Xander POV
Halos makatulog na si Zia sa table namin pero hindi parin kami pinupuntahan ni Sheena. "dito ka lang muna hahanapin ko lang ang kaibigan mo" sabi ko. Ungol lang ang narinig kong tugon mula sa kanya. Inayos ko muna sya sa pagkakaupo bago iniwan.
Nagpunta ako sa dance floor para hanapin ang kaibigan nito. Para akong sumisid sa dagat sa dami ng taong naroon. Sobrang siksikan na halos yung ibang mga nagsasayaw ay nasisiko at nababangga ako. Hindi ko na inalintana ang dami ng tao roon at ang pakikipagsiksikan. May mga babaeng gusto akong isayaw pero nilalampasan ko lang sila at hindi pinapansin.
Mga sampung minuto pa ako naghanap pero hindi ko sya makita sa dance floor. Nagdesisyon na akong pumunta sa bar counter baka sakaling naroon ito. Hindi naman ako nabigo, naroon sya nakaupo at may kausap na lalaki.
"Sheena, ihahatid ko na ang kaibigan mo" anas ko ng makita ko sya doon. Nagulat pa ako ng lumingon ang lalaking kausap nito, si Gio.
"oh Xander!" tipong parang nagulat si sheena sa pagsulpot ko.
"Hey Xander, come on let's drink" aya ni Gio sabay taas sa baso ng beer.
"Zia is here. I need to go back to the table, baka kung ano na nangyari dun." sabi ko.
"Sama ako sa table nyo" anas ni sheena.
"Sasama na rin ako" sabay tayo naman ni Gio. Naglakad na kami papunta sa table namin ni Zia. Sa di kalayuan napansin ko na agad ang table namin, nagsalubong ang mga kilay ko ng may makita akong lalaking katabi ni Zia, pilit itong itinatayo sa pagkakaupo.
Patakbo akong pumunta doon at sinugod ng suntok ang lalaki. Napabagsak naman ito sa sofa sapo ang bibig na may tama at dugo.
"Don't dare touch my fiancee or else i will kill you!" sigaw ko sa lalaki. Nakaagaw ako ng pansin sa ibang customer pero ang iba ay parang wala pakialam. Samantala pinigilan naman ako ni Gio ng akma ko pang susugurin ang lalaki.
"Go now dude!" pagtataboy ni Gio sa lalaki. Tumayo ang lalaki mula sa pagkakabagsak sa sofa, napangisi naman ang lalaki. Parang nangaasar pa lalo. "Ikadena mo ang babae mo dude! Hwag mo syang hayaang magisa kung ayaw mong maagaw sya ng iba" Nginitian nya ako ng nakakaloko, tumigil pa ito sa tapat ko "She's pretty, at ang bango pa". Pumikit pa ito na animoy inaamoy parin si Zia.
Hinampas hampas naman ni Sheena ang lalaki ng dala nyang slingbag "Manyak! Manyak!" sigaw nito sa lalaki habang hindi tinitigilan ito sa paghampas. Sya naman ang inawat ni Gio.
"aray! aray! stop it" anas ng lalaki at tumakbo palayo sakanila.
Dinaluhan naman agad ni Xander si Zia. Lasing na lasing ito, nanatiling nakapikit parin ang mga mata nito. "Hindi dapat kita iniwan dito ng magisa. Kung nahuli pa ako ng dating baka natangay ka na ng gagong lalaking yun" bulong ko sa kanya.
"Sorry Xander, nakalimutan ko sya. Ito kasing isang to, kung hindi ba naman ako nilalandi sana hindi nawaglit sa paningin ko si Zia" sabay hampas sa braso ni Gio.
"oh bakit ako? Eh ginusto mo din naman, diba?" malambing na sabi nito, umikot pa ito sa likod ng babae sabay patong ng baba nya sa balikat ni Sheena. Inirapan naman ni Sheena si Gio.
Hindi ko naman pinansin ang dalawang nagkukulitan, hindi ko alam pero may something na siguro sa dalawa.
"iuuwi ko na sya Sheena. Gio ikaw na bahala kay Sheena, hwag mo yang iwan magisa baka magkalat pa, nakakahiya" paalam ko sa dalawa.
"Grabe ka naman Xander" sabay nguso ng babae "cge ingat kayo" panabay na sabi ng dalawa.
"ako na bahala dito kay Sheena baby" sabay kindat.
"Sige, Gio ha?" tumango naman si Gio bilang tugon. Binuhat ko naman si Zia palabas sa bar hanggang sa marating namin ang kotse ko.
"Nakailang beses na ba kitang makikitang lasing? Ang lakas talaga ng loob mong uminom, hindi mo naman kaya" bulong ko dito na akala moy batang sinesermonan kahit alam kong hindi naman nito maiintindan ang sinasabi ko. Inayos ko ang pagkakaupo nya sa kotse ko pagkatapos ay umikot na ako papunta sa driver seat at pinaharurot na ang sasakyan ko. Napabuntong hininga na lang ako ng muli kong sulyapan si Zia.
Napagdesisyunan kong sa condo na kami umuwi. Medyo pagod na rin naman ako.
Pagkarating namin sa building ng condo ko, inayos ko muna sa pagpark yung kotse ko at dumeretso sa elevator na naroon. Buhat buhat ko pa rin si Zia, Pagpasok sa elevator pinindot ko na ang pang 17th floor. Medyo nangangalay na ang mga braso ko, may kabigatan din kasi itong si Zia.
Pagpasok namin sa condo ko agad ko namang inihiga si Zia sa kama, inalis ko lang ang sapatos nito at kinumutan. Nagtungo naman ako sa banyo para maligo at magbihis. Pagkatapos ko maligo ay kumuha ako ng isang unan at kumot bago nagtungo sa sala. Sa may sofa na lang ako matutulog.
Kinaumagahan nagising ako, tinignan ko ang cellphone ko alas otso imedya na. Nagtungo ako sa kwarto, sinilip ko si Zia tulog parin ito. Naghilamos muna ako bago nagtungo sa kusina. Magluluto ako ng breakfast. Nagluto ako ng dalawang itlog at bacon at hotdog. Nagsalang din ako sa oven ng sliced bread at nilagyan ko ng flavored margarine yung ibabaw. Nagtimpla din ako ng black coffee.
Inayos ko na ang dining table gigisingin ko na si Zia pagkatapos ko ayusin ang pagkain sa mesa.