webnovel

Kabanata 68

Sa magkaparehong oras,

Kelly: Ang ganda naman po ng lugar niyo ate Faith ang sariwa po ng hangin dine ang sarap mag muni-muni. Sorry kung di po ako nakasama nung unang pumunta sila kuya dine may pasok po ako eh.

Faith: Ayos lang kung gusto mo sa bakasyon dine ka mamalagi ipapasyal kita.

Fred: Oo nga masaya dito pag summer.

Kelly: Talaga po Manong? Sige po salamat.

Fred: Ma---manong?

Keilla: Sigh...Kelly!

Feng: Pffft...kuya Manong raw sabi ko naman sayo ngumiti ka parati para baby face.

Kelly: Opo nga tama si tito.

Fred: Pffft...Tito raw tol.

Tinakpan ka agad ni Keith ang bibig ng kapatid "Ha---ha---ha...pasensya na kayo sa kapatid namin kulang kasi sa buwan nung ipinanganak ni Mama kaya di na niya alam ang sinasabi niya. Ha---ha---ha..."

Faith: Ahahahaha...ayos lang di rin naman natin sila na ipakilala kay Kelly kanina.

Keith: Nako, hindi ren makakalimutin talaga yang si Kelly sakit na niya yan kinakalimutan ang mga importanteng sinasabi sa kaniya.

Kelly: Mmm...Mmm...

Fred: Hehehehe...sige na bitawan mo na siya baka di na siya makahinga nan.

Feng: Oo nga siya ba ang bunso niyong kapatid?

Keilla: Oo lima silang magkakapatid at si Kelly ang bunso at yung bata anak yun ni Kian si Jacob.

"Ohhh..." Reaskyon nung dalawa.

Keilla: Jacob, say Hi to your new tito's pwede naman ano?

"Ah...Opo." Anila.

Jacob: Hi po ako po si Jacob Ezekiel.

"Hello sayo." Anila.

Fred: Gusto mong mag enrol sa gym? Tuturuan ka namin para lumaki ang katawan mo.

Jacob: Di na po kailangan malaki na po katawan ko eh.

Feng: Ahahaha...hindi dahil chubby ka kung hindi para lumaki ang mga muscles mo gaya ng ganito oh.

At nag flex yung dalawa ng muscles nila "Woah..."Reaksyon nila Jacob at Kelly.

Kelly: Wow, ang astig niyo po gusto ko rin po magkaganan.

Keilla: Kelly, your girl not boy okay?

Kelly: Pero Ma pwede naman kaya ako magka muscles di ba po ano?

"Oo." Anila Fred at Feng.

Jacob: Ako rin po pero paglaki ko na po bata pa naman po ako eh.

Kelly: Pero ako gusto ko po.

Kian: Tumigil ka nga mag jogging nga tamad na tamad ka mag gym pa kaya?

Keilla:Tsaka di mo kailangang magka ganyan kababae mong tao eh.

Faith: Ha---ha---ha---Ahm...nga po pala tita gusto niyo po bang gumala sa lugar namin ang sabi po sakin ni Keith kararating niyo lang daw po at di pa po kayo nakakapasyal ulit.

Keilla: Oo Iha, gusto ko sana yung makakapag relax ako.

Kelly: Ma, ako rin sama.

Faith: Oo sasamahan namin kayo nila kuya dito na po kayo matulog ha?

Feng: Opo inihanda na po namin ang tutulugan niyo.

Kinulbit ni Kim si Keith at bumulong "Hindi ba't dalawa lang ang kwarto dine saan nila tayo balak patulugin?"

Keith: Bro, hindi mo ba naalala na dito ako natulog sa kanila nung last na pumunta tayo dine?

Kim: Oo nga pala saan ka natulog dine? Wag mong sabihing sa labas?

Keith: Ah...eh...parang ganun na nga.

Kinagabihan,

Kevin: Ano? Sa tent tayo matutulog???

