Kinabukasan,
Sa Opisina ni May
"Chairman May? Andito na po yung hinihingi niyong papeles kay Mr. Mendoza ng HR department." Ang sabi ni Maricar.
"Sige pakilagay nalang diyan...Sigh...pagod na ko! Nasan na naman si kuya?"
"Ah...nag yosi break lang po gusto nyo po ba ng coffee?"
"Hindi na kanina pa ako nag kakape dito baka hindi na ako makatulog mamayang gabi ang hirap palang maging "chairman" kaya pala ayaw na ayaw ni Patrick sa mga ganito ang daming pinipirmahan."
"Opo kaya nga po siguro nag kasakit siya noon kaya sana mag ingat rin po kayo sa kalausugan niyo."
"Bakit? Ayaw mo nun kapag nag ka sakit ako baka si kuya na ang maging new chaiman at hindi na kami ni Patrick."
"Nako, hindi po buti nga po kayo eh kasi babae kayo."
"Hindi pa ba kayo ni kuya?"
"Ha? Na---nako hindi po ah."
"Hahahah...ikaw naman di ka na mabiro pero gusto kita para sa kuya namin sana alagaan mo siya ng mabuti."
"Ha? Ba---bakit po ako? Hin---hindi pa nga po sya nanliligaw sakin eh....Ahhhh...I----I mean ano po kasi.."
"Wait, you mean hindi ka pa nililigawan ni kuya? That jerk! Matagal ka na niyang gusto pero hindi pa pala sya nanliligaw sayo? Makakatikim talaga yun sakin mamaya sa bahay."
Pulang pula naman ang mukha ni Maricar "Ah...eh ayos ka lang ba Ms. Maricar?"
"O---opo siguro?"
"Ay, sorry hindi pa ba siya nag tapat sayo? Tssk....sorry..."
"Ah...eh...kasi..."
"Sigh...anyways, like what I said I like you for my brother kaya may hihingin sana akong pabor sayo."
"Ano po yun?"
"Uhm...pwede bang subaybayan mo ang bawat galaw niya dito sa opisina at pati na rin sa labas pero wag kang mag papahalata sa kaniya. Okay?"
"Pero bakit po ako?"
"Alam ko kasing mapag kakatiwalaan ka at alam kong sayo lang din takot si kuya kaya sana pumayag ka. Please???"
"Si---sige pero pwede rin ba akong mag tanong?"
"Sige ano yun?"
"Bakit ko kailangang bantayan ang bawat kilos ni Richmond? May masama na naman ba syang balak sa kumpanya?"
"Mukhang may alam ka. Ano yon?"
"Ah...eh...nangako ako kay Patrick na hindi ko ito ipagsasabi pero dahil hindi naman kayo iba sa kaniya sige sasabhin ko na."
"Ano yon?"
"Nahuli ko kasi si Richmond na kukuhanin niya yung mga importanteng papel dito sa kumpanya para dayain niya papalabasin niya na sya ang may ari ng kumpanya ng pamilya niyo at ibebenta niya sa ibang mga negosyante."
"ANO???"
"Opo pero napigilan ko naman siya nung araw na iyon kaya sinabi ko ka agad yun kay Patrick at na tuklasan namin na may malaking utang siya sa isang lending company."
"Magkano ang utang niya?"
"150Million."
"ANO??? He really is insane!"
"Pero dahil isang hindi rehistradong kumpanya ang inutangan niya ang laki ng tubo nito kapag hindi niya nababayaran sa mismong due date nito kaya naging 300M na ang lahat ng babayran niya."
"Kabaliwan na yan!"
"At nito lang po gumawa ng hakbang si Sir Patrick nag bigay siya ng 1Billion.."
"O---One? Billion??? Saan niya kinuhang kamay yon? Bakit hindi ko alam?"
"Ah...eh...hindi naman talaga totoong mga pera ang mga yon pang front act niya lang yun para mahuli niya yung gang na pineperahan si Richmond."
"Sigh.....kala ko nag labas talaga siya ng perang ganun kalaki eh mapapatay ko talaga silang dalawang magkapatid."
