webnovel

Kabanata 440

Makalipas ang isang oras,

Nakabalik na ng resthouse sila Patrick at Kelly at ipinakilala nila si Cairo kila Kian.

Habang nag aayos naman ng makakain ang mga hipag ni Kelly busy naman sa sala ang Dela Cruz siblings sa paglalaro ng scrabble at chess.

"Young Master, ang cool po nila no?" Ani Cairo kay Patrick habanag nakamasid lang silang dalawa dun sa Dela Cruz siblings.

"Yeah... They'll pretty cool in all aspects especially my Kelly."

"Opo naman po."

"Maiba tayo hindi ko pa nababanggit sayo ang name ng mga kuya ni Kelly but you seems..."

"Ahhh... Dahil po kilala ko sila?"

"Yeah?"

"Syempre naman po, kapatid sila ng fiancée nyo at kayo po ang isa sa pinakamayamang bachelor sa bansa kaya di na po secret ang identity ni Ma' Lady Kelly."

"Really? Nasa news na ba?"

"Well, not that full detailed po pero basic nalang po na malaman kung sino-sino ang mga kapatid ni Ma' Lady isa pa po hindi po ba one time parang nagkaroon sila ng appearance sa tv? At simula po nun para na silang naging instant celebrity tapos ang ganda pa ng lahi nila."

"Well, they all handsome and beautiful creatures. Kaya dina nga nakakapagtaka na maraming humahanga sa kanila."

"Aha, gaya po ni Sir Kian marami po siguro syang naging girls no?"

"Hmm? What do you mean?"

"Po? Ah... Ahm... Ang ibig sabihin ko po eh malakas po ang dating nya panigurado po marami syang naging girls bago si Ma'am Rica."

"Ahhh... Ewan ko, pag dating kasi sa mga ganyang bagay wala akong alam sa mga kuya ni Kelly pero isa lang alam ko lahat sila loyal sa kanilang mga partners."

"Oh really?"

"Hmm?"

"Wa-- Wala po. Sige po tutulungan ko lang po sil Ma'am Rica doon sa kusina."

"Okay."

"."

Nang matapos sa kanilang lunch ang tropa tumambay ang mga kuya ni Kelly sa may terrace at nag serve naman ng tea itong si Cairo.

"Jasmine tea?" Sabi ni Kian.

"Yes Sir. Hindi nyo po ba gusto? Ikukuha ko po kayo ng bago."

"No need. Favorite nga ni kuya ang Jasmine tea." Ani Kevin.

"Ohh... Ganun po pala. Ahm... May ipaguutos pa po ba kayo?"

"You can go ahead we will take care of ourselves isa pa di ka naman kasambahay dito m. You're Patrick's assistant so don't worry about us." Sambit ni Kian.

"Pero, ayos lang po!"

"It's okay you may go. Baka kailangan ka ni Patrick."

"O-- Opo."

Pag alis naman ni Cairo...

"He so polite kid." Ani Flin.

"Yeah... Bibihira ang ganyang teenager ngayon yung gusto silang inuutusan." Sabi ni Keith.

"Sinabi mo pa." Pag sangayon ni Kim.

"But for some reason he looks like Kian." Sambit ni Nick at napatingin nga sila kay Kian.

"Ako?"

"Oo nga no, nung kabataan mo nga kuya hawig kayo ni Kairo." Ani Kevin.

"Really?"

"Hmmm... Don't tell me may naanakan ka na naman bukod kay ate Rica?" Sabi ni Keith.

"Isa pang hirit makaka tikim ka talaga sakin."

"Joke lang naman kuya. Ha... Ha... Ha..."

"What's the matter?" Sambit ni Flin and Nick na medyo naguguluhan.

"Ah... Yan kasing si kuya disgrasyado."

"Keith!!!"

"Hahaha... Sorry na kuya tatahimik na."

"Hmm?" Reaction nung kambal.

"It's accident when he had Jacob kaya nag aassume si kuya Keith na baka may na you know na naman si kuya Kian." Ani Kevin.

"Enough! I once did that and kay Rica lang yon and oo wala nga yon sa plano pero pinagsisisihan kong di ko agad sila pinanindigang mag ina."

"Don't worry tol nabawi ka naman ngayon." Sabi ni Keith.

"Yeah! And you're a good father to your kids." Ani Flin.

"Thanks bro."

"Siguro, totoo nga yung sabi nila na doppelgänger kaya hawig ni kuya Kian yang si Cairo." Sabi ni Kevin.

"Oo di ba nga may mga taong kahawig ng mga artista pero di naman nila kaano ano." Sambit ni Kim.

