"May lagnat si Patrick?" Ang sabi ni Kelly sa kapamilya at sa tropa nila.
"Kumain kasi sya ng maanghang kaya ayun inatake sya ng allergy niya pero okay-okay naman na sya."
"Sigurado ka ba? Baka kailangan na nyang dalhin sa hospital." Ang sabi ni Kevin.
"No need na kuya tinignan na sya ng private doctor dito sa resort."
"May doctor sila dito?" Anila.
"Ah…eh…parang ganun na nga para just in case may na ngailangan ng tulong like if may na lunod or nakagat ng jellyfish they know what to do kasi may doctor sila dito sa resort after all Santos Resort ito. Right?"
"Yah…" Ang reaction naman ng lahat.
"Ibang klase talaga pag mayaman nuh? Kumpleto eh." Ang sabi naman ni Eric.
"Ha…ha…ha…hindi naman sa ganun kuya gusto lang nila na safe lahat ng andidito sa resort."
"Okay, sige na mag imapake na ang lahat at uuwi na tayo." Ang sabi naman ni Kian at na disappoint naman ang karamihan sa sinabi nyang iyon. "May sakit si Patrick gusto nyo paring mag saya?"
"No kuya, si Patrick rin naman ang may sabi mag enjoy lang kayo tsaka bukas okay na rin naman sya eh."
"Nga naman kuya kawawa naman yung mga bata nag eenjoy eh." Ang sabi ni Keith.
"Sya, sya… bahala kayo."
"Yehey…" Ang masayang reaction naman ng lahat.
"Sige na mag swimming na kayo at mag enjoy ako ng bahala kay Patrick."
"Gusto mo bang ako ng tumingin sa kanya??" Ang sabi ni Kevin.
"Di na kuya pagod na rin naman ako lalabas nalang ako pag gusto ko."
"Sigurado ka ba?"
"Um. Sige na mag enjoy na kayo tignan mo si Jacob inaantok na."
At napatingin nga sila kay Jacob "baby!" Ang sabi ni Rica.
"Kakain na po?"
Nagtawanan naman sila sa sinabing iyon ni Jacob "anong kakain eh kakain lang natin. Tung batang ire talaga." Ang sabi naman ni Keith.
"Sige na bumalik na ulit kayo dun bored na ang mga bata."
"Um…balik nalang kami para bisitahin kayo ni Patrick tumawag ka pag may kailangan ka." Ang sabi ni Kian.
"Oo kuya sige na."
"Um."
At nag paalam na nga sila kay Kelly naiwan naman sila Vince "Master, nasan ang Chairman? Ayos lang ba talaga sya?" Ang sabi ni Dave.
"Oo ayos lang sya ayaw nya lang mag pakita kasi ang pula ng mukha nya kasi kumain ba naman ng spicy lobster ayan mukha na syang ngayong lobster na pulang pula."
"Hindi ba sya inadvise ng doctor na mag punta ng hospital?" Ang tanong naman ni Vince.
"Hindi na ayos na daw dito ayaw rin kasi ni Patrick lam nyo yun takot sa karayom."
"Tawagan mo kami pag kailangan mo ng tulong ha?" Ang sabi naman ni Mimay.
"Um. Nasan nga pala sila Janil at Meinard di nyo kasama?"
"Kasama nila Wena yung kasambahay nyo." Ang sabi naman ni Aliyah.
"Ahhh…mahilig kasi yun sa bata eh anong nangyayare sa inyong apat ha?"
Nagkatinginan yung apat na biglang naging separated dahil ang katabi ni Vince ay si Mimay at ito namang si Dave ay si Aliyah "mukhang may tension sa inyo na raradar ko."
"Ha? Wa—Wala di ba guys?" Ang sabi naman ni Vince.
"Sus…kupal! Kilala kita kapag nag sisinungaling ka nauutal ka."
"Kow! Di kaya! Okay kaya kami."
