-- DYAWNE LEE/ LEE DONG MIN --
"Samchon!"
"O, Dong Min! Ikaw ba yung nakabangga ng paso?"
"Ani"
*Translation: No*
"Eh sino?"
"Naglalaro po kasi si Princess Ye Na at si Ji Ro, sumali po ako napalakas ko po yung sipa sa bola".
"Ahh. Sige matutulog na ako ulit".
"Sige po!"
Matapos makabalik si Samchon. Nakita ko si Jang Yeon na nagtatago. Agad naman kaming lumakad nila Princess Ye Na at si Ji Ro. Agad pinuntahan ni Ye Na si Jang Yeon at biglang takbo naman kami. Nakabalik kami sa kwarto ko.
"Salamat sa pagtulong sa akin!"
"Walang anuman. Ikaw kasi wag kang sunod ng sunod, buti na lang sinundan kita".
"Salamat!"
"Di mo na kailangan".
Hinatid namin sila Ji Ro at si Princess Ye Na. Habang pabalik kami, biglang may sinabi si Jang Yeon.
"Dong Min!"
"Hmm?"
"Mamaya na lang."
"Sige!"
At nakabalik na kami, ipinaghanda ako ng tiyaa ni Jang Yeon.
"Nga pala, bukas na ata ang huling araw ng pagsisilbi mo sa akin".
"Opo."
"Maraming Salamat sa lahat ng tulong mo, at nga pala yung pinangako ko na dadalhin kita kay Lady Han".
"Maraming Salamat din po! Pero Dong Min, may sasabihin sana ako."
"Ano yun?"
"Narinig ko ang Empress na tinatawag si Prince Lee Woo Chan na Yeobo".
"Yeobo?!"
"Opo."
"Tapos ano nangyari."
"Niyakap nila ang isa't isa. Tapos sabi nung Empress na kailangan daw nilang mag-ingat dahil madami na raw ang nakakaalam ng kanilang plano. Tapos sabi ni Woo Chan, sino daw yung dumagdag kay Seo Jeong. Sagot naman ni Empress si Princess Hae Ra may alam sa kanilang plano at kailangan na daw i-dispatsa".
"Pero bakit si Eomeoni! Bakit niya ginagawa ang mga ito? Di dapat isa siyang modelo ng bansang ito? Arghhh!!!"
"Kalma po, prinsipe baka marinig po kayo."
"Jang Yeon, sa totoo lang balak ko sumama sa iyo, sa pagpunta mo kay Lady Han. Pero tingin ko kailangan ko munang mag-imbestiga tungkol dito, naniniwala naman ako, pero kailangan ko ng matibay na ebidensiya".
"Ahh, ganon po ba?"
"Pero ihahatid kita ng sigurado ako na ligtas ka."
"Ahh, sige po mauna na ako mag-iimpake na po ako."
"Sige."
Bakit ganito, akala ko itong sakit lang ang aming misyon, pero bakit ganito? Paano nila nagawa ang mga ito? Di kaya ang mga taksil na iyon ang sakit sa bansa?
Pinuntahan ko si Abeoji para magpaalam sa kanya na may pupuntahan ako. At pinyagan naman niya ako ngunit bago ako umalis may tinanong ulit si Abeoji.
"Dong Min, asan pala si Hae Ra?"
"Di ko rin po alam."
"Ahh. Sige"
Madalim pa lang ang paligid pero kumatok na kaagad si Jang Yeon.
"Ano ba yan ang aga aga!"
"Dong Min, bilis papasukin mo ko, baka may makakita na dala dala ko yung gamit ko".
"Ahhh."
Biglang binuksan ko ang pinto at nilagay niya ang gamit niya.
"Nga pala mamaya pa tayo aalis ah."
"Alam ko."
"Magpapaalam ka pa kay Abeoji."
"Sige mauna muna ako".
"Saglit san ka pupunta?"
"Basta!"
"Huyy...saglit!"
Ano bayan ang aga aga manggugulo nanaman to.
"Bakit saan mo nanaman balak pumunta Jang Yeon?"
"Pupuntahan ko si Hae Ra."
"Hae Ra?"
"Oo".
"Hae Ra?"
"Oo nga bingi ka ba? Paulit-ulit?"
