webnovel

Kabanata 387

Mga isang oras na ang nakalilipas,

"Mr. Johnsen, nasan si Kelly?" Tanong ni Patrick na sa wakas naka wala rin sa crowd dahil kung kani-kanino sya ipinakikilala ng lolo at magulang nya.

"Ahm... kanina po kasama sya ni Ma' Lady at ni Ms. Malia."

"So nasan nga sila?"

"Ah... Eh... hindi ko po alam Young Master. Sorry po, sabi n'yo po kasi kanina sundan ko lang kayo."

"Haysss... sinabi ko nga yon pero dapat alam mo parin kung nasan si Kelly!"

"Sorry po..."

"Hey guys!" Bungad ni Malia at May.

"Oh? Nasan si Kelly?" Tanong agad ni Patrick.

"Hmm? Ewan?" Sagot ni May.

"What the?! Hindi ba kasama n'yo daw s'ya kanina?"

"Oo kasama namin s'ya ni Ate May kaso nung sabi nya iihi lang s'ya akala namin pinuntahan ka."

"Oo nga kasi parang may sasabihin ata sayo."

"Ano? So nawawala si Kelly?"

"Hahanapin ko na po s'ya Young Master."

"Sige, hahanapin ko na rin s'ya para mabilis."

"We will find her din." Sabay sambit nila May at Malia.

"Sige, sige... mag hiwa-hiwalay muna tayo."

Pag alis naman nila Patrick at Mr. Johnsen hindi muna gumawa ng move sila May at Malia.

"Ayos lang ba yon ate? Bakit di natin sinabi sa kaniya kung nasan si Kelly."

"Hayaan mo si Patrick lets stick to the plan. Kilala ko si Patrick hindi sya titigil hangga't di nya nalalaman ang gustong sabihin sa kaniya ni Kelly."

"Pero, hindi ba wala naman sinabi si Kelly na ganon?"

"Oo, wala nga pero gusto kong ilabas ni Kelly kung anong magiging reaction nya kapag nagkita sila ni Patrick."

"Kelly is lucky kasi hey n'yo s'ya para kay Patty."

"Yeah. Kaya mamaya kapag nagkita na yung dalawa ulit eeksena ka naman kaya be prepare okay?"

"Yes ate."

"Good girl. Bukas na bukas may new phone ka na."

"Thankies ate."

"Welcome couz."

Sa mag kaparehong oras naman nakaupo sa isang bench si Kelly at mag iniinom na iced tea.

"Gusto ko ng umuwi ang tagal naman nila ate May at Malia."

Iniwan nila May at Malia si Kelly sa isang part ng garden na hindi masyadong matao.

"Hi, can I sit here?"

"Jelseen?"

"Ms. Kelly!"

"Hala ikaw nga!"

"Dito po pala yung party na pupuntahan nyo?"

"Um. Invited ka rin pala sa birthday part ni Mr. Pacheco?"

"Ah... Eh... Lolo ko po kasi sya."

"Ehhhh?"

"Um. I will introduce myself po ulit my name is Jelson Prince Pacheco Baez."

"Wow! Isa ka nga pala talagang Pacheco."

"Hehe... Ahm... ikaw po? Paano n'yo po nakilala si Gramps?"

"Ah... loyal customer kasi sa café namin si Mr. Pacheco tapos na gustuhan nya ang mga pastries namin kaya yun nakipag partnership s'ya samin. Kaya I'm here. Hehe."

"Ohhh... the pastries that our mom always make chika to us."

"Ha?"

"Ah... did my gramps introduce my Mom to you?"

"Hmm? May ipinakilala sila sakin pero hindi ko alam kung sino sa mga yon ang Mom mo. Sorry he... he..."

"Oh, my mom's name is Malou the youngest daughter of gramps."

"Ahhh... Yes I know her na she so very polite and maganda siguro s'ya minsan ang model mo no? Ang tangkad nya parang model ikaw siguro ang stylist nya no? Ang bongga kasi eh."

"Hehe... hindi naman our family has a glam team."

"Syempre yayamanin nga pala ang mga ito." Pabulong na sambit ni Kelly.

"Ano po yon?"

"Ah, ang sabi ko model ba si Ma'am Malou."

"Ah... opo dating model si Mom pero retired na po siya."

"Ohhh... What about you? Model ka rin? Sayang naman kung hindi ang tangkad mo rin."

"Ah... sideline lang po mas into photograpy and stylist po kasi ako bilang yun po ang course ko."

