webnovel

Kabanata 354

Sinabi ni Kelly sa mga kuya nya ang nalalaman nya at sabay-sabay rin nilang binasa ang result ng DNA na ipinagawa ni Kelly at talagang na nagulantang ang Dela Cruz siblings sa nalaman nila.

"So… uncle Kallix is…" Ang hindi naman makapaniwalang sambit ni Patrick.

Nakaupo ang lahat sa sofa ng sala ng Santos Residence at para bang may dumaang dilubyo sa harapan nila Kelly dahil sa nalaman nilang rebelasyon.

"Ring…Ring…" May biglang tumawag sa telepono at si Wena ang sumagot.

"Hello? Santos Residence, ano pong kailangan nila?" Ang sabi ni Wena pagkasagot nya ng telepono at nakausap nya roon si Keilla kaya dali-dali nyang ibinigay ang telepono kay Kelly.

"Si Mama?"

"Opo Madam si Ma'am Keilla po ang nasa telepono."

"Ako na, ako na ang kakausap." Ang sabi ni Kian.

"Ayos lang kuya ako na."

"Sigurado ka ba? Ayos ka lang?"

"Um."

At lumayo ng kaunti si Kelly para makipag usap sa Mama Keilla nila.

"This can't be happening! Paanong si uncle… eh si…" Ang nagtataka at hindi makapaniwalang sambit naman ni Jules na hindi na natapos ang sinasabi dahil biglang nag salita si Keith.

"DNA Test yan at kay Kelly at kay…ano galing yan kaya paanong hindi yan totoo?" Ani Keith.

"Oo nga kuya pero paano nga nangyare yon? Ang tagal ng panahon tapos ngayon lang sya lalabas? Anong meron at bakit sya nag tago?!" Ang naiinis namang sambit ni Julian.

"Hindi natin alam baka may dahilan sya kung bakit? Sa ngayon mabuting tayo mismo ang mag imbestiga. Right kuy's?"

Napatingin naman kay Keith si Kian at Kim at sabay nilang sinabi "oo."

"Kuya, bakit hindi ka mag salita?" Ang tanong ni Julian kay Kevin na nakatulala parin at walang kibo.

"Ha? Ano yon?"

"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa nakatulala."

"May naisip lang ako ng mabasa ko yang DNA result nila Kelly at ni uncle Kallix."

Napatingin naman ang lahat kay Kevin at sinabing "ano yon?"

"Kuya Kian naalala mo yung panahong ililibing na si daddy?"

"Hmm? Bakit?"

"May lalaking na sagasaan ng truck ng papunta na tayo ng simenteryo."

"Ohh… Oo naalala ko yun kasi na late na tayo nun na una pa nga yung mga taong makikilibing satin." Ang sabi naman ni Keith.

"Sorry, pero hindi namin maintindihan ni Julian."

"Umuulan ng malakas nung libing ni daddy kaya nag dulot ng madulas na daan sa hindi kalayuan sa kabilang kalsada lang may dumaang truck at nasagasaan yung lalaki at kitang kita namin ang naging aksidente kaya nag dulot rin iyon ng trauma kay Kevin dahil sya yung nasa harapan ng bintana ng sasakyan namin. Kung saan kitang kita nya ang mga naganap sa duguang lalaki." Ang sabi ni Kian.

Napatingin naman yung kambal kay Kevin "matagal ng panahon yun kuya at matagal ko na ring kinalimutan."

"Kaya ba hindi ka na uupo sa may window side? At mas gusto mo nalang mag motor? Tama ba ako kuya?" Ang sabi naman ni Patrick.

"Sabihin na nating ganun pero matagal na yon at bakit mo biglang naalala Kevin?" Ang sabi naman ni Kim.

Nakatungo lang at para bang nanginginig pa si Kevin ng sya'y sumagot "ngayon ko lang naalala yung mukha nung lalaking na sagasaan…"

"Kuya… kumalma ka muna." Ang sabi naman ni Julian.

"No, I'm okay."

Bumalik naman na si Kelly at humarap sa mga kuya nya pati na rin kay Patrick "kamukha ni daddy yung lalaking nasagasaan."

"Ano???" Anila maliban kay Kevin.

"Ke—Kelly…" Ang na uutal at nagulat na sambit ni Kevin.

