Sa kasalukuyan,
"Aba, buti naman at nakauwi na kayo." Ang bungad ni Kim na nag bukas ng pinto.
"Ehe...sorry kuya Kim medyo nagka kwentuhan pa kasi kaming mag kakaibigan nag punta rin kasi sa mall sila Mimay, Harvey at Dave eh kaya ayon..." Sabi ni Vince agad dahil alam nyang bad mood si Kelly na dumiresto na nga agad sa kwarto nya.
"Bunso!" Pag tawag ni Keith pero hindi sya pinansin ni Kelly.
"Sorry kuya Keith, medyo na pagod na si Kelly eh hayaan na muna natin makapag pahinga. Wala po sa mood eh dumating po kasi si Aunt Flo."
"Aunt Flo?" Sabay sambit nila Kim at Keith.
"Period ang ibig sabihin nun." Bungad naman ni Rica na kasama si Jacob
"Period?!" Sabay na sambit uli nila Kim at Keith na feeling shocked.
"Hayssss... wala talaga kayong alam saming mga babae. Sige na ako ng bahala kay baby sis ayusin nyo na ang hapagkainan!"
"O-- Oo ate." Sagot naman nung dalawa at hinila na rin nila si Vince.
"Sa-- Sandali lang mga kuy's..."
Kinausap naman ni Rica si Jacob dahil gusto nitong makipag laro sa tita Kelly nya.
"Yes baby, mainit ang ulo at wala sa mood ang tita Kelly mo ngayon kaya hindi na muna sya makikipag laro sayo."
"May sakit po ba sya?"
"Ahm... parang ganun na nga kaya sige tumulong ka na sa mga uncle at daddy mo para makakain na tayo nagugutom na kami ng kapatid mo."
"Ay, opo mommy."
Pumunta nga si Rica sa kwarto ni Kelly para kamustahin ang pakiramdam nito.
"Baby sis, si ate Rica ito. Pwede ba tayong mag usap? Kakamustahin lang sana kita at may sasabihin rin kasi ako sayo."
Lambot na lambot naman si Kelly na binuksan ang pintuan nya.
"Baby sis!"
Inalalayan agad ni Rica si Kelly at naupo sila sa kama.
"Sorry ate medyo groggy po ako eh. Ang sakit po kasi ng puson ko."
"Oh, oo ramdam kita babae rin ako at talagang nightmare satin kapag may period tayo. Gusto mo bang ikuha kita ng gamot? May gamot ako dun sa bahay eh."
"Ayos lang ate uminom na ko ng gamot ko. Di pa lang natalab eh."
"Eh kung ikuha kita ng hot compress?"
"Sige please ate meron po ako dyan sa medicine cabinet ko."
"Okay, mahiga ka na muna ako ng bahala."
At ng makita ni Rica ang electric na hot compress sinaksak nya ito agad.
"Hintayin na muna natin uminit ha? Relax ka lang."
"Opo ate."
Napansin naman ni Rica na ang linis ng kwarto ni Kelly at may mga stock rin ito ng pagkain at may mini ref pa.
"Pffft..."
"Ate?"
"Ay, sorry naisip ko lang kaya pala parating gusto ni Jacob na pupunta sa kwarto mo kasi ang dami mong stock ng pagkain dito."
"Ahh... yan po ba? Nako, sila kuya po ang nag lagay ng mga yan madalas di ko naman po nakakain tambak lang ng tambak sila kuya."
"Ohh... sila kuya mo rin ba ang bumibili ng stock mo sa pads? Nasilip ko kasi dun sa tabi ng medicine cabinet mo."
"Ahh... si kuya Kevin lang po ang nabili pero parating nag bibilin sila kuya Kian na ibili ako ng girl needs ko. They're all considerate po."
"Yeah... kaya talagang strict sila sayo no?" Lumapit sya kay Kelly at inilagay yung hot compress sa puson nito at naupo rin sya sa tabi nito.