"Ahh... nga naman pero teka nga ilang taon ka na ba? Di kasi ako sanay na may nangungupo sakin tapos mas matangkad ka pa sakin."

"Ah. Hehe... 25 na ko."

"Eh? 25 ka na?!"

"Um. Di ba halata?"

"Ah... hindi naman sa ganun pero 2years lang ang tanda ko sayo kaya wag mo na ko i-ho o i-po ah lakas makatanda wagas. Hahaha..."

"Hehe... sige, sige."

"Nga pala, bakit student ka pa din kung 25 ka na?"

"Alam mo di lang ikaw ang nag tanong nyan sakin. Pero isa lang parati ang sinasagot ko "hindi ko pa kasi alam ang gusto ko sa buhay" kaya parati akong nag papalit ng course pero ngayon last na ito nag eenjoy na kasi akong maging fashion designer at photographer at the same time."

"Ohhh... galing naman."

"Heh... ngayon ko lang narinig na may nag praise sakin."

"Hmm? Bakit naman its your choice naman eh sabi nga di ba kung ano ang nasa puso mo sundin mo. Kaya hanga ako sayo kasi nag eenjoy ka sa ginagawa mo.

Jelseen smiled at nakita yun ni Patrick na kanina pa pala nakamasid.

"Young Master!"

"Shhh!"

"So— Sorry po. Ah! Ayun po si Ms. Kelly pero sino po yung kausap nya? Mukhang ang saya po nila."

"Si Jelson pinsan ko s'ya anak s'ya ni Auntie Malou."

"Eh? Kapatid po s'ya ni Ms. Malia?"

"Oo s'ya ang bunsong kapatid ni Malia."

"Ah! Sabi ko na nga ba nakita ko na s'ya Young Master."

"Si Jelson? Hindi s'ya madalas lumabas ng bahay."

"Pero s'ya po yung kumuha kay Ms. Kelly na maging model nya para sa project nung nakaraan po sa mall."

"Yung pinagkakaguluhan ng staff?"

"Opo di n'yo po ba napansin?"

Inalala ni Patrick yung pangyayare...

"Young Master, bakit hindi po kayo lumapit?"

"Hindi na mukhang okay naman na sya."

"Po?"

"PATTY!!" Sigaw naman ni Malia at sa sigaw nyang yon napalingon si Kelly at Jelson.

Napa facepalm naman si Patrick.

"Anong ginagaw anyo dito ni Mr. Johnsen?" Dagdag pa ni Malia at napatingin kila Kelly "eh? Bakit kasama ni Jelseen si Kelly?" Then she wave her hand para tawagin yung dalawa.

At nung nakita ni Patrick na papalapit na sa kanila sila Kelly nag balak na siyang umalis.

"Where are you going?" Sambit ni Malia na hinawakan ang braso ni Patrick.

"Ah... Ano kasi nalimutan ko pinapatawag ako ni Mom and dad di ba, Mr. Johnsen?"

"Po? Parang hindi..." Sumenyas sa kaniya si Patrick. "... Opo pinapatawag po s'ya nila Madam."

"Mamaya na! Akong bahala." Sambit ni Malia then she pulled Patrick to close to her.

Habang papalapit naman sila Kelly at Jelseen...

"Tsss! Napaka babaero nya talaga." Pabulong bulong na sambit ni Kelly.

"Is there something wrong?"

"Wa— Wala... He... He..."

At sa isip-isip naman ni Patrick "kailan pa naging close si Jelson sa mga babae? At kay Kelly pa? This must be wrong!"

"Patty!"

"Ha?"

"Kelly is here."

"Oh... Oo." He stared at Kelly pero umiwas ito sa kaniya.

"Long time nosy bro." Sabi ni Jelseen kay Patrick.

"Sup, how's everything? Magkakilala pala kayo ni Kelly?"

"Oo nga, sya ba yung nililigawan mo?"

"Ha? Hi— Hinde!" He turn immediately to Kelly "don't listen to her nag jojoke lang si Malia."

"It's okay I understand." Sagot ni Kelly at ngumiti.

Sa pag ngiti ni Kelly parang kinilig naman si Jelseen kaya pati s'ya napangiti.

Sa isip-isip naman ni Patrick "kalma lang Patrick... pinsan mo si Jelson hindi s'ya kalaban. Pero bakit s'ya nginingitian ni Kelly ng gano'n?!!"

Bumulong naman si Malia kay Patrick "bagay sila no?"

"Tsss! No way!"

"Hmm? Anong no way?" Sabi ni Jelseen.