"Kow mo mukha mo! Kayo Dave at Mimay alam ko namang parati kayong may alitan pero for once naman tigilan niyo na mag enjoy kayo habang andito tayo pag bumalik na tayo sa Manila toxic na ang araw-araw dahil sa work. Kayo naman mag pis hindi ako sanay na may awkward moment sa inyong dalawa kaya ikaw Vincente! Umayos ka!"
"Ano na naman wala naman akong ginagawa eh."
"Oo wala naman wag ka ng mag alala samin." Ang malumanay na sambit naman ni Aliyah.
"Wag nga ako kilala ko na kayong apat kaya sige eto…" bigyan niya ng gift cert yung apat para sa spa na meron din ang Santos Resort.
"Para san ito?" Anila.
"May mata kayo at marunong kayong mag basa kaya, bahala na kayo diyan sige na papasok na ko."
"Pe—Pero…" Ang sabi ni Mimay.
"Kapag hindi kayo nag punta diyan lagot talag akayo sakin pababayaran ko ang lahat ng kinain nyong seafoods lalong lalo ka na Dave!"
"Ma—Master naman!"
"Heh!" at pinagsarhan na nya ng pinto yung apat.
"Ano ng gagawin natin dito?" Ang sabi ni Aliyah.
"Kilala nyo si Kelly kapag hindi na sunod ang gusto nya magagalit talaga yun kaya andito narin naman tayo gamitin na natin ang ibinigay nya." Ang sagot naman ni Vince.
Hinila naman ni Mimay si Aliyah "basta kaming dalawa ni Liyah ang mag kasama."
"Ha?"
"Okay, gusto ko rin namang makausap si Dave."
"A—Ako? Bakit bro?"
"Wag ka ng mag tanong!"
"Pero pano sila Janil at Meinard?" Ang tanong naman ni Aliyah.
"Sir, Ma'am kami na pong bahala sa mga anak nyo." Ang sabi ng babaeng staff.
At kinagulat naman yun nung apat "si—sino ka naman? Bakit bigla-bigla ka namang na sulpot diyan kaloka ka naman ate!" Ang gulat na gulat namang sambit ni Mimay.
"Sorry po ako nga pop ala si Karen."
"Ang paboritong apo?" Anila.
"Po?"
Natawa nalang yung apat "Ahhh..wala yon may isang commercial kasi kami nung pinag aralan kaya naalala naming yung name na Karen." Ang sabi ni Vince.
"Ahh…pero hindi po ako ang paboritong apo si Gina po."
"Hahaha…so alam mo yung commercial na yon?" Ang sabi naman ni Dave.
"Hindi po…Gina lang po talaga yung name ng bunso kong kapatd at yun po ang paborito ni lolo."
"Ahhh…silly."
"Anyways, ready na po ba kayo sa make over?"
"Make over?" Anila.
"Um…kasama po sa spa ang total make over nyo si Ma'am Kelly po ang nakaisip ng bagong promo na yan dito sa resort."
"Eh?" Ang reaction nila.
Samantala nakikinig pala si Kelly sa may pintuan at nung nalaman niyang nakaalis na sila Vince pinabangon nya na si Patrick na nag tutulog tulugan lang pala.
"Umalis na sila kaya wag ka ng mag tulog tulugan ka dyan."
Bumangon naman si Patrick at pag bangon nya medyo mapula nalang ang balat nya pero tinukso sya ni Kelly "hala!"
"Ha?"
"Anong nangyare sa mukha mo hubby?"
"Ba—Bakit? Anong meron?"
Hinawakan naman nya yung mukha niya na natatakot sa kung anung meron na sinabi ni Kelly "bakit ganyan?"
"Ano nga? Wifey naman eh tinatakot mo ko tawagan mo si Doc Erci."
Lumapit naman si Kelly at kiniss si Patrick sa pisnge "ano ba naman wifey…"
"Kiss yon kasi ang pogi mo."
"Ha?"
