webnovel

THE CASE TO SOLVE : Sino ang ka-date ni Ran?

"Conan-kun, gising na."

Naalimpungatan siya dahil sa pagyugyog ng kung sino sa balikat niya. Umungol lang siya. He was still sleepy. Kung hindi pa siguro sumigaw si Ran ay hindi pa siya babalikwas ng bangon. "Ran-neechan, bakit ka sumisigaw?" naiiritang tanong niya.

Nagpamewang si Ran sa harap niya. "Tanghali na kaya. Hindi ba't nagpaalam ka kagabi na pupunta ka ngayon sa bahay ni Dr. Agasa?"

Napangiwi siya. Oo nga pala, kailangan niyang pumunta sa bahay ni Dr. Agasa para makita ang bago nitong imbensyon na gusto raw nitong ipagamit sa kanya. Inaantok man ay pinilit pa rin niyang tumayo. Nakapikit na dumiretso siya sa banyo.

"Conan-kun, nagluto na ako ng almusal. Nasa mesa iyon. Hindi pa gising si otousan, may hang-over na naman siguro dahil pinagpuyatan niya ang show ni Yoko Okino kagabi."

"Ran-neechan, aalis ka ba?" sigaw niya mula sa banyo.

"Oo. May pupuntahan ako."

Nalukot ang ilong niya. "Saan?" aniya nang makalabas siya ng banyo. Natigilan siya nang makita ang hitsura ni Ran. She was wearing a very beautiful dress. Kulay rosas iyon na hanggang tuhod lang nito ang haba. Napalunok siya. He's never seen Ran that pretty. Pinamulahan siya ng mukha nang makitang lumingon ito at nginitian siya ng matamis.

"Bagay ba sa akin ito?"

Wala sa loob na napatango siya. Ngunit agad na napakunot ang noo niya nang makita ang pamumula ng mga pisngi nito. "S-saan ka pupunta, Ran-neechan?"

Hindi pa man ito nakakasagot ay may kumatok na sa pinto. Excited na binuksan ni Ran ang pinto. Tumambad sa kanila ang nakangising mukha ni Sonoko. Napasimangot siya. Hindi niya ito gusto. Lagi kasi sila nitong tinutukso bilang mag-asawa. "Magandang umaga, Sonoko-chan." napipilitang bati niya.

"Magandang umaga rin, Conan-kun." magiliw na bati nito. "Ano, ready ka na ba?" mayamaya'y baling nito kay Ran. "Wow, talagang pinaghandaan mo ang araw na ito ha?"

Pinamulahan ng mukha si Ran. "Sonoko…" anito sa nananaway na tono.

"Hay nako, whatever. Parang makikipag-date ka lang—"

Mabilis na tinakpan ni Ran ang bunganga ni Sonoko. "Tumigil ka nga!" namumula ang mukhang anito. "Ah, Conan-kun, alis na kami ni Sonoko ha? Pakisabi na lang kay otousan na may pinuntahan kami. Hindi rin ako dito magla-lunch." baling nito sa kanya.

Umalis na ang mga ito't lahat, pero hindi pa rin siya halos makahuma. Did he hear it right? Si Ran, makikipag-date? Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit pakiramdam niya ay gusto niyang magwala ng mga sandalling iyon. Hindi niya mapigilan pero talagang inis na inis siya. Kanino naman ito makikipag-date? Lalong nagtagis ang bagang niya sa naisip. Siguro, isi-net up na naman ni Sonoko si Ran sa ibang lalaki.

"Oi, oi! Nasaan si Ran? Ang sakit ng ulo ko." humahalinghing na tanong ng bagong gising na si Kogoro Mouri. Binatukan siya nito nang hindi agad siya nakasagot.

Nakasimangot na napahawak siya sa nasaktang ulo. The old faggot loved beating him around. Kung hindi lang ito tatay ni Ran, malamang na tinamaan na ito ng soccerball sa mukha. "Umalis siya, ojisan. May date daw. Kasama si Sonoko-chan" nakasimangot niyang sagot.

"Ano?" galit na bulalas nito. Halos mabuway pa itong naglakad patungo sa pinto. "Bakit hindi mo ako ginising? Baka kung sino-sinong lalaki ang bumastos dun!"

Napailing siya. Sino naman kayang matinong lalaki ang babastos kay Ran? Eh national champion kaya yun sa karate. "Ojisan, aalis din ako. Pupunta ako kay Dr. Agasa."

"Sige, magsialisan kayo! Hindi naman kasi kayo kasing busy ko dahil isa akong sikat na detective." parang baliw na nagtatawa-tawa ito.

Iiling-iling na tumungo siya sa banyo at naligo. Pagkunwa'y iniwan niya si Kogoro na nagsisimula na namang uminom ng beer habang nanonood ng concert ni Yoko Okino. What a bummer. Sumakay siya sa kanyang turbo engine skateboard at pinatakbo iyon. Habang nasa daan ay hindi niya maiwasang mag-isip. Sino kaya ang ka-date ni Ran? Nasa ganoon siyang pag-iisip nang mamataan niya ang isang pamilyar na kotseng iyon.