"Oo kuya kung maaalala mo ako yung katabi mo sa van."

"So… hindi ka pala tulog non?"

"Hinde, paano ko makakatulog kung ang iingay ng busina ng sasakyan sa labas sila kuya Kian nag papanic na non kasi naulan at traffic pa yung mga nakilibing kay daddy ay naroon na sa seminteryo. Kaya imbes na malungkot sila pati na si Mama hawak nila ang mga phone nila at tinatawagan ang mga kakilala na nakikiramay at humihingi ng pasensya dahil ang tagal natin."

"But were not intended na malate talaga ng oras na yon sadyang hindi lang natin alam ang shortcut kaya na late tayo." Ang sabi ni Keith.

"Then in the end of the day kayo lang pala ni kuya Kevin ang nag focus dun sa lalaking nasagasaan ng truck na kamukha ni daddy?" Ang tanong ni Patrick.

"Um. Sa katunayan may malay yung lalaki bago sya kinuha ng ambulance nakita ko yung direction ng mga tingin nya dun sa van na sinasakyan namin and for some reason kahit na naulan nun kitang kita ko sa mga mata nya na naiyak sya." Ang sabi naman ni Kevin.

"Nani?" Ang sambit naman ni Jules.

"Sandali lang kung nakita nyong dalawa yung lalaking nasagasaan na kamukha ni daddy so ang ibig nyo bang sabihin yung Uncle Kallix na nag pakilala sating nireng nakaraang mga araw yun yung lalaking na sagasaan matagal na panahon na ang nakaraan?" Ang sabi naman ni Kim.

"At kung sya nga yon tapos ang lumabas sa DNA results eh sya ang biological father natin that means ang totoong namatay noon ay hindi si daddy kung hindi si Uncle Kallix talaga?" Ang opinion naman ni Keith.

***

Noong gabi ring iyon hindi na umuwi ang mga kuya ni Kelly at doon na rin natulog sa Santos Residence at kinabukasan patuloy silang nag saliksik pa tungkol sa totoong pagkatao ng nag pakilalang Uncle Kallix nila.

Sa bahay nila Dave…

"Weh? Totoo ba yan? Paano namang na buhay ang matagal ng namatay?" Ang sabi naman ni Mimay habang kausap si Dave na nag aayos na ng susuotin nito para sa trabaho.

Isinuot naman ni Dave ang white na long sleeve nya at patuloy na kinakausap si Mimay "ay, kung ayaw mong maniwala ikaw ang mag tanong kay Kelly."

Binato naman ni Mimay si Dave ng medyas "kahit kailan shunga ka eh."

"Ano na naman?!"

"Alam mo ngang shocking yung ganung news eh gusto mo maki chismis akong agad sa kaniya? Ulaga ka rin eh!"

"Ang akin lang baka kailangan ni Kelly ng helping hand."

"Ungas! Syempre alam ko yon pero ayoko namang ako ang mag open up sa kaniya baka sabihin naman eh napaka ano kong kaibigan."

"Ayos lang yon matagal naman na tayong kaibigan nila Patrick kaya di na yon big deal."

"Heh! Bahala ka sa buhay mo. Bilisan mo na nga dyan at baka malate ka."

"Oo ere na nga."

"Nga pala, saan mo naman nalaman yung ganung chismis? Wag mong sabihin kay Patrick yon kilala ko yun hindi yun chismoso at hindi rin mahilig mag open up ng problema kaya nga bagay sila ni Kelly eh."

"Sus…kala mo lang yun si Patrick nga ang may sabi ng mga bagay na yun sakin."

"Weh? Baka naman na ngulit ka o baka may kailangan sayo tapos kinuwento mo."

"Ey… mga gawain eh no?"

"DAVE!!!"

"Ha… Ha… Ha…joke lang naman pero oo tama ka may iniiutos sakin si Patrick kaya nasabi nya na sakin yung tungkol sa mga Dela Cruz."

"I knew it!"

"Gusto mo bang malaman kung ano ang iniutos ng Chairman sakin?"

"Ano naman?"

"Gusto nyang sudan ko si Kelly."

"Ano?! Bakit ikaw?"

"Alam nya kasing sasabihin ko ito sayo kaya sasama ka."