"Thanks ate. Pero about po dun sa strict sila?Sobra po as in wagas feeling ko nga tatanda na po akong dalaga. Hehe..."
"Over protective lang sila sayo lalo si Kian no?"
"Opo para po kasi syang tatay samin nila kuya Kevin eh."
"Oo ramdam ko naman yun na father figure sya sa inyong mag kakapatid. Kaya panatag rin ako na aalagaan nya ang mga anak namin."
"Hmmm? Mga anak po?"
"Oo baby sis, magkakaroon na ng kapatid si Jacob. I'm 3weeks pregnant magiging tita ka na uli."
Bumangon agad si Kelly sa gulat nya "Ehhhh??? Bu-- Buntis ka ate?"
Rica smiled "oo bunso, at ang kuya Kian mo ang ama for the second time. He... He..."
"Ah... Eh... Ahm...alam po ba ito ni kuya Kian?"
"Um. Sinabi ko sa kaniya pero..."
"Bakit po? Anong sabi ni kuya? Hindi na naman nya kayo panindigan? Baliw talaga yon. Sandali nga!" Tatayo na sana sya pero pinigilan sya ni Rica. "No ate, kailangan masapak ko yang si kuya eh para magising sa kahibangan nya."
"Bunso, kalma. Manang mana ka nga sa kuya mo ang bilis mag judge kahit di pa alam ang totoong kwento."
"So-- Sorry po ate."
Rica patted Kelly's head "no worries I understand you gawa nung nakaraan namin ni Jacob pero wag kang mag alala di ko itatakas ang batang ito. Hehe..."
"Pero... bakit parang malungkot po kayo?"
"Ah...kasi..."
"Kasi?"
"Ahm... ano kasi... naiinis ako sa kuya mo."
"Ohhh... parang alam ko na po. Gusto nyo pong maging buo na kayo bilang pamilya? Kaso parang ayaw pa po ni kuya? Yun po ba?"
"Ah... Ano kasi bunso..."
"Wag kayong mag alala kilala ko si kuya Kian gagawin nya ang tama."
"Hmmm?"
Knock... Knock...
"Mommy, tita Kelly..."
"Oh, si Jacob baka po kakain na siguro."
"Sige kaya mo bang bumaba? O, gusto mo dine nalang kumain?"
"Ah, okay lang po sure nasa labas ng kwarto sila kuya."
"Eh?""
At pag bukas nga ni Rica ng pintuan bumungad sa kanya ang mga kuya nito na may mga dalang pagkain kasama na rin si Jacob na may dalang mga baso at si Vince naman ang may dala ng pitsel na may lamang juice pati na rin ang mga utensils na nakalagay sa isang tray.
"EHHHHH????!!!"
***
Na kwento naman ni Patrick kay Dave ang nangyari sa kanila ni Kelly kanina.
Pero bago pa man mag kasama sila Dave at Patrick sa isang bar...
"Oh? Andito ka parin? Nasan sila Mimay?" Sambit ni Patrick na sumulpot bigla sa likuran ni Dave na nakasakay na noon sa motor nya.
"Eh? Ikaw bakit andito ka? Saan ka???" Napalingon sya sa likuran nya dahil tinignan nya kung saan nakasakay si Patrick at nakita nyang sports car ang sinasakyan nito. "What the? Dude! Yung kotse mo! La-- Lamborghini???"
"Ahhh, bigay sakin ni daddy nung dumating kami ni ate dito sa Pinas."
Isang white na lamborghini ang kotse ni Patrick kaya naman napababa si Dave sa motor nya para kilatisin ito na kulang nalang halikan iyon.
"Anong ginagawa mo? Umalis ka nga dyan! Baka mamaya may makakita pa sayo kain na babaliw ka na."
"Pero dude grabe!!! Napaka angas mo talaga ganitong kotse ang gusto ko eh baka naman pwedeng maki hitch?"
"Eh paano ang motor mo?"
"Dude, ikaw ng bahala sainyo naman ang mall na ito pabatid mo samin."
Patrick sighed "sige, pero samahan mo ko."