"Um. In Canada also and here we met someone look a like of our friend and we thought he's here in the Philippines but ending he is not our friend." Nick said.

"Pero alam nyo parang nakita ko na somewhere yang si Cairo di ko lang maalala kung saan."

"Really?" Anila.

"Yes, I don't know maybe he is one of my former students."

"Baka nga kuya." Ani Kim.

Samantala sa kusina,

"Napakabait mo namang bata. Sana lumaking ganyan si Jacob ko." Ani Rica na nag aayos ng mga plato sa lagayan.

"Ah, turo po sakin ng nanay ko na kailangan maging masipag para di daw po ako magiging pabigat lalo na kung wala naman po ako samin." Sagot ni Cairo na nag wawalis.

"Nako... Sana maging gaya mo talaga ang Jacob namin."

"Hehe... Bata palang po ako tinururuan na ako ng nanay ko na maging independent."

"Wait, nanay mo? If you don't mind where is your father?"

Napatigil naman sa pag wawalis si Cairo.

"Cairo?"

"P-- Po?"

"I think, wrong move na itanong ko kung nasan ang tatay mo kasi bigla kang namutla."

"Ah, hindi po... Ayos lang po ako. Pero hindi ko po kilala kung sino ang tatay ko. Bata palang po kasi ako di ko na po nakita ang tatay ko."

"Ha? Asan daw? Tinanong mo ba sa mommy mo?"

"Ahm... Opo, pero nagagalit po parati si Nanay kapag tinatanong ko kung nasan ang tatay ko. Sabi po ng lola ko di pa patay ang tatay ko pero ang sabi po sakin ng nanay ko eh wala na raw po si Tatay."

"Oh... Sorry to heard that. But don't worry gaya mo di ko na rin naman nakita ang daddy ko."

"Talaga po?"

May dalang dalawang baso ng juice si Rica.

"Halika, upo ka muna mag juice muna tayo."

"Ah, opo thankyou po."

"So, how old are you na pala?"

"20 po Ma'am."

"Ate nalang, ay di pala... Tita mo na pala ako kung tutuusin."

"Hala, di po nakakahiya naman. Ate nalang po."

"Hehe... It's up to you. Anyways, you said you didn't saw your dad since birth?"

"Opo, gusto ko nga po syang makita para matanong kung bakit nya po kami iniwan ni Nanay. Hindi nya po ba kami mahal?"

"Ay, nako... Hindi ganyan, alam mo hindi naman lahat ng tatay eh masama. Well, oo yung iba pero kita mo yang si Kian?"

"Bakit po?"

"Hindi nya alam na nagkaroon kami ng anak. Kaya lumalaki rin si Jacob na di nya rin kilala ang dad nya."

"Talaga po?"

"Alam mo kasi, minsan sa pagmamahal minsan akala mo okay lang kayong dalawa tapos kapag may di pagkakaintindihan mag hihiwalay parang kami lang ni Kian kaya di niya alam na nagkaroon kami ng Jacob. Pero ngayon naman na bawi sya samin. Kaya baka gaya ko ganoon rin ang nanay mo. I mean, akala ko kasi noon di kami tatanggapin ni Kian kaya di ko ipinakilala agad sa kaniya ang anak namin. Pero mali pala ako kasi isa pala syang responsable at mapagmahal na ama sa mga anak namin."

"Sana nga po lahat ng anak mahal ng tatay nila."

"Don't worry, di ka pa naman nakikita ng daddy mo kaya wag kang mawalan ng pag asa malay mo gaya din ng dad mo si Kian."

"Sana nga po tanggapin nya ko bilang anak."

"Sandali lang, pakiwari ko'y may galit ka sa tatay mo?"

"Po?"

"Sa pagkakasabi mo kasi na sana tanggapin ka ng tatay mo you clenched your hand."

Tinago naman agad ni Cairo ang kamay nya "so--sorry po."

"Ayos lang, pero kung gusto mo ng kausap andito lang ako ituring mo na kong nanay. Sana talaga lumaking gaya mo si Jacob napaka buti mong bata."

"Hi-- Hindi naman po."

"Kahit di mo naman aminin eh halata namang napakabait mo bata at matalino. Kaya sana wag kang mawalan ng hope sa tatay mo."

"Opo. Salamat po sa advice ate."

"Nako... Wala yon."

"Mommy!!!"

"Oh, Jacob akala ko ba kasama ka ng tita Kelly mo sa convenience store?"

"Di po ako sumama naka motor lang po kasi sila ni tito Patrick eh. Pero mommy gising na po si baby."