"Ha?"

Dave smirked "ito parang bago eh no? Alam ko namang kahit na tayo eh matatanda na baby na baby mo parin si Kelly kaya bilis mag bihis ka na at sasama ka sakin."

"Ha?"

"MAG BIHIS KA NA!!!"

Ang sama naman bigla ng mukha ni Mimay kay Dave "sinisigawan mo ko?"

"A—Ang akin lang naman kasi…"

"IKAW!!!!!"

Kumuha ng upuan si Mimay na para bang ibabato nya kay Dave "Da—Darling…mag hunos dili ka!!! Baka magising ang anak natin."

"Ma? Pa? Ano pong ginagawa nyo?"

"Mei—Meinard…anak." Anila.

Samantala,

Naabisuhan naman na nga Dela Cruz siblings ang ilan sa malalapit nilang kaanak doon sa Batangas ang tungkol sa daddy nila at lumuwas na ngang pa Manila itong tita Vina nila para kupirmahin kung totoo ba ang mga sinasabi ng magkakapatid.

"Opo tita, alam na rin po ni Mama nabaggit po ni Kelly kagabi pero hindi pa po sila makakauwi ni tita Jenny eh next month pa po kasi ang uwi nila." Ang sabi naman ni Faith na nasa Santos Residence rin ng araw na yon.

"Ohhh… ganun pala nga pala nasan si Kallix…este si Kemwell ngayon? Alam nyo ba kung nasan?"

"Sa ngayon hindi pa namin po sya macontact." Ang bungad naman ni Keith pag dating.

"Oh? Ang aga mo." Ang sabi naman ni Faith.

"Oo maaga na tapos ang klase ko kaya dumiretso na ko dine sa bahay nila Kelly nabanggit mo kasing andine kayo ni tita Vina." At nag mano sya sa tita Vina nya.

"Kaawaan ka ng Diyos."

Nakiupo rin nama n si Keith at tumabi kay Faith "kayo lang po?"

"Um. Hindi ko na sinama ang lola mo gaya nga ng sabi ni Kelly wag raw muna naming sasabihin ang tungkol sa daddy nyo."

"Ohh… nabanggit po pala sa inyo ni Kelly."

"Mabuti na rin yun para hindi mag isip ng mag isip ang lola nyo matanda na at baka kung mapano pa. So, anong balita?"

"Gaya nga po ng nabanggit ko wala pa po kaming contact kay Uncle ay, kay daddy po. Ang hirap po kapag na sanay na."

"Kahit ako. Hindi ko rin naman inaasahang magiging ganito ang sitwasyon. Talagang na gulat ako nung sinabi nyo na buhay ang daddy nyo."

"Opo talagang na gulantang rin kami dun sa DNA results nila Kelly at ni Uncle…ay ni daddy ."

Vina sighed "sa tingin nyo bakit kaya ginawa ng daddy nyo ang ganung bagay?"

"Hindi ko rin po alam tita."

"Pero si Jacob po matalino rin nalaman nya agad na hindi ang Papsie nya si Uncle Kallix."

"Papsie? Sinong Papsie? Si Kian?"

"Ah… hindi po yun po kasi ang tawag nya kay Daddy kasi ang tawag nya kay Mama ay Mamsie."

"Ohhh… I get it."

"Nabanggit nga samin ni kuya Kian yung na tuklasan ni Jacob manang mana talaga yun kay Kelly." Ang sabi naman ni Keith.

"Oo, mantakin mo silang mag tita lang ang nag duda kay Uncle na ngayon ay si Daddy pala?"

"Lalo tuloy akong nasasabik na makita si Kemwell ang daddy nyo."

"Kami rin po tita. Ahm… nga po pala ipinahukay po namin ang libingan ni daddy I mean kung tama po kami ng hinala si Uncle Kallix po pala ang nandun."

"It's okay mabuti na ring makasigurado tayo lalo pa ngayong hindi natin macontact ang daddy nyo. Kailangan natin ng kahit simpleng small details ngayon para matuldukan ang ating mga katanungan."

"Opo."

Happy Halloween geysh.... okay next chapter na keyeeeee.... ( ͡▀̿ ̿ ͜ʖ ͡▀̿ ̿ )

lyniarcreators' thoughts
Bab berikutnya