"Oo na"
Naglakad pa kami ng kaunti at narating namin ang lugar kung saan nakita namin nakagapos si Hae Ra at ang kanyang eomma.
"Jang--- Yeon-?" - Hae Ra
"Opo. Princess Hae Ra ako po ito."
"Bakit ka nandito baka dumating ang Empress!"
"Ok lang po."
"Jang Yeon kunin mo yung isang matalim na kutstilyo dun di ko matanggal yung tali, bilisan mo bago sumikat ang araw."
"Ito."
Natanggal na namin ang mga tali sa kamay at paa nila.
"Tara pumunta tayo sa isang lugar na walang tao".
Nakapunta kami sa bahay nila Seo Na, nabilin sa akin ni Lady Han na maari ko ipagamit ang lugar na iyon sa nangangailangan. Pinunta namin sila sa kuwarto ni Seo Jeong. Mas ligtas sila kung andito sila.
"Hae Ra, dito muna kayo. Wag kayong aalis hanggang di pa ako bumalik dito. May pagkain na inihanda si Jang Yeon. Ito ang kainin ninyo at ito ang sapat na suplay ng tubig. Dito lang kayo."
"Maraming salamat. Dong Min!"
"Wala yun."
"Mauna na kami. Basta pag may pumasok sa pinakapinto dun kayo magtago, tiyak na di kayo makikita."
"Sige"
Nauna na kami ni Jang Yeon at saktong pasikat palang ang araw. Nagmadali kami sa aking kwarto. Ilang minuto ang lumipas pupunta na kami kay Abeoji.
"Abeoji!"
"Pyeha!"
"Jang Yeon at Dong Min!"
"Ahh, magpapaalam na po pala ako. Tapos na po ang usapan natin."
"Oo nga pala. Sige pwede ka na pumunta kung saan mo gusto pumunta."
"Salamat po!"
Tumango si Abeoji at lumabas kami. Nagulat naman ako sa pagdating ni Samchon sa harap ko.
"Dong Min, nakita mo si Hae Ra?"
"Hindi? Bakit po?"
"Nawawala kasi siya."
"Ganon ba? Sige po mauna na kami!"
"Sige."
Habang papunta sa bahay nila Jang Yeon parang may sumusunod sa amin. Kaya medyo nag-antay pa kami na mawala yung sumusunod sa amin. Pagkalipas ng ilang minuto mukhang wala naman na yung lalaki.
"Jang Yeon, tara na. Baka gabihin pa tayo."
"Ahh, sige! Eomma mauna na po ako!"
Habang naglalakad kami sa mataong lugar may lalaking nakabangga kay Jang Yeon at sinalo
Bigla akong nagulat sa aking naramdaman, isang bagay na ngayon ko lang naramdaman.
"Dong Min?!"
"Uhm-- "
"Sige tara na."
Nagmadali si Jang Yeon na parang ayaw niya akong kibuin
"Huy Jang Yeon, hintay!"
Tumakbo ako at hinila ang kamay niya, at yun nagkatitigan nanaman kami.
"Jang Yeon! Bakit mo ba ako iniiwasan. Patawad na kung nagawa ko yun."
"Wag mo na lang muna kasi ako intindihin."
Bigla namang nakita namin si Samchon.
"Samchon!"
"Saan kayo pupunta?"
"Uhm, maglalakad lang po. Kayo po."
Bigla ko namang naramdaman ang mahigpit na paghawak ni Jang Yeon sa kamay ko na parang kabado siya.
"Uhm, maglalakad lang din."
"Ahh, sige po mauna na kami."
"Saglit."
"Po?" Kabado kong sagot
"Siguradong ba kayo na wala kayong kinalaman sa pagkawala ni Hae Ra?"
"Ilang beses ko po ba sasabihin na wala nga po kaming alam."
"Ahh, sige. Mauna na ako."
Tinignan na muna namin kung wala na siya.
"Jang Yeon."
"Ito ituturo ko na lang yung lugar malapit naman na, baka kasi makita ni Samchon."
"Sige po."
Tinuro ko sa kanya saka ako umalis. Pagkatapos ko sumakay sa isang kabayo na iniwan ko mabilis akong nakabalik ako sa dating bahay ni Lady Han, sinugurado ko na walang tao.
