webnovel

Most Beautiful

Umupo ako sa favorite spot ko sa canteen dala dala ang tray na may lamang pagkain. Hanggang ngayon di ko parin ma processed sa isip ko ang katotohanan that made me order Carbona,Spaghetti, Lomi, Rice, Kaldereta, Sundaes at Coke with additional fried nuggets. Mag stestress eating ako! Hmp.

Nakakailang subo palang ako ng sumulpot sa tabi ko si Tristan. 

"Puta! Order mo lahat yan!?" gulat na tanong nito at inilapag ang order niya. Siniko ko naman siya sa tagiliran.

"Wag moko kausapin hindi tayo close" sambit ko bago muling sumubo at nag focused sa kinakain ko ng may dalawang lalaki na namang umupo sa harapan ko.

"At kailan tayo naging close para makipag share kayo ng table sakin?" Nakataas ang kilay kong tanong sa kanila. 

"Close ka sa babaeng mahal ko so that means close na din dapat tayo..." sagot ni Tristan na nginiwian ko lang.

"Tanga! Di na babalik sayo yun" hinawakan niya naman bigla ang kamay ko dahilan para magulat ako.

"Tristan!" sabay na saway ng dalawa kaya bigla akong binitawan ni Tristan. Ano naman daw ang problema ng dalawang yan?

"Possessive naman kayo masyado e gusto ko lang naman magpatulong e" parang batang sambit nito. Kumuha ako ng spaghetti.

"No" i answered bago sumubo. 

"Arrrrrcccc" nagpapaawang sambit nito pero iniling ko lang ang ulo ko at mabilis na nilantakan ang pagkain ko dahil napaka awkward nilang kasama. Feeling ko bawat subo ko ay pinagmamasdan ng dalawa sa harap ko.

"Cute" Khero.

"Sexy" sambit naman ni Grint.

"Halimaw" who else si Tristan syempre. 

"Panunuorin niyo talaga akong kumain?" mataray na tanong ko bago kumuha ng tissue at pinunas sa bibig ko. Ang awkward kaya mga puchang to.

"Ako nagulat lang, ang dalawa yong tanungin mo kasi mukhang naeenjoy nila" ani Tristan at tinuloy ang pagkain. I shifted my gaze sa dalawang lalaki na halos kokonti palang ang bawas ng pagkain.

"Seryoso kayong dalawa sa ginagawa niyo?" bored na tiningnan ko sila.

"I can live watching you eat that's how I like you" banat ni Khero na hindi na talaga bago sa akin. Inilipat ko naman ang tingin kay Grint.

"You're most beautiful when you're eating, you're most beautiful in anything and you're everything when you're my wife, honey" kumabog na naman ang dibdib ko dahil sa mga salitang yon. 

Kitang kita mo kung gaano katalim ang tingin nila sa isat isa na parang may bultaheng naglalaban dito at when the atmosphere became intense I stood up.

"Bahala nga kayo diyan!" sambit ko bago umalis at iniwan silang tatlo sa canteen. I heard them call my name but I ignored it. Naguguluhan ako sa kanilang dalawa. Nakakainis.

Habang nagmomonolouge ay natanaw kong papalapit sa akin si Teya. Ngumiti ito at kumaway sa akin,ng makalapit na siya ay hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya. It may come a little bit late but I know she needs it, everyday. She suffers everyday without me realizing it, she's always there when I need her without knowing na mas mabigat ang dinadala niya. My poor friend.

"Woah, Ayos ka lang?" Natatawang sambit nito at gumanti sa yakap ko. Di ko napansing tumulo ang luha ko, she's always seeing my soft spot. Damn, this girl napaka loyal talaga.

"Alam ko na ang lahat, so please let me hug you" bulong ko sa kanya kaya ito natigilan. Napahinga ito ng malalim. Ng makabitaw sa yakap niya ay hinarap ko na siya. 

We are now sitting at the grass malapit sa soccer field. Sipping some juice.

"He was kidnapped?HAHAHA by who? Yong mama niyang puro yaman lang ang nasa prinsipyo? Pathetic!" she exclaimed at halos hindi makapaniwala sa sinabi ko.I explained her what I've known na mukhang hindi niya alam.

"Yong mama niya? But why?" Takhang tanong ko. 

"She never want us together that she wants me and my family dead" pinunas niya ang mga nagbabadyang luha sa mata niya. Nasasaktan parin siya hanggang ngayon. 

"But how did you survived?" Kung nangyari nga na sumabog ang sasakyan niya she could be dead by now. Who would have thought she's alive?

"Dahil sayo" gulat na tiningnan ko naman siya. 

"What do you mean dahil sakin?" At bakit hindi ko alam? Bakit para akong mangmang na walang alam sa sarili ko.

"It was three years ago, I jumped at the car before it explodes but that doesn't save me from the damages, it was you and your family who saved and took me at the hospital, kung hindi dahil sayo patay na nga siguro ako" she stated na mas lalong gumulo sa akin. I felt a pinch in my head ng sinubukan kong alalahanin ang mga sinabi niya. But i can't! Pucha! 

"HAHAHA don't try to remember it, it happens before your brain tumor operation three years ago and one of the effects are the permanent memory loss" natatawa niyang sambit patting my head. Napabuntong hininga nalang ako, nakaka stress na masyado ahhh...

"Pumasok na tayo" aya niya bago tumayo at pinag pag ang palda niya. Tumango nalang ako at ganun din ang ginawa.

"Master! Pinapapasok na tayong lahat kasi may announcement daw si Class President!" Salubong sa amin ng babaeng hapit na hapit ang uniform. Isa sa mga alagad ko.

"Sige, susunod na ako" Seryosong sagot ko kaya naman ay nauna na siyang umalis. 

"Ang lupet mo talaga! Paturo din ng tricks master!HAHAHA" pabirong sambit ni Teya. Muse kasi ng klase namin yon at ako isang tamad na ayaw tumanggap ng responsibilidad. Who would have thought na magiging alipin ko sila? HAHAHAHAHA 

"Makinig kayong lahat! Magkakaroon tayo ng year end trip at lahat especially yong may mga absences ay mandatory na sasali..." Panimula ng class president namin at ito ako napasampal nalang sa noo dahil dalawang linggo na hindi nakapasok. Bwisit!

"Pero dahil marami tayo 2 departments lang ang magsasama sa isang venue, at ang partner departments natin ay ang department ng business and management" dagdag pa nito at halos lahat ng kaklase ko ay nagkagulo.

"Diba don halos lahat nag aaral ang mga future C.E.O? Kyahhh! Hunting na this!!!" Sigawan ng mga pakarat kong kaklase.

"Ang campus royalties ba sasama?" Taas kamay na tanong ng isang kaklase namin dahilan para lumaki ang mata ko. Class Royalties? Diba yon yung apat? Ayyy pucha!

"Yup,i guess so mandatory yun kasi sobrang dami nilang absences this month..." Sagot ulit ng president namin at umugong na naman ang sigawan ng mga kaklase kong makakati ang singit.

Anak ng pucha naman, wala na ba akong imamalas pa? Sobrang malas ko na ah! Sinulyapan ko naman si Teya na napakamot nalang sa ulo. 

"Tayo ang departments na naka scheduled this incoming Saturday, 3 day trip yon kaya be ready" pagkatapos niyang sabihin yon ay bumalik na siya sa upuan niya.

It's Wednesday at three days lang kami magpeprepare? Anak ng pucha!

Bab berikutnya