"G! Kahit san, pero sana dun sa may alak."
"Yah..."
At doon na nga sila humantong sa isang bar at unti-unti na ngang nagkakaroon ng amats ireng si Dave.
"Mahal ko parin si Mimay... pero hindi nya ko maintindihan..." Sambit ni Dave na para bang naiiyak na habang may hawak pang beer habang nag dadrama.
"Dude, tama na lasing ka na."
Inistraight naman ni Dave yung laman ng beer nya "dude, hindi pa ko lasing uminom pa tayo! Broken hearted tayo kaya uminom lang tayo!!! Waiter, isanng bucket pa."
"Yes Sir."
Pero biglang nawalan na ng malay si Dave.
"Hayyy... waiter yung bill?"
"Sige po Sir."
Habang nag iintay sa bill nila...
"Mr. Johnsen!"
Lumabas naman si Mr. Johnsen na nasa isang table lang.
Lumapit naman agad si Johnsen kay Patrick na kabado dahil di nya akalain na mabubuko sya nito "Yo-- Young Master?"
"Who told you to follow me?"
"Ahm... Ang... Ang ate nyo po si Ma'lady May."
Patrick made a facepalm "I knew it, sabihin mo ayos lang ako."
"Opo young master wag po sana kayo magalit kay Ma'lady nag aalala lang po sya sa inyo."
"Yah... anyways, ihatid mo na si Dave sa kanila may dala kang kotse, right?"
"Opo, pero paano po kayo? Kaya nyo po bang mag drive?"
"Oo, hindi naman ako lasing kaya ko."
"Pero young master..."
Tumayo naman na si Patrick at nag iwan na ng bayad dun sa table.
"I'm off, ikaw ng bahala kay Dave."
"Young master!"
Hindi naman na nilingon ni Patrick si Johnsen at nag wave lang.
"Hayyysss... ako ang mapapagalitan ni Ma' lady eh. Si young master talaga!!!"
"."
Naisipan ni Patrick na dumaan sa bahay nila Kelly pero hindi sya bumaba sa kotse nya at naka parada lang sya sa malapit.
"Ge na, bumalik ka na sa loob baka malamigan ka. Ako pa ang sisihin nila kuya Kian." Sabi ni Vince kay Kelly na pauwi na at di nila alam na pinagmamasdan sila ni Patrick sa loob ng kotse nito.
"Eh paano si kuya Ethan? Kanina daw andine yun."
"Ah... Oo, dadaanan ko nalang sya sa police station may urgent work kasi kaya yon..."
"Ohhh...may pasalubong ka naman saknila ni ate Alice kaya sige na."
"Oo sige. Alis na ko at pumasok ka na."
"Um. Ingat."
Papasok na sana si Vince sa kotse nya at bigla syang may napansin nung inaayos nya yungg side view mirror nya at ito na nga ang kotse ni Patrick.
"Pis? May problema?"
"Ha? Wa-- Wala... sige na mauna ka ng pumasok."
"Okie, ingat chat mo ko pag andun ka na sa inyo send mo sakin yung bago mong anti virus."
"Oo sige na."
"Gege."
Pagka pasok na pagka pasok ni Kelly sa loob lumapit agad si Vince sa kotse ni Patrick.
Knock... Knock...
At ibinaba naman ni Patrick yung salamin ng bintana ng kotse nya.
"Huh! Sabi na, ikaw yan."
"Pre..."
Napahawak naman sa ilong nya itong si Vince dahil na amoy nya yung alak sa hininga ni Patrick. "Anak ng! Uminom ka ba?"
"Ah... Oo pero hindi ako lasing at wala akong balak na magpakita kay Kelly."
Vince sighed "oh, eh bakit ka nandito? Kapag nakita ka ng mga kuya ni Kelly baka di ka na maka pag drive! Umuwi ka na."
"Ahm... si Kelly, ayos lang ba sya? Bakit parang ang putla nya? Masakit ba ang puson nya? Uminom na ba sya ng gamot?"
