webnovel

Chapter 5

GOOOOD!!!!.... MORRRRNING!!!!....

[ Emia ]

Yan ang gustong sabihin sa ain ng nakakabulahaw na alarm sa cellphone ko,...

Bwiset naman oh!?... Sino ba ang nag set ng alarm sa c.p ko!,... Bwiset talaga!... Gusto ko pang matulog eh!...

Kinapa ko kung nasaan ang c.p ko nakalagay at pinatay ang alarm,... Mamaya na ako babangon...

----

An hour later...

GOOD MORNING! GOOD MORNING! GOOD MORNING! GOOD MORNING!...

Ito naman ang nangungulit kong cellphone na kanina pa ring ng ring,... Hindi ko na nga pinansin kanina pa eh ayaw pa ring tumigil ng tumatawag...

Pupungas pungas pa ako ng kuhanin ko ang c.p ko at tinignan kung sino ag tumatawag- UNREGISTERED NUMBER!!!!? Kumag to! Ang aga aga eh grabe kung makatawag!...

" o hello! Sino ba ito ha!?... Ang aga aga, iniistorbo mo ako ha!?... "

" nasaan ka na? "

Natauhan ako bigla ng marinig ko ang boses ng tumatawag... Hindi ako pwedeng magkamali, ganun na ganun ang tono nh taong iyon kapag nagsasalita siya...

Lagot!?... Si Sylvan pala ang tumatawag sa akin kanina pa. Nakalimutan kong binura ko nga pala ang number niya kahapon... Anong oras na nga ba?...

Pasaway!!!! Napatayo na ako sa higaan ng makita ko kung anong oras na.

" wag mong sabihin na natutulog ka pa?... Saan ba ang bahay niyo?... "

" hindi na,... Papunta na ako diyan... "

Binaba ko na ang phone matapos kong sabihin iyon at agad ko ng binilisan ang paliligo,...

Ungas yun,... Balak pang alamin kung saan ako nakatira, may balak pa atang sunduin ako,... Hindi ko nga pinapaalam na anak ako ng isang bilyonaryo eh...

**********

[ school gate ] Emia

Nagmamadali na ako papasok ng gate ng academy ng makita ko si Lliane na papasok na rin kaya lang nagmamadali talaga ako ngayon eh...

" good morning Emia... "

" good morning, mamaya na tayo magkwentuhan,... May gagawin pa kasi ako... "

" huh!? May problema kaya?... "

Hindi ko na narinig pa ang huling sinabi ni Lliane basta't agad akong tumungo sa classroom kung nasaan ang first class ko at pagdating ko doon ay agad kong nakita si Sylvan na nakaupo sa may upuan sa dulong bahagi ng room malapit sa may bintana.

Habang papalapit ako sa kanya eh napansin ko na nakatingin lang siya sa may bintana.

May sariling moment din pala ang isang ito,... kaya lang may moment din AKO na sirain ang moment NIYA!...

" hoy!? Ikaw yung nag set ng alarm sa cellphone ko ano!?... "

Tumingin lang siya sa akin ng wala lang at parang walang gana para makipag usap sa akin.

" oo... "

" nang iinis ka ba!?... Ang aga aga pa,... Madalig araw pa lang nun ah... "

" pwede ba akong magalit sayo? "

Ano!?... Ano naman kaya ang inaarte ng taong ito ngayon at parang iba ata ang ugali niya?...

Napatingin ako sa mga mata niya na wala man lang kakinang kinang pero mamasa masa iyon... Kagigising lang ba niya?... Natutulog ata ng gising ito eh...

" lagi kang galit sa akin kaya ako naman ang magagalit sayo... "

Sinasabi niya iyon pero hindi pa rin nagbaago ang expressyon ng mukha niya.

" at bakit ka naman magagalit sa akin? "

" sinadya kong i-alarm ang phone mo ng ganun kaaga para naman makaganti ako sayo dahil dalawang beses mo na akong pinapahamak. Ngayon bakit mo naman binura yung number ko sa phone mo? "

" ewan ko sayo. "

Lumayo na ako sa kanya pagkasabi ko nun,... Beh beh beh...

" nakita mo na, naiinis ka kahit ikaw naman ang may kasalanan, tapos aalis ka na lang. "

Ungas to! Lumayo na nga ako tapos aasarin pa ako?...

Bumalik ako sa kanya at tinignan siya ng masama,... Inilapit ko pa para mahiwa pa siya...

