webnovel

Kabanata 456

Sa Airport,

"Young Master, bakit po ba tayo nag tatago dito? Ayun na po si Ms. Kelly naka labas na po." Ani Johnsen.

"Shhh!!! Wag kang maingay alam mo namang ayaw akong makita ni Kelly."

"Opo pero bakit pa po ba tayo nag punta dine kung di naman pala kayo mag papakita?"

Patrick bonked him "ungas! Para alamin kung buntis nga sya!"

"Po? Buntis po si Ms. Kelly?!"

"Shhh!!! Wag kang maingay!!!"

"So-- Sorry po. Pero paano nyo po... Woah! Totoo nga po ang laki po ng tiyan ni Ms. Kelly."

"Call Dra. Caranza."

"Okay po."

"Tell her kung anong procedure about DNA test."

"Po?"

"I want to know kung ako nga ba ang tatay ng pinagbubuntis ni Kelly."

"Ehhh? Kayo po ang tatay ng bata?"

Patrick bonked hin again "ungas! Kaya nga tatawagan mo si Doc! Tanong ka pa ng tanong lintek ka!"

"Okay, okay po."

"Bilis! Papalabas na sya ng airport."

"O-- Opo."

At sinundan nga nung dalawa si Kelly pero habang sinusunda nila ito nag tataka sila dahil hindi ito ang daan pauwi sa kanila.

"Teka, papunta po itong Batangas."

"Alam ko. Give me my phone."

"Opo."

May tinawagan si Patrick at na kumpirma nyang sa resort ito papunta.

"Po? Sa resort nyo? I mean dati?"

"Um. I had a feeling na hindi alam ng mga kuya nya na buntis sya."

"Hala! Ano pong gagawin nyo?"

"Ano pa sa tingin mo?"

***

Mag iisang linggo ng nasa resort si Kelly lagi lang sya g namamasyal sa may dalampasigan nakatanaw sa malayo, habang nakain ng paborito nyang peras. Kumakain mag isa at ineenjoy ang ganda ng kapaligiran. Habang ginagawa ni Kelly ang gusto nya syang sunod naman ni Patrick parati sa kankya at hindi pa rin sya dito nag papakita kahit gustong gusto nya itong samahan.

"Young Master, okay na po na ready na po ng staff ang dinner ni Miss."

"Good. Did you buy her favorite fruit?"

"Opo bibigay din po ng staff mamaya."

"Good."

"Ahm... Young Master."

"Hmmm?"

"Ahm... Mag iisang linggo na po kasi tayo dito sa resort pero hindi pa rin po kayo nag papakita kay Miss. Samantalang nasa kabilang bahay lang naman po tayo."

"Look at her she's enjoying herself."

Nag lalarong parang bata si Kelly sa talampasigan na para bang hinahabol ang alon.

"Isn't she happy without me?"

"Pero... Paano po kayo? Lalo po ngayon alam nyong kayo ang tatay ng pinagbubuntis ni Miss."

"Yeah... Ako ang tatay ng bata pero yung nanay ayaw akong makita."

"Susuko nalang po ba kayo?"

"No! Never!"

"Then, go! Magpakita po kayo sa kaniya! Wag po kayong tanaw lang ng tanaw sa malayo."

"There's a right timing in everything."

"Opo. Ahm... Ano pong gusto nyong dinner?"

"Same lang ng kay Kelly."

"Eh? Talaga po?"

"Why not? Lakad na!"

After 30minutes,

Knock... Knock...

"Young Master ako po ito."

"Haist!" Reaction ni Patrick at binuksan ang pintuan. 

"Salamat po Young Master nalimutan ko po kasi yung card key ko."

"Tsss! Ano yang dala mo?"

"Ah yung dinner nyo po."

"Hmm? Dinner ko?"

"Opo sabi nyo yung katulad ng kay Miss ang ihain ko sa inyo kaya eto po. Charan!"

"What the?! Dinner my foot! No way!!! Hindi ko kakainin yan!"

"Bakit po? Sabi nyo gaya ng dinner ni Miss. Kaya ayan po tinolang manok with fried rice na may chocolate."

"Taenang yan! Di nalang nag champorado! Ayoko nyan ikaw ang kumain!"

"Pero Young Master kahit yung tinola lang po kainin nyo kaso..."

"Don't tell me may kakaiba rin sa tinolang yan?"

"Ahm... Parang ganun na nga po imbes na sayote po kasi peras po yung inilagay ng chef as requested po ni Miss."