Keith: Shhhh...wag kang maingay nakakahiya.

Kevin: Eh bakit doon???? Ano camping lang?

Kim: Well, ayos lang sakin di na ulit ako nakakatulog sa tent eh.

Kevin: Sigh...pero kuya..Sila Kelly at Mama saan?

Kian: Sa kwarto ng mga kuya ni Faith.

Kevin: Kaya naman pala sinabi nilang inayos na nila ang kwarto kala ko naman satin den.

Keith: Ayos naman ah ayan oh nakaayos na ang tent.

Kevin: Sigh...ano ba naman yan.

Kim: Sandale, si Jacob saan matutulog?

Kian: Aba'y malamang tatabi yun kila Mama at Kelly.

"Yeah..." Anila.

Kevin: Eh ikaw kuya Keith bakit sa labas ka rin matutulog di ka ba tatabi kay ate Faith?

Keith: Ayaw ni Mama eh tsaka ayaw rin ni Faith.

"Pffft...ahahahaha...Buti nga sayo." Anila.

Keith: Alam niyo napaka supportive ninyong mga kapatid salamat ha?

"Walang anuman. Pffft...ahahahaha..." Anila.

Keith: Tsss....HEH!

"Yow, ano? Okay lang ba kayo dine?" Ang bungad nila Fred at Feng.

Keith: Ah...oo kuya ayos lang kami dine kayo pala saan kayo?

"Tabi-tabi tayo dalawa naman yang tent eh." Anila.

"A---ANO???" Tugon nung apat.

Fred: Oo malaki naman ang tent kala niyo maliit sa labas pero malaki yan sa loob.

Feng: Oo kaya wag kayong mag-alala makakatulog tayo ng maayos.

"Ha---ha---ha---Sana..." Anila.

Sa kwarto,

Faith: Pasensya na po kayo di kalakihan ang bahay namin eh di po gaya ng inyo kaya sa tent po matutulog sila Keith.

Kelly: Wala po iyon mukhang masaya nga po matulog sa tent eh dun kaya ako matulog Ma? G ka Jacob?

Jacob: Opo!

Keilla: Tumigel! Dine na tayo hayaan mo na ang mga kuya mo roon manahimik ka diyan isasama pa yung bata talaga eh.

Kelly: Humph...opo.

Keilla: Ahm...Faith anak pwede ba kitang makausap?

Faith: Ho? Si---sige po.

Kelly: Ma sama kami.

Keilla: Heh! Ayusin mo yang inaayos mo diyan, Jacob tulungan mo si tita na ayusin ang mga gamit natin okay?

Jacob: Opo Mamsie.

Kelly: Ma!!!

Keilla: Di ka ba!!

Kelly: Ha---ha---ha---eto na nga po sige na Ma, ate Faith bye.

Keilla: Nako Kelly!

Faith: Hehehe...tara po sa sala tita?

Keilla: Oo sige sa sala nalang...sandali lang ha?

Faith: Opo.

Keilla: Baby boy, bantayan mo yang tita mo ha?

Jacob: Opo Mamsie.

Kelly: Ma...

Keilla: Heh! Ayusin mo yan.

Kelly: Opo! Humph...

Keilla: Ano???!!!

Kelly: Sabi ko po opo aayusin ko na nga po di naman ako nag dadabog eh.

Keilla: Sus...sige na.

At umalis na nga sila Keilla at Faith "Humph...makikinig lang naman eh." Ang sabi ni Kelly.

Jacob: Tita, di ba nga po bawal makinig sa usapan ng matatanda?

Kelly: Baby, di na bata si tita Kelly kaya okay lang yon.

Jacob: Pero tita it's a matter of silence.

Kelly: Ano?

Jacob: Opo katahimikan para makapagusap sila Mamsie at si tita Faith ng ayos kung andoon po kasi tayo ay ikaw di po sila magkakaintindihan.

Kelly: Ano??? So, your saying talkative ako?