"Hep! Ang dami mong tanong. Oo ayos lang sya, well kanina oo masama ang pakiramdam nya pero naging okay rin naman kasi masaya sila."
"Hmmm?"
"Alam mo, umuwi ka na baka lumabas pa sila kuya Kian. Ge na uuwi na ko."
Papaalis na sana si Vince "pre sandali lang."
"Ano na naman?!"
"Pwede ko bang makuha ang number ni Kelly? Wag kang mag alala di ko sya kukulitin gusto ko lang humingi ng tawad sa kaniya."
"Tsk! Siya sige na ng makauwi na ko. Ang dami mong kuda."
"Hehe... salamat pre."
***
Mag 10am na pero di pa nagigising si Kelly kaya nag alala na ang mga kuya nya dahil kahit Linggo naman eh maaga magising ito dahil parating busy ito sa trabaho.
Knock... Knock...
"Bunso, kami ito mga kuya mo. Buksan mo ang pinto. Tanghali na, ayos ka lang ba?" Ang nag aalang sambit ni Kian.
"Buksan na kaya natin?" Sabi ni Kim.
"Eto ang duplicate key buksan na natin baka kung ano ng nangyare dun." Opinyon naman ni Keith.
"Mga kuy's kumalma kayo. Remember may period si Kelly kaya normal lang na masama ang maging pakiramdam nya." Sabi ni Kevin tapos nag bukas na ng pinto si Kelly
"Morning mga kuy's." Sambit ni Kelly na antok na antok pa.
"Oh? Ayos ka lang ba? Gusto mo bang dalhin ka na namin sa hospital?" Sabi ni Kian.
"Ayos lang ako kuya wag kayong mag alala na puyat lang ako."
"Sabi naman kasing matulog ka agad."
"Ahh... kasi kala ko may reserve pa kong chapter sa novel ko nung chineck ko wala pala eh kailangan kong mag daily update kung hindi di ako makaka sweldo ngayong buwan sayang naman ang dami kong purchases ng chapter."
Her brother sighed at the same time "sya sige na bumalik ka na uli sa tulog. Pero kumain ka na muna kaya?"
"Oo nga baby sis para maka inom ka na rin ng vitamins mo." Sabi ni Kevin.
"Pero kung gusto mo dalhan ka nalang namin dito ng breakie mo." Sabi naman ni Keith.
"Di na kuya, wala pa ko sa mood kumain inaantok pa ko. Mamaya nalang ako iinom ng vitamins ko. Byieee...."
At sinarado na nga ni Kelly ang pintuan ng kwarto nya.
"Sa tingin nyo okay lang talaga sya?" Sabi ni Kim.
"Wala naman tayong choice bad mood sya isang linggo dahil sa period nya kaya pag pinilit natin sya na kumain baka mag wala yun sa galit. Lam nyo naman yun ang bilia uminit ng ulo kahit walang period." Opinyon naman ni Kevin at sumangayon naman ang mga kuya nya.
"Sya sige na ipagluto nalang natin sya ng lugaw umorder na rin tayo ng paborito nyang eggpie." Sabi ni Kian.
"Kami nalang ni kuya Keith ang bibili mag groceries kasi kami." Sagot ni Kevin.
"Ah oo nga pala, nalimutan ko na yon. Oo kuya kami na ni Kevin ang bibili ng eggpie na favorite ni Bunso."
"Alright, kami nalang bahala ni Kim sa lugaw ni Kelly."
Ang hindi alam nila Kian nakikinig sa likod ng pinto si Kelly.
"Haysss... kahit kailan talaga they treat me like a kid." At bumalik na sya sa kama at nahiga para matulog sanang muli pero biglang nag ring ang phone nya.
"Eh? Unknown number?"
Sinagot nya parin yung natawag dahil curious sya kung sino ito.
Kelly: He-- Hello?
Unknown person: Kelly?
Kelly: Opo? Sino sila?
Unknown person: It' s me...
Sa isip-isip ni Kelly "parang familiar nga yung boses nya."