"Ano?!! Hanggang sa tinola may peras?!"

"Ah... Eh... Opo medyo picky eater po talaga daw ang buntis sabi ni Dra. Caranza."

"Lintek! Ikaw ang kumain niyan! Mag order ka ng dinner ko!"

"Sir yes Sir!"

"."

Maagang nagising si Patrick dahil hindi sya makatulog ng gabi ring iyon feeling nya kasi kailangan na nyang makausap si Kelly. Napaisip kasi sya sa nga sinabi sa kaniya ni Johnsen.

"Young Master?" Ani Johnsen na natutulog sa sofa at biglang nagising sa kaluskos ni Patrick.

"Diyan ka lang! Mag jo-jogging lang ako."

"Po? Pero hindi po ba ayaw nyong lumabas kasi baka makita kayo ni Miss?"

"Maaga pa sure akong tulog pa yun."

"Pero..."

"Diyan ka na!"

"Young... Young Master!"

At habang nag jo-jogging bigla syang na dulas at na out of balance.

"Ay putek!"

"Sir! Are you okay?" Ani Kelly na nag lalakad lakad pala.

Habang papatayo narinig ni Patrick yung boses ni Kelly kaya naman dali-dali syang tumayo at nag tatakbo.

"Si-- Sir!!! Okay lang kaya yon?

Pero hindi lumingon si Patrick at nag patuloy lang sa pag takbo.

Meanwhile,

Sa bahay ng nga Dela Cruz,

"Morning." Ani Kian kay Rica.

"Oh! Maaga ka na gising ngayon."

"Um. May seminar kami mamaya. Di ko ba na mention?"

"Ah, yung sa Batangas?"

"Um. Yun nga sila Keith at Kim ba gumising na?"

"Morning..." Anila Kim at Keith na papungat pungat pa.

"Oh, buti naman at gising na kayo."

"Okay sige, maupo na kayo at nag hahain na ko." Ani Rica na syang nag luto ng agahan parehas kasing may sakit si Faith at Lenny.

"Ate pasensya na di naka pag luto si Lenny. Masama pa rin kasi pakiramdam niya kada umaga nalang parang lagi syang nag susuka." Sabi ni Kim.

"Ha? Nag susuka?"

"Um. Sabi ko nga mag patingin na sya eh pwede kay samahan mo?"

"Teka lang, every morning lang ba sya nag susuka?"

"Um. Sabi nya rin nahihirapan sya sa pag tulog."

"Wag mo kasing puputayin tol." Sambit ni Keith na para bang nag iinis.

Kian bonked him "ang aga Keith!!!"

"Hehe... Eme lang."

"Hindi kaya buntis na si Lenny?" Sabi ni Rica.

"A-- Ano?" Gulat na sagot ni Kim.

"Um. Feeling ko kasi morning sickness yung nararamdaman ni Lenny syempre bilang babae at may anak ng dalawa alam ko kung ano yung nararamdaman niya."

"Ha???"

"Anong ha? Hindi ba gusto niyo na rin talaga ni Lenny na mag ka aanak?" Ani Kian.

"Hindi ko naman sinabing ayoko kuya pero kasi pinagusapan namin ni Lenny na hindi na muna kami mag aanak. Like, we think kasi na di pa rin kami ready. Saka di ko parin talaga nakikita ang sarili ko na magiging tatay na."

"Le-- Lenny." Sambit ni Rica.

"Ba-- Babe! Kanina ka pa diyan?" Pagulat na sambit ni Kim na napatayo agad sa kinauupuan niya.

"Oo! At narinig kong lahat ng sinabi mo!"

Lumapit agad si Kim kay Lenny "so--sorry I didn't meant what I..."

"Tsss! Paano kung buntis talaga ko? Hindi mo ko paninindigan?"

"Hindi naman ganun babe! Asawa mo ko at syempre kung mag kakaanak tayo syempre paninindigan kita! Di ba mga tol?"

"Bahala ka diyan! Basta kami kakain na." Anila Kian at Keith.

"Mga tol!"

"Heh!"

"Hmph!" Reaction ni Lenny at umiwas kay Kim.

"Ba-- Babe!" Pahabol na sambit ni Kim.

"Tsss! Kahit kailan talaga itong ai Kim." Ani Rica.

"Nga pala honey  si Kelly ba tumawag na o nag chat sa inyo?" Sambi ni Kian habang nakain ng kanilang breakfast.