"Hehe...mas wais po kasi si Sir Patrick kesa kay Sir Richmond."
"Pero nahuli ba yung gang?"
"Opo nakakulong na po sila at naging patong patong po ang naging kaso nila dahil marami silang naging biktima kaya wala silang piyansa."
"Sigh...buti naman kung ganon baka kasi balikan pa kami ng mga yon lintek!"
"Opo nga eh kaya nanigurado na rin po si Sir Patrick pinahanap nya po ang ibang nahuthutan ng gang na yon."
"Buti nalang matalino ang kapatid kong yon."
"Opo."
Samantala,
"Kuya Patrick, tulungan mo ko ayoko na dito sa dilim."
"Paula? Na saan ka?"
"Dito kuya nasa dilim ako."
"Hindi kita makita."
"Bakit? Dahil ba may nakita kang kamukhang kamukha ko? Kay pinagpalit niyo na ako nila mommy at daddy sa Kelly na yon?"
"Hindi yan totoo Paula hindi ka pwedeng ikumpara sa kaniya dahil malayo ka sa kaniya kapatid kita kaibigan ko siya."
"HINDE!!! Hindi niyo na ako mahal kaya hindi niyo man lang ako hinahanap!"
"Pero patay ka na!"
"Hindi pa ako patay!"
At biglang may isang babaeng lumitaw sa harapan ni Patrick ata sinakal siya "Pa—Paula??? Wag!!"
Sa kasalukuyan,
Sinasakal ni Kelly si Patrick para magising "PAULA!!!" Ang sigaw ni Patrick.
"Sigh....see, oh edi na gising rin siya." Ang sabi ni Kelly.
"Ibang klase ka naman kasi mang gising parang gusto mo nang patayin yung taong ginigising mo." Ang pabulong bulong na sabi nila Dave.
"Ano yon?"
"Ha? Wa---wala." Anila.
"Ahem....Ahem...papatayin mo ba ako Kelly? Bakit naman pag sakal ang pinang gising mo sakin?"
"Ah...eh...hindi ka kasi magising ng mga tukmol na ito kaya ayun..."
"Sorry dude para kasing ang sama ng panaginip mo kaya nag alala ako sayo." Ang sabi ni Dave.
"Oo nga parang takot na takot ka kanina at tinatawag mo pa ang panagalan ng kapatid mong si Paula." Ang sabi naman ni Vince.
"Ano bang napanaginipan mo?" Ang sabi naman ni Harvey.
"Si Paula nag pakita sa panaginip ko nagagalit sya sakin sa tingin ko dahil malapit na ang kaarawan niya hindi na kasi namin na dadalaw ang puntod niya."
"Ohhh...kailan ba ang kaarawan niya?" Ang sabi ni Mimay.
"Di ba ngayong linggo na ang birthday ni Paula dude?" Ang sabi naman ni Dave.
"Eh? Kasabay ko siya ng birthday?" Ang sabi ni Vince.
"Oh? Nag bibirthday ka pa pala?"
"Kelly!!!!"
At tumakbo si Kelly papalabas ng kanilang classroom at hinabol naman siya ni Vince "Para talaga silang bata." Ang sabi ni Mimay.
"Pero nag aalala ko dun sa mga iniwang mga salita sakin ni Paula nung nanaginip ako."
"Bakit ano bang sabi niya?" Ang sagot nung tatlo.
"Sabi niya "Hindi pa ako patay!" "
"Whoa...bigla naman akong kinilabutan sa sinabi mo dude." Ang sabi ni Dave.
"Oo nga ako rin." At ni Harvey.
"Weh? Ikaw rin class pres?" Ang sabi ni Mimay.
"Ba! Oo naman ano naman ang tingin mo sakin manhid?"
"Ay, bakit hindi ba?"
Napatingin naman si Dave sa dalawa kaya iniba niya yung usapan "Ahem...pero bakit nga kaya nag pakita sa panaginip mo si Paula dude?"
"Yun nga rin ang gusto kong malaman kasi sa sobrang tagal na niyang namamatay ngayon lang sya nag pakita sa panaginip ko kaya nga parang..."