"Wala... lets go nagugutom ako kumain tayo. Mr. Johnsen come with us wag kang parating nakatulala." Sambit ni Malia

"Yes Miss."

Binitawan naman ni Malia si Patrick at si Mr. Johnsen ang hinila.

"Sumunod kayo ha?!" Sabi ni Malia kila Patrick.

At nung nawala yung dalawa nagkahiyaan naman yung tatlo nila Kelly.

"Ahem! Tara?" Sabi ni Jelseen kay Kelly.

"Um."

Nauna naman yung dalawa na para bang hindi nila kilala si Patrick.

"Huh! Ako pa ngayon ang naiwan. Bwiset!"

Habang naglalakad naman sila Kelly at Jelseen...

"Oh? Kaklase mo nung college si Patrick? Business course ka rin?"

"Nope. BSIT ang course namin."

"Eh? Computer course?"

"Um. Bakit?"

"Eh... kasi sa pamilya namin kailangan business related ang course. I didn't know na gaya ko di rin pala sinunod ni Patrick ang utos ng parents nya."

"Bakit batas na yon?"

"Hindi naman pero kasi kapag lalaki kang ipinanganak sa pamilya namin kailangan mag aaral ka ng pag nenegosyo dahil someday ikaw ang magpapatuloy ng sinimulan ng mga elders."

"Oh? Grabe naman wala ka ng say kung ayaw mo?"

"Well, ganun siguro talaga kapag negosyante ang mga ninuno mo."

Napalingon naman si Kelly sa likuran at nakita nyang nakatingin sa kaniya si Patrick.

"Cough! Jelseen, una ka na may kailangan lang akong gawin."

"Ha?"

At iniwan na nga ni Kelly si Jelseen.

Sumimple ng bulong si Kelly kay Patrick "sumunod ka sakin wag mong pahalata sa pinsan mo."

At di nga sumunod agad si Patrick para hindi makahalata si Jelseen.

"Kelly!!!"

"May problema?"

"Sabi kasi nya may kailangan syang gawin."

"Oh... sige mauna ka na hayaan mo na muna sya baka urgent eh."

"Siguro... Eh ikaw di ka pa kakain?"

"Puntahan ko na muna sila mommy pinapatawag nila ko kanina eh."

"Sure ka?"

"Oo naman di pa naman ako gutom eh. Sige ha, bye." Then he left.

"Te—Teka lang..."

Hinanap naman agad ni Patrick si Kelly.

"Tsk. San naman ka sya nag punta?"

Ring... Ring...

"Si Kelly?"

Sinagot naman agad ni Patrick yung tawag ni Kelly.

Kelly: Ano na? Nasan ka na?

Patrick: Hinahanap nga kita ang bilis mo naman kasi nawala ka agad.

Kelly: Mabagal ka lang. Andito ako sa may little bridge pag wala ka pa with in 5minutes wag na tayong mag usap.

Pero hindi naman na sumasagot si Patrick.

"Hoy! Hello? Patrick! Andyan ka pa ba? Hello?!"

"I'm here."

"Hmm? Bakit parang ang lapit nya lang?"

"Dahil nasa likuran mo na ko."

Pag lingon ni Kelly pinicturan s'ya ni Patrick.

"Hoy!!! Burahin mo yan!"

"Ayoko... buburahin ko lang ito pag sinabi mo ang totoo."

"Anong totoo? Baliw ka! Burahin mo yan!"

"Bakit ba? Ang ganda-ganda mo souvenir ko na to."

Namula namang bigla si Kelly sa sinabing iyon sa kaniya ni Patrick.

"Tell me, nanliligaw sayo si Jelson?"

"Ano?! Syempre hinde! Mas bata sya sakin di ko type ang gaya nya."

"So, pwede ba akong mag apply?"

"Sapak gusto mo?"

"Pffft... hahaha... hindi ka parin talaga nag babago. Anyways, anong sasabihin mo?"

"Ahm... Ano... Kasi... Ano..."

"Kung hindi ko kayang sabihin wag mong pilitin ang sarili mo."

"SORRY!"

"Hmm? Why are you..."

"Basta sorry! Wag mo ng tanungin kung bakit kung ayaw mong magalit ako sayo!"

"Heh! Ikaw bahala, pero kung ano pa man yan apology accepted. Malakas ka sakin eh." Then he wink.

Nahiya namang bigla si Kelly.

"Ahm... tara?"

"San?"

Hinawakan ni Patrick ang kamay ni Kelly.

"Alam kong hindi ka sanay sa maraming tao kaya akong bahala sayo. Okay lang?"

"Um."

Bab berikutnya