"Di pa ewan ko lang kila Faith at Lenny. Ask ko nalang mamaya. Bakit nag away na naman ba kayo?"

"Hmm? Hindi lately kasi parang di sya nag u-update. Sayo ba Keith?"

"Um. Hindi rin sakin. Baka busy?"

"Baka nga, chat nyo kaya si Mama or yung twins." 

"Oo nga kuya, si Kevin sana kaso nasa Japan naman yung mag asawa."

"Gusto nyo ba tawagan ko? Hapon na sa Canada ngayon, right?"

"Di na, mamaya nalng siguro Keith bilisan mo na diyan baka ma late na tayo!"

"Oo eto na nga. Paano si kuya Kim?"

"Nako! Bahala sya ang aga ksi binabadtrip si Lenny. Bilisan mo na wag ka ng maligo ha?!"

"Aba ayoko! Mag buhos lang ako saglit."

"Eh bilisan mo na nga diyan!"

"Eto nga tatayo na."

Samantala sinusuyo parin ni Kim ang asawa.

"Sorry na kasi. Ano bang gusto mo bibilhin ko after ng klase ko."

"Wala! Umalis ka na!"

"Lenny naman!"

"Huh! Lenny?!!!Huh!!!!!"

"Sorry Babe pala. Napaka sensitive mo lately."

"Eh ano ngayon?! Kainis! Labas!"

"Sorry na!"

"Lalabas ka o ako ang aalis?"

"Oo eto na kukunin ko lang yung uniform ko."

"Bilisan mo!!!"

"Opo Ma'am..."

At dali-dali na nga syang kumuha ng kaniyang isusuot para sa araw na yon.

Flak!

"Oh? Nyare? Outside de kulambo ka?" Ani Keith.

"Heh!"

"Tsss! Bilisan daw natin sabi ni kuya."

"Oo na!!!"

After 30minutes, 

Si Kian na ang nag drive ng kotse at dali-dali na sila Kim at Keith sa pag sakay.

"Okay, ingat kayo." Sabi ni Rica habang nasa tabi naman niya si Lenny na wala sa mood.

"Babe, aalis na kami." Ani Kim pero pumasok na ito sa loob.

"Sigh... Ako ng bahala dun sige na baka ma late pa kayo."

"Sige Honey mag chat nalang ako."

"Um. Bye."

"Ikaw na ate bahala kay Faith ha? Salamat." Sambit ni Keith.

"Oo sige."

Pag alis naman nung tatlo pumasok ng agad si Rica at pinuntahan ang nag tatampong si Lenny.

"Oh? Okay na ang tiyan mo? Okay lang na kumain ka ng chocolate? Ang aga pa mag breakfast ka na muna."

"Okay lang ako ate, pangtanggall stress kay Kim. Kainis kasi!"

"Pero hindi ka ba talaga buntis?"

"Di ko rin sure ate eh."

"Ha? Teka, you mean di ka sure kung buntis ka? Aba yung nga symptoms mo kasi parang eh. Gusto mo ba samahan kota sa doctor?"

"Di na ate, mag PT nalang siguro muna ako. Kaso need ko pa pala bumili."

"Ay wag na meron akong stock."

"Eh???"

"Hehe... Oo just in case kasi."

"Ah... Sige pahingi ako isa."

"Sus kahit lima pa."

"Hehe... Salamat ate."

And after nga mag PT ni Lenny nalaman nga nitong hindi sya buntis dahil negative ang lumabas.

"Try mo pa kaya ang isa?"

"Ate, naka tatlo na po tayong PT ayos na siguro yun."

"Tsk! Sayang naman kala ko talaga buntis ka na."

"Okay lang naman gaya nga ng sabi ni Kim hindi pa kami ready."

"Pero, gusto mo rin di ba?"

"Ah... Eh... Sa totoo lang 50-50 ate eh may part sakin na gusto at may part na ayaw. Siguro kasi takot pa ako sa responsibilidad?"

"Well, tama ka naman dun nung una rin na ako eh na buntis sobrang takot ko kasi di ko alam kung ano ang gagawin ko isa pa nga eh di ko kasama nun si Kian kaya dumating ako sa point na gusto kong ipa abort si Jacob. Pero hindi ko ginawa kasi alam kong kasalanan yon sa Diyos isa pa anak ko yon kaya dapat kong tanggapin."

"Grabe din talaga ang pinagdaanan mo ate."

