webnovel

The Lie

Nagkaroon ng Board meeting ang IMG. habang nagprepresent si Jinho nakatingin lang si Tanya sa kanya, pero pansin ni Jinho ang pagtitig ni Tanya sa kanya. Nang matapos na ang meeting lumapit si Tanya kay jinho.

"jinho pwede ba kitang makasabay ng lunch?"

"may kasama na ako sa lunch."

"sino?"

"my wife"

"ah okay."

nalungkot ang mukha ni Tanya at umalis nalang.

Pero hindi basta susuko si Tanya.

Nakita ni Tanya na papaalis na si jinho at sinundan niya ang kotse ni jinho.

Tumigil sa isang restaurant si jinho at pumasok sa loob.

Pumasok din si Tanya sa loob at umupo malapit sa table nila jinho.

Hindi Makita ni Tanya ang babae dahil nakatalikod ito.

"wifey nag order ka naba?"

"oo"

wait ka lang jinho.. humanda ka sa pag ignore mo sakin ngayon sabi ni tanya sa isip niya.

Tumayo si Tanya at tumungo sa table nila jinho.

"hi..!! jinho. Andito ka rin pala."

Nagulat si jinho pero hindi nito pinahalata.

"hi kamusta na? ikaw pala ang wife ni jinho."

Tumayo si cha at kinamayan si tanya

"ah. Oo. Nice to met you again"

"pwede ba maki join sa inyo wala kasi din ako kasama, tinanggihan kasi ako mag lunch ng officemate ko."

"Sige okay lang" sagot ni cha

Umupo si Tanya sa harap ni jinho, magkatabi ngayon si tanya at si cha sa harap ni jinho.

Kabangkaba na si jinho dahil meron si Tanya. Pinagpapawisan na siya.

"siya pala ang wife mo jinho. Nagkita na kami dati sa mall."

"oo nakwento ko na sa kanya."

"nakwento naba ni jinho sayo na siya ang savior ko?"

"Ha?"

Magsasalita na sana si Tanya pero nagsalita si jinho.

"ahm. ang ibig niyang sabihin, na cover ko siya sa pagka late noon sa isang photoshoot. Kahit galit na nun ang kukuha ng litrato niya nakiusapan ko na maghintay ng saglit baka na traffic lang si Miss Tanya. Malaking project kasi un."

Paliwanag ni jinho. Halos mahingal siya na haba ng sinabi niya.

Nakatingin lang si cha sa kanya. na mukha naman naniwala.

Ngumiti si Tanya kay jinho.

"ah oo." Tumawa ng kaunti si tanya.

"pupunta lang muna ako sa comfort room." Palaam ni cha sa kanila.

Naiwan nga si Tanya at jinho

"anong ginagawa mo dito.?"

mahina ang boses ni jinho"

"sinundan ka malamang"

"please Tanya wag kang gagawa ng exsena dito"

"bakit ka nagsinungaling? Ung sinabi mo wala naman ganun na nangyari. Bakit hindi mo sinabi na pinuntahan mo ko sa bar at ipinunta sa hotel??

"gusto mo bang magalit ang asawa ko?" "Magagalit siya sa akin magtataka siya  bakit kita pupuntahan sa mga oras na iyon. Mag-iisip na siya ng masama."

Hindi alam ni Tanya at jinho na narinig lahat ni cha ang pinaguusapan nila.

Nakita ni jinho na nakatayo na si cha sa likod ni Tanya.

"Cha.. "

Sabi ni jinho.

Tumalikod agad si cha at tumakbong umalis.

"tignan mo ang ginawa mo."

Sabi nito kay Tanya.

Ngumisi lang si Tanya.

Tumayo si jinho at

Hinabol na si cha pero hindi niya na makita ito sa bilis nitong tumakbo.

Naglalakad lang sa daan si cha at umiiyak, hindi niya ma imagine na magsisinungaling si jinho sa kanya kaya pala siya biglang nawala ng 12midnight dahil pinuntahan niya si Tanya. Bakit.. sabi ni cha sa sarili niya. Hindi alam ni cha kung pagkakatiwalaan pa niya ang asawa niya.

Hanap ng hanap si jinho kay cha. Tinawagan niya na din ang mga malalapit na kaibigan ni cha pero wala siya roon. Umuwi siya sa condo pero wala din si cha.