" hindi na ako nagsasalita ah!... "

" nagpapapansin ka ba sa akin?... Baka naman may gusto ka sa akin... "

" huh!?... Ako magkakagusto sayo!?... Naisip mo talaga yan?... "

Baliw to!?... Paano naman ako magkakagus-... nagulat ako bigla ng hawakan niya ang kanang balikat ko ng tumayo siya at tumingin sa akin ng diretso... Isang masamang tingin...

Mas nakakatakot ang tingin niya kaysa sa tingin ko sa kanya kanina... Napakalayo nun... Nasa ibang level ang tingin niya...

" king ganun wag mo na akong lalapitan pa ulit,... Pangatlong beses ko na itong sinabi sa iyo,... Nakuluha mo ba?... "

Ang kapal din talaga ng lalaking ito para sabihan ako ng ganun,... Samantalang tinawag tawagan pa niya ako kanina at binu-bwiset ako tapos nandito ako para kumprontahin siya eh ako pa ang masama!?...

" binigay ko sayo ang number ko para kung sakaling may sasabihin ka eh tatawag ka na lang at hindi mo na ako lalapitan,... Sinabihan na kita na gamitin mo yang utak mo di ba... "

Raar!... Raaar!... Hindi lang ako makapagsalita eh!... Isusumbong talaga kita sa lolo ko... Ayoko lang mabisto pero sumusobra na talaga ang taong ito eh!...

" may iba ka pa bang sasabihin sa akin?... "

oh ayan ah,... Sumusuko na ako para wala na siyang masabi pang iba...--

Nanginig na lang ako ng bigla niyanh ilapit ang mukha niya sa akin at akala ko eh susubukan niya akong halikan pero inilapit niya lang pala ang bibig niya sa tenga ko at saka ako binulungan...

" huwag mo sana akong magugustuhan,... Mahihirapan ka lang. "

Matapos niyang sabihin iyon ay dahan dahan niyang inilayo ang mukha niya sa akin pero nakatingin na ako sa mga mata niya at nakangiti naman siya ng magtama ang paningin namin na parehong hindi nagpapatinag sa isa't isa.

Yung sinabi niya sa akin,.. Alam kong hindi lang niya iyon basta sinabi... Binibigyan niya ako ng babala...

" masyado ka ng tahimik,... Wag mong masyadong isipin ang sinabi ko... Mangyayari lang naman yun kung maniniwala ka... "

Ungas 'to!... Sinabi niya kanina eh gamitin ko ang utak ko tapos ngayon eh pinagtatawanan ako?... Ginu-good time ata ako nito eh!?... Siguro inis talaga siya sa akin at ginagantihan niya ako dahil na late ako ng dalawang beses...

**********

[ end of final classes ] Lliane to Emia

" mukha namang hindi ganoon ang ibig sabihin ni Sylvan... "

" paano mo naman nasabi eh grabe nga siya kung makapagsalita sa akin... "

" sabi niya eh wag mo siyang lalapitan at kung may sasabihim ka sa kanya ay nasa iyo naman ang number niya... "

" oo nga,... Ano naman ngayon?... "

" kung ganun edi pwede mo siyang itext o kaya tawagan atsaka mo sabihin ang mga issues mo sa kanya... "

" tama ka nga,... Pwede ko siyang itext ng kung ano ano at pwede ko rin siyang tadtarin kapag naiinis ako,... Alam ko na kung paano ako makakaganti ngayon... "

" kaya lang pag ginawa mo yun eh parang gusto mo lang na magpapansin sa kanya... "

" feeling niya!... Bwiset!... Ang talino talaga ng taong iyon,... Sinadya niya talaga sigurong ibigay sa akin ang number niya,... Iniisip talaga niya na may crush ako sa kanya at magpapapansin lang... Kala niya,... Hindi ako magpapahulog sa patibong niya... "

" sigh,... Parang alam ko na ngayon kung paano bakit ayaw ni Sylvan na malapit ka... "

" bakit?... "

" wala. "

**********

[ Emia's room ] evening at the mansion

Tinitignan ko kung naka alarm pa rin ang cellphone ko para siguradong walang makakaistorbo sa tulog ko... Maaya eh magising na naman ako ng madaling araw eh...

[ one week later ]

GOOD MORNING! GOOD MORNING! GOOD MORNING! GOOD MORNING!...

Nanlulumo akong bumangon sa kama at kinuha ang nagriring kong cellphone.