Pumasok ako sa kuwarto kung saan ko iniwan sila Hae Ra.
"Hae Ra?"
"Dong Min?"
"Kamusta?"
"Oo, pero gusto ko na bumalik sa bahay namin."
"Umm, di ko sigurado kasi ako lang mag-isa diba".
Bigla akong may narinig na nagbukas ng pinto at kinabahan ako dahil mukhang alam niya kung nasaan kami.
"Shh." sabi ko kay Hae Ra at sa kanyang nanay. At nagtago sila sa lugar na sinabi lo
At. Biglang binuksan yung pinto.
"Saglit--Seo Jeong!?"
"Dong Min!"
Nagulat ako sa kanyang pagdating
"Bakit ka andito?"
"Nakwento sa akin ni Jang Yeon ang mga pangyayari pagkatapos ng di matuloy ang kasal nila Hae Ra at ang mga ginawa nila Woo Chan. Nga pala nasaan si Hae Ra?"
"Nandoon sila. Dun ko sinabi na magtago sila. Akala ko kasi kung sino."
"Seo-- Jeong?!" - Hae Ra
"Hae Ra?"
Bigla silang nagyakapan.
"Kamusta ka? May masakit ba sayo? May nangyari ba sayo? May binigay ba silang tiyaa?"
"Maayos lang ako Seo Jeong. Walang binigay sa amin na kahit ano. Ikaw?"
"Ganon din ako. Isasama na kita sa lugar namin. Ayoko na nandito ka."
"Pero—paano?"
"May balak na ako."
"Ano iiwan niyo ko?" - Dong Min
"Hindi, pababalikin namin si Jang Yeon. At si Ryeong."
"Huh? Pero tingin mo papayag siya?"
"Oo, nakausap ko na siya."
"Hindi na siya papayag na pakasalan si Hae Ra dahil sa maaring mangyari pa sa kanya. Kaya ang balak niya na lang gawin ay matapos itong misyon natin at makabalik na tayo."
"Sam-yeong?!"– Hae Ra
*Translation: Mi-ssion?!*
"Nae."
"Teka, anong ibig sabihin niyo?"
"Galing kami sa kasalakuyang panahon. Napunta lang kami dito dahil sa libro na nakita ni Zeline o ni Seo Na. Kaya kami nandito para lunasan ang sakit na ito. Pagnatapos namin ito makakabalik na kami."
"Jinjja?"
*Translation: Really? *
"Pero bakit mo tinawag si Seo Na bilang Zeline?"
"Yun ang tunay na pangalan niya sa panahon namin."
"Ahh, edi ibig sabi din meron ako?"
"Oo. Ako si Gemson, si Dong Min ay si Dwayne at si Ryeong ay si Ryxen. At ikaw—si Hyra."
"Ako si Hyra? Pero bakit wala akong naalala?"
"Nahawa ka kasi sakit na CB20 sa kasalakuyang panahon. Hindi sumama ang alaala o basta ang hirap ipaliwanag sa iyo. Pero tandaan mo na palagi kaming nandyan."
"Seo—Jeong?" Habang paiyak na sabi ni Hae Ra at saka niya niyakap ulit si Seo Jeong.
"Ehem, so paano na yung plano mo Seo Jeong?" – Dong Min
"Basta pupunta kami sa dinadaanan ko. Malalaman mo naman kay Jang Yeon kung nakabalik kami."
"Sige kung ganon, sabihin mo pala kay Jang Yeon susunduin ko siya sa bahay nila."
"Sige."
Nakaalis na sila. At tinignan ko kung may mga tao. Pinuntahan ko si Abeoji para sabihin sa kanya na makasama ko pa rin si Jang Yeon, pumayag naman si Abeoji kaya nakabalik ako sa aking kuwarto na masaya at medyo pagod. Hanggang sa pagkagising ko
"Hmm? Sino yun?"
"Ako ito Dong Min!"
"Jang Yeon?!" Biglang yakap ko sa kanya.
"Umm, Dong Min?"
"O, bakit? Uhm...sorry."
"Hahaha, kamusta ka naman pala?"
"Maayos lang ako. Ikaw?"
