webnovel

Kabanata 91

Sa bahay nila Patrick,

"Knock...knock..." Galit na galit na sumugod si Patrick sa kwarto ni Richmond "Kuya buksan mo ang pinto!!!"

"Knock....knock...."

Patrick: KUYA!!!! ALAM KONG NANDIYAN KA LUMABAS KA DIYAN!!!!

"Patrick! Ano bang ginagawa mo?" Ang sabi ni May.

Patrick: Ate, mamaya na tayo mag usap...KUYA!!! LUMABAS KA DIYAN.

"At binuksan nga ni Richmond yung pinto at pagbukas niya sinapak agad siya ni Patrick "IKAW!!!!"

Patrick: Tantanan mo na si Kelly!

Nagulat naman si May sa ginawa ni Patrick "Hey, what's going on?" Aniya tapos bumawi naman ng suntok rin si Richmond kay Patrick "Sumosobra ka na!"

Patrick: Ikaw ang sumosobra na.

May: Tigilan niyo na yan!!!

At nagsapakan ng tuluyan ang dalawa at di nakinig kay May "ENOUGH!!!" Ang bungad naman ng nanay nila.

"Mom--my..." Anila.

Makalipas ang ilang minuto,

Nakaupo at di nagpapansinan yung dalawa at puro pasa ang mga mukha nila "Sigh....ano ba naman kayo!? Yung daddy nyo comatose tapos ganyan? Jusko naman! Kailan ba naman kayo magkakasundo-sundo??" Ang sabi ni Patricia.

Richmond: Itanong niyo sa magaling niyong anak!

Patrick: Huh! Hindi ako susugod sayo kung di ka gumawa ng kasalanan.

Patricia: TAMA NA!

Lumapit naman si May sa nanay nila "Mom calm down, baka kayo naman ang mapano niyan at kayong dalawa tigilan niyo na yan."

Tumayo at aalis na sana si Patrick "May gusto ka sa kaniya tama?" Ang sabi ni Richmond at napahinto naman si Patrick.

Patrick: Wala ko sa mood makipag usap sayo!

Richmond: Baket? Natatakot kang malaman nila mommy?

Sinugod at kinuwelyuhan ni Patrick si Richmond "Sabing tumahimik ka na!!!"

Patricia: Patrick! Ano ang sinasabi ng kuya mo?

Richmond: Yang magaling niyong anak may tinatago sa inyo!

May: KUYA!!!

Patricia: May, ano ba ang sinasabi ng kuya mo?

May: Ahm...kasi ano po...

Itinulak ni Richmond si Patrick "Bakit di mo sabihin na may kamukha si Paula? At kaklase iyon ni Patrick."

Patricia: Ano? Sino? Patrick! What's the meaning of this?

Patrick: Mom, let me explain.

Patricia: Sige magsalita ka!

May: Mom, kalma lang kaklase lang naman yun ni Patrick at hawig lang naman siya ni Paula pero di sya yung bunso naming kapatid.

Patricia: A---anong...

At bigla namang nahimatay si Patricia "Mommy!!!" Anila.

Samantala,

Sa Canteen ng DLRU,

Kasunod pa rin ni Kelly yung apat na personal body guard niya "Ano ba? Di niyo ga ako tatantanan?"

"Pasensya na po pero yun po ang utos ng Ninong niyo." Ang tugon nung apat.

Bumulong naman si Vince "Iba ka Pis! Para kang anak ng first family may pa personal bodyguard."

Bineltukan naman siya ni Kelly "Heh! Kung gusto mo sayo nalang sila."

Vince: Aba di na baka kung kay Mimay pwede pa.

At na dismaya yung dalawa nung nakita nilang titig na titig si Mimay sa apat na manyamo humaling na humaling "Sigh...." Ang reaksyon nung dalawa.

Dave: Master! Tulungan mo naman ako tignan mo si Mimay.

Habang kumukuha ng pagkain "Ba bakit ako?"

Dave: Eh tignan mo naman ayaw na niya kong paninsin gawa ng apat na lalaking yan.

Vince: FYI, bodyguard yan ni Kelly ang syala di ba?

Kelly: Heh! Tigilan niyo nga ko.

