webnovel

Chapter 25

Rose

"Salamat sa Panginoon at nagising ka na!" bungad sa akin ni Yaya Shirley nang na imulat ko ang aking mga mata. Hindi pa ako makapagsalita. Ang huling naaalala ko ay magka-usap kami ni Loey. I was confronting him tapos bigla akong nahirapang huminga. At ngayon ay nandito na ako sa ospital. Somehow I felt guilty for what I said to him. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sobrang guilty ko sa pinagsasabi ko. Bahagya kong inangat ang likod ko para maupo sa headboard ng kama para tumayo. "Oh, huwag ka munang tumayo. Anak naman eh!" pagsasaway sa akin ni Yaya.

"Nag cardiac arrest ka raw sabi ng Doktor. Buti na lang at nadala ka kaagad ni Loey ditto sa ospital." Paliwanag ni Yaya sa akin habang binabalik ako sa pagkakahiga.

"N-nasaan po si Loey Ya?" nauutal kong tanong. Gusto ko siyang Makita. Gusto kong mag sorry sa mga pinagsasabi ko.

"Nandito siya n'ong isisnugod ka rito n'ong isang araw, hindi siya umalis sa tabi mo hanggang naging stable na ang lagay mo."

Nagtaka ako sa sinabi ni Yaya, ilang araw na ba akong walang malay?

Muntik ko na palang ikamatay ang emosyong bumuhos sa akin habang kausap ko si Loey. Gusto kong mag explain, nadala lang yata ako ng emosyon ko n'ong araw na 'yon.

"Yaya, gusto kong makausap si Loey." Pinipilit ko na namang tumayo pero sinasaway ako ni Yaya.

"Ano ka ba, huwag ka ngang makulit. Magpagaling ka muna riyan."

Mayamaya pa ay dumating din ang doctor ko.

"Hi Miss Parque, good thing at nagising ka na." ni check niya ang vitals ko at tinurukan ng gamot.

"You're too lucky this time Miss Parque, you were able to survive. Pero pinapaalala ko lang sa'yo, iwasan mo ang matinding emosyon, baka sa susunod ay malasin ka na," Litaniya ni Doc sa'kin habang patuloy akong inaasikaso. Napatitig ito sa akin sa mga mata. "Please take care of yourself habang wala ka pang nahahanap na dono—"

"Ayoko na pong umasa doc," pagpuputol ko sa sinasabi niya.

Gaano na ba ako katagal naghihintay? At gaano pa katagal ako aasa na makakahanap pa ako ng donor?

Marahil hindi ko na maabutan pa ang araw na iyon.

"Let's just be realistic doc,"dagdag ko pa.

Tumango na lang si doc at hindi na umimik pa.

"Anak ko!"

Napalingon kaming lahat sa pinto at tiningnan ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

And I was surprised to see him.

"Dad…" tawag ko rito. Lumapit ito at maagap akong niyakap. Napahagulhol na rin ito.

 

"I'm so sorry… I'm so sorry."

Iyon na lamang ang mga salitang namumutawi sa mga labi niya. Nagtataka akong napatingin kay Yaya at nakuha naman niya ang ibig kong sabihin, nagkibit-balikat siya bilang indikasyon na hindi siya ang tumawag kay Dad para ipaalam ang nangyari sa'kin. Alam kasi nito na ayaw kong malaman ni Dad ang nangyayari sa'kin lalo na itong sakit ko. Ayokong dumating ang araw na ito, ang pagtuonan niya ako ng pansin dahil lang sa may sakit ako. Ayokong mag reach out lang siya sa akin dahil lang sa nalaman niyang may sakit ako.

"P'ano niyo po nalamang nandito ako?"

Kumalma ang Daddy ko mula sa pag-iyak bago pa kumalma.

"A guy set an appointment with me and told me about your condition. I'm so sorry anak, I really don't know. I'm sorry."

Marahil ay si Loey ang tinutukoy niya.

I laughed. I knew I said before na hindi ako dapat magtanim ng galit, pero bakit ganoon? Hindi ko maiwasang hindi sumama ang loob ko. "If ever I wasn't dying pupuntahan niyo po ba ako?" walang pakundangang tanong ko kay Dad at napa maang naman siya.

"I know I am guilty of forsaking you, I know that I have been a bad father to you all these years, I am so sorry anak." Umiling-iling na lang si Dad at napayuko. Na appreciate ko naman ang pagsosorry niya without raising excuses.

Kaya naman, isinantabi ko na lang ang lahat ng sama ng loob na mayroon ako. Niyakap ko siya nang mahigpit at napaluha na rin ako. Wala na akong panahon pa para magsayang ng mga pagkakataon. Daddy is finally reaching out to me, and whatever his reason. Ang mahalaga ay okay na kami. "Babawi ako sa'yo anak. I promise," sabi pa ni Dad. Pero sa tingin ko a huli na para d'on. Marami nang nasayang na panahon.

Ang mahihiling ko na lang, may this become a lesson to everyone. Sana ay pahalagahan natin ang bawat oras na kasama natin ang mga mahal natin sa buhay, dahil hndi natin alam kung hanggang kalian natin sila makakasama.

Nakauwi ako makalipas ang tatlong araw, kailangan ko raw mamahinga ng mga 2 weeks. As in total bed rest. Pero matigas rin talaga ang ulo ko at heto ako ngayon nasa tapat ng building gn Studio YEOL. Gusto kong kausapin si Loey, humingi ng sorry at magpaalam na rin ng maayos.

Para ano pa Rose? Para saktan ang sarili mo ulit?

O saktan rin siya ulit?

I sighed.

I don't want to hurt him again, just like how he was hurt by his girlfriend's passing.

I don't want to see him miserable like the first time I saw him in the cruise ship.

Kaya mas mabuting putulin na ang kung anumang nabubuong pakiramdam bago pa iyon lumalim.

So ano nga ang ginagawa ko rito?

I was about to turn away but just as I was starting to take a step ay bigla siyang bumungad sa harap ko.

That cold emotionless guy I saw the first time in the cruise ship is in front of me right now.

"Loey," sambit ko sa pangalan niya.

Pero ni hindi manlang niya ako tinapunan ng tingin, nilagpasan niya lang ako na tila hindi ako nakita.

He was walking pass through me as if I did not exist on his sight.

Masakit pala, mahirap pala.

Seeing the person you like the most ignoring you, is more painful than experiencing a near death cardiac arrest.

Napahawak akong muli sa dibdib ko at feeling ko ay parang sinaksak ito ng sampung ulit. Should I say goodbye for real Loey?

 

 

Bab berikutnya