Unknown person: Kelly? Are you there?
Kelly: Wait, by any chance...
Unknown person: Yes, its me Patrick.
Kelly smirked "I knew it! San mo nakuha ang number ko?!"
Patrick: Not important, kamusta ka na?
Kelly: Paki mo? Bye!
Patrick: Wa-- Wait lang! Promise hindi na ko tatawag uli de-delete ko na ang number mo agad pakinggan mo lang ako.
Kelly: Whatever!
Kelly off her phone "huh! Kapal nya na tawagan ako."
Bigla namang may tumawag sa kaniya sa messenger. Kaya kinuha niya yung tablet nya.
"Si Vince?"
At sinagot nya ngang agad ang video call nito.
Kelly: Oh? Napatawag ka?
Vince: Bakit di mo sinasagot?
Kelly: Ha? Kagigising ko lang kasi kanina ka pa ba natawag?
Vince: Oo! Dahil trending ka!
Kelly: Ano? Ako? At bakit?
Naalala naman nya yung mga nangyari kahapon.
Vince: Sabi na di ka na naman updated. Tignan mo yung sinend ko sayo.
Kelly: O-- Okay.
Habang ka vc nya nga si Vince tinignan nya yung sinend sa kaniya nito.
Kelly: Ano ito? Ako ba yung tinutukoy sa blind item?
Vince: Oo ere may isesend pa akong pic.
At nakita nga ni Kelly yung picture na sinend sa kanya ni Vince.
Vince: Buti nalang blured ang mukha mo dyan pero yung sa article parang ikaw talaga yung tinutukoy. Tignan mo naman isang babae na ex noon ni Patrick nag babalik dahil may naging anak sila. Wagas!
Kelly: Bwiset!
Vince: At sinabi pa sa article yung milktea shop mo.
Kelly: Ano?!
Vince: Pero wag mag alala may nag bura na ng aticle na yan pero yung pic trending pa rin sa twitter #Who'sTheLuckyGirl meron pa nga #Patrick'sEx kaha ngayon ang daming nag piprisinta na babae na ex daw sila ni Patrick pero di ba ikaw lang naman ang naging ex nya?
Kelly: Heh! Sige na may kakausapin lang ako.
Sa pagkakataong ito si Kelly na ang tumawag kay Patrick at magkikita sila sa isang café para pag usapan ang issue.
"Eh? Bakit ganyan ang suot mo? Muslim ka na ba ngayon?" Sabi ni Patrick kay Kelly dahil naka hijab na mata lang ang kita.
"Wala kang pake! Nag punta ko dine para tapusin ang lahat ng satin. Kaya ayusin mo yung issue satin! Kapag di mo inayos yun ako mismo ang sisira sa pangalan mo!!!"
"Kaya mo?" Tinitigan nya si Kelly ng seryoso.
Umiwas naman si Kelly sa tingin ni Patrick "o-- of course! Sino ka ba sa akala mo?!"
"Kung papipiliin ka between samin ni Dave sino ang ililigtas mo kapag nagkaroon ng zombie apocalypse."
"Ano?!"
"Just answer it dahil dyan nakasalalay ang pag delete ko ng news about satin."
"Hayssss!!! Bwiset ka talaga! Fine, I will save you."
"Re-- Really?"
"Oo ikaw, mayaman ka kaya marami kang pwedeng gawin para mailigtas si Dave at yung iba pa. Tsaka, bakit ba ako ang magliligtas? Eh, ikaw itong maraming tauhan sila ang utusan mo! Wag kang epal!"
"Pfft...HAHAHAHAHA..."
"At anong nakakatawa?!"
"Wala naman, pero naalala ko lang kung paano ako na in love sayo."
"Ba-- Baliw!!!"
Eiii... Kilig yarn? Happy Valentines EveryJuan sana na enjoy nyo ang pagbabasa.♡☆♡
.
.
.
Don't forget to read my other Tagalog novels.
• Chasing Her Smile
• Pride of FRIENSHIP