"Ah nako! Naiyak ba?"

"Opo eh hinipo ko po yung diaper parang puno na po ng wiwi."

"Ah, ganun ba sige pupuntahan ko na muna ang kapatid mo. Ahm... Dito ka na muna sa kuya Cairo mo. Cairo ayos lang ba na iwan ko muna sayo si Jacob?"

"Opo ayos lang po." Then he smiled to Jacob.

"Salamat ha, sige babalik akong agad ayusin ko lang muna si baby girl. Jacob wag kang pasaway lagot ka sa daddy mo nasa terrace lang sila."

"Opo mommy."

"Sige, sige na."

At pag alis naman ni Rica biglang naging awkward yung atmosphere dun sa dalawa.

"Ah... Ahm... Gusto mo ng juice?" Ani Cairo.

"Ayoko po."

"Ahm... Ako nga pala si Cairo you can call me kuya Iro."

"Iro? That's pretty good nickname."

"Really? You like it? Hindi ka ba napapangitan?"

"Di po, sabi ni Daddy, hindi dawpp dapat pinagtatawanan ang ibang tao dahil lng sa kulay, pangalan or anyo nila. Dahil nilikha po sila ni Papa Jesus kaya dapat may respeto tayo sa bawat isa."

Cairo smiled "you're a good boy."

"Di rin po makulit po at pasaway ako sabi nga po ni Daddy spoiled brat po ako."

"Hehe... You think so?"

"Not really. Hehe... Pero si tita Kelly lang naman po ang laging nag spoiled sakin kasi cute daw po ako at mabait."

"Syang tunay."

"Hehe... Salamat po."

"Ah! Gusto mo bang manghuli ng fish?"

"Eh???"

"Meron kasi ditong fishponds and floating bahay kubo if you want I can tour you here."

"Talaga po? Sige po go ako!"

"Okay sige, ayusin ko pang itong mga baso tapos pupunta na tayo."

"Sige po tulungan ko na kayo."

"No need ako na. Mag paalam ka nalang muna kay mommy mo baka kasi hanapin nya tayo eh."

"Ah opo sige po. Wait lang po ah."

"Um. Sige."

At the same time,

Sa Convenient store...

"Um. Gusto ni Jacob cookies en cream." Ani Kelly kay Patrick habang tumitingin sila ng kung anu-ano na pwedeng mabili kahit ang bibilin lang naman talaga nila ay mineral water.

"Okay, tapos sayo vanilla?"

"Um. Dagdagan mo na kasi sila kuya yun din ang gustong flavor."

"Oo nga no, yun din ang gusto nyong flavor sa cake."

"Um. Dun lang kami masaya eh. May problema ka?"

"Ito naman!"

"Hahaha... Char lang! Nga pala, yung si Cairo he seems familiar."

"Ehhh?"

"Um. Siguro dahil hawig sya kay kuya Kian nung binata pa si kuya."

"Talaga? I don't see the similarities."

"Paano di mo naman nakita si kuya nung binata sya."

"Well..."

"Wait, alam ko meron akong pic dine sa phone ko eh."

At hinanap nga ni Kelly ang pic ng kuya Kian nya doon sa gallery ng phone nya para maipakita kay Patrick.

"See, sabi ko sayo eh hawig eh kung wala lang ngayong salamin si kuya sa mata ay, nako! Para silang mag tatay."

"Teka lang! Don't tell me..."

"Anak sya ni kuya?"

"Di ah! Napakalayo naman nun isa pa di nga kakilala ni kuya Kian si Cairo eh."

"Ano ka ba? Di rin kilala ni kuya Kian si Jacob nung una niya itong makita kasi di nya naman alam na nagka anak sya kay ate Rica."

"Ay, oo nga no? Eh paano kung anak uli ni kuya Kian itong si Cairo?"

"Teka, hindi ba ang sabi mo anak sya ng may ari ng karenderia malapit sa bahay nila Dave?"

"Um. Pero sa pagkakaalam ko lola lang ni Cairo si Aling Nesy at ang anak talaga nito ang nanay nya."

"So, you mean yung si Aling Nesy lang ang kakilala mong nanay ni Cairo?"

"Oo, kasi nanay ang tawag nya sa lola nya eh yun nga si Aling Nesy."

"Eh yung tatay nya? Kilala mo?"

"Di ko rin alam eh pero kung si Dave ang tatanungin natin baka may malaman tayo."

"Okay sige, mag bayad na tayo ng mga pinamili natin tapos tawagan natin si Dave."

"Oo sige."