"Nako, oo pero dahil naman dun napalaki ko ng maayos so Jacob kahit nung una eh ako lang ang kasama niya. Pero kinaya ko para saming dalawa."

"I'm so proud of you ate sana maging katapang mo ko."

"Sus! Kaya mo yan. Kapag dumating ang araw na magiging nanay ka na mararamdaman mo rin kung ano yung hirap at saya na maging ina."

"Um. I will wait for that time ate. Salamat sa payo."

"Wala yun. Sya mag breakfast ka na."

"Um."

"Ah, nga pala yung boys kasi nag aalala kay baby girl nag chachat ba sya sayo? Sakin kasi madalang rin eh. Parang di na sya nag u-update dun sa gc natin."

"Ah... Eh... Kasi ate..."

"Hmmm?"

"Ahm... Ate, ito eh satin-satin lang ha? Hindi naman sa ayaw sabihin sa inyo ni Kelly nahihiya kasi sya."

"Ha? Girl, ano yan ha? Ako'y kinakabahan sayo!"

"Ah, hindi ate kalma ka lang."

"So ano ba kasi yun?"

"Ahm... Si Kelly kasi ano..."

"Ano?"

"Ahm... Kasi buntis si Kelly..."

"ANOOOO????"

Sa mag kaparehong oras,

"Young Master, ayos lang po ba kayo?" Ani Johnsen na nag pa inom ng gamot kay Patrick dahil biglang nilagnat after mag jogging.

"Yeah. I'm fine. Sige na umalis ka na kailangan na yang papers sa office. Baka mamaya mag punta pa dine sila ate lalo na kong malilintikan."

"Pero Young Master..."

"Sabing ayos lang ako konting lagnat lang ito. Mamaya lang ayos na ko."

"Sige po mamaya babalik nalang po akong agad."

"Um."

"Sige po aalis na po ako. Wag ba po kayong lalabas, okay?"

"Um."

At pag alis nga ni Johnsen nagiga lang sa kama niya itong si Patrick habang nanonood ng tv. Bigla kasi syang nilagnat pagbalik nya ng bahay.

"."

Mag gagabi na at wala pa si Johnsen at di na rin namalayan ni Patrick na gabi na at nakaramdam na sya ng gutom.

"Mr. Johnsen? Andiyan ka na ba?" Pero walang na sagot na Mr. Johnsen kay Patrick.

"Tsk! Pambihira."

Tumayo sya sya kahit parang nanlalambot pa sya.

"Gutom na ko."

Nag hanap sya ng makakain sa kusina si Patrick pero pagkain pa kahapon ang nasa ref at dahil nga masama ang pakiramdam gusto nya ay may sabaw. Kaya tumawag sya sa staff ng resort para mag deliver sa kaniya ng pagkain.

Knock... Knock...

"Hmm? Ang bilis naman katatawag ko lang may delivery na agad?"

At pag bukas ni Patrick ng pintuan bumungad sa kaniy si Kelly.

"Ke-- Kelly?" Pagulat nyang sambit at sa gulat nya nga pinagsarahan nya ito ng pintuan.

"Si Kelly ba talaga yung nakita ko? O dahil may lagnat ako kung ano-ano na ang nakikita ko?" Sinampal sampal nya pa ang sarili para lang maniwala.

Knock... Knock...

Kumatok nga ulit si Kelly at sa pag bukas nga ni Patrick ng pintuan gulat na gulat pa din sya sa nakikita niya.

"Ke-- Kelly?"

"Ano ka bot? Paulit ulit?"

"A-- Ano kasi..."

Lumapit sa kaniya si Kelly at hinawakan ang kaniyang noo "a--anong?"

"Sabi na you're sick."

Lumayo namang agad si Patrick kay Kelly.

"What? Ikaw yung may sakit maka iwas ka naman kala mo may virus ako."

"Ahm... Ayoko lang mahawa ka pati si Baby."

"Ba--Baby?"

"I know... You're pregnant at ako ang tatay."

Kelly gulped "huh! Feeling ka! Diyan ka na!"

"Ke-- Kelly!!!"

Thug!

"Pa-- Patrick!!!"

Dahil nga may lagnat biglang nahimatay si Patrick.

"Yah!!! Gumising ka diyan!!!"

"Hala! Young Master!!!" Bungad naman ni Mr. Johnsen. "Ano pong nangyare?" dagdag pa niya.

"Ah... Eh bigla kasi syang nawalan ng malay. Do you think he's dying?"