Dave: Pero Master tignan mo naman di lang si Mimay ang nahuhumaling sa mga yan tigan mo padami na ng pa dami ang sumusunod sating mga babae.

Kelly: So? Di ko na kasalanan yon di naman ako ang kailangan nila eh yung apat.

Dave: Pero Master.

At iniwan na siya ni Kelly at nag hanap ng pwedeng maupuan "Master!!!"

Tinapik naman siya ni Vince "Wala na pre humanap ka na ng ibang liligawan na baliw na si Mimay."

Dave: Heh!

At hinila niya si Mimay "Mimay halika na kakain na tayo!"

Mimay: Mauna ka na.

Dave: MIMAY!!!

Habang nakain si Kelly "Di mo ba tutulungan si Dave? Kawawa naman." Ang sabi ni Harvey.

Kelly: Hayaan mo sya parusa ko yan sakaniya niloko niya ko nung nakaraan eh.

Harvey: Ahh...yung tungkol kay Patrick?

Kelly: Nagiinit ang ulo pag naalala ko yun wag mo na ngang banggitin.

"Oh, pre nandine ka na rin pala?" Ang bungad ni Vince.

Kelly: Nakikita mo na ngang andine eh tatanong mo pa! Ano ka si DORA?

Vince: Heh!

Harvey: Nga pala, baka gusto niyong sumama ay mandatory pala.

"Ang alin?" Anila.

Harvey: Hindi ba't may intramurals sana tayo?

"Oo pero di na tuloy di ba?" Anila.

Harvey: Um...pero dahil maganda ang kinalabasan ng program nung anniversary kasabay nung valentines booth marami ang gustong mag donate rin na mga negosyate at ibang tao na graduate dito DLRU sa bahay ampunan.

"Ohhh..." Ang reaksyon nung dalawa.

Harvey: Ayun imbes na magdaos tayo ng intrams at kumuha pa ng venue para sa mga Mr. and Ms. DLRU ibibigay nalang iyon sa mga batang nasa bahay ampunan kaya bawat department may mga naka assigned na bahay ampunang ating pupuntahan.

"Ahhhh..." Ang reaksyon ulit nung dalawa.

Harvey: Kaya sa susunod na linggo na iyon idadaos kaya kung meron kayong di mga nagagamit na gamit o damit sa inyo pwede niyo rin yung i-donate kung gusto niyo open naman ang donation center natin kahit ano naman pwedeng i-donate basta mapapakinabangan ng mga bata.

"Ohhh...I see" Anila.

Harvey: Para kayong kabal tukong baka eh ahhh...ohhhh...ewan sa inyo.

Kelly: Yung isa kasi diyan gaya-gaya masayado akong idol.

Vince: Tsss...kapal.

Harvey: Oh, tama na yan baka naman kayo eh mag away pa.

Sa bagay, wala akong maalalang nag-away kami ni Vince sa isang bagay o kahit sa isang tao lagi kasi kami niyang mag kasama simula pagkabata pa laang. Lagi niya akong sinasamahan sa mga gusto kong puntahan pag pinapapunta ko siya samin sasabihin niya agad "Sige pero sabihin mo kila kuya mo na pupunta ko dyan nakakahiya kasi eh." Pero ang totoo niyan feel at home siya lagi samin daig pa nga ko minsan pag nagutom siya at may nakita siyang masarap kainin mag papaalam siya "Kanino tong dessert? Beke nemen." Tapos kahit sasabihin naming di namin siya bibigyan pero loko lang naman yun kukuha at kukuha parin siya sa madaling salita "Walang hiya siya." Ay mali "Wala siyang hiya."Ahahaha...

Malapit na nga pala ang birthday ng tukmol na yan kaya siguro wagas siya kung mangulit sakin tuwing kaarawan niya kasi ayaw niyang may surprise gusto niya simple lang kakain lang sakanila kasi may catering business kasi ang pamilya niya tapos sasabihin niya "Oh, mag bigay kayo ng feed back ha? Para naman dumami ang customer namin." Lagi kaming present pag birthday niya kasi lagi siyang nahingi samin ng regalo may kakapalang taglay rin talaga eh. Ahahaha...Pero ayos lang samin natutuwa kasi sa kaniya sila kuya lalo't siya yung spy nila sakin pero wala naman silang makuha ni isang detalye about sakin nagsasabi siya kila kuya pero yung mga kabulastugan kong ginagawa di niya sinasabi. Ahahaha...syempre partner in crime kami pag isinumbong niya ko kila kuya lagot naman siya sakin susumbong ko rin siya kila ate Alice. Ano nga kayang magandang maibigay kay Vince? Hmmm...