Sumasakit na ang ulo ni jinho hindi niya rin makontact ang cell phone number nito.

cha nasan kana ba..

Nagpunta si cha sa hotel at doon muna ito matutulog, hindi niya kayang makita si jinho.

Umaga na pero hindi umuwi si cha sa condo.

Tinawagan na din ni jinho ang mga kaibigan niya para hanapin na si cha.

Tumunog ang phone ni jinho at sinagot niya ito.

"hello migs..?"

"jinho alam ko na kung nasan ang asawa mo. Nasa Hotel Mirra siya puntahan muna room 204"

"salamat migs."

Pinuntahan nga ito. Pero pagkarating niya doon wala na si cha.

Nagtanong siya sa receptionist

"May kim Ae-cha bang naka check in dito?"

"Meron po sr. Pero sorry sr. kakaalis lang po niya."

"Okay thank you."

Tumakbo agad si jinho palabas baka maabutan pa niya si cha, pero nakita niya na ito na nakasakay na sa cab.

Sumakay agad si jinho sa kotse niya at sinundan ang cab.

Huminto ito sa malapit sa dagat.

Bumaba si cha at naglakad malapit sa tabi ng dagat at umupo.

Lumapit si jinho

"cha sorry.. hindi ko intention na magsinungaling sayo."

"anong ginagawa mo rito diba may pasok ka bakit sinundan mo ako dito?"

"nag-aalala ako sayo kaya hinanap kita kung saan saan."

"talaga? Nag-alala ka sakin? Why?"

Pagalit nitong tanong

"bakit ginagawa mo akong tanga jinho?"

"cha please makinig ka muna sa akin. Ung mga narinig mo ipapaliwanag ko"

"ano paba ang ipapaliwanag mo? Narinig ko ang lahat. Ano nga ba ang ginagawa ng isang lalake at kasama niya ang babae sa isang hotel ng hating gabi?

Galit ang pagkasabi nito.

"lasing na lasing si Tanya noon at ako ang natawagan ng nagtratrabaho sa bar. Kaya ako pumunta doon para iuwi siya. Pero hindi ko alam ang bahay niya kaya dinala ko nalang sa hotel. Pero wala akong ginawa. maniwala ka cha."

"pano kita paniniwalaan kung gumawa ka ng kwento at hindi mo sinabi ang totoong nangyari?"

"baka kasi ma miss interpret mo. At ang totoo cha. Kaya nangyari na lasing si Tanya ng araw na iyon dahil din sa akin"

"bakit?" Tanong ni cha na seryosong nakatingin kay jinho.

" Actually.. she likes me. Inaakit niya ako. Kinukulit parati, pero iniiwasan ko siya dahil ayaw kitang masaktan. Pero hindi niya talaga ako tinitigilan. Remember noong nagkasakit ako? Super stress n ako sa kanya kahit sa office hindi niya ako tinatantanan. maniwala ka cha iniiwasan ko siya

hmmmf....

Napabuntong hininga nalang si cha

"Bakit sa tingin mo pag sinabi mo sakin ang totoo ng gabi na iyon hindi na kita paniniwalaan? Ang tingin mo ba sa akin wala akong tiwala sayo? Ang kinagalit ko jinho  nagsinungaling ka.

Tumingin si cha sa mga mata ni jinho, napakalungkot nagmukha ni cha.

Niyakap ni jinho si cha.

"sorry... Wifey"

Hindi na nga napigilan ni cha tumulo na ang luha niya at humihikbi na ito.

"please.. tahan na."

Hinahaplusan ni jinho ang likod ni cha

Hinawakan ni jinho ang mukha ni cha at

Pinunasan ni jinho ang mga luha ni cha gamit ang kamay nito.

"I love you..."

Sabi nito habang nakatingin sa mga mata ni cha

Kitang kita ni cha sa mga mata ni jinho ang sencere na pagsabi nito. At tumulo ang luha ni jinho.

Bakit kapag nakatingin siya sakin nawawala na ako sa sarili. Hindi ko mapigilan ang puso ko na lumambot.

"hindi ko kaya na mawala ka wifey ko."

"I love you too.. hubby."

Ngumiti si jinho at niyakap niya ulit si cha.

"salamat wifey ko"

__Chapter 11 end__

Author: please dont forget to vote and comment and follow me for more updates of my story.

Bab berikutnya