"Ganon din! Saan mo gusto pumunta?"
"Kahit saan mo gusto."
"Ahh, sige punta tayo sa lugar na paborito kong lugar".
Saan naman kaya ako dadalhin nito. Sana naman dun sa lugar na matutuwa ako.
"Si- jang?!"
*Translation: Market?!*
"Oo, bakit ayaw mo ba?"
Ano ba yan ang daming tao. Hayssss, di bale na nga.
"Ahh… hindi. Sige tayo na."
Naglibot kami ang daming nakatitig sa akin dahil minsan lang ako napadadaan dito, kadalasan gabi pa.
"Ito ang paboritong lugar ko."
"Ahh..."
"Ayaw mo ba?"
"Hindi naman."
"WeEeHhHhhH?"
"Oo nga." Sabay ngiti ko
"Ang cute pala ng ngiti mo."
"Huh? Ahh… oo naman ako pa! Teka cute? Saan mo nalaman yun?"
"Kay Lady Seo Na."
"Talaga?"
"Opo."
"Uhm…ganon?"
"Opo."
"Pero may tanong ako."
"Ano po yun?"
"Sino yung taong gusto mo?"
"Yung cute, matalino, matangkad, gwapo, saka mabait."
"Ahh!!"
"Bakit niyo naman po naitanong?"
"Wala, naisip ko lang."
"Ahh."
"Teka, padilim na may gagawin ka pa ba?"
"Oo, pupuntahan ko sila Eomma."
"Sige hintayin kita dito."
"Sige!"
Tinignan ko siya ng malayo na nakangiti sa akin na kumakaway, parang akala mo naman di na kami ulit magkikita. Naghintay ako ng naghintay hanggang sa mas dumilim ang paligid.
"Asan na kaya yun." Nagdesisyon ako na puntahan na siya sa bahay nila. Pagkakita ko sa bahay nila mukhang kausap pa niya. Hanggang sa sobrang tagal na talaga, pumasok na ko. Pagkapasok ko iba ang kausap ng nanay ni Jang Yeon pero nakita ko naman yung mga gamit na binili niya kanina.
"Umm… Nandyan po ba si Jang Yeon?"
"Nakaalis na siya? Di mo pa ba kasama?"
"Sabi niya pupunta siya dito."
"Oo nga nakapunta na siya dito nabigay na niya sa akin yung binili niya. Nakaalis na rin naman na siya."
"Ahh, sige po."
Saglit. Bakit parang iba yung pakiramdam ko, bakit parang may mali.
"JANG YEON!?!!?"
Tinignan ko ang lahat ng pwedeng pagtaguan niya, binalikan ko rin yung lugar kung nasaan ako nakatayo kanina. Pero… wala siya kahit saan. Bumalik na ako sa plasyo, baka nauna na siya sa akin. Pero wala rin siya. Pinuntahan ko si Abeoji.
"Abeoji!"
"Hmm?"
"Naparito po ba si Jang Yeon?"
"Ani."
"Sige po mauna na ako!"
Pero asan siya? Binalikan ko ang lahat ng lugar na pwede ko siyang makita. Pero wala talaga siya kahit saan. Baka naman pinuntahan niya sila Seo Na. Hayysss bakit ko ba ako masyadong nagaalala, pero may kakaiba talaga sa nararamdaman ko, di naman ako ganito kapag kasama ko si Seo Na, parang di ko siya maalis sa isipan ko, feeling ko may masamang nangyari sa kanya. Asan na ba kasi yun.
"Jang Yeon!!!"
Naglakad pa ako ng may nakita akong lalake na parang kahinahinala yung mukha niya. At tumingin muna siya paligid niya kung may tao at saka siya pumasok sa lugar na iyon. Nakita ko ang pag-alis nung lalaki at saka ako pumasok hanggang sa nakita ko si Jang Yeon
"Jang Yeon!!"
Lalapitan ko na siya ng—(POoOOoKk!!). Biglang may pumalo sa ulo ko. At nahilo ako at nakita ko si Jang Yeon na walang malay at nakagapos ang kamay at ang bibig niya. Bago ako mawalan ng malay huling nasabi ko:
"Saranghae—Jang Yeon."