"Hahahaha…di ko alam pero poging pogi ako sayo ngayon sana lagi ka nalang may sakit minsan kasi ang sarap mong sapakin."
"Ano?"
"Hahaha..ewan na buang ka na naman sobrang slow ka naman dyan. Bago pa ako mainis sa pag mumukha mo bumangon ka na dyan at maligo ka."
"Pero ayoko pa."
"Hindi ka maliligo o gusto mong buhusan kita ng tubig dyan?!"
"Mamaya na kasi baby."
"Haysss…bahala ka dyan wag ka didikit sakin ha!"
"Wifey! May sakit ang asawa mo kaya kailangan mo kong alagaan!"
"Tsss…sinabi ko lang na poging pogi ako sayo ngayon abuso ka tumayo ka diyan!"
"Honey naman!"
"Heh! Alam kong ayos ka na kaya sige maligo na!"
"Haysss…sige na nga..." tumayo na sya at lambot na lambot "hindi ka na naawa sa asawa mong pogi."
"Haysss…dami mong alam. Bilisan mo maligo ka na!"
"Wifey, may sakit pa nga ako kaya nanlalambot pa ako hindi mo man lang ba ako tutulungan?"
"Hinde."
Sa isip-isip ni Patrick "grabe sya nanlalambot na nga yung mga tuhod ko di man lang nya talaga ko tinutulungan naka taas pa paa nya talaga."
"Bilisan mo!"
"Ere na nga oh! Mag bubukas na ng pinto."
"Sinisigawan mo ko?"
Patrick smirked and he whisper "kung hindi lang kita mahal baka…"
Hindi naman na nya na tuloy yung pabulong bulong nyang sinasabi dahil pag bukas nya ng pintuan ng cr may inihandang surpresa pala si Kelly at punong puno ng red roses ang cr at sobrang aromatic din ng amoy ng lumalabas na scent sa air humidifier "so, maliligo ka ba? o tutunganga nalang?"
"Ahhh…wifey naman bakit hindi mo sinabing may ganito?"
"Sira! Edi hindi na surprise kahit kailan talaga shunga ka eh."
Nag sisimula narin naman sya mag tanggal ng butones dahil balak nyang sabaya sa paliligo si Patrick dahil alam nitong hindi pa nga kaya ng asawa nya na maligong mag isa "a—anong ginagawa mo?"
"Maliligo, bakit gusto mo ikaw lang maka experience nyan?"
Napalunok naman si Patrick dahil yung suot nalang ni Kelly na two piece ang naiwan sa katawan nito "wi—wifey may…may sakit kasi ako…"
"Alam ko kaya nga tutulungan kitang maligo kaya bilis hubadin na natin yang suot mo."
"Wi—Wifey a..ano kasi…"
Hinuhubad naman na ni Kelly yung damit ni Patrick "gusto mo bang hubadin ko rin ang short mo?"
"Ha?"
"Oh? Kanina hindi ka na masyadong mapula bakit namumula ka na naman? Ayos ka lang ba? Teka tatawagan ko na muna si Doc."
Pinigilan naman ni Patrick si Kelly "wag na…"
"Ha? Pero namumula ka na naman kasi."
"Dahil yan sayo."
"Ano?"
Patrick kissed Kelly's forehead "wag ka ng mag alala ayos na ko dahil andito ka."
"Pe—Pero…"
Bumulong naman si Patrick sa kanya "nanggigil ako sayo." then he kissed neck.
"A—Anong gagawin mo?"
Tinitigan sya ni Patrick na para bang na seseduce ito sa kanya "maliligo yun ang gusto mo di ba?"
"Pe—Pero kasi…ba—bakit…"
Author: At doon na nga nag simula ang kwentuhan sa banyo nung dalawa, lam nyo na kwentuhan ng mag asawa wag nyo na pong pa explain mahirap para sakin bata pa ko. Char! Hahaha…mag next kabanata na kayo bilis. WAHAHAHA!