa kaseryosohan niya ay mukha siyang... Galit? Kanino? Sa'kin ba? Pero bakit?

Tatlong schoolmates ko lang ang alam kong galit sa'kin at kaaway ko. Si Stacy na lagi kong kalaro ng hide and seek. 'Yung second year bully na sinuntok ko (na buti na lang ay walang nakakita kung hindi ay sa guidance office kami pinulot) dahil muntikan niya na 'kong makaladkad sa CR ng mga lalake. At yung PRO ng SSC na si Marbel na laging nagme-make-face at umiirap sa'kin kapag nakikita ako. Sila pa lang naman...

"Where are my papers?" Tanong ni Shamali...Sha—Shasati? No nga palang pangalan niya? Hindi ko matandaan eh.

At bakit niya 'ko tinatanong ng tungkol sa mga papel niya? Hindi ako sumagot. Binigyan ko na lang siya ng tingin na parang nagsasabi ng 'Hindi ako hanapan ng mga nawawalang papel.'

"Dito pumunta yung mga papel kong nilipad, those are my original copy of my research papers na pirmado na ng mga advisers." Seryoso pa ding sabi niya pero halata na sa mga mata ang pagka-irita.

"Hindi ko po alam." Magalang kong sabi, gumalang daw sa mga higher year sabi nila.

Huminga siya nang malalim, grabe siya, halatang galit pero composed na composed pa din. Sabagay ikaw ba naman ang mawalan ng research papers na pinaghirapan mong gawin at lalo na ang pagpapa-approved nito at pagpapapirma sa mga Proffesors. 'Can't blame her. Pero nasaan na nga ba ang hibnahanap niya?

Kailangan ko ng dumaan sa BusEd Building, uwian na yata nila Rion.

"Nakita kita kanina, hawak mo yung mga papel na 'yon. Where are they?"

"Ah, yung kaninang lumilipad, nasa---"

P-A-T-A-Y ! Malamang abo na ang mga 'yon!

"Wala na, nasunog ko na." sabi ko na lang, kunwari hindi guilty, kunwari hindi ako natatakot sa reaksyon niya. Patay! patay! patay!

Hindi siya sumigaw. Hindi rin nagwala. O nagmura. Katakot ang mukha niya, lalo na ang mga mata niya. Pero nakipagtitigan din ako sa kanya. Wala kaya akong kasalanan. (O_O)!

Grabe, minsan lang akong maging concern sa kalinisan sa paligid ko pero wrong timing pa.

"Walk with me." Utos niya.

Saan? Hindi kaya sa mga bato sa baba ng bleacher? Baka itutulak niya 'ko doon, marunong akong lumangoy pero sinong makapagsasabi na walang mga bato sa ilalim ng tubig na babagsakan ko. O baka naman sa apoy, susunugin niya ako ng buhay? Tatangayin ako ng agos o magiging abo ako, walang marerecover na katawan ko! Both are perfect crimes.

Pero teka lang. Inutusan niya ako? The nerve of this girl!

"Teka lang ha, pero hindi ko kasalanan na masunog ko 'yong mga papel mo, as far as I remember ikaw 'tong pabaya dahil hinayaan mong malipad ,yong mga 'yon. At nagmagandang loob lang ako sa kalikasan." Defensive mode na ako, wala akong magagawa, alam kong may kasalanan din ako pero never kong aaminin sa kanya. Kainis siya ha!

"We'll go to the guidance office. Wala na akong magagawa sa nasunog mo na. Dadalhin kita sa guidance dahil mali ang ginagawa mong pagsusunog. Bawal na ngang magsunog ayon sa batas tapos talagang dito mo pa ginawa sa school premises."

Huwaaat?! Guidance office na naman? Bakit ba parang lahat ng ginagawa ko ay laging naglalapit sa'kin sa guidance office?

Hindi ako magugulat kung pagpasok ko ng office na 'yon ay sasalubungin ako ng banda at piging dahil matagal na nila akong hinihintay doon. Anong sasabihin ko? She seems intelligent na parang lahat ng sasabihin ko ay meron siyang ipangongontrang sagot.

"E-Eh inutusan ako ni Rion na linisin ang part na 'to." Sorry my Unsmiling Prince. Ikaw agad ang naisip ko, pero totoo din naman 'di ba?

Parang nag-isip si Shadari este Shavami, eh? Basta whoever-she-is! "At pagsusunog ang paraan mo para malinis to?"

Hindi ko siya sinagot.

Hmp! Kung makapagsalita siya ay parang wala siyang katiwa-tiwala sa paraan ko ng paglilinis. Alangan namang isako ko pa 'yong mga dahon at dalhin ko pauwi? Kulang-kulang isang kilometro kaya ang nilalakad ko!

Alam ko kung ano ang hitsura ng mukha ko, mukha ng batang guilty dahil nahuling kumukuha ng candy sa candy jar sa kalaliman ng gabi.

Kainis, ngayon lang ako natalo sa isang argument. Sila Moi at Zilv kasi ay lagi akong pinagbibigyan.

"Dollar Mariella Viscos, remember this day." Iyon ang seryosong sabi niya. Saka pa lang ako nakahinga nang maayos nang tumalikod siya. 'Kala ko talaga ay ipipilit niyang pumunta kami sa Guidance. Tinakot lang ako.

"Shakami!" tawag ko sa kanya.

"Shamari." Pagko-correct niya, halatang yamot.

"Whatever."

"What? Nagbago na ba ang isip mo at gusto mo ng sumama sa Guidance?"

Ano ako bale?

"I just want to say... Nice meeting you." At nginitian ko siya.

Poker face siya. At tuluyan ng umalis.

OK, add her to my list.

Shamari, my fourth nemesis.

Bab berikutnya