"Ho? Hindi naman po ang init nya lalo po atang tumaas ang temperature nya. Kailangan na po natin syang dalhin sa hospital."

"Oh, sige."

"Miss, alam ko po di kayo in good terms ni Young Master pero pwede po bang sumama kayo? Ayaw po kasing ipagsabi ni Young Master na nandito po sya."

"O-- Okay..."

A moment later,

"Sino po ang kamagnak ng pasyente?" Tanong nung doctor na lalaki paglabas nito sa E.R.

Nagkatinginan sila Kelly at Mr. Johnsen "misis, ayos na po ang asawa nyo."

"Po? Misis? Asawa?"

"Hindi ba? Buntis ka at si Mr. Santos naman siguro ang tatay niyan? O sya?"

"Ho? Hindi po ako! Single po ako!" Sagot agad ni Mr. Johnsen at ang sama ng tingin sa kaniya ni Kelly.

"Anyways, Misis okay lang naman ang Mister nyo dahil sa nerbyos at sa lagnat kaya sya nahimatay nag triggered kasi. May pinagawayan ba kayo?"

"Po? Ahm..."

Ah Doc! San po pala mag babayad" Sambit agad ni Mr. Johnsen.

"Ha? Ah dun sa..."

At unti-unti na ngang inilalayo ni Mr. Johnsen yung doctor kay Kelly.

"Te-- Teka may sasabihin pa ako..."

"Ako na lang po kausapin nyo doc."

"Ha? Pero..."

"Halika na po doc..."

At pag alis nga nung dalawa pumasok si Kelly para tignan si Patrick.

"Sigh... Tignan mo baby yan ang tatay mo napaka weak madaling mag ka sakit."

Kinuha nya yung upuan at naupo malapit kay Patrick at pinagmasdan niya ito habang natutulog.

"Baby, sana maging kamukha mo ang daddy mo kita mo yan ang tangos ng ilong niya. Sana lang wag mo mamana ang ugali nya."

"Bakit naman?" Biglang sambit ni Patrick.

"Gi-- Gising ka na?"

Aalis na sana si Kelly pero nahawakan agad ni Patrick ang kamay nito.

"Where do you think you're going?"

"Okay ka na kaya aalis na ko bitaw!"

"Paano kung ayoko? Iiwan mo ba kong ulit?"

"Bitaw!"

Hinila ni Patrick si Kelly at napalapit ito sa kaniya and accidentally kissed him.

Patrick smiled and smirked "I love you too."

"I love you mo mukha mo!" She pushed him pero hindi nito binibitawan ang kaliwa niyang kamay.

Patrick sit up abruptly "aw..."

"You okay? Wag ka na muna kasing gumalaw di ka pa nga okay!"

Patrick smiled "bakit concern ka sa tatay ng anak mo?"

"Tsss! Kapal! Bitawan mo ko!!!"

"Napaka sungit ng mommy mo baby. Di na naman ito siguro nakakakain ng peras."

"Hmm? Why did you know na I like peras?"

"Syempre, I know everything isa pa... Nalimutan mo na bang paborito ko rin ang peras?"

"Huh! Paki ko naman?!"

"Syempre may paki ka daddy lang naman ako ng baby natin."

"Bitawan mo nga ko! Mukhang okay ka na aalis na ko!"

"Nope! Dito ka lang." And for the second time na hinila nya ito niyakap nya si Kelly ng mahigpit at sinabing "salamat, kasi hindi mo pinabayaan ang anak natin. Mahal na mahal parin kita Kelly..."

"Let me go!!!"

"Hinde! Ayoko! Hinding hindi na kita iiwan kahit anong sabihin mo! Dito lang ako sa tabi mo at sa magiging anak natin! Hindi ko kayo pababayaan."

"Let... me go..."

"Please, hayaan mo kong maging parte ng buhay mo at maging tatay sa magiging anak natin. Please Kelly!!! Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka!!!"

At habang nasa labas ng E.R naiiyak naman sa labas si Mr. Johnsen "eto tissue gusto mo?"

"Doc? Andito ka parin?"

The doctor  bonked him "malamang hospital ito mag taka kung may nag kakaraoke dine."

"Doc naman palabiro paano naman po magkakaroon ng nag kakaraoke sa hospital eh di naman ito..." Napatigil sya sa pag sasalita.

Dahil biglang may narinig silang nag kakaraoke nga.

"Ehhh?" Reaction nung dalawa.

"Doc! Narinig nyo yon?"

"Oo hindi ako binge!"

Bab berikutnya