"Parang???" Anila.
"Parang naniniwala ako na buhay pa nga talaga siya."
"ANO???"
"Dude, are you insane? O baka naman tulog ka pa?"
"Sige nga Dave pakisampal siya." Ang sabi ni Mimay.
"Sandali lang!" Ang sabi ni Harvey.
"Bakit?" Anila.
"May lola kasi akong albularyo baka gusto mong mag pa tawas." Ang sabi ni Harvey.
"Tawas?" Anila.
"Bakit may putok ka ba Dude?" Ang sabi ni Dave at bineltukan naman siya nung tatlo.
"Aw...ano ba?!!!"
"Sira ka kasi! Iba yung tawas na sinasabi ni Harvey." Ang sabi ni Mimay.
"Eh ano bang tawas yun? Yung durog o yung buo? Magkano ba?"
"Guys, pigilan niyo baka hindi ko yan matantsa!" Ang nanggigil na sabi ni Mimay.
"Sandali nga mamaya ka na sumabat Dave ako na sasampiga sa ka bobohan mo eh. What do you mean by that Harvey?" Ang sabi ni Patrick.
"May kakayahan kasing makagamot ang lola ko minsan manghula rin yung iba naniniwala syempre yung gaya niyong mayayaman hindi naniniwala sa mga "quack doctor" pero marami nang napagaling ang lola kong yun at marami na rin siyang nakita na nawawala dahil sa kaniyang pag tatawas."
"Oh?" Ang reaksyon nila Mimay at Patrick.
"Pero ano ba kasi yung tawas na ginagamit ng lola mo?" Ang sabi ni Dave.
"HEH!" Anila.
"Sige I want to try it." Ang sabi ni Patrick.
"Talaga? Naniniwala ka?"
"Oo wala namang mawawala kung susubukan ko eh."
"Alright! Sasama ko sa ganyang adventure." Ang masiglang sabi ni Mimay.
"Sige sa weekend kung pwede kayo sasabihin ko na agad sa lola ko."
"Oo sige pwede siguro mismong kaarawan nang kapatid mo pre." Ang sabi ni Mimay.
"Oo tama si Mimay para malakas ang presensya nung kapatid mo."
"Sige pwede naman."
"Okay, sa linggo sasabin ko sa lola ko."
"Alright sasabihan ko rin sila Kelly at Vince diyan na muna kayo." Ang sabi ni Mimay at hinanap yung dalawa.
"Dude, sama rin ako." Ang sabi ni Dave.
"HEH!"
"Pffft...baka bigyan ka ng lola ko ng tawas talaga bro ano bang gusto mo durog o buo?"
"Heh! Dude sama mo ko."
"Tantanan mo nga ko! Bahala ka diyan. " At iniwan siya ni Patrick.
"Dude!!!"
"Kung ako sayo gumamit ka nalang ng roll on." Ang sabi ni Harvey at kumaripas na ng takbo "HOY!!! Bumalik ka dito!!! May benta rin kaya yung lola niya ng roll on? Ang dami naman pala nilang tinda kung ganon, may face mask kaya?"
"DAVE!!!!" Ang sigaw ni Patrick.
"Oo andiyan na."
▪︎Author: Itong si Dave may pag ka shunga rin minsan syempre mas maganda yung tawas na buo. Kayo ba anong ginagamit niyo kabayan? Roll on o tawas? Comment down below. Ahahahah...charing! Malay niyo maging sponsor niyo pa ako ng tawas niyo. Ahahahaha....mura lang sampu sampu...hahaha...
Hayie...(^_^)
▪︎ Comment down below kung ano ang naging opinion niyo at aking sasagutin ko sa abot ng aking makakaya.♡
▪︎Guyshh...penge po ko ng review ah? Review! Review! Review! Sige na po :(
Hahaha...promise pag binigyan niyo ko ng review dadamihan ko ang upload ng chapters pag naka 25 na reviews po ko 10update daily. G?G! PROMISE YAN KABAYAN. hahaha...ge na po ah, add niyo din ang book na ito sa library niyo. Salamat po. Love you all. Muah...♡
Love lots,
lyniar ☆