Makalipas ang ilan pang mga minuto,

Nasa floating bahay kubo nga itong sila Cairo at Jacob at masayang masaya nga itong si Jacob dahil first time nyang ma experience ang ganoon.

"Ang ganda po dito."

"Oo maganda talaga sa province."

"May province po kayo?"

"Wala laking Manila lang ako sa lola ko."

"Ohhh...Asan po ang parents nyo?"

"Nung bata ako lola ko na ang nag alaga sakin. Yung nanay ko kasi busy sya mag trabaho para buhayin ako. Wala kasi akong tatay."

"Po? Bakit asan po sya?"

"Ikaw, kamusta naman ang pakiramdam ng may tatay?"

"Ako po? Ahm... Masaya po, pero nung una malungkot po ako kasi laging sinasabi ni Mommy na wala akong daddy. Pero nung nalaman ko pong si daddy Kian ang dad ko ang saya ko po kasi ang bait at mapagmahal po sya. Yun nga lang po sobrang strict nya."

"Ohhh..."

"Ahm... Kayo po?"

"Ha? Ah... Di ko alam, ni minsan naman di ko naramdaman na magkaroon ng isang tatay."

Lumapit naman si Jacob kay Cairo na busy sa pag aayos ng fishing rod.

"Hmm?"

Niyakap bigla ni Jacob si Cairo.

"Wag ka na pong sad."

Cairo smiled "hehe... No worries ayos lang ako."

"Sabi ni tita Kelly lumaki syang ang tumatayong tatay niya ay sila daddy kaya ramdam ko po yung sadness nyo."

"Tsk! Ayos lang ako. Dapat laging maging grateful kahit di kumpleto ang pamilya. Isa pa, sanay naman na ako na ang lola ko ang kasama ko. Di naman ako malungkot pero siguro minsan oo pero ayos lang malaki na ko para maintindihan ang mga bagay-bagay."

"Sasabihin ko po kay mommy at daddy na amponin ka nalang po gusto po kitang maging kuya."

"Hahaha..."

Tumawa lang ng tumawa itong si Cairo na di na maintindihan ni Jacob.

"Ah... Eh... Bakit po?"

"Wala, ikaw lang kasi yung unang tao na nag sabi na gusto akong maging kuya. Samin kasi dahil wala akong tatay at yung nanay ko naman eh laging wala madalas akong binubully ng mga bata non at kahit isa sa kanila walang gustong makipaglaro sakin."

"Po? That's too harsh. Grabe naman po yung mga bully na yon."

"Pero ayos lang sakin kasi iniisip ko na mga bobo naman sila. Mga wala silang alam kung hindi ang mambully kaya yung mga ka edad ko non? Ah, napag iwanan ko na accelerated kasi ako. Kaya yung mga bully non ako na ang idol. Sila pa ang nalapit para mag pa tutor sakin."

"Talaga po? Eh ano pong ginawa nyo? Dapat di nyo sila tinuruan kasi mga bad sila."

"No, mali yung ganon. Dapat kapag may talino ka be proud. Turo kasi sakin ng lola ko na wag maging madamot sa kaalaman kung may alam ka ibahagi mo dahil sa huli masarap sa pakiramdam ang makatulong. Hindi naman porket mag nagawang masama sayo yung tao eh kailangan ganoon ka rin sa kaniya. Hindi maganda ang ganoong pag uugali. Dapat fair lang matuto tayong mag patawad kung ang Diyos nga nag papatawad ako pa kaya na isang ordinaryong mamayan lang?"

"Ang makata nyo naman po pero binully po nila kayo tapos tinulungan nyo pa po?"

"Um. Sabi kasi ng lola ko hindi masamang tumulong sa kapwa ang masama ang nanlalamang. May magandang balik naman kasi kapag may ginawa kang tama. Yung mga tinuruan ko tinulungan rin nila kami ng lola ko na makaubos ng mga lutong ulam namin sa karinderia. Doon sila madalas kumakain samin pati yung iba nilang friends sinabihan rin nil kaya araw-araw ubos ang mga paninda namin."

"Wow... Ang galing nyo naman po."

"Alam mo ang moral lesson don?"

"Ahm... Dapat makikinig kay lola para maging mabait na tao."

"Ah... Hehe... Oo, tama ka naman doon pero may isa pang pinaka moral lesson sa kwento ko."

"Hmmm? Ano po?"

"Na hindi lahat ng nagkamali ay wala ng karapatang maitama ang kanilang nagawang kamalian. At kailangan ng malawak na pag unawa para ang ending, maganda at hindi ka magsisisi sa naging desisyon mo."

Bab berikutnya