Black Porsche? Ang paboritong sasakyan ni Gin! Kinakabahang itinigil niya ang skateboard at nagtago sa likod ng isang vending machine. Sumilip siya mula sa pinagkukublian. It could be possible that Gin and Vodka were inside that car. Kung sakaling naroroon ang dalawa, ano kayang dapat niyang gawin? Mabilis niyang pinagana ang isip. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Dr. Agasa.

"Agasa-sensei, nakita ko ang sasakyan ni Gin di kalayuan sa bahay ni Kogoro. Sa tingin mo, alam na nilang doon ako nakatira?"

"Shinichi-kun, sigurado ka bang sasakyan ni Gin iyan?"

"Siya lang naman ang mahilig sa—" nalaglag ang panga niya nang imbes na lalaking naka-all black na coat at may silver na buhok ang lumabas ay isang lalaking nakaputi at fresh na fresh ang nakita niya. "A-aradei Tomako?" bulalas niya.

"Ano?" untag ni Dr. Agasa.

"W-wala, wala. Sige, tatawag na lang ako ulit. Hindi rin ako sigurado kung makakapunta ako sa bahay mo ngayon. May kailangan akong imbestigahan."

Hindi man si Gin ang nakita niya ay sinundan pa rin niya ang sakay ng sasakyang iyon. Ano'ng ginagawa ng Doctor na iyon sa tapat ng isang hotel? Biglang dinunggol ng kaba ang dibdib niya. Hindi kaya….umiling siya. Hindi pwedeng ito ang ka-date ni Ran! Nakita niyang dumiretso ito sa receptionist at nagtanong. He was asking for a room number.

Sa hotel magde-date ang dalawa? He was about to call Ran when he saw Tomako talk to an old man. "Naroon sa itaas ang pasyente." anang matandang lalaki.

Nakahinga siya ng maluwag. So, hindi ito ang kadate ni Ran. Sino naman kaya? Pinagana niya ang isip. Dapat niyang unahin ang pagresolba sa pakikipagdate ni Ran. He adjusted his eyeglasses. It was a gadget Agasa made for him. Kaya niyang pakinggan ang pinag-uusapan ng taong nilagyan niya ng cuff link speakers—nilagyan niya ang ponytail ni Ran noon, just in case kailanganin niya iyon. At mukhang iyon na nga ang tamang oras para gamitin niya iyon. He adjusted his eyeglasses' frequency. Nakarinig siya ng hissing sound.

"Ran, tinawagan mo na ba siya?" he heard Sonoko's voice.

"Hindi pa eh." nahihiyang sagot ni Ran.

"Bakit hindi? Eh paano kayo makakpagdate kung hindi mo siya sasabihan?"

"He made a promise. Nangako siya sa akin noon na darating siya kahit na hindi ko siya tawagan. And I am holding on to that promise."

A promise? Sino kaya ang nagpromise kay Ran ng ganon? Ipinilig niya ang ulo. He really has to know who that guy was. Pinaandar niya ang skateboard habang inaadjust niya ulit ang lense ng glasses niya. He would follow Ran and Sonoko. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Ran. He has to find out what's going on.

"Conan-kun, bakit ka napatawag?" takang tanong nito.

"R-ran-neechan, biglang sumakit ang tiyan ko."

"Ha? Uminom ka na ba ng gamot? Sinabi mo na ba kay Dr. Agasa iyan?"

"Hindi pa ako nakakarating doon e. Ang sakit talaga." umaarteng aniya.

"Nasaan ka ngayon?" nag-aalalang tanong nito.

"N-nasa…" he tracked where Ran and Sonoko were heading. "…sa may supermarket."

"Ha? Hindi naman iyan ang daan papunta kina Dr. Agasa ah?"

Napangiwi siya. "Inutusan ako ni ojisan na bumili ng beer eh."

"That old man! Sige sige, pupuntahan kita diyan. Huwag kang aalis ha?"

"Ano? Bakit mo pupuntahan iyang batang iyan? Paano na ang date mo?" narinig niyang sigaw ni Sonoko. "Ako na lang ang susundo kay Conan, basta dumiretso ka na sa Tropical Land."

"Sonoko…"

"Baka nandoon na si Shinichi! Ano ka ba naman Ran?"

Tropical Land? Shinichi? Natigilan siya sa mga narinig. Si Shinichi ang kadate ni Ran? At sa Tropical Land daw? Teka, eh siya si Shinchi ah! Paano sila magde-date kung Conan pa din ang anyo niya? Bigla niyang naisip si Kaito Kid. Hindi kaya nagpanggap na naman ang ungas na iyon bilang si Shinichi para maka-isa kay Ran? Napailing siya. Busy iyon sa pagnanakaw. Hindi niyon uunahin ang makipagdate. Pero, sino'ng Shinichi ang—

"Hindi naman ako sigurado na makakapunta siya eh." malungkot na sagot ni Ran. "Hindi ko nga alam kung naaalala pa niya na nangako siya sa akin noon na magkikita kami ngayong birthday niya."