Author: Ohhh...mukhang kailangan natin ng magandang istorya sa ating pambansang pinsan malapit na pala ang kaarawan niya. Eh kung bigyan kaya natin ng sandamakmak na babae? Pwede....ahahaha... Charot lang! Dapat loyal lang ang mga lalaki sa babaeng kanilang minamahal di yung iba't ibang putahe every day. Very wrong yun mga boys lalo't wala naman kayong karinderia. Ano daw? Ahahaha...basta yun na yon wala kong alam diyan bata pa ko. Charot!

Kinagabihan,

"Andito na po ako..."Ang sabi ni Kelly at napalingon sa likuran niya "Ay, andito na pala kami. Sigh..."

"Tita Kelly!!" Ang salubong sa kaniya ni Jacob at niyakap siya nito. "Oh, baby boy meron akong pasalu sayo." Sabay halik at pisil sa pisnge ni Jacob.

Jacob: Ho? Pasa? lu?

Kelly: Oo, pasalubong yun syempre millennial ang tita mo kaya dapat in ka!

Jacob: Ahhh...ganun po ba? Sorry...hehe

Kelly: Anyways, asan sila kuya? At si ninong Arnel parang wala at sa sala?

Jacob: Um....si Manong...ay lolo Arnel nasa kaibigan niya parang tatlong araw po ata siya dun may reunion kasi ang mga gurangis.

Kelly: Ahahaha...bad ka baby.

Jacob: Joke lang po pero totoo po may reunion sila ng mga kaklase niya nung panahon ng hapon.

Kelly: Luko! Hahahaha...

"Pffft..."Natatawa rin yung apat.

Kelly: Ah...mga kuy's pwede na kayong lumarga wag na kayong sunod ng sunod andine naman na ko samin.

"Sige po Ms." Anila at pumasok yung apat.

Kelly: Eh? San kayo pupunta?

"Sa loob po." Anila.

Kelly: Ha? Di pa kayo uuwi?

"Hindi po." Anila.

Kelly: Ah? O—okay? Feel at home?

"Salamat po Ms." Anila at nagtungo sa sala.

Jacob: Ang weird naman ng mga yun bakit laging chorus sila kung magsalita?

Kelly: Di ko nga rin alam para silang mga robot nakakaloka. Anyways, sila kuya asan? Bakit parang ikaw lang ang tao dine.

Jacob: Opo ako lang si daddy andun po sa bahay namin nila mommy.

Kelly: Ha? Bakit?

Jacob: Kasi uuwi na po si Mommy.

Kelly: Eh? Paano?

Jacob: Basta po long story pero ang good news baka magkabalikan na po sila.

Kelly: Oh? Ang saya naman tara puntahan natin si kuya Kian.

Hinila na niya si Jacob pero ayaw nitong lumakad "Wag tita Kelly privacy po."

Kelly: Eh?

Jacob: Basta para ma-develop po ang feelings nila uli sa isat isa busy si daddy dun mag prepare ng dinner date nila kaya wag na po nating istorbohin mamaya po kasing 9pm ang dating ni mommy.

Kelly: Oh? Anong ginawa para mapabalik mo si ate Rica?

Jacob: Like what I've said it's a long story tita Kelly.

Kelly: Okay, sabi mo eh.

Kamusta kabayan? Nagulat ba kayo? >_<

• Dahil naka 100k views po ang Ms.Hoodie update daily po tayo simula ngayon.♡

•Wag po nating kakalimutan na i-rate ang book ni Ms. Hoodie at maaari din po bang bigyan niyo na rin ng reviews? Kung di naman po nakakaabala at sisikapin ko rin pong sagutin kayo sa abot ng aking makakaya. ♡

• Maraming salamat po sa walang sawang pagbabasa sa kwento ng buhay ni Kelly patuloy po nating subaybayan mga kabayan.(^_^)

Love lots,

Lyniar ☆

lyniarcreators' thoughts
Bab berikutnya