Jacob: Ahm...Di naman po pero kayo may sabi nan.

Kelly: Ahhh...ganon ha.

Kiniliti ni Kelly si Jacob "Hahaha...tita wag mo kong kilitiin baka mamayat ako."

Kelly: Ayos yan para naman mabawasan ka ng taba.

Jacob: Grabe naman po.

Kelly: Ahahaha...joke lang sige game tayo?

Jacob: Sige po ano naman pong game?

Kelly: Pillow fight.

Jacob: Ho?

At pinalo na ni Kelly ng unan si Jacob "Aw...tita Kelly!"

Kelly: Ahahaha...bilisan mo gumanti ka na.

Jacob: Ayos lang po?

Kelly:Oo bilisan mo na.

Sa isip-isip ni Jacob "Ayos lang pala ha...sige sorry tita Kelly."

At naghamasan na nga yung dalawa ng unan samantala sa sala nag uusap sila Keilla at Faith "Sorry, di nabanggit ni Keith na ulila ka na pala?"

Faith: Opo tita pero ayos lang po andyan naman sila kuya sila po ang nagpalaki sakin at tumulong para lumaki akong responsable sa anumang bagay.

Niyakap ni Keilla si Faith "Tita?"

Keilla: Hayaan mong yakapin kita at simula ngayon wag ka ng mag-alala dahil simula rin ngayon ituring mo na akong para mong tunay na nanay. Okay?

Niyakap naman siya ni Faith at sinabing "Salamat po Ma."

Keilla: Kung may kailangan ka sabihan mo lang si Mama ha? At kung kinukulit ka ni Keith sabihan mo si Mama okay?

Faith: Opo, salamat po Ma.

At naiyak si Faith "Oh? Bakit ka umiiyak?" Ang sabi ni Keilla.

Faith: Nitong nagsimula nga po akong magbuntis naging emosyonal po ako pero dati di naman po ako ganire sorry po.

Pinunasan ni Keilla ang mga luha ni Faith "Ayos lang yan normal lang na umiyak alam kong naging pasaway ang anak kong si Keith pero sana pag pasensyahan mo na rin ha? Di kasi sila sanay na may ibang miyembro sa pamilya kaya nga di na rin ako nag asawang muli nung namatay ang tatay nila lalo na yang si Kelly nako magtotoyo yan. Nagulat nga ako na close pala kayo ni Kelly?"

Faith: Ahh....opo isang aksidente po ang pagiging magkakilala namin.

Keilla: Talaga?

Faith: Opo nanakawan po kasi ako at nakita niya po ako alam niyo po bang hinabol niya yung magnanakaw?

Keilla: Ha? Si Kelly?

Faith: Opo ang galing niya po pala makipaglaban?

Keilla: Ha? Di kita maintindihan.

Faith: Hindi po ba nabanggit sa inyo nila Keith? Tinuruan po nila ng martial arts si Kelly pero nito ko laang din naman po iyon nalaman.

Keilla: Oh?

Faith: Opo at nung nanakawan po ako ng bag? Niligtas po ako ni Kelly nahuli niya po yung magnanakaw mas nauna pa nga po siya sa mga pulis eh.

Keilla: Talaga?

Faith: Opo at doon po kami nagkakilala ni Kelly.

Keilla: Ohhh...I see.

Kinaumagahan,

Maagang nagising si Keilla at sya na rin ang nagluto "Sigh...di naman ako nakatulog eh." Ang sabi ni Kevin na animo'y puyat na puyat habang kausap ang mga kuya niya na patungo sa kusina.

Kim: Oo nga yung si kuya Fred jusmiyo ang lakas humagok.

"Ma?" Pagulat nilang sambit.

Keilla: Buti naman at gising na kayo.

Napansin nung apat na wala sa mood ang nanay nila "Sige na mag-ayos na kayo kailangan ko kayong makausap."

"Opo." Anila.

*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

lyniarcreators' thoughts
Bab berikutnya