He froze. Then he remembered everything. Last year, pinangakuan niya si Ran na magpupunta sila sa Tropical Land para magcelebrate ng birthday niya. Natampal niya ang sariling noo. How can he forget about that? Ni sarili niyang birthday ay hindi niya natandaan. May 4 na nga pala. "R-ran…neechan."

"Papunta na ako, Conan-kun." anito sa pinasiglang boses.

"H-hindi na. Okay na ako. Hindi na sumasakit ang tiyan ko. Huwag ka ng pumunta rito." pigil niya. "Ran-neechan, enjoy ka sa date mo ha?" aniya bago tinapos ang tawag.

Napatitig siya sa kanyang voice changing bow tie. He reached for his pocket and brought out his "other" phone. It was a couple phone, na ginagamit lang nila ni Ran na pantawag sa isa't isa. Should he call her? Napailing siya. Ibinalik niya ang cellphone sa bulsa at muling pinasibad ang kanyang skateboard. He has to do something. Hindi niya hahayaang malungkot ng ganoon ng bestfriend niya. Kinuha niya ang cellphone at nagdial doon.

"Oh, Kudo-kun. Napatawag ka?" bati ni Heiji.

"Oi, Hattori, may kailangan akong ayusin. Matutulungan mo ba ako?"

"My my, The Great Detective of the East, ano'ng maitutulong ko?"

"Madami, The Great Detective of the West." gagad niya.

Humagalpak ito ng tawa. "Ano nga iyon, Kudo?"

"Kailangan ko ng wine."

"Nag-aaya kang uminom?"

"Iyong wine na ininom ko dati at nagpabalik sa akin bilang si Shinichi, kailangan ko iyon!" naiinis na sigaw niya.

"Alam mo namang hindi gaanong mabisa iyon, diba? Bakit hindi ka lumapit kay Haibara? Hindi ba't may naimbento siyang antidote para sa'yo?"

"Oo nga ano? Wala ka talagang kwentang kaibigan. Bye!" biro niya. Pinatayan niya ng tawag si Heiji. Dumiretso siya sa bahay ni Dr. Agasa. Tsk. Doon din pala ang bagsak niya. He glanced at his wrist watch—na stun gun din. He had no time. Siguradong nasa Tropical Land na si Ran. Only the thought of seeing Ran's sad face made his chest feel like being squeezed.

��Oh, akala ko hindi ka makakapunta?" takang tanong ni Dr. Agasa ng mapagbuksan siya nito ng pinto. Dire-diretsong pumasok siya sa bahay nito.

"Nasaan si Haibara?"

"Umalis eh. Hindi nga nagpaalam sa akin. Mamayang gabi pa raw ang uwi niya."

Napaungol siya. "Kailangan kong humingi ng antidote sa kanya."

"Antidote? Para saan?"

He explained about Ran and their supposed date in Tropical Land. Inakay siya ni Dr. Agasa patungo sa laboratory ni Haibara. "Ano'ng gagawin natin dito?"

"Iniwan ni Ai-kun ang mga gamot na naimbento niya. Baka nandito iyong antidote."

"Haibara, I need the antidote." Tinawagan niya ito.

"Bakit?" she asked coldly.

"K-kailangan kong…"

"Si Ran ba?"

Napipilan siya sa tanong nito. Whenever Haibara asked or talked about Ran, nagkakaroon siya ng kakaibang pakiramdam sa bawat salitang binibitawan nito. "Yes."

"Hindi ako sigurado sa gamot, lalo na sa side effect."

"I don't care. Basta kailangan kong mainom iyon sa lalong madaling panahon."

"Bahala ka. Nasa second drawer ng cabinet ni Dr. Agasa sa kwarto."

Iyon lang at pinatayan na siya nito ng tawag. Napailing siya. It was so Haibara, always cold and aloof. Wala siyang inaksayang panahon. Kinuha niya ang gamot at mabilis na ininom iyon. Pinahiga siya ni Dr. Agasa sa kama. And after more than a minute, naramdaman na niya ang epekto ng gamot. Napauklo siya at napahawak sa kanyang leeg.

Napakasakit ng dibdib niya. He couldn't breathe. Napasigaw siya. Naroon na naman ang weird feeling sa dibdib niya. His heart was pounding so hard that it almost wanted to rip his chest. Hinihingal na siya, pinagpapawisan at hindi mapakali dahil sa sobrang sakit. Hanggang sa biglang dumilim ang paligid. Ang sumunod na nangyari ay hindi na niya alam.

Bab berikutnya