" bumangon ka na wag ka ng humiga pa ulit... "

" o... po... Sige na... "

--------

[ at the school ] Emia and Lliane

" parang laging ang sama ng gising mo,... Kulang ka ba sa tulog?... Kasi yung itsura mo eh... "

" paano ba naman eh laging ang gumigising sa akin sa umaga eh yung tawag sa cellphone ko nung Sylvan na iyon!... Nakakainis talaga siya!!!! "

" eh bakit hindi mo na lang patayin ang phone mo bago ka matulog... "

" hindi ko pwedeng gawin iyon, kaaghindi lo nasagot ang tawag niya eh pupuntahan niya ako sa bahay... " kung bakit pa kasi niya nalaman ang address ng bahay ko eh!...

" istrikto ba ng mga magulang mo?... "

" ah,... Hehe... Parang ganun na nga siguro... Naka kasi kung anong isipin nila... "

" oh! Eh maganda nga yun para maipakilala mo siya... "

" huh!? "

" eh! Este pala!... - wag mong hayaan si Sylvan sa ginagawa niya,... Pagsabihan mo siya!... "

" Kung pwede lang talaga eh ginawa ko na,... "

Bwiset kasi yun eh!... Pini-frame up pa yata ako!... Mamaya ma-curious pa siya pag nagsalita ako at silipin ang itsura ng bahay ko...

" tara Emia, hanapin natin siya... "

" ah!... Wag na!... Hindi nga ako pwedeng lumapit sa kanya... "

--------

[ hallway ] Lindoln

Naglalakad kami ni Sylvan ng mamataan ko si Lliane na papunta rin sa direksyon namin,... Teka?... Sino yung kasama niya?... Parang pamilyar siya?...-- Oo tama!... Pero bakit kaya sila magkasama?...

[ Lliane ]

Si Lindoln?... Bakit kaya sila makasama ni Sylvan?...

Hindi ko maiwasan na tumingin kay Lindoln habang palapit kami ni Emia sa kanila...

[ Sylvan ]

Meron atang kakaibang nangyayari sa paligid ah,... Nakakaramam ako ng presence ng hindi pagkakaintindihan...

Parang may dumaraan sigurong mga anghel dahil napakatagal ng katahimikan...

Napansin kong tumahik sa Lindoln at mukha atang nakapako ang paningin niya sa iisang direksyon.

Tinignan ko kung saan iyon nakatuon at nakita kong patungo pala sa direksyon namin si Emia at ang isa pang babae na kasama niya- sandali lang!?... Sigurado akong nakafocus lang din ang paningin nung babae sa amin, -hindi!, siguradong kay Lindoln siya nakatingin...

[ Emia ]

Napansin kong medyo naging tahimik si Lliane na kanina lang eh kung ano anong sinasabi pero maya maya lanv din ay bigla niya akong kinalabit kaya napatingin ako sa kanya ng diretso at huminto sa paglalakad.

" sorry Emia, pero hindi na kita masasamahan s pagkausap mo kay Sylvan... "

" teka!? Bakit naman?... Ikaw kaya yung pumilit sa akin... "

Pinagdikit niya angmga palad niya na akala mo eh humihingi ng pabor sa akin.

" pasensya ka na ah,... Babaw na lang ako sayo next time,... Sige ba-bye... "

Bago pa ako makaangal eh sumibat na kaagad siya. Ano ba 'to!?... Siguradong sasabihan na naman ako nito na walang isip pag kinausap ko na naman siya,... Naku naman.

[ Sylvan ]

Sigurado na akong meron ngang something na nangyayari ngayon... Kitang kita ko ng sumulyap pa saglit yung babae kay Lindoln bago ito umalis. Sigurado rin ako na nagtama ang mga mata nila pero,... Ang mga mata nung babae,... Sinasabi nun na ' " layuan mo ako, please lang "... Samantalang ang kay Lindoln naman eh " gusto sana kitang makita man lang "...

O baka naman sumobra lang ang interpretasyon ko pero alin man duon ang totoo eh wala naman akong balak na kumpirmahin ang bagay na iyon dahil personal na iyon.

Lumingon ako kay Lindoln habang bigla naman siyang tumalikod...

" Sylvan?... Napansin mo ba?... "

" papunta ka na ba sa classroom mo... "

" oo,... Saka na ako magpapaliwanag "

" hindi mo naman kailanvang magpaliwanag,... "

" wag kang mag alala,... Hindi ko naman i-e-edit... "

Umalis na siya pagtapos niyang sabihin iyon at pagharap ko eh malapit na sa akin si Emia...

Parang malamya ang mukha niya ngayon?... Gusto pa ata niyang matulog, kaya lang pag ginawa niya iyon eh mas lalo lang siyang tatamarin pag gising niya... Kaya naman-

" good morning... "

Bab berikutnya